Gaya ng napag usapan, si Brynthx ay bumili ng bag samantalang si Blythe naman ay bumili ng cake pang regalo kay Tita Kristine dahil kaarawan nito.
Inalalayan ni Mama si Tita pababa ng hagdan dahil nakasuot ito ng blind fold. Wala itong kaalam alam na balak siyang surpresahin ng kambal ngayon. Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila, kasama ko si Mama.
"Ano ba kasing meron? Bakit kailangan pang nakablind fold ako?" nagtatakang tanong ni Tita at patuloy na nakikiramadam sa kung anong nangyayari sa kanyang paligid.
Kinuha ni Blythe yung cake, tinulungan ko siya at ako na ang nagsindi ng kandila pagkatapos ay naglakad siya palapit kay Tita samantalang si Brynthx naman ang nag alis ng takip sa mata ni Tita Kristine.
Maingat na inalis ito at Brynthx tapos ay sabay sabay kaming kumata ng 'Happy Bithday'. Unti unting nalaki ang mga mata niya nang makita kami. Mababakas mo talaga ang pagkagulat at tuwa sa kanyang mukha. Napatingin siya samin.
"Happy Birthday, Mom" bati ni Blythe sa kanyang Ina saka iniharap ang cake.
Sunod na lumapit naman si Brynthx saka inabot ng kanyang regalo. "Happy Birthday, Mom...." bati din nito.
Napatakip ng bibig si Tita saka bahagyang yumuko. Sunod naming nakita ang bahagyang paggalaw ng balikat nito at mahinang hikbi.
Agad namang kaming nataranta. Nilapitan na siya ni Mama saka hinagod hagod ang likod ni Tita Kristine.
"Lagot kayo. Pinaiyak niyo si Tita." nang aasar na sabi ko sa kambal.
Pinitik naman ni Blythe ang noo ko bilang ganti.
Ikinalma ni Tita Kristine ang kanyang sarili bago humarap sa amin.
"Pasensya na hindi ko mapigilang maiyak. Masaya lang talaga ako." sabi naman nito habang nagpupunas ng luha.
"Bawal malungkot ngayon. Dapat masaya ang lahat. Sayang naman yung hinanda ng anak mo para sayo kung malulungkot ka lang" sabi naman ni Mama at tinuro ang mga binili ni Brynthx at Blythe para sa kanilang Ina.
Napangit lalo si Tita nang makita ang binili ng kanyang anak para sa kanya.
Pagkatapos hipan ni Tita Kristine ang kandila sa cake ay kumain na kami. Sayang lang at wala si Tito ngayon kaya hindi sila kumpleto.
Lumalim na ang gabi at hindi na namin napansin ang oras. Pagkatapos naming kumain ay naglabas ng beer si Tita Kristine. Kanya kanya silang kumuha ng beer saka uminom. Ngayon ko lang ulit naalalang hindi na nga pala minor yung kambal kaya pwede na silang uminom, Nakadipende na lng sa kanila kung paano sila iinom. Bahala sila basta ako hindi ko tutulungan 'yan kapag nalasing.
Umakyat kaming tatlo sa second floor ng bahay nila saka tumungo sa terrace. Iniwan na namin sa kusina sila Mama at Tita na nag uusap.
Imiinom parin ng beer yung kambal samantalang nagcecellphone lang ako at tumitingin ng messages doon. Uminim din naman ako kaso isang baso lang. Ayaw ko kasing umuwi ng lasing.
Pagkatapos kong magbasa ng messages ay pinatay ko muna ang akin phone saka tinignan yung kambal.
"Okay ka lang?" tanong ni Blythe sa kanyang kapatid kaya naman napatingin ako kay Brynthx.
Pipikit pikit at mukhang wala na ito sa wisyo.
Lumingon ako kay Blythe. "Nakarami ba siya ng inom?" tanong ko.
Umiling naman si Blythe bilang sagot. "Nakaisang baso lang 'yan ng beer." dugtong pa nito.
HIndi ko naman naiwang hindi mapangisi dahil sa sinabi ni Blythe. Nakaisang baso lang din naman ako ng beer pero nasa katinuan pa naman ako. Nakapag cellphone pa nga ako.
"Hindi ko alam na mababa pala ang alcohol tolerance ng kambal mo." nakangising sabi ko kay Blythe habang nakatingin sa pipikit pikit na si Brynthx.
Bahagyang natawa naman si Blythe sa sanabi ko. Lumapit ako ng kaunti kay Brynthx saka ito sinipat.
"Brynthx" may malamlam na boses na tawag ko sa kanya.
"Kambal, buhay ka pa ba." nang aasar na sabi naman ni Blythe.
"Hmm?" wala sa sariling tawag nito nang marinig ang boses namin.
Nagulat kami nang bigla itong tumayo. Muntik pa kaming magtama ni Brynthx, buti na lang ay nakagalaw agad ako.
Sabay kaming kaming napatigin sa tumayong si Brynthx ngunit wala pang tatlong segundo ay napaupo din ito saka napahawak sa kanyang ulo. Dali dali naman namin itong dinaluhan.
"Kaya pa ba?" nag aalalang tanong ko kay Brynthx.
Inalalayan na namin ni Blythe si Brynthx papunta sa kwarto niya dahil mikhang gusto na nitong humiga at matulog. Dahan dahan naming hiniga si Brynthx sa kami niya. Maingat na inayos ko naman ang unan niya habang si Blythe at inalis ang tsinelas nito.
Lalabas na sana kami ni Blythe ng kwarto para makapagligpit na sa terrace nang biglang may humawak sa kamay ko sabay hila sakin pababa.
Bahagyang napasigaw naman ako sa gulat dahil sa ginawang paghila sakin kaya naman gulat na napatignin sa gawi ko si Blythe.
Magagalit na sana ako kay Brynthx dahil delikado ang ginawa niyang pighila sakin dahil hindi lang ako ang pwedeng masaktan dito.
Hindi na ako nakaimik pa nang makitang taimtim na natutulog na ito. Baka magalit lang kapag ginising siya lalo na't nakainom. Wala na akong nagawa kaya napabuntong hininga na lang ako. Napatingin naman akokay Blythe na napatakip pa sa kanyang bigbig at pilit na nagpipigil ng tawa. Bahagya pa itong sumandal sa pinto at dumiretso ulit sa pagtawa.
Napasibangot naman ako. "Ano Blythe, tawang tawa lang?" may inis na sabi ko.
May malawak na ngiting tumango ito bilang sagot habang hindi parin ito matigil sa pagtawa. Napailing na lang ako.
Babangon na sana ako ngunit mabilis na ipinalupot ni Brynthx ang braso niya sa bewang ko at tuluyang niyakap ako. Napakiskot naman ako sa ginawa niya. HIndi pa ito nakuntento at sinubsob pa at mukha niya sa leeg ko.
Hindi ako makagalaw!
"Brynthx" nahihiyang tawag ko dahil nasa harap lang namin si Blythe at pinanonood kami.
"Hmm?" maikling sagot nito.
"Let me go. I can't breathe" sabi ko.
"No" sagot niya
Napaamang na lang ako.
Ang alam ko talaga ay natutulog 'to pero bakit nangyayakap at sumasagot pa.
"Hoy!" tawag ko kay Blythe na kinukunan na pala kami ng video. "Tulungan mo 'ko" dugtong ko pa.
"No" nakangising sagot nito saka lumapit sa amin at tumuloy sa pagkuha ng picture.
"What do you mean 'No'? Tumigil ka dyan at tulungan mo 'ko bago kita isumbong kay Tita Kristine. " banta ko saka tinaasan siya ng kilay.
Nakakainis na kambal 'to. Nakakaubos talaga ng pasensya minsan.
"Sabi ko nga" sagot ni Blythe saka tinago ang cellphone niya at nilapitan kami.
Maingat na inalis ni Blythe ang braso ni Brynthx sakin. Huwag sanang magising 'to at lagot kami baka magalit pa sa amin.
Nang makawala ako sa yakap ni Brynthx ay mabilis na lumabas na ako ng kwarto niya at baka hindi na talaga ako maalis doon kapag nagtagal na ako. Sinundan naman ako si Blythe.
Habang nagliligpit sa terrace ay sinusundot sundot ni Blythe yung tagiliran ko. Nang aasar.
"Ano ba!" naiinis na sabi ko dahil hindi ako makapagligpit ng maayos dahil sa kanya. "Kung hindi ko 'ko tutulungan please lang lumayo ka sakin."
"Bagay kayo ni kambal." mapaglarong sabi nito.
Bagay mo mukha mo!