Chereads / the pain you never knew / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

The King and His Knights

*

CAMILLA'S POV

Alas otso ang una nilang schedule kaya minabuti nilang bumangon ng mas maaga. Nag jogging muna sila ni Charlotte ng thirty minutes sa soccer field bago mag-agahan. A slice of wheat bread and milk ay sapat na sa kanilang dalawa para sa agahan. Kasabay ng pinadalang agahan na iyon mg ninong ni Charlotte ay ang mga identification cards nila.

Matapos makapagshower at makapagbihis ay nagtungo na sila sa Business Management Building. Marami na agad na students sa lobby sa lang ng building. At muli, agaw pansin na naman silang dalawa. Dapat na siguro silang masanay sa mga titig ng mga ito.

"Good morning," bati ng grupo ng students na nakakasalubong nila. They both greeted them back with a smile.

"Sa Room 3A5 tayo at sa room din na iyon ang kasunod na subject," paalala ni Charlotte habang binabasa ang kanilang schedule sa putting papel na hawak nito.

Nang marating nila ang classroom ay dinig na dinig nila ang malakas na boses ng mga students na naroon. As they stepped in, natigil ang ingay. Animo'y may dumaang anghel.

"Hi," nakangiti niyang bati. Bumati din si Charlotte. Tumayo ang ilan sa kanila at binati rin sila.

Naupo sila sa bakanteng upuan na na sa harapan. Halos lahat kasi ng students ay nasa likuran. Parang takot na takot sila sa white board. But for them, mas gusto nilang umupo sa harapan dahil ito ang unang beses nilang makakita ng malaking white board at maupos sa tutuong school armed chair.

After a few minutes ay pumasok na ang isang ginang na naglalaro sa mid forties ang edad. May pailan-ilang kulay puti na ang buhok nito na nakapusod abot hanggang dibdib at may suot na puting blouse at pencil-cut na paldang may two inches below the knee. Everyone stood up and greeted her.

"Good morning, freshmen. Magpapakilala ako para sa mga bagong pasok na students. I am Ursula Valdez, your professor on Fundamentals of Entrepreneurship," pakilala ng guro at nagpakilala din aila ni Charlotte sa harap.

Matapos ang unang klase ay hindi na sila lumabas pa sa silid dahil doon din ang room para sa kanilang susunod na klase, Basic Algebra.

Si Mr. Hyde Ilan ang kanilang professor sa Basic Algebra. Bata pa ang ginoo, dalawampu't lima. Palangiti ang guro at mahinahon magsalita.  Buti na lang at mabait ito, hindi tulad ng mga Algebra professors at teachers na napapanood niya sa telebisyon.

Unti-unti na nilang nakikilala ang mga kaklase niya. Maiingay at makukukit ang mga ito ngunit mag disiplina naman at respeto. Nabalaan na sila ng ninong ni Charlotte na hindi mga mafia ang Secton F pero sila ang mga students na may bad records sa previous schools nila. Hindi na siya na gulat na siyam lang silang babaeng nasa klase at dalawampu't lima ang mga lalaking makukulit.

May thirty minutes break sila mula sa susunod na subject. Kaya sa university park sila nagpunta ni Charlotte. Doon din patungo karamihan ng kaklase nila.

"Ang dalawang muse ng section F," magiliw na wika ng mga lalaking kaklase niya ng makarating sila sa university park. Dahil doon ay pinagtingin sila ng mga students na naroon. Parang silang mga sangganong grupo ng mga gangsters. Pero imbis na matakot sila sa mga ito ay ngumiti sila sa mga lalaking nasa harapan. They felt amazed to meet real life gangsters.

"Siyam kaming muse sa class, Mr. Dela Vega," hirit pa ni Charlotte.

"Pero kayo ng magaganda," singit ng isa pa nilang kaklaseng lalaki.

Matapos makipagkulitan sa mga kaklase nila ay nagtungo na sila sa susunod na class. Basic Accounting ang susunod nilang subject at si Ms. Mally Nicolas ang kanilang guro. Kahit na mahirap ang subject na iyon ay mabait naman ang kanilang magiging guro.

Natutuwa sila ni Charlotte dahil ito ang unang beses nilang maranasang makihalubilo sa ibang tao. Hindi pala lahat ng tao ay masama tulad ng babaeng muntik nang magtapon ng fries sa mukha niya. Kahit makulit at maingay ang classmates niya ay mababait ang mga ito at palakaibigan.

Matapos ang Accounting subject ay nagpasya na silang kumain ng tanghalian. Tulad kahapon, everyone looked at them. Tahimik lang silang dalawang umorder ang pagkain nila.

'Business Management students silang dalawa.'

'P'wedeng muse ng Basketball Team,'

'Sa section F daw sila.'

'Baka mga pasaway. Sayang magaganda pa naman.'

'Umabot ng six thousand hearts ang stolen pictures nilang dalawa sa school website.'

Website? Wala silang alam na may website din pala ang unibesidad? Halos mamuti na ang mata ni Charlotte kakairap sa mga naririnig nila. People love gossiping, that's one thing she observed.

"Nakakawalang ganang kumain pag nakatingin silang lahat sa atin. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga magaganda!?" napangiti siya sa sinabi ng pinsan niya.

ISANG BUWAN narin silang nag-aaral sa university. Binabalitaan naman sila ni Mr. Cruz tungkol sa lagay ng pamilya nila. Patuloy parin silang pinaghahanap ng mga ito. Kaya naisipan nila ni Charlotte na gumawa ng liham tungkol sa mabuti nilang kalagayan.

"Andito sila!" sigaw ng isang boses mula sa likuran nila ni Charlotte.

Nakaupo sila sa isang bleacher sa soccer field habang abalang nagsusulat ng liham para sa pamilya. Sabado at wala silang klase. Kaya pag Sabado at Linggo ay tumatambay sila sa soccer field o 'di kaya nanunuod ng koreanovela sa laptop niya.

Natigil sila sa pagsusulat ng makita ang mga lalake nilang kaklaseng nakatayo sa harapan nila.

"Bakit?" tanong niya.

"Ninominate namin kayo bilang muse ng First Year Business Management students para sa nalalapit na Freshmen' Night,' sagot na isang lalaking matangkad.

"Hindi kami mahilig sa gan'yan," sabi niya.

"Pero, walang nang may gustong magrepresent. At halos lahat ay kayo ang pinipili,' angal ng katabi nitong mapayat at kulot ang buhok.

"Isang muse lang naman 'di ba?" tanong niya at tumango silang lahat. "Charee will be the muse then," sabi niya na ikinagulat ni Charlotte.

"No way!" disgusto ng kaniyang pinsan.

"You have no choice. Come on, I will help you. Enemies should not recognize me," bulong niya sa dalaga at sumang-ayon na ito. Natuwa naman ang classmates nila.

So far, wala naman silang nakikitang kakaiba sa mga students. Pero ikinatwiran ni Mr. Cruz na wala pa silang nakikitang kakaiba dahil taliwas na taliwas ang schedules nila sa kaaway. Iwasan daw nila ang mahagip ng atensyon ng mga students, na hindi nila maiwas-iwasan.

Sa susunod na Sabado gaganapin ang Freshmen Night. Dahil doon ay binilhan na sila ni Mr. Cruz ng gown na nais nila. Sila mismo ang nagscketch noon at pinatahi sa kilalang sastre ng ginoo.

Yellow motif ang mga Business Management. Kaya kahit hindi nila gusto ang kulay ay wala silang magagawa. Magpapaka Belle sila ng gabing iyon.

SOMEONE'S POV

"King, mamayang gabi na ang Freshmen Night. Sasama ka ba sa amin para magmasid? We heard na may plano ang mga batang Red Dragons sa gabing iyon," sabi ni Luke na abalang inaayos ang baril na hawak.

Nasa headquarters silang dalawa. Habang abala naman ang tatlo niyang kaibigan sa pagaayos ng mga binoculars at rifles sa paligid ng Party Hall kung saan gaganapin ang Freshmen Night. Nabalitaan nila mula sa isang batang spy na may kalokohang gagawin ang ilang batang miyembro ng mafia na pinapatakbo niya, ang Red Dragon Mafia.

"Sumama ka na para ikaw mismo ang magpaparusa sa mga pasaway na batang iyon," sabat pa ni Luke. Nais niya sanang ibigay na ang misyong iyon sa mga kaibigan niya dahil may plano siyang bisitahin ang pamilya sa labas.

"Mga childish brats," ngitngit niya. Hindi niya akalaing nakapasok ang mga batang iyon sa grupo niya dahil mga anak ito ng dating miyembro. Pathetic family dynasty.

Isang oras bago mag-umpisa ang party ay napagdesisyunan niyang pumunta. Hindi bilang Mafia King kundi bilang natatanging anak ng tagapagmana ng University na iyon.

"Nice suit," puri ni Al. Siya si Albert John Smith. Filipino-American friend niya at isa siya sa tinatawag na Knight ng Mafia. Sa kaibigan niya siya ang mahusay sa sparing at martial arts. Ang mga Knights ay ang kanang kamay ng hari. Maloko ito ngunit masunurin.  Ito ang tagapagmana ng malaking kompanya, ang GS Corporation. Ang kompanya ng lumilikha ng mga transportation at buildings.

"Thanks. Nasaan na ang iba?" tanong niya.

"Standby na, King," sagot nito at tinungo niya ang lugar ng iba pa niyang kaibigan.

Nadatnan niyang abala sa CCTV screens si Mar. Si Martin Oliver Perez. Isa sa Knight at computer ang palaging hawak nito. He is a good hacker. Siya ang pinagmumulan ng iba't-ibang sekretong impormasyon ng mga mafia groups. Tahimik lang ito at mukhang suplado pero mabait naman pagnakuha mo ang ugali niya. Anak  ito ng isang sikat na Technology Business man.

Sa likuran nito ay ang abalang si Luke sa pag aayos ng mga rifles at mga baril. Siya si Lucas Ian Paulo. He is a Knight at major niya armas. Kahit na anong armas na ibigay mo rito ay kaya nitong hawakan nito ay kaya nitong gamitin ng walang mintis. Firearms at Security Business ang hawak ng pamilya nito. He is the cassanova. Iba't-ibang babae ang palaging dine-date nito at hindi na niya ambilang kung ilan.

At panghuli ay si William Ivan Gabriel. He was just sitting in the couch. Sa kanilang lima ito an gang tinanyagang brain of the Knights. Pinakamatalino sa kanila. Maliban sa libro ay computer lang ito abala. Tahimik lang ito at mapangobserba. He is sole heir Gabriel Communication Inc.

While him, he is Walter Alexander Red. The King, he was crowded bago magsimula ang school days. Siya ang nagiisang anak nina Wilson Red at Amanda Red. Mga business tycoons at ang mga magulang niya. They owned hotels, airports, resorts at malls sa buong Asia, Red Group of Companies. And he is the sole heir. Everyone admires him despite of being heartless and snob. Haters called him Hell Dragon.

Nang magumpisa na ang party ay lumabas na siya ng silid. Nagkubli siya sa madilim na bahagi ng lugar na iyon kung saan kitang-kita ang lahat ng tao. Sa dami ng mga bagong estudyanteng naroon ay isang tao ang humuli ng kaniyang pansin.

Nakatalikod ang dalaga at nakasuot ng light yellow na gown. She is a Business Management student. Halos mahawi ang daraanan nito at nakatingin sa kanya ang madla. She must be the muse. She is the most beautiful lady that night. Hindi mawala ang mga mata niya sa perpektong mukha nito.

Ngunit natanaw niya ang kausap nitong magandang dalagang may matingkad na dilaw na gown at kumikinang na hair dress. Mas matangkad ito sa babaeng unan niyang nakita. Parang hindi alintana sa dalawang pinagtitingin na sila ng lahat. May sash itong itim na nagsasabing siya ang muse. Well, she also deserved to be the muse too.

Maya-maya pa ay biglang tumingin sa direksyon niya ang unang dalaga nang may kumalabit dito. His jaw almost drops. She is the most beautiful woman he ever saw. Those sparkly eyes, pointed nose, and pinkish red thick lips made him shivers.

And his heart starts to pump extremely in his chest. Para siyang pinagpapawisan. That woman! It was the first, no, the second time his heart beats rapidly. The first was with the Queen.

*

Itutuloy…