Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

the pain you never knew

đŸ‡”đŸ‡­Demi_Park
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19.4k
Views
Synopsis
Isang malaking katanungan kay Camilla ay mundo sa labas ng matataas na bakod sa paligid niya. Nang magtagumpay siyang makalabas sa kulungang kinagisnan, paano niya kaya makakayanan ang marahas ng mundo ng realidad? Paano kaya niya magagamot ang kaniyang puso kung siya'y masaktan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"AAAAHHH!" huling hiyaw ni Carolina. Pawisang-pawisan siya at puno ng dugo ang kaniyang sinapupunan. Nailabas na niya ang ika-lima niyang anak. Ikinagagalak niyang nailabas na ang tagapagmana.

Nadama niya ang pamilyar haplos ng kanyang asawang hindi siya iniwan sa kaniyang panganganak. Si Armando Aguila, ang kasalukuyang Senador ng bansang iyon. Isa itong mahusay at may pusong public servant. Mahal ito ng masa. Busilak ang puso nito kaya't hindi siya nagulat na mabilis nahulog ang loob niya rito noon una palang sila nagkakilala.

Siya si Carolina Atienza-Aguila, isa siyang business tycoon. Mula ng pumanaw ang kaniyang ama'y hinati na nito ang kanilang tatlong magkakapatid ang ari-arian ng Atienza Group of Companies. Ang kuya niyang si Carlito ang humawak ng kanilang Agriculture business. Ang pangalawang kapatid na si Carmelo nama'y Fishing and Mining Business. At siya ang mayhawak ng Hotels, Resorts and Restaurants business at tumatayong Chief Executive Officer ng Atienza Group of Companies.

Mula sa labas ng kwarto ng kaniyang silid dito sa ospital ay dinig na dinig niya ang masayang boses ng mga mahal niya sa buhay. Isa-isa silang pumasok sa kaniyang malawak na silid. Ang pang huling pumasok ay ang nurse buhat-buhat ang kaniyang munting anghel. Nawala ang sakit ng dinarama niya ng masilayan ang mukha ng anghel na iyon.

Dahan-dahang binigay sa kaniya ng nurse ang munting anghel, "Camilla Anne Aguila, welcome to the world, little heiress!" wika niya habang haplos-haplos ang maganda nitong mukha.

Nagalak naman siyang makita ang apat pa niyang lalaking anak na hindi magkamayaw ang pagtingin sa kanilang munting anghel. Nasa tabi naman nila ang kanyang asawang nakangiti sa kaniya. She smiled back to him.

"Siya ang matagal na nating inaabangan," wika ng matandang Aguila. Ang ama ng kaniyang asawa, si Anselmo Aguila.

Masaya siya ngunit may pangamba ang kaniyang puso. Matagal nang nananahimik ang mundo ng The Eagle Mafia at ngayo'y babalik na itong muli. Nakasaad sa unang batas ng organisasyon na iyon na ang babaeng Aguila lang ang tanging magiging lider na grupo, at hihiranging The Eagle's Eye.