Chereads / Mga Tula ni Stella / Chapter 5 - PAGHILOM

Chapter 5 - PAGHILOM

Naranasan niyo na bang mabigyan ng regalong kinagiliwan

Na dumating sa buhay niyo kumakailanlan

Sobrang tuwa ang naramdaman

At lubusang pinanghawakan at iningatan.

Hindi mo pinaglaruan, ni hindi mo ikinumpara

Sa kagalakan, ginawan mo ng tula

Na ang regalong yun ay higit mong binigyan ng halaga.

Dumating sa puntong nahirapan ka at nabigatan kaya binitawan mo

At napagdesisyunang iwan muna ito

Napatangis ka nalang na sa paglingat mo

Ang pinangarap mo, tuluyan ng naglaho.

Pilit mong hinanap pero hindi na nagpakita

Ang dating sayo'y napunta na sa iba

Saka mo napagtanto na

Paghilom ang sagot sa pangungulila.