Chapter 7 - Chapter 6

Excited na ako para sa pagkikita namin ni Lean mamaya. Alas dos pa lang ng tanghali. Meron pa akong tatlong oras para maghanda.

Bagay kaya ang pulang dress na ito sa bagong bili kong black 2 inches hills.

Ito ang isusuot ko mamaya pagpunta sa likod ng University. Sinukat ko pa ito. Mukha namang bagay at fit na fit sa katawan ko.

Quarter to five ako umalis sa mansion namin. Lulan ako ng bagong bago kong Lamborghini. Regalo ito sakin ni Dad nung nakaraan linggo. Ang rason kung bakit niya ako niregaluhan, wala lang daw.

Dumaan muna ako sa isang convinience store. Bibili kase ako ng favorite kong delight. Matapos kung bumili ng 3 malaking bote ng delight

Sumakay na ako ulit sa kotse ko papuntang University. Nagtext ako kay Errol na itext na niya si Lean dahil nandito na ako.

From Errol Custodio:

Tish, papunta na daw si Lean. Nandito lang ako sa may gym ah. Text moko kapag nakita mo na siya.

To Errol Custodio:

Noted.

Nakita ko naman na nakaupo sa may soccer field si Lean. Lumapit ako sa kanya.

"Hi Lean Jin Del Rosario"- Tisha

"(Nagulat naman siya sa pagdating ko pero agad ding nakabawi.) He-hello Atisha Madrid right?"- Lean

"Yes the one and only future, Atisha Jewel Madrid Cerecedo. (Sabay taas ng kilay ko."- Tisha

"Ah e', sige una na ako may kikitain pa kasi ako. "- Lean

"Si Custodio ba? Hmmm. Di na siya dadating. "-Tisha

"Paano mo nalaman? Tsaka bakit di na daw siya makakarating?"-Lean

"Diba sa rental house namin nakikitira si Custodio dahil paaral siya ni Dad and Mom. Nakita ko siya kanina inaapoy siya ng lagnat. Since mabait ako inimform kita dahil nagpaalam siya kay Dad kanina na makikipagkita siya sayo kaya di siya makakapaggarderning."- Tisha

"Ah ganun ba. Dapat tinext na lang niya ako, pero ok lang aalis na lang ako. Pakisabi na lang sa kanya na get well soon."- Lean

Aalis na sana si Lean pero pinigilan ko siya.

"Del Rosario, ako ang may gustong sabihin sayo. "-Tisha

Napatigil siya.

"Ah a-ano yun Atisha? "- Lean

Inilabas ko ang picture mula sa bag ko at pinakita sa kanya.

Nagulat pa siya nang makita niya ito. "Paano mo nakuha to? (Namumulta ang kanyang mga mukha)."

"HAHAHAHAHAHAHA Loka loka. Ginamit mo ang mukha ng kakambal mo. Para saan? Para mapaibig mo ang mga Cerecedo!"- Tisha

"Nagkakamali ka Tisha. Wa-wala akong kakambal!"-Lean

"Ano tawag mo dito? Kamuka mo? Kamuka mo!"- Tisha

"Pero Tisha, paano mo nalaman to? (Habang umiiyak). "- Lean

"Di mo talaga ako nakikilala Lean?! Ako to si Ate Isha, best friend niyo ni Lean Khin sa Lipa, Batangas.  Alam ko na may kakambal ka noon pa man. Alam ko din na si Khinkhin ang unang nakakilala kay Jerome at Jay nung lumipat kayo dito sa Calamba. Alam mo din ba kung bakit ko nalaman na si Khinkhin yun. Dahil bago mawala si Khinkhin nung nasa highschool na kayo at nandito na kayo sa Calamba. Nagpapalitan kami ni Khinkhin ng sulat nun sa penpal. Kinukwento niya ang dalawang Cerecedo sakin. Mula nun naging curious na ako kay Jerome. Sakto namang dito kami lumipat, dahil ito rin ang lugar na inirekomenda ng mga magulang nila Jerome sa dad and mom ko. Doon ko rin unang nakita si Jerome nung paskong magkita ang mga pamilya namin. Ginamit mo ang mukha ni Khinkhin dahil nagustuhan mo rin Jerome"- Tisha

"Please Ate Isha, hwag mong sabihin sa kanila."- Lean

"Tingnan natin. Layuan mo si Jerome, hinding hindi ko ilalabas ang nalamam ko. Tsaka gusto ko ding malaman nasaan na pala si Khin Khin? "-Tisha

"A si Khin khin? Na-nasa Mental Hospital na siya ngayon. Nagkasakit siya nung malapit na kami magtapos maghighschool. Dahil nagkaroon siya ng matinding depression sa mga nangyari sa kanya."- Lean

Nagulat akong lalo sa mga nalaman ko. Mangiyak ngiyak na din ako.

"Ano?! Bakit?! Anong nangyari sa kanya?"- Tisha

"Ginahasa siya ni Kuya Marlon. Yung lalaking katiwala nila Mama at Papa noon."-Lean

Ang buong akala ko, siya ang masusorpresa. Mukhang ako pa ata ang may ikinagulat.

"Gusto kong makita si Khinkhin. Saang ospital siya nakacomfine? Samahan mo ako. Please Lean. "- Tisha

"Oo ate Isha sasamahan kita."- Lean

Habang nasa byahe kami. Iniisip ko kung ito pa ba ang tama kong gawing sandata para malayo si Jerome kay Lean. Pero para namang ang daya ko diba.

Binasag ni Lean ang katahimikan sa loob ng kotse.

"Ate Isha, hwag kang mag-alala lalayuan ko na siya. Ingatan mo si Jerome. Alam kong mahal na mahal mo siya. Kitang kita ko yun sa mga mata mo. Kung ito ang makakabuti para bumalik ang dating samahan natin. Handa akong gawin iyon."- Lean

"Salamat Lean. H'wag kang mag alala gagawin ko ang lahat para kay Jerome."- Tisha

"Pero sana wala nang makakaalam pa ng mga nalaman mo tungkol sa kakambal ko. Ginagawa kong gamitin ang mukha niya dahil yun sa kahilingan niya. Ayaw niyang nalulungkot sina Jerome at Jay, dahil kaibigan niya daw ang mga ito. Kaya dahil sa pagmamahal ko sa kapatid ko gumawa ako ng paraan para palitan siya sa magkapatid na Cerecedo. Pero huli ko nang mapigilan na nahuhulog na ako kay Jerome. Pero h'wag kang mag-alala lalayuan ko na siya dahil mahal na mahal din kita Ate Isha. Para na kitang kapatid."- Lean

"Nagyakap kami habang umiiyak sa kotse bago kami bumaba".

"Lean, salamat kahit ang daya ko sa part na ito."- Tisha