"What?" medyo naiirita at nakakunot na sabi ni Brynthx.
Kanina pa kasi kami nagtititigan ni Blyhte tapos bahagyang susulyap kay Brynthx.
Lumapit ng kaunti sakin si Blythe sabay bulong ng "Doesn't he remember everything last night?".
"Aba'y malay ko" maang na sagot ko naman.
"Just get out of my room if you two won't say anything to me. It's annoying." inis na sabi ulit ni Brynthx sabay turo sa pinto ng kwarto niya.
Hindi na ako kumibo pa at tumayo na para lumabas tulad ng sabi ni Brythnx. Hinila ko si Blythe para isama sa akin at baka kung ano pa ang sabihin nito sa kambal niya. Wala na sa mood ni Brynthx kaya mainam na paghiwalayin ko na silang dalawa habang maaga.
Tahimik na lumabas ako sa kwarto samantalang si Blythe naman ay nagtataka kung bakit siya ay sinama ko palabas.
"Bakit pati ako?" takang tanong ni Blythe habang pababa kami ng hagdan.
Himinto kami sa kusina nila saka ko siya hinarap.
"Huwag na huwag kang magbabanggit kang Brynthx ng kahit na ano tungkol sa nangyari kagabi." seryosong sabi ko kay Blythe.
Kumunit ang noo nito saka takang tinignan ako. "Bakit naman? Wala namang masama don" sabi pa niya.
"Basta!" sagot ko.
Ayokong malaman 'yon ni Brynthx. Hindi naman sa binibigyan ko 'yon ng malisya pero nitong mga nagdaang linggo kasi ay magaam gaan na ang loob ni Brynthx sakin, hindi tulad noon. Sinusubukan kong hindi gumawa ng hindi niya magugustuhan lalo na't sinabi ni Tita Kristine noon na nahihirapan si Brynthx makihalubilo sa ibang tao dahil sa pagkakaroon nito ng hindi magandang childhood at trauma.
Ayoko na dagdagan pa ito dahil may pangako ako sa kanya. Alam kong bigla bigla ko na lang nasabi 'yon pero ang pangako ay pangako.
Hindi na ako bumalik pa sa kwarto si Brynthx dahil nagpaalam na ako kay Tita Kristine na uuwi na ako sa amin dahil gusto ko na maligo. Dito na nga ako kumakain at nagpapalipas ng oras sa bahay nila tapos dito parin ako maliligo.
Sobra naman ata 'yon. Kulang na lang ay ilipat ko na ang damit at kama ko sa kanila tapos dito na ako tumira. Makikisaling pusa ako dito kila Tita Kristine.
Pagkatapos kong maligo samin ay hindi na ako bumalik kila Tita at dito na lang nagstay sa bahay namin. Tinamad na akong bumalik sa kanila.
Tinamad ako kahit literal na magkatapat lang bahay namin at ilang lakad lang ang gagawin mo para makapunta doon.
Naghawan ako ng bahagya sa aking kwarto at kaunting walis sa sahig bago umupo sa study table ko at doon na sa laptop nagbasa ng mga messages dahil nakacharge ang phone ko.
Habang tumitingin ng messages ay nahagip ng mata ko ang shopping bag na naglalaman ng school supplies na binili namin noong nakaraang araw.
Bigla ko namang naalala yung pencil case na binili ko para sa kambal. Hinalungkat ko ang shopping bag at hinanap doon yung pencil case.
Nang mahanap ay inilapag ko ito sa study table ko. Bukas ko na lang ibibigay sa kanila yung binili ko. Sa study table ko na nilagay para madali kong makita at hindi ko makalimutan bukas.
Pagkatapos non ay pinagpatuloy ko na ulit ang pagtingin ko sa messages. Nagreply ako sa iba doon hanggang sa makita kong online pa si Blythe. Wala sa sariling napatingin naman ako sa orasan.
11:23 pm na.
Dahil sa bored ako ay ni-chat ko na lang siya.
Helia: Pssstt
Hindi nagtagal ay na seen naman nito ang chat ko.
Blythe: Seen.
"Ay wow" wala sa sariling sabi ko.
Ang bait talaga grabe.
Blythe: Typing.....
Blythe: Tulog na siya.
Bahagyang natawa naman ako sa reply niya. Ang tagal mag reply tapos 'yan lang ang sasabihin. Ang galing talaga. Sarap mo kausap.
Helia: Lol ako na pa niloko mo
Blythe: Bakit ba?
Umayos ako ng upo bago magtype ulit.
Helia: Wala lang. Trip ko lang.
Blythe: Pangit ng trip mo. Bakit pa gising kapa? Anong oras na.
Helia: Ikaw din naman gising pa.
Blythe: Walang basagan ng trip. Kanya kanya tayo.
Helia: Coming from you? Hiyang hiya naman ako.
Blythe: Typing...
Hindi na sana ako magrereply pa kaso naalala ko bigla yung pencil case.
Helia: Hoy!
Blythe: Bakit na naman?
Helia: May ibibigay ako sayo bukas.
Blythe: Ano naman 'yon?
Helia: Secret.
Blythe: Edi wow.
Natawa naman ako sa reply niya.
Hindi na siya nireply-an pa at natulog na ako dahil anong oras na din naman.
Habang nakatingin sa kisame at naglalakbay ang isip ko sa kawalan ay saka ko lang napagtantong next week na pala ang pasukan namin.
Hindi na ako ganoon kadalas makakapunta kila Tita Kristine at alam kong magiging busy ako sa mga susunod sa buwan dahil sa school works.
Saan kaya mag- aaral yung kambal?
Napatanong na lang ako sa aking sarili.
Kahit minsan kasi ay hindi ko tinanong sila kung saan mag- aaral yung kambal. Saka na lang ulit ako pupunta sa kanila kapag may free time na ulit ako. Sa ngayon ay ieenjoy ko muna amg mga araw na wala pang pasok dahil ilang buwan pa ang dadaan bago ulit matapos ang school year.
Sana lang ay marami akong maging kaibigan o makilala man lang dahil bagong lipat lang kami at wala akong ibang kakilala sa lugar na ito bukod kila Tita Kristine. Ang hiling ko lang ay magkaroon ng payapan at tahimik na school year ngayong taon.
Kinabukasan, katulad ng nakasanayan ay pumunta na ako kila Tita Kristine. Dala dala ko na ang pencil case na ibibigay ko sa kambal.
"Yung kambal po na saan?" tanong ko kay Tita Kristine pagkatapos ko siyang batiin pagdating ko.
Nadatnan ko naman siyang nasa sala at nanonood ng balita.
"Nasa kwarto nila" sagot naman ni Tita.
Nag usap pa kami saglit bago ako tuluyang pumunta sa kwarto ng kambal.
Una kong kinatok ang pinto ng kwarto ni Blythe pero walang sumasagot. Mukhang naliligo pa ata kaya si Brynthx na lang pinuntahan ko.
"Come in" ang sabi ni Brynthx ng kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.
Pumasok naman ako doon. Nasa kama lang siya at nagpipipindot sa kanyang phone. Buti naman ay hindi siya ngayon naglalaro agad sa online games sa kanyang computer.
Lumapit ako sa kanya saka iniabot ang pencil case na pinili ko para sa kanya.
"What?" takang tanong nito saka tinitigan yung hawak ko.
"Naalala ko kasi kayo ni Blythe noong bumili kami mi Mama ng school supplies noong nakaraang araw kaya binili ko para sa inyo." paliwanag ko naman.
Ilang segundong nagpabalik balik ang tingin niya sa hawak ko at sa akin bago nakakunot ang noo at nagtatakang tinanggap 'yon.
"Than-"
Mukhang may gusto pang sabihin ni Brynthx pero hindi na niya nasabi dahil sa walang pasabing pagpasok ni Blythe sa kwarto niya.
"Good morning people!" masiglang bati nito. Lalong lumawak ang ngiti nito sa labi nang makita ang hawak ko.
'' 'Yan ba yung sinasabi mo kagabi?" may galaw na tanong nito hawak hindi nawawala ang malawak na ngiti sa labi.
"Oo" maikling sagot ko.
"What do you mean kagabi?" singit naman ni Brynthx sa usapan kaya napatingin kami sa kanya.
"Magka- chat kami kagabi." sagot ko naman.
"Yup, tama ang dinig mo kambal. Magka- chat KAMI kagabi." ulit naman ni Blythe sa sinabi ko.
Napakunot na lang ang noo ko at takang tumingin sa kanya dahil sa ginawa nitong pagbibigay ng diin sa 'kami'.
Ano namang problema don?
Bahagyang nagtingin ang kambal bago bumunting hininga si Brynthx.
"Whatever" nakabusangot na sabi nito saka ulit humarap at nagpipindot sa phone niya.
Ano na namang problema ng dalawang 'to.