Chereads / the pain you never knew / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

The Plan

*

CAMILLA'S POV

Halos isang linggo na mula ng magdiwang siya ng kaniyang kaarawan at ngayon ay idaraos ang annual meeting ng mafia. At ito ang unang beses na pupunta siya. Hindi niiya mawari ang kaniyang nararamdaman tungkol doion. Wala siyang kilala sa mga taong pupunta doon maliban sa mga pamilya niya. Hindi kasali ang pinsan niyang si Charlotte sa mafia, dahil hindi rin gusto ng mga magulang nito na madawit ito roon. Ngunit nagtraining din naman ang dalaga sa basic self defense.

Sa loob ng masyon magaganap ang meeting. Sa underground hall iyon. Halos humigit-kumulang dalawang libong miyembro ang pumunta mula sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi pa kasali doon ang mga shadows kung kanilang tawagin. Sila ang mga miyembro na hindi pa nakikilala ng mga opisyal na miyembro, gumagalaw sila para sa organisasyon na walang nakakakita at nakakaramdam sa kanila.

Hindi niya mawari ang nararamdaman ng oras na iyon. Katabi niya ngayon si Charlotte. Nakaupo sila sa upuang nasa balkonahe ng kaniyang silid.

"Chill ka lang. Okay, naroon ang mga kuya mo at pinsan natin. They will help you," kalmadong wika nito.

Napatayo silang dalawa ng biglang may kumatok. "Queen, they meeting will starts in a few minutes," boses iyon ni kuya Charles na kapatid ni Charlotte.

Lumabas na siya at sinabayan siya nito patungo sa underground hall.

"Smile, hindi kanila kakainin ng buhay. Gusto nila luto," biro sa kaniya ni Charles na nagpangiti sa kaniya. Kahit papaano ay naibsan ng kaunti ang kaba niya.

Pumasok na sila at tumayo ang lahat ng naroon. Para siyang nasa isang senate meeting na napapanood niya sa telebisyon.

"Good afternoon," bati niya at naupo siya sa harap ng lahat.

Sa ikadalawang palapag ng pwestong nasa harapan niya ang ang kaniyang mga kapatid, ama at lolo. At sa pinaka ground stage ay ang tatlong pinsan niya at mga ama nito. Nakaharap sa kanila ang lahat ng miyembro. She lost of count.

May mga babae rin siyang nakita, ngunit mas lamang ang mga kalalakihang naglalaro sa bente hanggang trenta ang edad. Iilan lang ang matatanda.

"Naparito ang lahat para sa annual meeting para sa taong ito. Ating umpisahan ang meeting sa firearms, " wika ng kaniyang ama.

Tumayo ang isang ginoo sa harapan, "Naisasagawa po ang nasa proseso pa ang ilang mga armas natin para sa pagpaparehistro ayun sa batas," anunsyo nito.

"Kabilang ba roon ang mga armas galing ng Russia?" tanong ni First.

"Yes, sir," sagot ng lalaking banyaga.

Tahimik lang siyang nakikinig sa mga tanong at sagutan ng bawat-isa. Kahit papaano'y nawawala ang kaba niya sa harap ng raong naroon. Men in front of her were doing great.

Napunta ang topic sa safety ng malalaking negosyong under ng mafia at maging safety ng bawat isa. Isa sa malaki at magulong topic iyon sa mafia. Lalo na ang negosyo, kung sinong nasa taas siyang delikado sa kalaban.

"Hanggat walang kumikilos na masama sa kalaban, 'wag tayong lumaban. At kung sila mismo ang mag sindi ng apoy, humanda silang mag-abo," nakakakilabot na wika ni Second na nagtapos ng halos isang oras na usapan. The friendliest was scary too.

"Queen," nagulat siya ng may tumayong ginang na banyaga at tinawag siya. "Are you aware of Elite School for Girls in England?" tanong nito sa kaniya. And the woman sounds British.

"I'm sorry but, no," sagot niya. Nagumpisa nang kumalabog sa dibdib niya. What that woman was up too?

"We just talked if we will enroll to that school," sabi ng ginang na ikinabigla niya.

First stood up, "Mrs. Wilson, I'm sorry but we don't want her to enroll in a school faraway," sabat nito. Kontrolado ang boses nito ngunit maotorisado, he can be Emperor too, someday.

"But, we don't need a Queen who's hiding in this big castle faraway. She needs to train to mingle with different kinds of people. She needs to—"

"Still, no," First swiftly replied and sit.

Napalunok siya ng ilang beses. Feeling niya ay ginigisa siya ng isang prosecutor sa isang madilim na silid at tanging ilaw lang ay ang nasa gitnang kisame, tulad ng napapanood niya sa mga action film.

"It is a dorm school for girls, First. And I am handling the school. You don't have to be worried," sabi ng ginang.

"I think its right. Mas maganda nang doon siya mag-aral. Malayo iyon sa city at hindi iyon madaling mapupuntahan ng kalaban," wika ng isang ginoo. At isa-isang sumang-ayon ang lahat.

"She can study Business Management there. Mas marami siyang matututunan since maraming professor na hahawak at magte-train sa kaniyang mabuti," isang maitim na ginoo ang sumang-ayon.

"Mas matututo siyang makihalubilo," singit ng katabi nito.

Sumasangayon na ang halos lahat ng tao roon. She wants to experience the life outside but not faraway from her family. Gusto niyang mag-aral din sa regular ng unibersidad tulad ng mga kapatid niya, ngunit gusto niyang kasama parin niya ang pamilya.

"Dad," she called her father. At nilungon siya nito.

"My princess," malungkot nito wika.

"Tito, we can send Charlotte with her. Para naman may kasama siya," sabi ni kuya Charles.

"Or we can visit them regularly," huwestyon naman ni kuya Carl. She doubt about that, her brother were busy; school, varsity, business and mafia. Hindi nila masisisngit ang bisita sa kaniya ng regular.

"Wala tayong laban sa kanila kahit tayo ang head ng organisasyon na ito. Kumbaga sa basketball court, wala tayong depensa sa atake," sabi naman ni kuya Clark.

"It is for the future of this organization," at sa wakas nagsalita na ang kanina pang tahimik, ang kaniyang lolo. Alam nila na walang makakapatol sa kahit na anong sasabihin ng kanilang lolo.

Simula ng mamatay ang kapatid ng kaniyang ama na si Anastacia Aguila ay wala nang humawak ng permanente sa organisasyon. Ang kaniyang lolo at ama ang humahawak nito dahil ang ama niya noo'y senador at matanda na ang kaniyang lolo ay mahina ang galaw ng organisasyon ika nga, in hiatus. Namatay ang kaniyang tita Anastacia noong dalawampu't walong taong gulang ito, dahil sa isang mafia war sa Hawaii. Dalawang taon palang si First at kapapanganak lang kay Second noon.

May kasintahan noon ang kaniyang tita at hindi na sila nagka-anak. Walang nakakaalam kung sino ang lalaking iyon tanging ang kaniyang lola lang na namatay rin halos walong buwan pagkatapos ng mafia war sa Hawaii.

"It is settled. The Eagle Eye will enroll in England," anunsyo ng sumunod sa ka iyang posisyon, ang kaniyang ama, the Emperor.

Matapos ang meeting na humigit tatlong oras ay agad sila g nagtungong buong pamilya sa living room. Wala parin siyang kibo mula ng ibaba ng kaniyang ama and desisyon.

"Hindi pwede!" hiyaw ng kaniyang ina nang ikwento ang kaniyang pag-aaral sa England.

"Charlotte will go with her tita," sabat ni Charles.

"Charles, no way. That's too far away," bulyaw ni Julia sa anak.

Mukhang ang pinapangarap niyang makita ang labas ay nauwi sa pagaaway ng pamilya. Ito ang unang beses niyang nakitang nakagulo ang mga ito. She felt sad about it. She wanted to cry.

Magkahawak-kamay sila ni Charlotte habang nakikinig sa debate ng pamilya nila. Noong una ay kinabahan siyang sa ibang-bansa sila mag-aaral. Sumunod ay na-excite na siya kasi may makikilala na siyang ibang tao at makikita ang lugar sa labas ng matataas na barriers sa mansyon. At ngayon, nalulungkot siyang iiwan niya ang pamilyang ni minsan ay hindi nawalay sa kaniya.

Ano ang magiging buhay niya kung wala ang mga magulang niya? Sino nang magtatanggol sa kanya tulad ng mga kuya at pinsan niya?

Matapos ang pag-u-usap ay nagtungo na siya sa kaniyang silid upang mag-empake. Bukas ay darating na ang kanilang passport at ticket patunging England. And the day after tomorrow is their flight. Wala na talagang makakapigil pa sa mangyayari.

"Mila, are you there?" boses ni Charee at pinagbuksan niya agad ito.

Hindi pa sila naguusap tungkol sa paglisan nila. She feels sorry at nadamay pa ito.

"Kuya Charles and I talked. At 'wag ka nang mag-alala dahil magkasama tayo. Buti na lang! kala ko magkakahiwalay na tayo," masiglang wika nito.

Nagliwanag ang mukha niya, "Hindi ka galit, dahil nadawit ka pa?" nagtataka niyang tanong.

"Of course not. Mas magagalit ako kapag naiwan ako," sagot nito at niyakap siya. She hugged her back.

"Wait lang, ano 'yang dala mo?" tukoy niya ang papel na hawak nito.

"Ito ang mga nagather kong information tungkol sa labas. Narinig kong nag uusap sina kuya Carl at Clark sa sala noong isang araw," sagot nito.

Nagpatuloy ito at ipinakita sa ka iya ang iba't-ibang listahan ng mga pangalan, "Ito ang pangalan ng mga restaurant na palaging pinupuntahan ng mga kuya natin. May mga iba't-ibang klaseng sineserve ang mga restaurants na iyan. Tapos may mga amusement parks pa na may mga rides, games at fireworks. Tapos, bars, dinig kong parati sila sa bars. May mga sumasayaw at kumakanta doon. At kapag hindi ka pa eighteen hindi ka pwedeng pumasok kaya si kuya Clark at ang kambal ay hindi pa nakakapsok roon," paliwanag niya sa mg alistahan ng pangalang ng establisyementong nakalista.

"At ito ang magandang narinig ko kanina lang, may school daw na malapit lang sa city at dito. At dorm school siya," sabi pa nito.

"And so…"

"Kung ayaw nilang mahagilap tayo ng mga mafia enemies pwede naman tayong doon mag school. Bakit pa sa ibang-bansa? And my ninong… remember ninong Frederick Gomez. Iyong pinsan ni mama. He is the President of the university. See, we are secure," pagmamalaki pa nito.

"I think we need to tell them—"

"We better not," pigil nito. Hindi niya makuha ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya.

"Why?"

"Dahil sabi ni kuya Charles. Isa sa pinaka ayaw niyang school ang school na ito. And I think hindi nila tayo papayagan. England is far away. Hindi nila tayo mabibisita ng regular, alam mo iyan," sagot nito.

"Ano nang gagawin natin?" she asked.

"We will escape…"

Itutuloy…