Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

Akala ko sa mga kambal ay hindi nag aaway dahil sa pagiging close nila sa isa't isa at dahil narin sa hindi ko pa nakikita sila Brynthx at Blythe sa nag aaway pero hindi ko alam kung bakit may lumilipad na tabo sa harap ko. Binato 'yon ni Blythe kay Brynthx.

Papunta na sana ako kila Tita Kristine gaya ng palaging kong gingawa pero nakasalubong ko yung kambal sa labas ng bahay nila at pinapaliguan si Max. Si Blythe ang may hawak kay Max na puro sabon ang katawan. Naglilikot yung aso kaya hindi mabanlawan nang maayos ni Blythe yung aso habang si Brynthx naman ay prenteng nakatayo lang sa pinto nila at pinapanood yung kapatid.

"Then stop being so lazy" narinig kong sabi ni Blythe.

"I'm not lazy. I just really enjoy doing nothing." sagot naman ni Brynthx sabay halukipkip.

Napailing naman ni Blythe. "I can't stand you" sabi niya sabay buntong hininga saka binanlawan yung aso.

"I hate everything about you" si Brynthx at nginisihan pa ang kapatid.

Pati ako ay nagulat sa sinabi ni Brynthx.

"You little brat" sabi naman ni Blythe

"The two of you, that's enough" awat ko sa kanila dahil pakiramdam ko ay hindi ang patutunguhan ng usapan nila.

"Stupid" sabi pa ni Brynthx. Don na tumayo si Blythe.

Hindi nila pinansin yung sinabi ko!

"Crazy" sagot naman ni Blythe sa kapatid.

Napatingin naman ako kay Bryhtnx at makukuha ko siya sa tingin. Hwag ka nang sumagot!

"Asshole" si Brynthx

"Idiot" si Blythe

Napapikit ako ng mariin. Patuloy lang silang nagbabatuhan ng salita. Hindi man lang nila ako pinansin nung sinubukan kong awatin sila.

Walang gustong magpaawat sa kanila at sa tingin ko ay kahit anong oras ay mag aaway na talaga sila. Unti unti naring nabubuo ang tensyon sa pagitan ng magkapatid kaya hindi ko alam kung paano sila pipigilan hanggang sa dumapo ang tingin ko sa timba ng tubig na gagamitin sanang pangligo ni Max. Hanggang kalahati pa ang laman nito.

Bahala na kung magalit kayo sakin pagkatapos nito pero ayaw niyo talaga mag paawat kaya pasensyahan tayo.

Kinuha ko yung timba saka biglaang binuhos sa kanilang dalawa ang laman non. Parehas silang nanlalaki ang mata na napatingin sakin.

"Mr. Water says calm down" sabi ko sa kanila at ngumiti pa na parang wala lang yung ginawa ko. Ayaw niyong magpaawat. Lamigin kayo diyan.

"Bakit pati ako?" sabi ni Blythe at nagpunas ng mukha.

"Pati kasi ikaw ayaw magpaawat" sagot ko naman

Sakto namang umihip ang hangi kaya parehas silang napayakap sa sarili.

"Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Wala namang akong naaalala na may ginawa ako sayo" sabi ni Blythe sabay nanginginig sa lamig.

"Bakit kasi pumatol ka pa" nakataas ang kilay sa sabat ko

"Bakit parang kasalanan ko lahat?" medyo naiinis na tanong ni Blythe

"Bakit hindi ba?" sagot ko naman at humalukipkip pa

"Syempre hindi!" depensa naman ni Blythe sa sarili na akala mong aping api.

"Ikaw yung mas matanda sa inyo kaya dapat ikaw yung magpasensya."

"Hindi ibig sabihin na mas matanda ay ako na lagi ang mag aadjust sa aming dalawa saka isa pa mas matanda lang naman ako ng eight seconds" paliwanag niya habang may kasamang pagmostra ng kamay.

"Eight seconds?" napatanong ako

"Mas nauna akong lumabas ng eight seconds" sabi niya

"Bilang mo talaga?" may dudang tanong ko

Ang taray mo naman. Bilang mo pa talaga.

"Pfftttt----hahahahaha"

Nagkatinginan kami ni Blythe at sabay na nilingon ni Brynthx nang marining ang mahinang tawa nito. Halatang pinipigilan niya ang mapatawa ng malakas.

"D-did you just laugh?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Blythe sa kapatid.

Biglang umubo si Brynthx at umayos ng ng tayo. "No, I didn't" walang emosyong sabi nito na parang walang nangyari.

"Yes you did. You laugh just now" pilit naman ni Blythe at nilapitan pa ang kapatid habang may malawak na ngisi sa labi. Hindi pa ito nakuntento ay tinusok tusok pa sa tagiliran si Brynthx.

"I said I didn't" sagot naman ni Brynthx habang panay ang iwas sa tingin ng kakambal.

"Yes you did"

"No I didn't"

"Yes you did"

"No I didn't!" nanggigigil sa sabi ni Brynthx at halatang tinitiis ang kakulitan ni Blythe.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti bahay pinanoood silang dalawa. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid? Siguro kapag may kapatid ako ay baka kami ang dahilan kung bakit magka Trojan War dito. Napabuntong hininga na lang ako sa aking naisip.

"Anyways, I was too harsh on you earlier and I said some mean things....I'm sorry....." biglang sabi ni Brynthx sa kapatid kaya mas lalong lumawak ang ngisi ni Blythe.

"Hindi mo talaga ako matitiis. Alam ko namang mahal na mahal mo ako." pang aasar ni Blythe

Napailing na lang ako sabay hawak sa aking sentido. Ayos na sana kaso nang asar pa.

"It's cold here. Let's go inside" nakabusangot ang mukhang sabi ni Brynthx

Pinapasok ko na yung dalawa at baka magkasakit o magkasipon na naman sila kapag masyado silang nagtagal sa labas. Umakyat na sila sa taas habang hinanap ko naman si Tita Kristine para manghing ng tuwalya.

Sabay kaming umakyat ni Tita sa taas habang may bitbit na tuwalya para sa kambal. Tinanong ni Tita kung bakit basang basa na naman yung magkapatid. Kinuwento ko sa kanya lahat yung nangyari sa labas. Simula sa nag aasaran sila na nauwi sa away hanggang sa binuhusan ko sila ng tubig. Akala ko ay magagalit si Tita sakin dahil sa ginawa ko sa anak niya pero tinawanan niya lang ako.

Mainam daw pala kapag ako ang aawat sa kambal kapag nag aaway sila dahil sabi ni Tita ay hindi walang gustong magpaawat sa dalawa kapag si Tita Kristine na ang humarap sa kanila.

Hindi na kami kumatok sa pinto ng kwarto ni Brynthx. Binuksan ko ang pinto saka dire diretso kaming pumasok don ni Tita.

Halos mabitawan ni Tita ang kanyang hawak na tuwalya nang maabutan namin ang magkapatid sa nangtatanggal ng damit pantaas at napatigil lang ng pumasok kami.

Sabay kaming napatingin ni Tita Kristine sa likuran nilang dalawa. Unti unting bumilog ang mga mata ko sa gulat.

"Oopsie" maang na sabi ni Blythe.

"I-is that a tattoo?!" gulantang na tanong ni Tita sa kambal.

Maski ako ay hindi ko alam ang magiging reaksyon. Kahit kaylan ang hindi nila naanggit o naikwento man lang na may tattoo pala silang dalawa.

Si Brynthx ay may tattoo na buwan habang si Blythe naman ay araw na may walong sinag. Parehas na nasa likuran nila ito nalakagay. Sakop nito ang kalahati ng likod nila sa laki.

Mabilis na lumapit si Tita sa mga anak at tinignan pang mabuti kung totoo nga ba ang nakikita niya.

"Kaylan pa kayo nagpatattoo?" nakakunot ang noo na tanng ni Tita Lyn habang hindi inaalis ang tingin sa kambal.

"Nung 18th birthday namin" mabilis na sagot ni Brynthx.

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa aking narinig.

"That was 6 months ago?! Bakit hindi niyo man lang sinabi sakin" kunsuming sabi ni Tita at wala sa sariling napahawak pa sa sentido.

"Sabi ni Daddy hwag daw naming sasabihin sayo" sagot naman ni Blythe. Hindi pa nasiyahan at ngumiti pa si loko.

Lagot kayo.

"That old man...." gigil na sabi ni Tita saka dire diretsong lumabas ng kwarto. Palagay ko ay tatawagan niya si Tito.

"Bakit kasi hindi niyo man lang sinabi tapos hindi niyo pa naisipang magpaalam" sabat ko naman sabay abot ng tuwalya sa kanila.

"Bakit ka pa magpapaalam kung alam mo nanag hindi ka papayagan. Basta gawin mo na lang" sabi ni Blythe

"Para kung hindi ka man payagan, hindi na siya makakaangal kasi nagawa mo na" pagpapatuloy naman ni Brynthx. Nagkatinginan silang magkapatid saka nag apir.

"Pagdating sa ganyan, dyan kayo nagkakasundo" naiiling na sabi ko

Ako ang naaawa para kay Tita Kristine.

Ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng kambal na anak na isang parang kinulang sa buwan at isang may talinong artipisyal, tignan lang natin kung hindi mastress. Isama mo pa na kambal sila.

Napaisip tuloy ako kung anong klaseng tao o anong personality ang meron si Tito. Naeexcite tuloy akong makita siya. Sana lang ay hindi siya strikto o masungit katulad ng Tatay sa mga napapanood kong pelikula.

"HINDI MO MAN LANG SINABI SAKIN!" rinig kong sigaw ni Tita mula sa baba.

Pare parehas kaming napapitlag na tatlo nang marining ang sigaw ni Tita. Mukhang tama ang hinala ko na tatawagan niya si Tito.

"Lagot kayo" nang aasar na sabi ko sa kambal

"Bahala ka dyan" biglang sabi ni Brynthx at dire diretsong pumasok sa banyo at doon nagkulong.

Si Blythe naman ay dali daling lumabas ng kwarto ni Brynthx at pumasok sa kwarto niya at iniwan ako mag isa dito na nakaupo sa kama.

Basta ako, panonoodin ko lang kayong pagalitan ni Tita Kristine. HAHAHAHAHAHA.