Chereads / CEO, Unstoppable Love / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

LAURA'S Point of View

Pagkatapos ng afternoon class ay naghanap ako ng bahay na malilipatan. Naglakad-lakad ako malapit sa university. Madami naman mga room for rent at appartment dito. Mas accesible pa sa akin kung malapit dahil makakatipid sa pamasahe. Ang mahalaga lang naman sa akin ahindi na makasama si Mandy.

Napahinto ako sa paglalakad ng mag-ring ang cellphone ko. Hindi ko inaasahan na ang lalaking ito ang tatawag sa akin. Napatanong pa ako sa aking isip kung ano pa ba ang kailangan nito sa akin.

"Napatawag ka, Sir?" malamig na bati ko.

"Ang bilis mo naman makalimot, Laura!"

"Pwede ba 'wag ka na magpaligoy-ligoy pa! Sabihin mo na kung anong kailangan mo sa akin."

"Gusto ko lang naman maningil sa pagkakautang mo sa akin."

"Ha? Ako pa talaga ang may utang sa'yo? Paano naman nangyari 'yun aber?"

"You promise me that you will clean my car, right?"

Napaisip pa ako sa sinabi nito. "Ang yaman-yaman, walang pangpa-car wash? Kailangan talaga ako maglinis?" Sabi ko sa isip at napabuntong hininga. Naalala ko nga na nangako ako sa kanya dahil sa pagtulong niya sa akin noong araw. Nabasa ako sa ulan kaya nabasa at naputikan ko ang loob ng sasakyan niya. Bumuntong hininga ako bago sumagot sa kanya.

"Fine!" tipid kong sagot.

"Meet me at the Villa!" tugon nito sabay baba ng tawag. Nag ngit-ngit ang mukha ko sa galit dahil sa pag-uutos nito.

Pagpasok ko sa Villa ay namukaan ko ang drayber nito na si Manong Ken na naghihintay sa balkonahe.

"Magandang tanghali Manong Ken." magiliw na bati ko.

"Dumating na pala kayo, Maam Laura. Halina na po at ihahatid ko na kayo kung saan nakaparada ang sasakyan."

"Sige po!" magalang na sagot ko. Nabilin na siguro ni Syd sa kanya ang dapat kong gawin.

"Maam Laura, ito po ang sasakyan. Ito din po ang susi!" abot sa akin ni Manong. "Aalis na ko at may ibang bagay pa akong gagawin." paalam nito.

Sumasakit talaga ang ulo ko sa Syd na ito! Napabuntong hininga ako at bubuksan na sana ang kotse ng kusang bumukas iyon at lumabas ang isang lalaki.

"Anong ginagawa mo r'yan?" gulat na tanong ko dahil ninerbiyos talaga ako sa biglang pagsulpot nito.

"Kotse ko 'to! Why asking kung anong ginagawa ko dito?" sarkastikong tanong nito. "May lisensiya ka ba?"

"Meron." diretsong sagot ko. "May lisensiya ako pero 'di ako gaano marunong mag-drive." dugtong ko.

"What's the sense of having a license kung hindi ka naman nag-da-drive?!"

"Bakit ba andami mong tanong? Lilinisin ko lang naman ang sasakyan mo!" paangil kong tugon.

"Give me the key! Sumakay ka na na!"

May pagtataka man sa akin at gusto ko magtanong ay hindi ko na ginawa. Siinunod ko na lang ang gusto nito.

Pinaandar nito ang kotse at umalis kami ng Villa. Habang nagmamaneho ito ay naiilang pa ako magsalita pero gusto ko pa rin humingi ng sorry sa abala na ginawa ko sa kanya.

"Sorry kung nadumihan ko 'tong mamahalin mong sasakyan."

"I don't accept sorry! I need you to pay me back for my kindness." sabi nito habang nag-dridrive.

Napa-wow ako sa kanya. "Ang kapal! ako pa talaga ang may utang sa kanya?!" sabi ko sa isip ko.

Gusto ko na matapos ito kaya hindi na ako nakipag-sagutan pa sa kanya.

"Paano ko ba mababayaran ang kabutihan na ginawa mo para sa akin?" tanong ko.

"Pagkatapos natin ipalinis ang kotse ko, samahan mo ko kumain." seryosong sabi nito.

Tumingin ako sa kanya ng may pagka-bigla at pagka-bahala.

"Kumain? Kalimutan mo na ito! Hindi ako nagugutom! Bukod pa doon, wala akong karapatan na sabayan ka kumain." sabi ko habang umiiling sa gusto niyang mangyari.

"Sasamahan mo ko o babayaran mo na lang yung nabasa mong car seat na nasa likuran ko? Siguraduhin mong tama ang isasagot mo ha."

"Magkano ba yan?"

Napatingin ito sa akin ng nagtanong ako.

"30,000." tipid na sambit nito.

"Ha?" pagulat kong sabi.

"Since magka-kilala naman tayo, I'll give you a 50% discount."

May ipon man ako ay hindi ko gagastusin iyon para lang sa car seat na ito. Ilan taon ako nag-ipon para sa sarili ko at hindi para lustayin sa walang kwentang bagay.

"Fine! Sasamahan na kita." pabuntong hininga kong sabi. "Ay, grabe siya oh! May choice pa ba ko na humindi sayo?" Mababaliw na ata ako sa mga request ng lalaking ito.

"Great! Kung ganun, pumapayag ka na ba?" pangiti niyang sagot.

Napatingin ako sa kanya ng walang kasiyahan sa aking mata. "Kayo talagang mga businessman, mauutak! Napakaselan pa!" pabulong kong sabi.

"Ayaw mo ata eh! Mas gusto mo ata magbayad kesa kumain." sagot nito sa akin at hininto ang sasakyan sa gilid ng kalye.

"Kakain na!" sagot ko. Sino ba naman ang papayaga na magastusan, 'di ba?! Eh di, kakain na lang ako. Busog pa ako!"

"Andami mo pang sinasabi, papayag ka din naman pala!" antipatiko nitong tugon.

Almost 1 hour din ang hinintay namin para matapos ang pag papa-carwash. Dumiretso kami sa restaurant na sinasabi niya. Sinilip ko pa sa bintana ang restaurant na hinintuan namin at doon binasa ko ang signage.

"L'Opera," isang italian restaurant.

Ano kaya ang palabas ng lalaking ito? Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin?! Ang weird." sabi ko sa isip ko.

Ngumiti lang si Denise sa sinabi ni Syd pero ramdam ko na hindi ito komportable. Pilit kong ibinabaling sa iba ang pag-iisip ko pero hindi ko mapigilan mapa-isip kung ano bang meron sa dalawang ito.

"Mabuti kung ganun. Hindi na mahihirapan pumili si Laura ng kakainin niya dahil pareho pala kayo ng gusto." ngiting sabi nito habang nakatingin sa akin.

Ang awkward ng sitwasiyon ko. Wala akong magawa dahil napapayag na ako ni Syd. "Humanda talaga ang lalaking ito sa akin mamaya. Hindi niya dapat ako dinadamay sa mga affair niya.

Sinerve na ng waiter ang mga pagkain na inorder ni Denise. Magsasandok sana ako ng kakainin pero inunahan ako ni Syd. Siya mismo ang nagsandok sa akin. Napatingin pa ako kay Denise dahil nakatitig ito sa ginagawa ni Syd.

In-enjoy ko lang ang pagkain at hindi ako nagsalita gaya ng bilin ni Syd. Hindi ko mapigilan mapatingin sa gawi ni Denise dahil napaka elegante nitong kumain. Maganda din ito at mukhang mabait. Pero nararamdaman ko na may kakaiba talaga sa kanilang dalawa.

May pagkakataon pa nga na tinitignan din ako nito pero kita ko sa mata na hindi siya masaya. Walang emosiyon ang kanyang mukha. Natapos ang aming pagkain ng ganun-ganon na lang. Ilang minuto kaming nagpahinga bago magyaya si Syd na umalis na.

Sabay-sabay kaming tatlo na umalis ng restaurant. Naiilang ako dahil naka-akbay pa si Syd sa akin habang nasa likuran lang namin si Denise. "Sana matapos na 'tong drama na 'to." sabi ko sa isip habang tinitiis ang pananantying ng lalaking ito.

Sa labas ng restaurant ay padiretso na kami ni Syd sa kotse ng tawagin ni Denise ang pangalan ko.

"Laura! If you don't mind, pwede ko bang makausap si Syd ng ilang minuto?"

Napahinto ako at nag-aalangan pero pinilit kong ngitian ito bago sagutin ang tanong niya.

"Sure!" ngiting sabi ko. Bumaling ako kay Syd at tinignan ito, "I'll go ahead. Hinatayin na lang kita sa kotse." Pagkasabi ko ay tinalikuran ko na ito.

SYD's Point of View

Nakadungaw ito sa bintana habang pinaparada ko ang kotse sa parking lot. Pagkahinto ko ay pababa na ito pero pinigilan agad na pinigilan.

"Wait? Where are you going?" tanong ko. "Before you go, magpalit ka muna ng damit. Kukunin ko lang sa compartment." Bumaba ako at kinuha ang paper bag. "Wear this! I'll wait you outside!" Abot ko sa kanya.

"Dito?! Dito talaga sa sasakyan mo? Seryoso ka?" sabi nito upang kompirmahin kung seryoso ba talaga ang sinasabi ko.

"Saan mo gusto? Dito sa labas?" sarkastikong tanong ko. Inirapan ako nito at kasabay 'non ang pagsara muli ng pintuan ng kotse upang makapag-bihis ito.

Habang nagbibihis ay naririnig ko ang mga sinasabi nito. Pati na rin ang pagdadabog niya habang nagpapalit ng damit. Hindi ko mapigilan mapangisi.

"Napaka demanding. Nakakaasar! Grrr." Rinig kong muling sabi nito at narinig ko rin na ginaya niya ang mga sinasabi ko kanina. Napahinto lang ito ng kinatok ko ang bintana.

"Oh, ito na nga, patapos na! Atat na ata?!" sabi nito sa akin sabay baba sa kotse.

Nakasandal ako sa pintuan habang hinihintay ito. Kahit napakasimple ng pinasuot kong dress ay dalang-dala pa rin niya. "She looks sophisticated." Hindi ko naiwasang mapatitig mula ulo hanggang paa. "She's almost perfect." Bumalik lang ang aking ulirat ng magsalita ito.

"Ano? Magtitigan na lang tayo?" pataray na sabi nito.

"Let's go!" kinuha ko ang kamay nito at kinaladkad papasok ng restaurant.

Habang hatak ko ang kamay niya ay nagsalita ito.

"Sandali! 'Wag mo naman ako hatakin!" reklamo nito.

Binitawan ko ang kamay niya at tinitigan lang ito. Hindi na ito nakapagsalita pa. Muli ay kinuha ko ang kamay niya pero ngayon ay inilagay ko iyon sa braso. Nakisama naman ito at sinundan lang ako paakyat sa 2nd floor ng restaurant. Habang umaakyat ay bini-briefing ko na sa kanya ang gagawin.

"Ang gagawin mo lang ay kumain, ngumiti at tumango, Enjoy mo na lang ang ambience nitong restaurant at hanggat maari ay 'wag ka na magsalita ng kahit ano man bagay. Naiintindihan mo ba?"

"Puppet sana sinama mo, hindi ako!" pataray na sabi nito.

Napaka-taray talaga nito. Gustuhin ko man sagutin ito ay ayoko ng gumawa ng dahilan para iwan niya ako dito.

"Good afternoon, Sir Syd." bati ng isang receptionist. "Naghihintay na po si Maam Denise sa pina-reserve niyong table."

"Thank you!" tugon ko.

Nakita ko na nandoon na nga si Denise. Masaya itong nakatingin sa amin ni Laura. Sinalubong pa kami nito at tumayo sa kinauupuan niya. Nauna na itong nagsalita.

"Hi!" bati nito habang tinitignan si Laura. "And you are?" tanong nito.

"Tutor ni Erl. She's Laura Wen." sagot ko. Habang si Laura ay napahigpit ang hawak sa braso ko.

"Hello Laura. How are you? I'm Denise, sister-in-law ni Syd." Inabot nito ang kamay niya kay Laura.

"Hi, Denise, I'm glad to meet you," abot ng kamay ni Laura upang makipag-kamay.

"Let's seat," yaya ko sabay urong ng upuan upang makaupo si Laura sa tabi ko.

Nakita ko kung paano tumingin sa amin si Denise but I don't care.

"Sorry for disturbing you. Nag-aalala ako na baka maka-apekto ito sa iyong work schedule." sambit nito pagkaupo ko.

"No worries, but don't get me wrong of bringing Laura, dahil una na akong nakipag-appointment sa kanya." malamig na tugon ko.

"I understand Syd. In-order ko lahat ng paborito mong pagkain. I didn't expect na may kasama ka kaya good for us lang ang na order ko. Laura, okay lang ba na mag-order ka na lang ng pagkain na gusto mo? Tawagin ko na lang yung waiter para mabigyan ka ng menu." ngiting sabi nito.

"No need, Denise. I'm not picky. Kung ano ang pagkain niyo, 'yun na lang din ang kakainin ko."

"She's right." tipid na sagot ko. Napatingin ako kay Laura at nakita ko na pilit itong ngumiti. I was wrong na dalhin siya rito, pero this is the only way para malaman niya na tapos na kami. Wala na akong nararamdaman pa para sa kanya.

Pagkatapos kong kausapin si Denise, pinuntahan ko na si Laura. Sinalubong ko ito ng may magandang ngiti. Nakita ko naman ang pag-ngiti nito sa akin pero ng makaalis ang sasakyan ni Denise ay nagbago ang aura ng mukha niya.

"Huwag na huwag mo na kong gagamitin para pagselosin ang babaeng iyon." pataray nitong sabi.

"What are you saying?" tanong ko.

"Nag mamaang-maangan ka pa? Kita naman kay Denise na may gusto siya sa'yo?! Please lang ha? Ayoko ma-involve sa affair na meron kayong dalawa!"

"Wala ka naman alam, kaya wala kang karapatan na i-judge ako." malamig na sagot ko sa kanya.

"Tama ka, wala nga akong alam! Pero pinag-mukha mo 'kong tanga. Kakain lang ang sabi mo, hindi mo sinabing ipang-po-front mo ko sa hipag mo!"

Pagkatapos nitong magsalita ay binuksan nito ang pintuan at kinuha ang gamit niya. Tinitignan ko lang ang bawat galaw niya. Kahit galit ito ay napakaganda pa din.

"Aalis na ko! Bayad na ko sa utang na loob ko sayo kaya wala ka ng dahilan para tawagan ako at pasunurin sa gusto mo, katulad ngayon."

Wala akong masabi. Tinitignan ko lang ito habang paalis sa harap ko, but not this time! Not again. Hinabol ko ito at kinuha ang braso niya.

"Ihahatid na kita." Hinatak ko ang kamay niya at tinungo namin ang kotse. Pinipiglas ang kamay niya pero mas malakas ako sa kanya, kaya wala rin siya nagawa. Nagdadabog siya sa loob ng kotse pero hindi ko ito pinansin. Nakita ko na kumalma na ito at nakatingin sa bintana.

"I'm sorry! I admit, mali ako sa ginawa ko." sabi ko dito.

"Buti alam mo!" pataray na sagot nito.

Kahit nakatalikod ay ramdam ko pa rin na galit ito. Sa university ko siya hinatid dahil sabi niya ay may kailangan pa siyang gawin doon. Hindi ito nagpahatid sa main gate dahil ayaw niyang may makakita sa kanya na bababa sa isang kotse katulad nitong pagmamay-ari ko.

I don't understand her ego. Ang ibang babae ay mas gugustuhin pa nila na ipagmalaki ang mga ganitong bagay. Kabaligtaran ng mga nakilala kong babae. Siya ang pinaka mataray. Palaging may katwiran at hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa akin.

DENISE'S Point of View

Simula ng kumakain kami ay hindi ko man lang nagawang kausapin si Syd ng masinsinan. Naramdaman ko na para lang akong hangin sa paningin ni niya. Ilan beses ko ng nakikita si Syd na may kasamang babae at alam ko na pang-front niya lang sa akin.

Nang iwan kami ni Laura ay binaling ko ang buong atensiyon ko sa kanya. Namuo ang mga luha sa mata ko pero pilit kong pinipigilan na tumolo iyon. Sinubukan kong ngumiti na parang hindi ako apektado sa kanilang dalawa.

"Kamusta ka?" ngiti kong tanong.

"I'm good!" walang emosiyon na sagot nito.

"Don't get me wrong, Syd! I know you're using Laura para pasakitan ako."

"I don't know what you are talking about. We have a mutual feeling for each other. Nakita mo naman mismo ng dalawang mata mo kung gaano kami ka-intimate sa isa't-isa, hindi ba?"

"Syd, kilala kita! Alam kong ginagawa mo ito dahil sa akin..."

"Let's end this conversation. I have a lot of things to do. Ihahatid ko pa si Laura."

Napa-angat lang ang tingin ko habang binubuksan niya ang pintuan ng kotse ko. I can't believe na mamahalin niya ang ganoong klaseng babae.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at sumakay na ako. Sa bintana, dumungaw ako habang papaalis ito papunta sa babaeng nakatayo sa sasakyan niya. Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa pagseselos na nararamdaman ko. Kahit kailan, kahit pa naging asawa ko ang kapatid niyang si Clark, hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko. Nararamdaman ko na ganun pa rin ang nararamdaman niya para sa akin. Sinulyapan kong muli ang dalawa. Nakita ko ang liwanag at saya sa mukha ni Syd habang kausap ito at inaalalayan sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.