Chereads / CEO, Unstoppable Love / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

LAURA'S Point of View

Mula sa intesction ay naglakad na ako papunta sa school. Ayoko na ma-involve sa mga lalaking katulad ni Syd at Gabby. Ayoko na mapag-tsimisan pa ako sa eskwelahan. Malapit na ako sa school ng dumaan ang sasakyan ni Syd sa harapan ko. Napasimangot ako dahil hindi ito marunong makinig. Huminto ito sa harap ko. I stamped my feet papunta sa kinatatayuan niya.

Paglapit ko ay iwinagayway niya ang ang cellphone sa ere. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ang tanga mo talaga Laura. Ano ba nangyayari sa iyo. Andami pwedeng kalimutan bakit cellphone ko pa. Tss!" Painis kong sabi sa sarili ko. 'Bakit ba andami kong nagiging problema pag kasama ko siya? Hai naku naman!' Agad kong inagaw ang cellphone. Inirapan ko ito at nilagpasan. Napahinto lang ako ng magsalita ito.

"Someone's calling you! Sinagot ko na kasi baka emergency call." dugtong niya. Nilingon ko siya at binalikan. Hindi ko mapigilan ang inis dahil sa pagiging arogante at bossy.

"Wala kang karapatan pakialaman ang gamit ng iba! Last mo na talaga 'to!" sabi ko sabay check sa phone book ko kung sino ang tumawag.

Habang busy sa pagkakalikot ng cellphone ko ay narinig ko pa itong sumagot.

"Boyfriend mo ba 'yun?" tanong niya.

"None of your business!" pataray kong sagot at sa huling pagkakataon ay tinalikuran ko ito. "Thanks and goodbye." Dirediretso ako naglakad papasok sa school at hindi na ako lumingon pa sa kotse ni Syd.

Sa gilid ng university, hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang lalaki. Sinalubong ko ito ng may masayang ngiti at na-excite ako dahil ngayon lang namin nakita ang isa't-isa. Mahigpit ko itong niyakap.

"Kamusta? Bakit nandito ka?" tanong ko dito. "Nakakagulat ang pag bisita mo sa akin! 'Di ba your out of the country? I thought matagal kang mawawala dito sa Pilipinas?"

"Na aksidente si Daddy nung isang araw, kaya pinabalik niya ako dito para i-handle muna ang kompanya."

"Ah!" tipid kong salita. Kapag binabanggit niya ang kanyang ama ay hindi ko maiwasang mag-iba ang pakiramdam.

"Gusto mo ba isama kita? Para makita mo siya?"

"No need, kuya. You know my reasons." mahinahon kong sagot.

"Hindi mo pa rin ba siya napapatawad?"

"Paano ko siya mapapatawad? Alam mo na malalim ang naging sugat sa puso ko na hindi ko na kaya pa siyang patawarin." Matigas kong salita. Sa kabila ng pagiging matigas ko sa kanyang ama ay napapaluha na lang ako kapag na-a-alala ang pag-hihirap ni nanay.

"Laura! 'Wag ka ng umiyak. Alam mo naman simula pa noon hanggang ngayon ay hindi naman kita itinuring na iba. Kapatid kita at hindi na magbabago 'yon!" Sambit nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko.

"Alam ko!" Tango at ngiti ko.

Bukod sa aming ama na si Resty, ang asawa nitong si Anabelle at ang kapatid nitong si Hilda, tanging si Kuya Luis lang ang tumanggap sa pagkatao ko.

Pagkatapos kong asikasuhin ang mga kailangan kong gawin sa university ay dumiretso na ako sa bahay ni Erl. Si Erl ay isa sa kapatid ni Syd. Tinuturuan ko ito para sa entrance examination nito rito sa eskwelahan. Hindi ko talaga mapigilan mamangha sa laki at ganda ng mga mansion ng mga Walton. Elegante at moderno ang design ng mga bahay. May tatlong bahay ito na may tag-da-dalawang palapag. Bawat isa sa kanila ay nag mamay-ari ng isang mansiyon.

Sa pinaka unang bahay ay pagmamay-ari ni Syd. Sa di kalayuan ay tanaw ang bahay ni Erl. Sa pinaka dulo ay ang bahay ng Kuya nilang si Clark. Sa tatlong buwan kong pagtuturo kay Erl ay napaka-dalang ko lang makita si Syd dito sa mansiyon. Dalawang beses nga lang 'yon. Ang una ay noong interview-hin ako nito at pangalawa ay nang bisitahin nito si Erl sa bahay habang tinuturuan ko.

Hindi ako makapaniwala na bukod sa pagtu-tutor ay magiging malalim pa ang ugnayan namin dalawa. Binilisan ko ang aking paglalakad upang maiwasan si Syd, kung andito man siya ngayon. 'Ni isang segundo ay hindi ako lumingon o tumingin sa bahay nito at dire-diretso lang ako sa bahay ni Erl.

Malalim akong huminga bago ako kumatok sa pintuan. Bumukas iyon at bumungad sa akin ang kasambahay na si Laila. Sa ilang buwan na pag-punta ko dito ay naging close na din kami nito. Paminsan-minsan ay nakaka-kwentuhan ko ito, pero napaka-dalang lang 'yon.

"Pasok, Teacher Laura!" yaya nito sa akin papasok.

Natigilan ako sa may pintuan ng marinig ko na may kinakausap si Erl. Wala akong ka ide-ideya kung sino ba ang kausap nito dahil hindi naman ito sumasagot. Namutla ako ng makita ko na ang kausap ni Erl ay ang kanyang kapatid na si Syd.

Sinubukan kong itago ang kaba na nararamdaman ko. Dinaan ko na lang ang nerbiyos ko sa ngiti at binati ito.

"Magandang hapon!" masayang bati ko. "Sir Syd, andito po pala kayo!"

"Syempre naman Teacher Laura, bahay ko rin ito! At isa pa hinihintay din talaga kita," sabi ni Syd.

Napaturo ako sa aking sarili at napabulong.

"Ako?" tanong ko dito. "Ehem! Maari ko po bang malaman kung bakit at kung anong kailangan niyo sa akin?" Magalang na tanong ko.

"Doon tayo sa study room." pautos na sabi nito. "Erl after 5 minutes sumunod ka na lang doon."

Sinundan ko ito papunta sa study room at doon nag-usap.

"Gusto ko sana na dito ka na tumira upang maka pag concentrate ka sa pagtuturo kay Erl."

"Ako? Titira dito?" bulalas kong salita.

"Tama ang narinig mo! Next month na kasi ang exam ni Erl, kaya importante ang oras sa akin. That is why I'm asking you para naman hindi hassle sa iyo at sa part ni Erl." Kalmadong paliwanag sa akin ni Syd.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito. Nakakainis talaga ang lalaking ito. He's getting on my nerve!

"Hindi na kailangan, Sir Syd! Matuturuan ko naman siya ng maayos kahit di ako tumira dito. Bukod pa ron, hindi convenient sa akin papasok sa school. Hindi madaling mag pabalik-balik papasok at pauwi dito lalo na kapag walang kotse."

"I can help you para ma-settle ang lahat. Maari rin kita ipahatid at sunduin gamit ang kotse para wala kang maging problema."

I try to smile at him kahit naiinis na ako.

"Sir Syd, hindi maganda sa isang babae na tumira ang isang lalaki lalo pa kung student ko. Don't get me wrong."

Nakakaloko ang pagngiti nito. Napakibit balikat pa ako dahil sa reaksiyon ni Syd na nakakaloko.

"Wala akong nakikitang mali kung tumira ka dito! O baka naman iba ang iniisip mo, Teacher Laura? May gusto ka ba sa kapatid ko?" diretsong tanong nito.

"What?! sigaw kong sagot. Napailing ako at sinubukan pakalmahin ang sarili ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang trabahoing ito ay malamang pinatulan ko na ito. "Sir, student ko si Erl at wala akong gusto sa kanya!" pagtatama ko sa maling iniisip nito.

"Totoo ba yang sinasabi mo?" matalim na tingin nito sa akin habang nagtatanong.

"Yes!"

"Kung ganun, ano kinatatakutan mo at ayaw mong tumira dito? Naaalala mo pa rin ba ang nangyari sa atin?"walang alinlangan tanong ni Syd.

Napatakip ako sa bibig nito dahil natatakot ako na may makarinig sa amin.

"Ano ka ba? Hindi mo na kailangan pang banggitin yan sa akin!" Tinaasan ko ito ng kilay. "I can't believe na ikaw pa talaga ang mag-o-open up niyan?! Binabalaan kita, 'wag na wag mo ng babanggitin ang maselang bagay na 'yan."

"Ngayon ko lang nalaman na wala ka talagang alam tungkol sa mga lalaki. Karamihan sa amin ay hindi tumatangi sa grasya na ibinibigay sa amin. Katulad na lang sa nangyari sa atin. Ibinigay mo ang iyong sarili sa akin kaya naman hindi ako tumanggi." paalala nito sa akin.

Natahimik ako sa sinabi nito at hindi na ako sumagot pa. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa pinagsasabi niya o mamamatay sa kahihiyan.

"I was wondering, Laura. Can you tell me kung bakit hindi nakuha ni Gabby Lin o Luis Anderson ang bagay na iyon?"

"Anong kalokohan ang mga sinsabi mo?" tanong ko. May pagtataka sa mukha ko habang hinihintay ang sagot nito. "Paano niya nakilala si Gabby at bakit pati kapatid ko ay nabanggit niya?" tanong ko sa sarili ko.

"Kelan lang nakita kita na nakikipag-usap ka kay Gabby. Kanina, sa mismong kaparehong lugar, kayakapan mo naman si Luis. Laura, mukang minamaliit mo ang kakayanan ko!"

Inirapan ko ito. "Paano ba napunta sa usapang ito ang pag tratrabaho niya bilang tutor?!" tanong kong muli sa isip ko.

SYD'S Point of View

Napabuntong hininga ako sa kung paano na lang ako sagut-sagutin ng babaeng ito. Iba talaga ang epekto sa akin ni Laura. Sino ba ang lalaking tumawag na iyon? Ano ba siya ni Laura? Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sa lalaking iyon. Namilog at nagtalim ang mata ko sa lalaking sinalubong ni Laura.

Hindi ko inalisan ng tingin ang dalawa. Napakuyom ako sa aking palad kung gaano sila ka-close dalawa. Sa harap ng ibang lalaki ay mukha itong maamong tupa pero kapag ako na ang kaharap ay isang mabangis na leon.

Kung hindi ako nagkakamali ay si Luis anderson iyon, ang panganay na anak ni Resty Anderson. They are the owner of Anderson Group of Company. Napaisip ako kung anong koneksiyon ni Laura sa taong ito. Nagsalubong ang aking kilay habang masayang nag-uusap ang dalawa.

Ilang minuto ko pa itong pinagmasdan bago sumakay sa kotse. I will not any other men touch or hug her. Habang nagdri-drive ng kotse ay kinuha ko ang aking cellphone.

"Ram, investigate the family background of Laura Wen!" utos ko dito.

"Laura Wen? 'Yung tutor po ni Sir Erl?" tanong nito upang kompirmahin kung sinong Laura ba ang tinutukoy ko.

"Yes!" Malamig kong sagot.

"Copy, Sir!"

I hang up the phone. "Malalaman ko din kung anong koneksiyon niyong dalawa!" Bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ba interesado ako sa babaeng ito. Napabuntong hininga na lang ako at nag-drive pabalik sa office.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakilala ko ang isang katulad niya na walang takot sa akin. Bakit ba ganito ang turing sa akin ng babaeng ito. Kanina lang ay napakaganda ng kanyang ngiti habang kaharap at kausa si Luis. Ngayon habang kaharap ko ay para na naman itong isang matapang na leon.

"Speechless, Teacher Laura?" tanong ko dito. I need an answer kung bakit ba kung sino-sinong mga lalaki na lang ang malalapit sa kanya.

"Hindi tayo close para sabihin ko sayo ang bawat detalye ng buhay ko! Wala ka rin paki-alam para paki-alaman ang personal kong buhay. At bukod pa roon, nangako ka na ilililihim mo ang nagyari sa atin, na pilit mong pina-paalala kanina pa." galit na tugon nito sa akin.

"Ofcourse, wala naman akong pinag sabihan!" Pang-iinis kong sagot sa kanya. "Wala akong pinagsabihan na natulog ka sa tabi ko. Sayo ko lang sinasabi!" malamig kong sagot.

Bumuntong hininga si Laura. Napapangisi ako dahil sa itsura nito ay kanina pa akong gusto patulan pero pinipigilan ang sarili.

"What's the point of saying this matter? Bakit ba kasi kailangan mo pang ipa-alala ang bagay na 'yan?" mahinang tanong nito. Pinipigilan ko pa rin ang sarili kong magalit.

"Ibinabalik ko lang sayo, dahil sa masama mong pag-iisip tungkol sa pagtira mo Rito. FYI, bibigyan kita ng sarili mong kuwarto. Ikaw ang may pananagutan sa pag-aaral ni Erl. Pinapatira dito upang madali mo siyang maturuan. Iyon lang. 'Yun lang naman ang rason ko."

Nagtigil lang ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pintuan. Si Erl ang pumasok dahil magsisimula na ang kanilang klase.

"It's settle now! You can start your class!" sabi ko sabay labas papaunta sa pintuan.

Paglabas ng bahay ay napangisi ako. "Wala ka naman magagawa sa gusto ko!" bulong ko sa sarili ko.

LUIS' Point of View

Habang papunta dito sa university ay tinawagan ko si Laura. Nagtataka pa ako na lalaki ang sumagot doon at sinabi nito na naiwan ni Laura ang cellphone sa kanyang kotse. Naghintay na lang ako malapit sa gate para salubungin si Laura doon. Palingon-lingon ako sa paligid upang antabayan si Laura.

Sa di kalayuan ay nakita kong naglalakad si Laura. Napahinto ito ng hinarang siya ng isang kotse at bumaba doon ang isang lalaki. Iwinagay-way nito ang isang cellphone na siyang kinuha ni Laura. Gustohin ko 'man puntahan ito pero nakita ko na iniwan na ito ni Laura.

Sinalubong ko ito ng may ngiti sa aking mukha. Napahigpit pa ang yakap ko sa kanya dahil sa sobrang pagka-miss ko kay Laura. Nag-uusap kami ni Laura ng maagaw ng isang paalis na sasakyan ang aking mga mata. Seryoso kong tinitigan si Laura at diretsyong tinanong ito.

"Ang lalaking kasama at naghatid sayo, si Syd Walton ba?"

"Oo Kuya," sagot nito.

"Paano mo siya nakilala?" seryosong at pagtatakang tanong ko.

"Tutor ako ng kapatid niya."

"Nagta-trabaho ka pa rin hanggang ngayon?" reklamo kong tanong sa kanya. "Bakit hindi mo gamitin ang credit card na ibingay ko sa'yo?"

Natahimik ito at ngumi lang. Napabuntong hininga ako sa reaksiyon nito.

"Sarili kong pera 'yun na nilaan ko para sayo, para sa mga pangangailangan mo! Kung ini-isip mo na galing sa kompanya 'yon ay nagkakamali ka!"

"Alam ko naman 'yun, Kuya. Iba ang pag-iisip ng pamilya mo at ayoko magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa kanila bukod sa iyo."

"Laura, wag ka naman ganyan. Iwas-iwasan mo na ang masyadong pagiging matigas ng iyong ulo. Listen to me! Okay? Nalulungkot ako pag ganyan ang asal mo sa akin." Sagot ko dahil wala na akong magawa pa. Ganito na talaga siya ever since.

"Masaya na ko sa kung anong meron ako, Kuya! Kaya sana wag mo na ipilit sa akin ang gusto mo. Kaya ko buhayin ang sarili ko." proud na sabi nito.

"Kung ganun ipangako mo na lang sa akin na lalayuan mo ang lalaking iyon. Mapanganib siyang tao at mahirap banggain. Naiintindihan mo?" Pag-aalala kong paalala.

"Kuya, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko at alam ko na ang ginagawa ko." ngiting tugon nito sa akin.

Napangiti at napahimas ako sa ulo nito. May tiwala ako kay Laura at matalino siyang babae. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Okay! I need to go. Magkita na lang tayo mamaya. Treat kita ng dinner."

"Hindi ako tatangi diyan! Kailangan mo mag pa-welcome party. Dapat marami kang handa, malinaw?" pangiti tugon nito sa akin.

"Alam ko naman kung gaano ka katakaw!" hagikgik ko ng tawa. "Anong oras ka available? Susunduin na lang kita."

"No need, Kuya! Text mo na lang sa akin kung saan at anong address, ako na bahala pumunta mag-isa. Doon na lang tayo magkita. May student pa akong tuturuan kaya hindi ako sure kung anong oras ako matatapos." masayang sagot nito.

"Masaya ka ba sa ganitong part-time job mo?" tanong ko.

"Oo, masaya ako sa mga ginagawa ko, kuya. Kaya wag ka na mag-alala."

Tumingin ako sa orasan at nagpaalam na kay Laura.

"I'll go ahead. May appointment pa ako." Niyakap ko itong muli at hinalikan sa pisngi bago umalis.

Related Books

Popular novel hashtag