Chapter 6 - Chapter 5

"Ah eh kinausap kase ako nila Dad and Mom, about sa pagpapaalam ni Yaya Nita. Oo tama si Ya hm. Yaya Nita kase aalis na. Alam mo na kapag niyakap ka talaga mapapaiyak ka na lang ulit dala ng emosyon mo kanina"-Tisha

Kinakabahan si Tisha sa idadahilan kay Jerome. Nakokonsensya siya sa mga sinabi. Pero hindi pa rin naman isang daang porsyento ay naniniwala sa tatay niya.

"Ah e ganun ba. H'wag kang mag-alala may tamang panahon ulit para magkita kayo ni Nannie Nita."-Jerome

Kinarga ko si Edge at henele ito upang makapagpahinga na.

Matamang nakatingin lang sa akin ang asawa ko. Sana di siya makahalata. Pero alam ko naman na di yun totoo. Palabas lang yun ni Daddy. Haaayst!!!!!

-

Nakaraan

Ngayon na ang araw para magkita kami ni Errol. Dahil may nais akong ipagawa sa kanya. Di ko din alam kung bakit parang di ako matanggihan ni Errol. Oo binabayaran ko siya. Pero sa totoo lang ay di talaga niya ito tinatanggap. Minsan ay iiwan ko sa locker niya o di kaya papaabot ko kay Nicole. Sobrang bait lang talaga ni Errol.

Nasa mall ako ngayon. Mag isa lang ako. Pumasok ako sa restaurant ng Tokyo-Tokyo. Umorder ako ng isang bucket ng tempura ,spagetti with shrimp at nestea. Two orders ang binili ko, ang isa ay para sa akin at ang isa ay para kay Errol. Favorite ko kase ito dito.

15 minutes bago dumating ang order ko ay dumating si Errol.

"Hi Tisha sorry natagalan ako ah. Kanina ka pa ba nag aantay"- Errol

"Hmm no it's ok. Have a seat. Nag order na din ako for you. "- Tisha

"Thank you. Dapat di ka na nag abala. (Umupo ito sa tapat ko)"-Errol

" wala yun. Since na nandito ka na pag-usapan na natin yung gusto ko."- Tisha

"Sigurado ka ba sa gusto mo? Hindi ba pwede magconfess ka na lang. "- Errol

"Uurong ka na ba? Nagconfess na ako ng paulit-ulit dun. Paulit ulit lang din naman akong nirereject nun. (Malungkot niyang sabi)"-Tisha

"Disididong disido ka na ba kay Jerome. What I mean, madami pa namang iba dyan? Maganda ka at mayaman. Mabait ka din naman."-Errol

"Tinamaan na ako kay Errol since unang kita ko pa lang sa kanya. Kaso malaking hadlang talaga si Lean. Ewan ko ba, para ngang tanga e. Andaming may gusto sakin pero ito ako parang gagong naghahabol kay Jerome tapos ang masama pa di man lang ako mapansin. Galit na galit pa yun sakin lagi. "-Tisha

"Mukhang sobrang nafall ka ata talaga dyan kay Cerecedo. Ano ba gusto mong ipagawa? "- Errol

"Gusto kong sabihin mo kay Lean na magkita kayo mamaya sa likod ng Hill University. Ikaw ang gumawa ng paraan para mapapayag siya. Ang totoo, di ka naman talaga makikipagkita. Ang importante ay mapapunta mo siya don. "-Tisha

"Kung di ako ang pupunta? Sino? What I mean sino ang makikipagkita kay Tisha."-Errol

"Syempre ako. Tapos nun ako na ang bahala. Di ko sasabihin kasabwat kita, h'wag kang mag-alala."-Tisha

"Eh ano bang gagawin mo kay Tisha?"- Errol

"Sundan mo kami, magtago ka sa gilid para makita mo. (nagtaas kilay pa ito)"- Tisha

"Siguraduhin mo lang Tisha na hindi ako mapapahamak. Dahil baka ito ang maging mitya ng mga di magagandang pangyayari. Alam mong mahirap lang ang pamilya ko at nagsisikap ako dito para makapagtapos ng pag-aaral. Nais lang talaga kitang tulungan dahil nakikita ko na gusto gusto mo si Cerecedo. Isa pa mabait na tao din naman si Lean."- Errol

"H'wag kang mag-alala di ka sasabit dito."- Tisha

(Iniabot ko ang sobre na naglalaman ng limang libong piso.)

Ayos lang magbayad sakin ng ganun. Makuha ko lang ang gusto. Tsaka tulong ko na din sa kanya yun dahil malapit na din ang Preliminary Examination namin.

"Ano to? Di ako tumatanggap ng ganyan Tisha. (Binalik sa akin ng sobre) Tutulungan lamang kita dahil alam kong gustong gusto mo si Cerecedo. Pero sana naman ay h'wag akong madamay kung sakali. "- Errol

"Don't worry, tanggapin mo na ito. Ipagpalagay mong tulong ko ito sayo. Isa pa, malapit na din ang exam. "- Tisha

"Hindi, kahit mahirap naman ako ay hindi ako nababayaran ng pera. Kahit gaano pa kalaki. Tsaka nagpapartime na ako para may maibayad sa tuition. "- Errol

Tatayo na ito at magpapaalam. Ngunit may huli pa itong sinabi sa akin.

"Sige gawin mo ang dapat para makuha mo ang sagot sa pagmamahal mo kay Cerecedo. Basta ba di ka gagawa ng ikakatapak ng ibang tao. "-Tisha

"Oo h'wag kang mag-alala. Kapag nangyari at ako na ang mahal ni Jerome. This will be my sweetest victory. Thank you Errol"- Tisha

Nagpaalam na ito sa akin.

Bakit nga ba ang ako habol ng habol dito? Madrid ako dapat mahal ako ng lahat. Marami namang nagmamahal sakin maliban sa taong mahal na mahal ko. Ni minsan ata ay di ako matapunan ni tingin. (Mailing iling kong tugon sa aking sarili.) Pero Madrid nga ako diba, kapag lalo akong pinapahirapan lalo kung gustong makuha yun. "- Tisha

Naglakad lakad pa ako sa Mall. After ng pagkikita namin ni Custodio. Oo si Errol Allen Custodio. Kung pagmamasdan mo siya napakacute niya lalo na ng dimples niya sa kanang pisngi. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Actually, taga Samar si Errol. Mangingisda ang pamilya niya. Kaya naman nag iisa siya dito sa Laguna para mag-aral ng Tourism. Kaklase siya ni Jerome.

Pumasok ako sa isang botique. Kung saan madaming bagong design ng sandals with hills. Mahilig ako dito. Kaya halos mabili ko ang mga ito. Lalo na kung alam kong may bagong nauuso at design.

Nang biglang tumawag si Errol.

"Hello Tisha! Napapayag ko si Lean. Magkikita kami mamaya ng 5 ng hapon. "- Errol

"Hmm. Good! Btw paano mo siya napapayag?-Tisha

"Ah sinabi na magpapaturo ako ng magagandang design. Para sa project namin sa paggawa ng own design ng eroplano. Since Fine Arts si Lean humingi ako ng pabor na tulungan niya ako sa pagdodrawing. Nahihiya nga ako nun una kase di naman kami close. Pero mabait talaga si Lean kaya pumayag siya."- Errol

"Well, mabuti naman. Sobra ba talagang bait ni Lean para mahalin ng lahat (sabay tawa ko). Thank you for this Errol. - Tisha

"Your always welcome. Bye!"- Errol

"Bye."- Tisha

End call.