Escape
*
"Hit the heart, Camilla!" bulyaw sa kaniya ni First, o ang kaniyang panganay na kapatid na si Christopher Axel. Napairap siya at muling tinarget ang board. Strikto ito pagdating sa paeensayo niya.
Nagsasanay na din siyang humawak ng rifle. Mag-iisang linggo na niya iyong ineensayo. Ngunit, nahihirapan siyang talaga. Nangangawit siya sa bigat ng rifle na hawak niya.
Mula bata siya ay tinuruan na siyang ng iba't-ibang klase ng martial arts at paggamit ng dagger, bow, at baril. It's part of her training. Dumaan din sa ganoon training ang apat niyang kapatid. Noong una self-defense daw iyon para maprotektahan nila ang kanilang sarili lalo na't presidente ng bansa ang kaniyang ama at isang magaling na negosyante ang kaniyang ina.
Kinasa niyang muli ang mabigat na rifle at kinalabit ang gatilyo ng maifocus na niya ang target. One shot, one kill.
"Nice shot!" bati ng kuya niya habang inaalalayan siyang ibaba ang rifle sa lamesitang na sa pagitan nilang dalawa.
"Pwede na bang kumain noong ni-request kong egg sandwich with lettuce and tomatoes no mayo?" tanong niya rito at nginitian lang siya.
Hindi niya gusto ang lasa ng mayonnaise, sa panlasa niya'y para itong suka. She hates everything sour.
She is Camilla Anne Aguila. She will turn sixteen next week. Siya ang The Eagle's Eye, ang Queen ng The Eagle Mafia. Isa sa pinakamalakas na Mafia sa bansa. Sa edad na fifteen ay kinoronahan na siya bilang The Eagle's Eye, kasi iyon ang nasa batas ng Mafia, ang babaeng Aguila lang ang magiging Eagle's Eye sa edad niyang fifteen and that was a year ago.
She never experienced having friends, she never had one. But her cousins and brothers, she considered them as her friends. She was homeschooled. Siya lang habang ang mga kuya niya ay pumapasok sa regular na universidad. Dahil ang dahilan nila, it's for her safety.
Malawak ang buong pamamahay nila. Kaya feeling niya nakakapaglakwatsa na rin siya. She never gets bored. Dahil friendly naman ang mga kasambahay nila, na hindi niya alam kung ilan. Ang huling bilang nita ang kinse sila. Ang kahit mukha nakakatakot ang mga bodyguards, approachable naman silang iyong halos ilan sa kanila. Hindi na niya nakakausap ang iba sa mga ito kasi humigit tatlumpo silang lahat nan a sa loob ng kanilang malawak na lupain.
Minsan binibisita siya ng pinsan niyang babae sa mother side na si Charlotte Atienza, ang nagiisang babaeng pinsan niya. Tulad niya homeschool student din ito, ngunit ang mga pinsan nilang lalaki ay sa regular na school pumapasok.
May tatlong malalaking mansion sa malayong lugar na iyon, at sa kabilang mansyon nakatira ang pamilya nina Charlotte at kuya Charles na kapatid nito. Sa katabi nito ay ang masyon ng pamilya naman nina kuya Carl at Clark na pinsan din nila. At sa dulo naman nakatayo ang tinitirhan nila. Malayo sila sa siyudad kaya wala silang nakikitang ibang tao o bahay sa paligid. Nahaharangan ng matataas na puno ang buong lugar nila.
Safety is the greatest policy, iyan ang unang batas sa pamilya. Unang-una dahil, ang kaniyang ama ang kasalukuyang President ng bansa. Matapos ang apat na termino nito sa Senado ay tumakbong Presidente ito ang nanalo. He is also part of Mafia. He ranked as the second highest position in the mafia, the Emperor. But her father is the most loving person on Earth. Kung gaano ka sungit at strict nito bilang Mafioso, ganoon naman ito kalambot ng puso pagdating sa pamilya at kapwa-tao.
Her mother is a businesswoman, a very successful business tycoon. Despite of her busy schedule, may time naman siya bilang isang ina. She is very caring and loving mother.
Ang panganay niyang kapatid na si First, o si Christopher Axel Aguila. Ang masungit at strict niyang kuya. Matalino ito, magaling din sa business and campus hearthrob. Tulad na tulad ito ng kaniyang ina. Kasalukuyang nag-aaral ito sa Santa Barbara University, fourth year college taking Business Administration. Siya rin ang sinasabing Captain ng Basketball Team ng eskwelahang iyon.
Ang sumunod ay si Second, o si Christian Allen Aguila. Kasalungat ni First, si Second ay palakaibigan at palangiti. Matalino rin ito at isa ring campus hearthrob. Nakuha niya ang pagiging mabait at palakaibigan sa kanilang ama. At dahil doon, he is junior student taking Political Science sa kaparehong eskwelahan, SBU. Isa rin siyang Basketball player at kasalukuyang Student Supreme council President.
Ang kambal naman na si Third at Fourth, si Third ay si Calvin Alexus at si Fourth ay si Calix Andrew. Kahit na kambal sila ay hindi sila gaanong magkamukha. Parehas silang ng tangkad at malaki ng pangangatawan ngunit magkaiba ang hugis ng kanilang mga mukha, idaggag pa na may nunal si Fourth sa tabi ng labi nito. Parehas silang masiyahin at mabait, ngunit may pagkamakulit lang si Fourth. Matalino rin ang dalawa at mahilig sa babae, campus hearthrob din sila at chic magnet. They are both sophomore students taking Hotel and Restaurant Management course sa SBU. At sila ang sikat na doubletrouble ng hardcourt. They said, 'better not mess-up with them, because they love to prank'.
Minsan nakakainggit din ang maging isang regular na student. Ang makipagkaibigan at makakilala ng iba't-ibang klase ng tao. Ano nga ba ang pakiramdam ng hangin sa labas ng mansyong ito? Gaano kaingay ang mga tao sa labas? Anong pakiramdam ng maglakad sa kalsada at hallways ng eskwelahan?
"Hey, daydreaming again!" sita ng pinsan niyang si Charlotte o mas madalas niyang tawaging, Charee. Nasa garden siya ng oras na iyon at umiinom ng milkshake.
"Wala. Naisip ko lang anong pakiramdam ng buhay sa labas? I heard, magulo daw doon sabi sa balita," sagot niya rito.
"'Wag ka ngang manood ng masyado ng news. Oo, magulo daw sa labas pero may mga magaganda namang bagay na nangyayari sa labas," sabi nito sa kaniya nito na animo'y naranasan nang lumabas.
"Minsan naisip mo bang lumabas sa matataas na bakod na ito at tumakbo sa malawak ng kagubatan kung saan tayo naroroon?" tanong niya rito. Napahinto ito sa pagsipsip ng inumin.
"You mean, escape?" pabalik nitong tanong.
Natahimik siya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang tumakas, because, she never felt imprisoned. She feels safe.
"I don't know why. Pero, gusto ko lang sanang maranasan. My father is helping people, at gusto kong makita ang mga taong iyon kung gaano sila kasayang natutulungan sila ng aking ama. My mother, is into tourism business, I want to see the beauty of her field and hardworks," iyon ang nasabi niya at isa sa dahilan kung bakit niya gustong makitang buhay sa labas.
"I will think about it. At magaga-gather ako ng ilang research diyan sa sinasabi mo," sagot nito. Napangiti siya rito. Papaano ito makakapag-research e, ni mismo isang social media account ay wala silang dalawa?
"Anyways, tatlong araw na lang at kaarawan mo na. So, what's the plan?" tanong nito.
She smiled. Magkaising edad lang sila at mas matanda lang ito ng dalawang buwan.
"Masquerade party," she answered while smiling. Pangarap niyang magkaroon ng Masquerade party. Tulad ng napanood niya sa movie, Romeo and Juliet.
Naging maayos naman ang buong training niya sa rifle ngunit, sinabi ni First na dapat siyang mag training pa ng dalawa pang linggo. At dahil bukas na ang kaniyang kaarawan ay pinagpaliban na muna nila ang training.
Abala ang buong mansyon sa pag-aayos ng kaniyang party para bukas. Maging ang mga magulang niya at mga kapatid ay nakitulong narin. Dahil summer vacation naman kaya hindi abala ang mga kapatid niya. Maliban na lang sa kaliwa't kanang summer getaways ng mga ito sa mga kabarkada at iba pa niyang mga pinsang lalaki na sina kuya Charles, kuya Carl at kuya Clark. Pero free ang mga ito lalo na tungkol sa family gatherings.
"You need a beauty rest, my princess. Para bukas mas blooming at may energy. Pahinga ka muna. Mamaya pagdating ni Charee ay walang humpay na pagpili na naman kayo ng susuoting pagpinsan," wika ng kaniyang ina at iniwan na siya sa kaniyang kwarto.
Inayos niya na ang kaniyang kama at nahimbing na natulog.
Naalimpungatan siya nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kaniyang pintuan. Sinilip niya ang digitak clock na nakapatong sa gilid ng higaan niya. Mag-a-alas singko na ng hapon. Napahaba ang kanyang tulog.
Mabilis siyang nasuklay ng buhok at binuksan ang pinto. It's her cousin, Charlotte. Agad naman itong pumasok kasunod ang dalawa nilang kasambahay na mag dalang walong paper bags. Ang mga dalang mga paperbags ay may iba't-ibang laki at logo na nakatatak. Inilapag nila ang paper bags sa kaniyang queen size bed at nagpaalam nang umalis. Naiwan silang magpinsan.
"So, mamimili na tayo ng isusuot. Since it's black theme Masquerade party. Puro black ang mga iyan. Our family fashion stylist ang bumili niyan. Wala na kasi siyang time para manahi dahil paiba-iba ang gusto nating dalawa," sabi nito at isa-isa na nilang nilabas ang mga gown.
Isa-isa nila iyong nilatag sa kama. They are all perfectly beautiful. Alam niyang kakasya iyon sa kanila dahil, alam na ng fashion stylist nila ang sukat nilang dalawa. They have the same body figure, ang pinagkaiba lang nila ay mas maputi siya kay Charlotte at mas matangkad ito ng dalawang pulgada. She is 5 feet and five inches.
"And I think ito ang akin. How about you?" pinili nito ang isang black turtleneck gown na may mahabang split ang kanang side.
"I don't know. Hindi ko feel, e,"
"What!"
"I mean, maganda silang lahat. Pero parang hindi ko feel mag-black gown," sabi niya. Palagi na lang kasing black motif ang party ng kanilang pamilya. Siguro'y nagsawa na siya. She wanted something new.
"So, babaguhin natin ang motif!? Girl, bukas na po ang party!" bulyaw nito sa kaniya.
"Yeah, I know," sagot niya.
Naupo ito sa edge ng kama niya at tinabihan niya ito, "How about, since you are the birthday celebrant, lahat kami ay naka-itim at ikaw lang ang naiiba. What do you think?" suggest nito.
"I think so," nakangiting sagot niya.
"Sasabihin ba natin ito kay tita or it's a surprise?" tanong nito.
"It's a surprise. We better call Nicole," sabi niya. Si Nicole Fred ang fashion stylist nila. Kaibigan ng kanilang mga ina.
Matapos kontakin ang stylist ay bumaba na aila upang makapaghapunan. Kompleto ang buong kamag-anak nila sa hapag.
"Nabalitaan kong inimbitahan mo ang ilang malalapit na kaibigan mo sa pulitika, Armando," wika ng ama nina Carl at Clark na si Carmelo Atienza. Siya ang panganay na kapatid ng kaniyang ina. At katabi nito ang asawang si Susan Lopez-Atienza. Isang doktora ito at naging kaibigan ng kaniyang ina.
"Oo. Sila iyong mga kaibigan ko na kabilang rin sa Mafia. Halos lahat ng inimbitahan ko ay kabilang sa samahan," sagot ng kaniyang ama na nakaupo sa pinakasentro ng hapag.
"Mabuti naman kung ganoon. Nag-a-alala lang kami kung may ibang makarating sa pagsasalu-salong iyon na hindi natin mapagkakatiwalaan. Safety is the greatest policy, lalo na para sa Eagle's Eye," sabat ng ina ni Charlotte at kuya Charles. Siya ay si Julia Cruz-Atienza. Matalik itong kaibigan ng kaniyang ina. Professor ito sa SBU. At naging asawa ng ninong niyang si Carlito, ang bunsong kapatid ng ina niya.
"Of course, the Eagles need to celebrate their Queen's birthday," sabat ng kaniyang paternal grandfather.
Napangiwi na lang siya ng marinig ang salitang Queen. Magiisang taon na mula ng makuha niya ang trono ngunit dalawang beses niya lang nakita ang buong mafia members. Una noong kinoronahan siya at pangalawa ay noong kaarawan ng lolo niya.
Minsan ay nirereport sa kaniya ng mga kapatid niya tungkol sa mga transaksyon ng organisasyon. Pero ni isa ay wala pa siyang nagagawa sa para sa grupo. Ang tangi niya lang ginagawa ay makinig at pumirma ng mga papeles ng transaksyon, dahil ang apat niyang kapatid ang lumalakad nito. They are hands-on. Thank God, she have wise and brave brothers.
Natuon naman ang buong pag-uusap sa business at pag-aaral ng mga kuya nila. Masasabi niyang malakas ang samahan ng pamilya nila. Tulong-tulong palagi ang bawat isa pag may problema.
Itutuloy…