Chereads / UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER / Chapter 15 - Chapter 13 (Fairy God Besty)

Chapter 15 - Chapter 13 (Fairy God Besty)

Naguguluhang lumabas ng office si Melody at tumungo na sa kinalalagyan ng kaibigan nito. Nang makalapit ay agad naman niya itong tinanong kung saan sila pupunta after ng naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Arthur.

Mel: Uy Bes!

Art: Oh, andyan kana pala, kamusta naging pag-uusap niyo?

Mel: Naging maayos naman, nasabi ni tita sa akin na may pupuntahan daw tayo. Wala naman tayong napag-usapan tungkol doon.

Arthur just smile to her friend and say.

Art: Basta sure ako na mag-e-enjoy ka.

Mel: Ano ba kasi yun?

Hindi na lamang siya sinagot ni Arthur, kaya naman nanatili na lamang siyang tahimik hanggang sa makarating na sila sa kanilang pupuntahan.

Mel: Parlor?

Pagtatakang tanong nito sa kasama.

Art: Yes.

Mel: Ano namang gagawin natin dito?

Art: Magrerelax.

Pumasok na nga sila sa loob at kaagad naman silang binati ng mga staff dito lalo na si Arthur bilang paggalang dahil kilala soya dito at ang kanilang pamilya.

Staff: Good morning ma'am and sir Philip.

Art: Good morning.

Staff: What can we do for the both of you?

Art: Just do a total makeover to this girl, make sure to make her beautiful.

Sabay turo kay Melody.

Mel: Sabi ko na eh, napapangitan ka sa akin, nagsinungaling ka pa nung una.

Art: Ito naman, react agad. What I mean is, make her more beautiful than now.

Mel: Hmpf.

Staff: Yes, sir Philip. No problem. Let's go miss.

Wala naman ng nagawa pa si Melody kundi ang sumama dito.

2 hours later.

Mel: Bes.

Tawag nito kay Arthur dahil kasalukuyang busy ito sa kaniyang cellphone.

Art: Yes, Ohhh...

Mel: Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? Ano, mukha na ba akong tao ngayon?

Speechless naman si Arthur dahil hindi niya inaasahan ang magiging pagbabago ng kaibigan nito.

Art: You look...

Mel: Look like?

Art: Ahm, You look so pretty.

Mel: Wag mo kong binubola ng ganiyan, sinasabi ko sayo.

Art: Haha what? I'm just telling the truth.

Mel: Hmpf.

Art: Btw, everyone you did a great job.

Staff: Thank you Sir Philip.

Art: Hmm, Bes let's go.

Mel: Saan na naman tayo pupunta?

Art: Just follow me.

Habang papunta sa susunod nilang destination ay naisipan ni Melody na tanungin ang kaibigan kung ano ang dahilan ng lahat ng mga nangyayari sa kaniya ngayon.

Mel: Bes.

Art: Hmm .

Mel: No offense lang ha, pero ano ba talagang meron? Ba't may mga pa ganito pa?

Art: Gusto mo ba talagang malaman?

Mel: Oo!

Art: Wag ka namang magalit.

Mel: Hindi ako galit.

Art: Ganito kasi yun, makinig ka.

Mel: Hmm....

Art: The Real State Company will be having a anniversary celebration tomorrow night.

Mel: Hmm, Anong kinalaman ko dun?

Art: I need a partner to bring their.

Mel: Ohh, tapos?

Art: And I choose you to be my partner.

Mel: Ano kamo? Paki ulit.

Art: You will be my partner for tomorrow's party.

Mel: Nagpaalam ka man lang ba sa akin?

Art: Eh kasi kapag nagpaalam ako sayo baka hindi ka pumayag.

Mel: Kaya naman ginagawa mo sa akin to ngayon?

Art: Hehe, ganun na nga. Sige na bes, pumayag kana.

Mel: May magagawa pa ba ako, tingnan mo naman kung anong ginawa sa akin ng mga baklang yun, hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba yung ginagawa nila sa akin.

Art: Haha, ganun talaga yung mga yun. Maganda naman yung naging outcome ah, matching tayo.

Mel: Oo, at una pa lang plinano mo na lahat, pwede ba ang Ganito sa school?

Art: Oo naman, walang problema. Ohh, we're here!

Ngayon silang dalawa ay nasa labas ng isang dermatologist. Hindi naman maipinta ang mukha ni Melody ngayon.

Mel: Umuwi na tayo.

Sabay talikod sa kaibigan at akmang aalis kaito ngunit agad naman siyang pinigilan ni Arthur.

Art: Sandali, Kararating pa lang natin.

Mel: Dalhin mo na ako kahit Saan wag lang sa mga ganitong lugar.

Naguluhan naman siya sa sinabi nito.

Art: Ha? What do you mean by that?

Mel: I'm afraid of needle. Masasapak ko kung sino man ang tuturok sa akin.

Art: Haha, tuturukan ka talaga dun.

Mel: Kaya nga uuwi na lang ako, tapos ang usapan.

Art: Uyy, wag naman, nakapagpa-book na ako ng appointment eh.

Mel: At talagang nakapagdesisyon ka ng hindi man lang kumukunsulta sa akin.

Art: Ehh, hehe baka kasi hindi ka sumama salon kapag sinabi ko agad.

Mel: Umuwi na tayo, sasamain ka talaga sa akin Philip Arthur Enrile.

Art: Haha, kailangan talaga full name ko pa. Isang turok lang naman yun, pampatulog para hindi mo maramdaman ang gagawin sayo.

Mel: Ayoko!

Art: Bes, Sige na. Saka hindi naman ako aalis eh, babantayan Kita.

Mel: A.yo.ko

Art: Bes, please.

Mel: Tsk! Hindi mo ko iiwan?

Art: Oo, dun lang ako sa tabi mo.

Mel: Talaga?

Art: Oo.

Mel: Sige na nga.

Art: Thanks bes.

Pagkatapos ng mahabang pag-uusap ay agad na silang pumasok kahit na kinakabahan si Melody sa posibleng mangyari sa kaniya.

Pagkatapos kausapin ni Arthur ang dermatologist ay agad ng sinimulan ayusan si Melody, nagwax, tinanggalan ng mga pimples at inayos ang dapat ayusin. At kagaya ng naipangako ni Arthur ay nasa tabi lang siya nito buong oras.

Habang ang dalawa ay busy sa kanilang mga sarili. Ang mommy naman ni Arthur ay tumungo sa dorm nantinutuluyan ng kaniyang anak upang baguhin ang set up ng lugar at mas maging convenient ang pamamalagi ng kaniyang anak dito, maging ang bestfriend ng anak niya na si Melody.

Sa pagpunta niya doon ay handa na ang lahat at kasama niya na rin ang mga taong tutulong upang mabilis na maayos ang lugar. Pinalagyan niya ng aircon, nagdagdag din siya ng mga appliances na siyang magagamit ng dalawa.

Sa kalagitnaan ng lahat ng nangyayari sa dorm ay lumapit naman ang land lady na nangangalaga sa lugar at agad naman itong kinausap ng mommy ni Arthur.

Mommy Emily: Salamat sa pagpayag na ma renovate ang dorm na tinutuluyan ng anak at ni Melody.

Land Lady: Madali lang naman akong kausap eh.

Mommy Emily: Ahm, wait.

Sandaling natigil ang kanilang pag-uusap at may kinuha itong maliit na envelope sa dala-dala nitong bag saka inabot sa land Lady.

Mommy Emily: Here, 6 months advance deposit para sa upa ng dalawa.

Land Lady: Salamat, ahh matanong ko lang, bakit mo pala pinabago ang kwartong ito?

Mommy Emily: Gusto ko lang na maging maayos ang matutuluyan nila at maging maayos ang kanilang pag-aaral. Btw, paki bantayan na lang sila.

Land Lady: Ganun naman talaga ang gawain ko dito.

Mommy Emily: Kung ganun ay aalis na ako, sila na ang bahalang tumapos ng gawain dito.

Land Lady: Sige, maraming salamat ulit.