Chereads / UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER / Chapter 17 - Chapter 15 (Realization)

Chapter 17 - Chapter 15 (Realization)

Matapos maiakyat lahat ng mga pinamili nila Arthur at Melody ay napahilata na lang ang dalawa dahil sa sobrang pagod. Sa kanilang pagpapahinga ay nilapitan siya ni Arthur.

Art: Bes....

Mel: Hmm??...

Sagot nito habang nakahiga at nakapikit ang mata.

Art: Hindi ka ba magtatanong?

Mel: About Saan?

Art: About sa bagong set up ng room.

Tanging pag-iling lang ang sinagot nito.

Art: Ha? Bakit naman?

Mel: Pagkatapos ng mga pinaggagawa natin maghapon, inaasahan ko na ito. Pero hindi Ganito kabongga, hindi ko lang alam kung ano ba ang dapat na maging reaction ko.

Art: Napagod ka ba?

Mel: Hmm, Medyo. Iniisip ko lang kung totoo ba talaga ang mga nangyayari ngayong araw na ito.

Art: Totoo ang lahat ng ito, yun ang paniwalaan mo.

Agad naman itong napabangon sa pagkakahiga at agad na hinarap ang kaibigan.

Mel: Alam mo kasi ang hirap lang paniwalaan, tingnan mo, sunod-sunod ang blessings na na-received ko ngayong araw. Nagkaroon ako ng scholarship at may allowance pa. Tapos may pa total make over pa, lumabas pa tayo at namili ng mga kung ano-ano. Pero kahit piso wala akong ginastos, na ni hindi ko man lang naranasan sa buong buhay ko. Napaka-imposible, hindi ba?

Art: Anong imposible, eh nangyari na nga eh.

Mel: Tapos tingnan mo ang buong room natin. May aircon, may refrigerator, complete set ng kitchen utensils, may study table, tapos Kita ko kanina sa banyo may wanshing machine. Ay! Wait! May labahin pa pala ako.

Bigla siyang napatayo ng maalala na may mga labahin pa pala siya. Natawa naman si Arthur.

Art: Oh! Akala ko ba pagod ka?

Mel: Oo, pero wala namang ibang gagawa nito.

Art: Ipa-laundry na lang natin.

Mel: Huwag na, may washing machine naman eh.

Art: Pinapagod mo ang sarili mo eh.

Mel: Hindi naman, magluto kana lang ng makakain natin.

Habang nilalabhan ni Melody lahat ng damit nila ay bigla niyang naalala na may dadaluhan nga pala silang party bukas pero wala pa silang susuotin.

Mel: Bes....

Art: Hmm....

Mel: Hindi ba't may pupuntahan tayong party bukas?

Art: Oo sa company ng parents ko.

Mel: Dapat ba naka Formal attire?

Art: Oo naman, bakit mo natanong?

Mel: Dress lang ang meron ako, nakakahiya.

Art: Don't worry, magpapadala ng damit si Mommy dito bukas para sa ating dalawa.

Mel: Nakakahiya naman.

Art: Naku, inaya kitang maging partner Kaya dapat lang kitang asikasuhin.

Mel: Oo nga, pero hindi naman lahat dapat naka asa sayo.

Art: Huwag mo ng problemahin ang mga ganiyan, bestfriend mo ako, remember?

Mel: Hmm, isasama talaga Kita sa mga dasal ko maging ang pamilya mo, ang laki laki ng nang naitulong niyo sa akin.

Art: Maganda yan. Btw, pupunta rin yung mga childhood friends ko, finally mapapakilala na Kita sa kanila.

Mel: Nakakahiya naman.

Art: Wala kang dapat ikahiya, ano ka ba.

Matapos maglaba ay agad na rin silang kumain. Maghahanda na sana si Melody para matulog ng lapitan siyang muli ni Arthur.

Mel: Oh! Ano yun? Hindi ka pa ba matutulog?

Art: May ibibigay pa nga ako sayo eh.

Mel: Ano naman yun? Ang dami mo ng ibinigay sa akin, sobra-sobra na bes.

Art: Ano ka ba, pinapabigay to ni mommy. Ohh..

Nang mabuksan niya ito ay agad na bumungad ang isang mamahaling cellphone.

Mel: Akin ba to?

Art: Oo, matching tayo, tingnan mo.

Agad niya namang ipinakita ang sa kaniya.

Art: Hindi ko slam kung anong favorite color mo, Kaya I choose the color violet instead para naman hindi masyadong girly.

Mel: Hindi ko na matatanggap to.

Sabay abot sa kaibigan para ibalik ang bagay na iyon.

Art: Bakit naman?

Mel: Sobra na kasi bes, hindi ko na deserve ang mga ganitong bagay.

Art: Galing yan kay mommy, it's her idea. Kaya hindi ka makakatanggi.

Mel: Nakakahiya na.

Art: Hmm, isipin mo na lang na blessing ang lahat ng ito sayo..

Mel: Blessing naman talaga, sobrang bless.

Art: Tanggapin mo na yan ha.

Mel: Hmm, iingatan ko ito, pasabi kay tita na sobrang salamat ha.

Art: Oo naman, makakarating. O sige na, magpahinga kana, matutulog na rin ako.

Mel: Salamat talaga.

Mabilis na nakatulog ang dalawa dahil na rin sa sobrang pagod.

Kinaumagahan naman ay tanghali na ng sila ay magising dahil sa late na rin silang nakapagpahinga kagabi.

Mel: Good morning Bes.

Art: Hmm, good morning. Mukhang maganda ang gising ng bestfriend ko ah.

Mel: Oo, mahaba ang tulog ko eh. Wait lang, maghihilamos lang ako.

Art: Sabay na tayo.

Mel: Ha?!.

Nagitla naman si Melody sa sinabi ng kaibigan nito.

Art: I mean, kahapon kasi may mga binili rin akong pang facial wash, ituturo ko sayo kung paano gamitin.

Mel: Ahh, Sige hali kana.

(Tok, tok, tok, tok)

Art: Sandali!..

Wait lang bes ha, titingnan ko lang kung sino.

Mel: Hmm..

Agad niya namang tinungo ang pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok.

Art: Ano po yun, Land lady?

Land Lady: Ay! Diyosmiyo! Anong nangyari sa Mukha mo?

Art: Ahh facial wash lang po ito, ano po yun? Ba't po kayo naparito?

Land Lady: May package na dumating, nakapangalan sayo.

Art: Ahh ganun po ba, sandali lang po, maghuhugas lang po ako ng Mukha.

Land Lady: Ahh Sige, sasabihin ko dun sa delivery boy na maghintay saglit.

Art: Sige po.

Pagkatapos na malinis ang kaniyang Mukha ay agad na rin silang pumunta sa baba at agad na sinalubong ang delivery boy.

Art: Good morning.

Delivery boy: Good morning Sir, ikaw po ba si Sir Philip Arthur Enrile?

Art: Yes, it's me.

Delivery boy: Package po galing kay Mrs. Emily Enrile.

Art: Yeah, it's my mom.

Delivery boy: Pa sign na lang po dito.

Magkatapos ma-received ang package ay agad na rin siyang bumalik sa kanilang kwarto at agad na binuksan ito.

Mel: Ano yan?

Art: Package....

Mel: Alam ko, package yan. What I mean is anong laman at Saan galing.

Art: Bubuksan ko pa lang Kaya hindi ko pa alan kung ano ang laman. Pero sure ako na ito na yung damit na susuotin natin kasi galing ito kay mommy.

Mel: Sige buksan mo na.

Art: Mas excited ka pa sa akin ha.

Mel: Hehe...

Tama nga ang naging hula ni Arthur, ang mga susuotin nga nila ang laman nito.

Mel: Wow! Ang ganda naman nito, ito na ba yung susuotin ko? Ang ganda, kumi-kinang kinang pa.

Art: Oo sayo yan, alangan namang akin. Haha try mo na.

Mel: Sige wait.

Art: Excited talaga.

Mel: Syempre ngayon pa lang ako makakasuot ng ganitong ka- eliganteng damit.

Agad na ngang sinukat ni Melody ang damit at pagkalabas nito mula sa banyo ay natigilan si Arthur sa kaniyang ginagawa.

Mel: Uy! Bes, ano? Ayos ba? Bagay ba?

Art: Ahm, hehe ang ganda.

Mel: Ha? Ayos ba?

Art: Oo, sukat na sukat sayo. You look

So beautiful.

Mel: Talaga?

Art: Oo, try mo rin itong high hills.

Mel: Hindi ako marunong magdala ng mga to.

Art: Naku, ayos na nga eh. Bagay na bagay sayo.

Pagkatapos magsukat ng dalawa ay agad na rin silang naghanda para sa gaganaping event mamayang gabi.