Huwag mong hahayaan na ang opinyon ng iba
Ang sisira sa iyong ikinaliligaya
Sadyang napakatalim ng dila
Na kaya nitong sugatan ang puso ng kapwa.
Magaling ka... matapang ka...at may pinaninindigan
Mas kilala mo ang sarili mo higit sa kanilang nalalaman
Kailangan mo lang maunawaan
Na minsan may mga taong nasisiyahan kapag ikaw ay nadadapa at sinisiraan.
Muli, hanapin mo ang sarili mo
Lalo na ang mga bagay na nakakapagpapasaya sayo
Dahil ang buhay ay parang libro
Ikaw ang gaganap sa kwento at tao ang magkokomento.