Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 28 - Chapter 27

Nakayuko lang ako at hirap na hirap magpigil ng tawa habang pinanonood na pagalitan ni Tita yung kambal.

"Hwag niyong ibaba yan" sabi ni Tita nang subukang ibaba ni Blythe ang kanyang kamay.

Pinataas kasi ni Tita Kristine ang dalawang kamay nila sa ere na akala mong mga bata. Si Brynthx ay mabilis na nag iiwas ng tingin tuwing magtatama ang paningin namin samantalang nagpapaawa naman si Blythe kay Tita.

"Mommy, hindi ka ba nahihiya kay Helia" sabi ni Blythe at tinignan pa 'ko

Bakit nasali ako dyan?

"Kayo ang dapat mahiya hindi ako. Ang tanda niyo na pero gumagawa parin kayo ng mga bagay na hindi naaayon sa edad niyo" naiiling na sermon ni Tita sabay buntong hininga na para bang siya na ang may pinaka pasaway na mga anak sa buong mundo.

Nilingon ako ni Blythe at ngumuso sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi niyo 'ko madadaan sa paganyan ganyan mo.

Bahaghang sinagi ni Blythe ang kapatid saka may ibinulong dito. Nung una ay mahahalata mong nag aalangan pa si Brynthx dahil sa ilang beses na pag iling nito tanda ng hindi pagsang-ayon. Ilang beses na tinawag ni Blythe si Brynthx pero hindi siya pinapansin nito hanggang sa may binulong ulit si Blythe na nakatawag ng buong atensyon ng kambal. Nag usap muna sila bago sabay na tumingin sakin. Hindi man lang nila pinakinggan yung sinasabi ni Tita Kristine.

"Help us" they mouthed. Si Blythe ay nagpacute na parang bata habang si Brynthx naman ay nagpilit ng ngiti.

"Please" dugtong pa ni Blythe. Napangiwi naman si Brynthx dahil sa kapatid niya.

Ilang beses ko muna silang tinignan bago bumuntong hininga. Fine. Just this once.

Kinuha ko ang aking phone saka tinawagan si Mama. Alam ko busy ka Mama pero nangangailangan ako ngayon kaya pasensya na hehehehe.

Hindi nagtagal ay sinagot na ng nasa kabilang linya ang tawag. Lumapit ako kay Tita saka hinarap sa kanya ang phone.

"Tumawag po si Mama. Gusto ka daw po niyang makausap" pagsisinungaling ko.

"Really?" biglang nagbago ang expression ni Tita nang marininig si Mama. Binigay ko sa kanyang ang phone at sila na ang nag usap.

Sumenyas ako ng 'okay' sign sa kambal. Dali dali naman silang tumayo saka naghimas ng braso.

"Sa susunod hindi ko na kayo tutulungan" sabi ko.

"Thank you!" sabi ni Blythe saka yumakap ng mahigpit sakin.

I-I can't breath.....

Mabilis na tinapik ko ang likod ni Blythe dahil hindi makahinga nang maayos. Napatingin ako kay Brynthx nang kumunot ang noo niya nang yakapin ako ni Blythe.

Lumapit si Brynthx samin saka ako hinila palayo sa kaptid at tinago sa likod niya.

"That's enough" sabi niya. Napangisi naman si Blythe habang tinitignan kaming dalawa.

"Fine. I'll stop now so don''t look at me with that face" nakangising sagot ni Blythe at tinaas na sa ere ang kamay senyales ng pagsuko.

May binulong muna siya kay Brynthx bago tatawa tawang umakyat sa taas.

Few hours later.....

"Brynthx, papasok na 'ko" paalam ko bago tumuloy sa kwarto niya. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian.

Pagpasok ko ay nakaharap na naman si Brynthx sa kanyang computer at naglalaro ng games kasama ni Blythe. Parehas na nakasuot ng headphone yung kambal kaya malamang ay hindi nila ako narinig kanina.

Umupo na lang ako sa kama ni Brynthx at nagpipindot sa phone ko. Hindi ko na sila aabalahin dahil 'yan lang naman ang kasiyahan ng dalawang 'yan

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok don si Tita na may bitbit na tray ng pagkain. May muffin, pizza at juice don. Tinulungan ko si Tita, sakto namang natapos ang magkapatid sa paglalaro.

"Thanks, Mom" sabi ni Blythe sabay kuha ng juice na nasa tray

"Kanina ka pa nandyan?" tanong ni Brythnx saka tinabihan ako sa pagkakaupo.

"Hindi naman" sagot ko saka humigop ng juice

"Nasa baba lang ako pag may kailangan pa kayo" sabi ni Tita sabay senyas na bababa na.

Buti na lang ay hindi na siya galit...

"Thank you po" sabi ko naman

Tahimik na kumakain si Blythe at Brynthx kaya naman nagcellphone na lang ulit ako. Kamalas malasan namang low bat na phone ko, sakto namang wala pa akong dalang charger.

Hinarap ko si Bynthx. "Sorry I forgot to bring my charger. Can I use yours?" tanong ko sa kanya.

"Nasa drawer" sagot niya saka tinuro yung maliit na lamesa na katabi ng kama niya.

Nagulat kami nang biglang nasamid ni Blythe kaya sabay na napatingin kami ni Brynthx sa kanya.

"Why?" nakakunot ang noong tanong ni Brynthx

"N-nothing" nasasamid na sabi nito sabay inom ng juice

Hindi na lang namin iyon pinansin pa ni Brynthx kaya tumayo na ako at lumapit sa tinuro niyang drawer.

Buti na lang ay nakita ko agad ang aking hinahanap pagkabukas ko kaso buhol buhol yung charger ni Brynthx kaya napangiwi ako. Dahil wala sa ayos yung charger niya, may sumabit na maliit na plastik at sakto namang nalaglag ang laman non pagkuha ko.

Natigilan ako at unti unting nanglaki ang mga mata nang makita ko ang laman ng plastik. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila yung nakita ko pero....bakit ang daming kahon ng c-c-condom dito?!

"Did you get it?" biglang tanong ni Brynthx at nilingon ako.

Saka lang ako nabalik sa realidad nang magsalita siya.

Napatingin siya sa hawak ko at biglang nanlaki ang mga mata. Nakita kong namula din ang pisngi niya. Sakto namang nalaglag ang isang kahong condom. Bumagsak 'yon sa paa ko kaya lalo niyang nakita yung laman ng plastik.

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko. Normal lang ba sa lalaki ang magkaroon ng ganon sa kwarto nila?

Normal naman diba... kasi lalaki naman sila.

Dali daling tinignan ni Brynthx ang kapatid na kanina pa pala nakatingin samin.

Ilan segundo silang nagkatitigan hanggang sa biglang tumakbo si Blythe palabas ng kwarto na sinundan naman ni Brynthx. Mabilis na nakarinig ako ng inggay mula sa baba.

"Okay, okay, I'm sorry" narining kong sabi ni Blythe mula sa baba.

Wala sa sariling pinulot ko yung kahon na nasa paa ko saka isinara ang drawer. Huminga ako nanag malalim at ikinalma ang sarili saka umupo sa kama at uminom ng juice.

Maya maya pa ay bumalik na ulit sa kwarto ang kambal. Pumasok si Brynthx na hawak hawak sa damit si Blythe. Namumula parin ang mukha nito, siguro ay dahil sa hiya.

"Say it" sabi ni Brynthx habang hindi parin binibitawan si Blythe.

"Alin?" nagmamaang maangan na tanong ni Blythe

"Mom!" biglang sumigaw si Brynthx kaya naman nataranta si Blythe.

"Fine! I'll say it" sabi nito at ngumuso pa sa kapatid

"I'm listening" sabi ni Brynthx

"It's not what you think" panimula ni Blythe. "I'm the one who put that thing on his drawer"

So hindi kay Brynthx 'yon? Para kasing ang hirap isipin na ang isang Brynthx na walang ginawa kung hindi maglaro ng video games ay may ganong bagay sa kwarto niya.

Kung si Blythe ang makitaan ko ng ganon sa drawer ay baka maniwala pa 'ko kaso si Bynthe kaya ang hirap isipin.

"Can you let me go?" tatawa tawang sabi ni Blythe sa kapatid.

"Jeez. What a nuisace" sabi ni Brynthx at napahawak pa ito sa kanyang sentido na para bang kunsuming kunsumi kay Blythe.

"Grabe ka naman kapatid" nakangusong sabi ni Blythe na akala mo ay nagtatampo.

Sumasakit ang brain cells ko dahil sa kanila. Grabe, iba na talaga ang mga kabataan ngayon.