Naranasan niyo na bang mabuhay na walang direksyon?
Na hindi mo alam ang gusto mo, tila napag-iwanan ng panahon
Naguguluhan sa kinalalagyan mo ngayon
Nagtatanong... para kanino ka bumabangon?
Ang inhinyero talaga namang napakahusay magdisenyo ng bahay
Ang seaman malayang nakapaglalakbay
Ang guro, nagmulat sa mga bata sa makubuluhang bagay
Kaya't ikaw rin ay may ambag sa lipunan kahit anong estado sa buhay.
Lagi nating tatandaan na may kanya-kanya tayong ginagampanan
Anuman ang iyong narating, matutong lumingon sa pinanggalingan
Hindi sa lahat ng oras pera ang umiiral at kinakailangan
Matutong makuntento paminsan-minsan.
At kapag ikaw ay matagumpay na
Huwag kalimutan ang mga taong nagbigay sa iyo ng sigla
Sa buhay, maligaw ka man sa tinatahak mong direksyon
Makakarating ka rin basta't hindi ka sumusuko kahit mabagsik ang panahon.