Muntik ng sumuko sa pag-aaral si Melody kahit na kasisimula pa lang ng pasukan dahil napakahirap makisama, ang mga classmates niya ay walang kahirap hirap pagdating sa mga gamit na kakailanganin para sa pag-aaral. Ngunit siya ay hindi dahil sa mahirap lang nga sila.
Minsan na rin siyang na bully dahil sa istado ng buhay na mayroon siya. Hindi niya na ito sinabi sa kaniyang pamilya, maging sa kaniyang bestfriend.
Flash back!....
Papunta siya sa comfort room para mag-ayos ng sarili, pero nabigla na lang siya ng biglang sumara ang pinto at nakita niya sina Trixie, Kiesha, at Amanda. Mga kaklase niya ito at sa unang tingin palang makikilala mo na agad, alam niyang mga maldita Ito at matataray ngunit hindi niya na lamang pinapansin ang mga ito.
Trixie: Hey bitch!
Lumingon naman siya sa kaniyang likuran at Wala namang tao liban sa kaniya, kaya naman tinanong niya ang tatlo.
MEL: Ako ba ang kausap niyo?
May pagtatakang tanong ni Melody sa kanila.
Amanda: Yes bitch! Ikaw nga.
MEL: Bitch kayo ng bitch eh Melody ang pangalan ko.
KIESHA: Aba, nagtatapang tapangan, baka nakakalimutan mo nag-iisa ka lang.
MEL: Ano bang kailangan niyo sa akin, wala naman akong ginagawa sa inyo ah.
Tinatatagan lang ni Melody ang kaniyang loob kahit ang totoo ay kabadong kabado na siya. Hindi niya lang pinapahalata sa tatlo, nagtataka lamang siya kung bakit galit ang tatlo sa kaniya dahil sa pagkakaalala niya ay wala siyang ginagawa sa mga ito.
Trixie: Narito kami para balaan ka, bitch. Nahahalata namin na napapadalas ang pakikipag-usap mo sa boys namin.
MEL: Boys?
Amanda: Yes, sila John Dave Monte Mayor, Andrie Cortez, Emmanuel Corpuz at Noah Buena Vista.
Bigla naman sumagi sa isip niya yung mga lalaking katabi niya sa upuan.
MEL: Hindi ko naman sila kinakausap, sila ang nagsisimula ng....
Kiesha: Hep! Hindi namin kailangan ng paliwanag mo, were here para ipaalam sayo na dumistansya ka kung ayaw mo ng gulo.
Trixie: Yes, at kapag hindi ka pa nakinig, we will make you suffer. Let's go girls.
Naiwang nakatulala si Melody at hindi alam ang gagawin. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito, ang gusto niya lang naman ay tahimik na buhay habang nag-aaral ito. Ngunit ngayon ay nagbago ang lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
End of flash back.
Sa pagmuni-muni ni Mel ng gabing iyon ay naalala niya ang mga nangyari sa pagitan nila nina Trixie, Kisha, at Amanda. Ayaw niyang maging magulo ang kaniyang pamumuhay habang siya ay nag-aaral pa, kaya naman ang naisip niyang magandang paraan ay ang umiwas na lang kina Dave, Drie, Emman at Noah.
Sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya alam kung ano ang kaniyang uunahin. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit sa mga nangyayari ngayon sa kaniya ay pinanghihinaan siya ng loob at parang gusto na lang sumuko.
Dahil isa lamang siyang hamak na mahirap, hindi niya alam kung paano masosolusyonan ang mga problema niya ngayon. Pero sa kanilang banda at ay masaya sapagkat may nakilala siyang kaibigan na handa siyang damayan at tulungan, kahit na sobrang nahihiya na siya dito, kaya nag-isip siya na pwedeng gawin para man lang makabawi sa kabaitang ipinapakita nito sa kaniya.
Siya ay nakatulog sa dami ng kaniyang mga iniisip.