Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

Nag aya si Tita Kristine na doon kami magtanghalian sa kainan na katapat lang ng mall na pinuntahan namin.

Napansin kong hanggang ngayong ay mailap parin sa tao si Brynthx dahil tuwing may makakasalubong siya ay bigla siyang lalapit kay sabay hawak sa laylayan ng damit ng kapatid kaya ang ginagawa ko ay iiiwas ko siya o ilalapit sakin para hindi siya malapit sa ibang tao.

Pagkalabas namin ay naabutan na namin na tumatawid na yung mga tao sa pedestrial line kaya sumabay na kami sa mga tumatawid bago mag red light at umandar ang mga sasakyan.

Nang makatawid na kami ay saka ko lang napansin na wala sa aking tabi ni Brynthx kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kaya tinanong ko agad si Blythe.

"Nakita mo ba si Brynthx?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Akala ko ikaw yung kasama niya"

Oh shit.

Tuluyan nakong kinabahan dahil sa sinagot ni Blythe. Lumapit siya kay Tita Kristine para sabihin na bigla na lang nawala sa tabi namin si Brythx samantalang panay naman ang libot ko ng aking paningin, umaasang makikita kos i Brynthx.

Ang dami kasi naming nakasabay sa pagtawid kaya nawala sa isip ko si Brynthx. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot siya sa ibang tao. Unti unti nakong natataranta.

"Brynthx!" napasigaw ako nang makita ko siya na nasa kabilang way parin at hindi pa nakakatawid. Kumaway ako para makita niya.

Para namang nabunutan siya ng tinik nang makita kami sa kabilang side ng daan. Tumakbo siya palapit samin pero hindi niya maiwasang mapatigil saglit kapag may nalalapit na tao sa kanya.

Lalapitan ko na sana siya pero mabilis na hinawakan ni Blythe yung braso ko para pigilan. Nakakunot ang noong tinignan ko siya.

"Malapit nang mag red light" sabi niya saka niya tinuro yung traffic lights.

Kahit gusto kong lapitan si Brynthx ay wala akong nagawa. Makakahinga na sana ako nang maluwag dahil malapit na siya samin ngunit may nakasabay siyang matandang lalaki. Mabagal ang lakad nito kaya malalaman mo agad na aabutan ito ng pag andar ng mga sasakyan.

Walang kasama ang matanda at mabagal ang lakad nito. Biglang umatras palayo samin si Brynthx saka sinabayan yung matanda. Naglabas ito ng cellphone at abalang nagpipindot doon. Sinadya niyang bagalan ang kanyang lakad para lang masabayan yung matanda.

Silang dalawa na lang ang tumatawid at naiwan sa gitna ng daan hanggang na naubutan na sila ng pag andar ng mga sasakyan. Ilang beses silang binusinahan pero hindi parin iniwan ni Brynthx yung matanda.

Tinignan niya kami saka nagpilit ng ngiti at sumenyas na 'sandali lang'. Ilang saglit pa ay ligtas silang nakatawid.

Hinarap siya nung matanda saka may sinabi. Hindi na namin narinig ang usapan nila hanggang sa nagpaalam na si Brynthx dun sa matanda at lumapit samin.

"That's great" may malawak na ngiting sabi ni Blythe sa kapatid saka ginulo ang buhok nito.

Pati naman ako ay hindi maiwasang matuwa dahil sa ginawa niya. Kahit na nag aalangan ay sinubukan niya paring tulungan yung matanda. Kahit sa maliit na bagay ay malaki parin ang epekto nito sakin.

"Let's go" aya niya saka nagsimulang maglakad palapit kila Tita Kristine at Mama.

Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang palayo sakin ay mabilis na hinawakan ko na agad ang braso niya.

"Hwag kana ulit mawawala ng basta na lang. Tandaan mong wala akong pamalit sayo." nakangiwing bilin ko sa kanya saka lumakad na ulit.

Pagdating namin sa kainan na tinutukoy ni Tita ay naghanap kami ng table samantalang sila Tita at Mama naman ay dumiretso na sa counter para umorder ng pagkain.

Umupo na agad ako sa upuan na nadon pagkahanap namin ng bakanteng table.

Napailing na lang ako nang ilabas ni Brynthx yung nitendo switch niya. Hanggang dito ba naman ay maglalaro ka parin.

Katabi ko siya sa kanan habang nasa kaliwa ko naman si Blythe. Napapagitnaan nila akong dalawa. Paniguradong hindi na naman matatahimik yung katawang lupa ko dahil alam kong mag aaway na naman silang dalawa maya maya lang.

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa aking phone saka nagbasa ng messages ng mga kaibigan ko.

Maya maya pa ay napabuntong hininga na lang ako. Tama nga ako, nag aaway na naman sila. Hindi ko na alam yung pinag uusapan nila kanina dahil sa phone lang ako nakaharap.

"Bakit nangingialam ka?" inis na tanong niBrynthx sa kapatid niya.

Napangiwi na lang ako. Mukhang ako na naman ang aawat sa kanila. Ang dami pa namang tao dito kaya nakakahiya.

"Hoy Kuya mo 'ko kaya gumalang ka" sagot naman ni Blythe kay Brynthx.

"Bakit nangingialam ko po?" ulit ni Brynthx

"Pfftt--" pinigilan ko agad ang aking tawa dahil baka madamay pa akong sa away nilang dalawa.

"Ganon dapat" imbes na mainis si Blythe ay sinang- ayunan pa niya yung sinabi ni Brynthx.

What the fuck. May galang na yon para sa kanya? Yun na yon? Todo na yon?

"Bag nga kasi" sabi ni Brynthx

"Cake nga kasi" sagot naman ni Blythe

"Bag"

"Cake"

Huh?

"Bag"

"Cake---"

"Stop!" hindi na natuloy ni Blythe yung sasabihin niya nang pumagitna na ako. "Ano ba yung pinagtatalunan niyo? Bag? Cake? Para saan?" sunod sunod na tanong ko.

Kumunot ang noo ko nang sumenyas sakin si Blythe sa bahagyan lumapit sa kanya kaya naman umusog ako para magkalapit kami.

"Birthday na kasi bukas ni Mommy" panimula niya.

"Birthday na ni Tita Kristine bukas?!" gulantang na tanong ko. Muntik pa akong mapatayo sa aking kinauupuan.

"Shhhh" pagpapatahimik sakin ni Brynthx.

Sorry na agad. Shooketh lang talaga ako.

Umubo ako kunwari saka muling nakinig kay Blythe.

"Nag iisip kami kung ano magandang regalo kay Mommy kaya nagtatalo kami kung bag ba o cake na lang." pagpapatuloy naman ni Blythe.

"Bag nga kasi" pilit ni Brynthx.

"No. Cake dapat" sagot naman ni Blythe

Magtatalo na naman dapat sila pero binatukan ko silang dalawa. Parehas na napa aray yung kambal at napahimas na kanilang ulo saka nakabusangot na tinignan ako.

"Bakit kasi hindi niyo bilhin parehas" sabi ko sa kanila at malakas na napabuntong hininga.

Nagkatinginan naman si Blythe at Brynthx.

Hinarap ko si Brynthx. "Kung gusto mo ng bag, bag ibigay mo" sabi ko saka tinuro pa siya pagkatapos ay humarap naman ako kay Blythe. "Ikaw naman, kung gusto mo ng cake edi cake yung ibigay mo. Bilhin niyo parehas hindi yung nagtatalo pa kayo na parang bata. Maliiit na bagay pinag aawayan niyo pa." stress na sabi ko sa kanilang dalawa sabay hawak sa aking sentido na para bang ako ang nanay nila.

"Galit ka na nyan?" sabi ni Blythe.

"Pwede naman kasing pag usapan ng maayos" sagot ko saka sumandal sa upuan at humalukipkip.

Maboboang talaga ako kapag silang dalawa lang yung kasama ko. Napaka hirap niyo minsang kausapin. Myghad.