Chereads / Mga Tula ni Stella / Chapter 2 - ALIPIN NG SALAPI

Chapter 2 - ALIPIN NG SALAPI

Aminin na natin na tayo ay alipin ng salapi

Hindi ka makakakita ng isang libo sa daan, hindi din ito hiningi

Sa kumakalam na sikmura, ang solusyon ay salapi

Kumilos ka, ang katamaran ay hindi dapat kinokonsinti.

Bagaman makakaahon ka din

Hindi ka parang isang ibon na pinalaya na nga, bumabalik pa sa kulungan

Hindi ka isang saranggola na walang patutunguhan

Ang pagmamaliit sa iyo ng iba ay may hanggangan.

Totoo ang sinasabi nilang madiskarte ka dapat sa buhay

Ngunit piliin mo munang magpakumbaba bago magtagumpay.

Inihahalintulad tayo sa isang gulong na pinapaikot-ikot

Bubog, putikan, bato-bato ang nakaabang ngunit wala kang dapat ikatakot

Dahil kahit gaano ka man nasira, mananatili kang buo

Kaya maniwala ka lang sa takbo ng kapalaran mo.