Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

DAUNTLESS ACADEMY (TAGALOG)

🇵🇭luna_bleiz
--
chs / week
--
NOT RATINGS
23.6k
Views
Synopsis
Astrid Cragore is a baddass vampire girl of town. She's trouble, and a pain in the ass who loves to snatch things from their town's palace. Dahil sa madalas niyang paglabas masok sa piitan sa palasyo, napagpasyahan ng kaniyang tiyahin na ipadala siya sa lugar kung saan siya nabibilang, kung saan magagawa niyang makipagbasag-ulo ng walang humahadlang. She never thought of how her life would end, not until she  got to face-to-face with death. She never thought dauntless academy would change her into the worse version of herself. Akala niya malala na siya noong nasa bayan palamang siya, hindi niya alam na mas may ilalala pa ito pagpasok niya sa hindi ordinaryong eskwelahan. A school where demons are on, demons craving for blood, who hunt down humans and living their own world without mercy, as she will meet the worst nightmare that will definitely wrecked her. Welcome to dauntless academy, where demons are disastrously living. “It takes one special identity, to be different.”

Table of contents

Latest Update1
SIMULA3 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - SIMULA

Simula

Being a town badass girl is great. Ngumisi ako habang tumatakbo bitbit ang isang box na iniingatan ko. Malaki rin ang halaga ng laman nito kung hahayaan ko lang makuha ng iba.

Asan na nga ba si Rick? Wag mong sabihin na nakuha siya ng grupo ni lorton malilintikan talaga siya sakin.

Halos mahilo na ako sa kakaikot Mahanap ko lang sya. Habang pilit na nagtatago para hindi ako makita ng ilan sa tauhan ni Lorton.

Balak ko na sanang tumawid sa kabilang eskinita ng bago pa man ako makagalaw ay may tumutok na ng baril sa akin. I can feel the coldness of it's tip pointing at my temple.

"Put your gun down Astrid and give me the box or I will shoot this empty head of yours. "

Unti unting sumilay ang ngisi sa mga labi ko.

I can't feel fear, but I can feel excitement.

May kung anong nabuhay sa loob ko.

I want to smell blood right here right now, I want to see it's color.

Gustong gusto ko ang kulay nang dugo, I always crave for it, Blood lust.

Unti-unti kong ibinababa ang kamay kong hawak ang isang box ngunit bago pa man ito matuluyang maibaba ay mabilis akong nakagalaw at nakawala sa pagkakatutok niya ng baril sa sintido ko, saka mabilis kong sinipa ang hawak niyang baril at tumilapon ito palayo.

Nakita ko ang bakas ng gulat sa mukha niya dahil sa isang iglap ay nabaliktad ang pangyayari, hawak ko na siya ngayon sa leeg at hindi niya inaasahang magagawa kong mahawakan siya roon ng ganun kabilis.

I gripped his neck like I was holding a chicken, tila handang handa na akong sakmalin siya ng may ngisi sa labi.

Nasisiyahan akong makita siyang namumutla at sunod sunod na lumulunok.

"Mukhang nagkamali ka ng kinalaban Lorton, sinabi ko naman sayo diba? Wag ako. "

"I-inutusan l-lang a-ako, " right, whoever told him to chase after me... Malas niya lang ako pa ang pinahabol niya. They didn't kniw what I can do.

"Mukha bang... may pakialam ako?" Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa leeg niya at walang kahirap hirap siyang inangat sa ere.

"Wala akong pakialam kung kung inutusan ka lang....ang mahalaga sakin ay ang mamatay ka...." I sniffs the air as I look at him. Mas binalot ng takot ang mukha niya ng unti-unting magbago ang kulay ng mga mata ko.

"A-astrid, w-wag m-mo akong papatayin...m-may pamilya pa ako... Please... Patawad... Patawad... Hindi ko na uulitin, hindi na kita papakialaman..." Mabilis na sabi niya at umiyak sa harap ko.

Hindi ko inakalang ang isang siga at mamatay tao na si lorton na madalas kong makabanga simula ng tumapak ako sa lugar na ito ay iiyak ng ganito sa harapan ko. Malamig kong tiningnan at pinakinggan ang kanyang pag-iyak.

Hindi nito mababago ang desisyon ko ngayon pang alam na niya kung sino ako.

Marahan ko siyang binitawan, smilling he bows in front of me.

"salamat astrid, salamat." tatakbo na sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Teka..." Marahan niya akong nilingon at muling mababakas sa kaniya mukha ang takot.

"b-bakit?"

"wala pa akong sinasabi na umalis ka,"

"a-ano?"

"I have a game for you..." nagulat siya sa sinabi ko at kitang kita ko ag panginginig ng kaniyang katawan, I can sense his fear.

Poor humans, they are weak.

"When I told you to run, you have to run as fast as you could, make sure I won't get you."

Mataman ko siyang tinitigan bago nagpakawala ng ngisi at umayos ng tayo.

Ang ngisi ko'y unti unting naglaho saka mariing tinikom ang mga labi.

"Now, run."

Sa dalawang salita na iyon ay agad siyang tumakbo papalayo, halos madapa dapa pa ito para lamang magawang makatakas sa akin ngunit sa isang iglap ay nagawa ko rin siyang harangan kahit napakalayo na ng naabot niya.

I never gave him a chance to escape, and to speak. Mabilis kong hinawakan ang kaniyang ulo as I sucked on his flesh.

When I get myself full, I let go of his lifeless body. Bumagsak ito sa paanan ko at nilingon ko muna iyon bago pinunasan ang mga labi ko.

Mabilis kong itinapon ang katawan nito saka ako naglakad papalayo.

"Astrid! Glad I found you" naramdaman ko ang isang mahigpit na yakap mula sa likod ko, na syang kinatigil ko at dahilan ng pagkakapako ko sa kinatatayuan ko.

"Kanina pa kita hinahanap "

Mabilis niya akong hinarap, gulo gulo ang buhok nya at pawisan. Kunot ang makapal nyang kilay at galit ang expression ng kanyang mga mata.

"We need to go, Andito na ang mga kawal. "

"Anong pakialam ko sa mga 'yun? "

"Ikaw ang pakay nila we need to leave, we need to escape Astrid!"

"We have nowhere to go, hayaan mo sila." Tahimik akong naglakad lakad hanggang sa may humarang sa amin. Walang takot ko silang tiningnan bago nilingon si Rick na mukhang nawalan na ng pag-asa.

Mabilis nila akong pinusasan bago dinala sa kulungan sa palasyo, kung saan namin kinuha ang box na naglalaman ng ilang ginto na pag-aari ng prinsesa. Kung hihingin ko ba sa kanila ang ginto na ito ibibigay ba nila? Hindi naman diba? Masyaso silang sakim, walang ibang ginawa kung hindi ang magwaldas ng sarili nilang yaman at kapag hiningan mo sila ng tulong pagsasarhan ka nila ng gate ng ipinagmamalaki nilang palasyo. Sa bayan na ito, puro paghihirap ang nararanasan mo dahil sa tulad nila. Hindi nila binibigyan ng pagkakataon ang mga katulad naming mahihirap na makatanggap ng tulong.

Tahimik akong nakaupo sa maalikabok na sahig ng piitan, para akong lion na ikinulong sa isang masikip at maruming kweba. Mga bwisit!

"Cragore, laya ka na." Walang buhay akong lumabas ng kulungan na parang lumabas lang ako sa kwarto. Bakit hindi eh madalas ako dito, walang araw yata sa isang linggo ang hindi ako napapasok dito, minsan naiisip ko na baka nagsasawa narin ang mga kawal sa pagmumukha ko.

"Astrid, ilang beses pa ba kitang ilalabas sa piitan na ito ha?" bumungad sa akin ang sermon ng tiyahin kong hilaw. Pasok sa isang tenga at labas sa kabila ang ginawa ko habang si Rick ay tila maamong tupa sa gilid ko.

"Hindi ko alam kung bakit ka naging ganyan at kung bakit lumaki kang basagulera! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayong bata ka!"

"Hindi na ako bata." Walang ganang sabi ko. Come on! I'm already nineteen. And she's always treating me like a 10 years old girl.

"Yan! Palagi mong sinasabi na hindi ka na bata kaya sige ka ng sige! Umalis ka pa sa bahay kasi iniisip mo na kaya mo na at hindi ka na bata tapos sa huli heto ipinapatawag ako dahil may ginawa kananamang kalokohan! Jusko naman Astrid! Magbebente ka na! Kelan ka magtitino ha?!" Hindi ko pinansin ang sinasabi niya hanggang sa makarating kami sa eskinita kung saan kami papasiko patungo sa pinagiwanan niya ng kaniyang sasakyan. Si Rick naman na takot sa kaniyang nanay ay hindi na nagsalita pa.

Hindi ko alam kung may alam ba ang tiyahin ko na ito sa katauhan ko o baka naman meron talaga hindi lang niya ako kinokompronta.

Iniuwi ako ni Tiya sa bahay nila at nanatili lamang ako sa salas habang taas ang paang nagbasa ng comics.

"Rick, kunin mo ang mga gamit ni Astrid sa tinitirhan niya."

"P-po?" Gulat na tanong ni rick at nilingon ako.

Naibaba ko ang comics na binabasa ko at ganun narin ang paa ko dahil sa narinig.

"Sundin mo ang sinabi ko, ngayon na!" wala itong nagawa kundi sundin ang kaniyang nanay habang ako'y walang buhay na nakatingin kay tiya maddy.

Nang makaalis si rick ay saka siya bumaba para lapitan ako.

"Panahon na para ipadala ka sa lugar kung saan ka nababagay."

"what do you mean?"

"Dadalhin kita sa lugar kung saan mo malalaman kung sino ka talaga. Doon, magagawa mong maging basagulera o kahit makipagpatayan ka pa ng wala sayong hahadlang."

"And where on earth is that place?"

"Sa Dauntless Academy."