Matapang ka dahil alam mo ang iyong kahinaan
Marunong kang makinig dahil alam mo ang pakiramdam na hindi pinakikinggan
Wais ka dahil ang buhay ng iba ay hindi mo pinapakialaman
At naniniwala ka sa sarili mong kakayanan.
Napagtanto mo
Na ang pinakamagandang bagay sa mundo
Ay hindi ang laki ng yaman na napundar mo
Kundi ang alaala sa mga kaibigan, pamilya at lugar na napantuhan mo.
Sa bintana, saglit kang dumungaw
Ang mga puno ay tila sumasayaw sa iyong pagsilaw
At ang kalawakan ay waring sumisigaw
Na IKAW AY IKAW.