Free
*
CAMILLA'S POV
Hila-hila na nila ang kanilang mga maleta papasok ng airplane. Unfortunately, private plane ang sasakyan namin. They are expecting na domestic flight. Mas mapapadali ang escape plan nila ni Charlotte. But they are wise, they have Plan A, B, C, and D.
Simula kagabi ay gumawa sila ng iba't-ibang plans. Desidido na silang tumakas. They don't want a dorm school far away. Alam nilang hahawakan lang sila sa leeg ng Mrs. Wilkins na iyon. Hindi nila magagawa ang mga bagay na nais nila.
"Here we go," bulong ni Charlotte nang makaupo na sila. Sila lang dalawang pasahero ang nasa loob ng plane. The family owns this plane, perks of being rich.
"Tomorrow, the escape plan, Mila. Kaya magpahinga na tayo dahil mahabang araw ang ating kinabukasan," sabi nito at tumango lang siya.
Mabilis naman silang dinalaw ng antok.
Nagising sila nang magserve ng agahan ang mga flight attendants. Tumayo siya upang makapang ayos kasunod niya naman si Charlotte.
Nang matapos makapag-ayos ay kumain na siya. Bigla siyang nakadama ng maasim sa sikmura. At agad niyang tinignan ang sandwich na kinain niya. Dali-dali siyang tumayo at kumaripas ng takbo sa toilet.
"Mila, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Charlotte mula sa labas ng restroom.
Sumuka siya ng marami. The sandwich is good until mayo's afterkick. Matapos sumuka ay nag mouthwash siya. She feels weak. Parang sinuka niya rin ang energy na inipon niya.
"Are you informed about the food to serve?" dinig niyang wika ni Charlotte sa labas. Halos lumabas ang litid nito sa leeg sa sobrang inis. Namumula rin ang mukha nito.
"I will be fine, Charee. Stop," pigil niya at naupo na lang sa pwesto nitong katapat nito.
"We are very sorry, Miss Atienza and Queen," wika ng mga flight attendants na nakayuko sa harapan nila.
"It's okay. A glass of iced tea will do, please," nanghihinang sabi niya.
Nang makainom ng iced tea ay umayos na ang tiyan niya. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain. Nagpahinga na lang silang ulit.
Nagising na lang sila ng maramdaman ang turbulence. Halos mahilo siya dahil hinang-hina siya at walang laman ang tiyan.
"We will just take a few minutes bago po lumabas, we will settle the crowd control," anunsyo ng isang flight attendant.
"Perks of being VVIP," napairap na wika ng pinsan niyang iritableng-iritable.
Sometimes, it's too hassle to be VVIP.
Nang matapos ang ilang minuto ay inalalayan na kaming bumaba ng airplane. Mahigit sampong naka suit and tie na lalaki ang sumalubong sa amin.
"Welcome to England, Queen and Miss Atienza," wika ng nasa harapang bodyguard. Lahat ng mga lalaking iyon at nakashades at may earpiece. Matitikas ang katawan at matatangkad.
Walang katao-tao ang dinaanan naming arrival area. Halos hindi na namin makita ang daraanan dahil nakapalibot ang mga bodyguards sa aming dalawa
"We will take the Presidential Area," wika ng lalaking nagsalita kanina habang may kausap sa headset nito.
"The crowd is out of control in the lobby. We take this way, Queen," sabi nito sa kanya at tumango lang siya.
Nang makalabas ng airport ay isang black limousine ang sinakyan nila.
"So, ganun pala ang pakiramdam ng bumaba ng eroplano. Ang hassle," wika ni Charlotte. Well, that was their first time going out of the country. Palagi lang kasi silang nag-a-out of town.
"We will take you now to Elite School," wika ng driver.
"Okay. Drive safely," sagot niya.
Manghang-maha sila sa labas. Maraming tao sa kalsada at mga kainan. May mga na bibiskleta pang mga bata sa daan. Parang nais niyang lumabas ng sasakyan at magtatalon sa labas. She was now looking at different faces. She felt happy about that.
"We haven't experience riding in a bike, right?" sabi ni Charlotte habang turo pa ang batang babaeng sakay sa bicycle.
After almost two hours ng biyahe ay nakarating na sila sa school. Matataas ang mga puno na naroon at halos isang oras ang biyahe nito patungo sa city. Malaki ang eskwelahan. At nakita nila agad ang mga babaeng estudyanteng nahhihintay sa kanila. What a grand welcome.
Nakita niya ang pamilyar na mukha ni Mrs. Wilkins. Lumabas na sila ng pagbuksan sila ng isa sa bodyguard.
"So, the old woman in front, suggested this, huh," sarkastikong bulong sa kaniya ni Charlotte habang naglalakad sila papalapit sa entrance ng school kung saan naroon ang mga students and teachers.
"You are right," sagot niya at ngumiti sa ginang na nasa harapan niya.
Matapos silang batiin nito ay ginala sila nito sa buong school. Honestly, the school is great. Mabait ang mga students at teachers. Malinis din ang bawat paligid at mga silid. Presko at maayos ang mga dorms. Kung hindi lang malayo ay okay na sa kanya ang lugar na iyon.
Matapos, ang tour sa school ay nagpahinga na muna sila sa silid nilang dalawa ni Charee.
"Aside from classrooms. Walang masyadong CCTVS ilang hallways tulad ng library, cafeteria, at comfort rooms," komento ni Charee.
"Pati sa labas ng school, sa field at sa entrance. How come Mrs. Wilkins said na secure tayo dito?" nagtatakang tanong niya.
"Yeah. By the way, I heard na may taxi na dumaraan dito dahil madadaanan pala dito ang isang exotic restaurant and hotel doon sa kabilang ibayo. Thai foods ang main dish," sabi nito.
"Hindi ko alam kung eavesdropper ka talaga o malakas lang pandinig mo," kantyaw niya.
"Hey, malakas lang pandinig ko," sagot nito at umirap sa kaniya. She smiled.
Natigilan sila ng may kumatok. Bumukas iyon at si Mrs. Wilkins ang pumasok, "Your parents are on," sabi nito at inabot sa kanila ang isang wireless phone. Charlotte took it and answer.
They don't have phones. Well, in this school, they are not allowed. Pero marunong naman silang gumamit mga smartphones at iPhones. Marunong din naman silang gumamit ng mga advance technology gadgets and computers.
"Yes. We're safely arrived. The school is great. Mila, she's beside me. Wait," Charlotte said and handed her the phone.
"Hello…"
"My princess…"
She missed her mother already, "Mom, I am safe here, kamusta kayo diyan?" tanong niya.
"We are doing fine. Mag-iingat kayo diyan—"
"Mom, can I talk to her?" she heard Fourth's voice. "Hello, princess. How are you? Mag iingat ka diyan, ah. No boys," sabi nito na ikinangiti niya. He is protective as always.
She already miss the super kulit kuya, "Fourth, we are on all girls dormitory school," paunawa niya rito.
"Ah, kahit na… teka nga lang kambal—"
"Ako naman. Princess, take care of yourself. Wala na kami sa tabi mo—"
"Ang drama mo kambal—"
Bigla niyang nangulila sa kakulitan ng kambal niyang kuya. She badly wanted to go home and give them a tight warm hug.
"Hey, little princess…" and that was Second. "Tumawag ka kung ano mang mangyaring masama, ah. Susugod kami d'yan agad. Take care of yourself now," paalala nito.
"Opo, kuya Second," sagot niya.
"Camilla Anne…" the one and only, First. "Big girl ka na kaya you are free to take care about yourself. You have your own decisions to make for your own sake. Malalaman mo na rin yung tama at mali. Mag-iingat ka d'yan, ah,' paalala nito.
She wiped her tears away. God, she missed them so much already.
"Opo, kuya First," sagot niya.
"Oh, the Queen should never cry. At sa pagbalik mo, I want a Queen that's strong and wise. Alright, sweetie?" boses ng kaniyang ama.
"Yes, daddy!" sagot niya at nagpaalam na agad silang lahat.
"Gosh, I missed them all," malungkot na wika ni Charlotte.
Mula sa bintana ng kanilang dorm ay pinagmamasdan nila ang bawat taxi na dumaraan. Sa isang oras nilang pagmamasid ay isang taxi lang ang dumaan.
"I think hindi gaanong kilala ang Thai restaurants na naroon. Wala masyadong dumaraan," komento nito. That was bad.
"Maybe, because it's too far away from the city," sagot niya.
Ilang saglit pa ay tinawag na ang lahat para maghapunan. Tahimik lang ang nga students na kumakain. Nakakarindi ang katahimikan.
Matapos kumain at magshower ay naghanda na sila ni Charlotte. Sa pagpatak ng alas dose'y lalabas na sila. Isa-isa nang namatay ang mga ilaw ng bawat silid. And they also turn off their lights.
"Daraan tayo sa comfort room hallways. Pababa noon ay ang library. Pababa agad ay ang library. Hindi natayo makakalagoas paroon pero, library windows are huge kaya doon tayo dadaan lalabas. And that's the way out," sabi niya rito at tumango-tanog lang ito.
Napagtagpi-tagpi na niya ng mga daraanan simula ng nagtour sila.
Pagsapit ng alas dose ay agad silang umaksyon. Dahil sanay sila sa martial arts, they walk freely like shadows even carrying their luggages. As they reached the exit ay mabilis silang tumakbong dalawa patungo sa main road kung saan dumaraan ang mga sasakyan.
She almost embraces the air. She feels free. Sa wakas, ito na ang unang beses niyang naramdamang malaya siya. She can do whatever she wants now.
Naglakad agad sila kesa maghintay. Buti na lang at naisipan nilang mag rubber shoes at jogging pants. Halos magliwanag ang mukha nila ng makita ang paparating na taxi. Agad nila itong pinara at sumakay.
"We are going to the airport, sir," sabi niya sa driver at tumango lang nito.
"Here. We need to wear masks," sabi ng pinsan at inabot ang itim na face mask. Nagsuot din sila ng hood jackets at caps.
Nang makarating sa airport ay agad silang bumili ng ticket, luckily the both right a way. Tatlumpong minuto pa bago ang kanilang flight pabalik ng Philippines.
"I have a feeling that God's with us. Na manage nating makalabas ng school without even get caught. Nakasakay ng taxi. At nakabili agad ng ticket. We are so lucky," masayang komento ni Charlotte.
"Yeah… so thank God!"
*
Itutuloy….