Naggogrocery ako ngayon kasama si Edge ng biglang tumawag si Mama.
"Hello anak, Tisha nasa bahay ka ba ngayon?"- Mommy Tessa
"Nasa grocery ako Ma. Bakit po? "- Tisha
"Pwede ka bang pumunta dito sa atin. Kailangan ka makausap ng Papa mo. "- Mommy Tessa
"Ma kasama ko si Edge. Ok ko lang ba na dalahin siya dyan. "- Tisha
"Nako anak. Alam mo naman na masama ang loob ng Daddy mo kapag nakikita niya ang batang iyan. Gustuhin ko man makita ang apo ko. Hindi pwede. "- Mommy Tessa
"Sige ma. Iiwan ko muna sa mga kapatid ni Jerome. "- Tisha
"Sige anak. Bye!"- Mommy
"Bye ma"- Tisha.
Napabuntong hininga ako, matapos ang tawagang iyon.
Hanggang ngayon talaga ay galit kay Jerome si Dad. Kaya galit na din ito sa anak namin. Pero hanggang ngayon naman ay di niya sinasabi ang dahilan.
Calling Aaron.....
"Ah eh hello ate Tisha. "- Aaron
"Hmm nasaan ka ngayon?"- Tisha
" Na-nasa bookstore ako te. Bakit po? " - Aaron
"Pwede ka bang dumaan dito sa Emmerson Groceries? Ibibilin ko kase muna si Edge sa inyo. Pinapapunta kase ako nila Mama sa bahay namin. Kakausapin kase ako ni Papa. Pasensya ka na kung nakaabala ako. "- Tisha
"Ah ok te. Daanan ko kayo after 15 minutes. Babayaran ko lang tong binili kong libro."- Aaron
"Sige salamat. Bye!- Tisha
"Bye ate. "- Aaron
(End Call)
Habang nag aantay kami sa waiting shed ng grocery store nagcompose ako ng text message kay Jerome.
To Honey:
Hon, iiwan ko muna si Edge kila Aaron. Pinapunta kase ako nila Mama at Papa. Kailangan ko daw makausap si Papa. Di ko alam kung bakit. Pakidaanan na lang si Edge mamaya pagkatapos ng Flight mo. Thank you. I love youu. Ingat ka sa work mo.
(Sent)
Nagreply naman agad si Jerome.
From Honey:
Sige hon. Ingat ka don. Tawagan mo ako ka agad kapag inapi ka dyan. Joke? Basta tawagan mo ako kapag may problema. Pupuntahan agad kita diyan. Ako na ang bahala kay Edge. I love youu too.
Napangiti naman ako sa reply niya. Pero shet kinakabahan ako sa mga ganitong sandali na kailangan ko makausap si Papa. Bakit kaya?
(15 minutes later. )
Dumating na si Aaron.
"Ate !" tawag niya
"Sa inyo muna si baby ah. Daanan na lang din ni Jerome yan after ng flight niya. Salamat tsaka pasensya na sa abala. "- Tisha
"Ok lang ate. Dumaan lang naman ako ng bookstore. Buy some stuffs. I just text you and kuya na lang for update para kay Egde kapag nagkaabirya."- Aaron
"Sige salamat. Napakabook lover mo talaga. You always spend time to buy and collect books."- Tisha
"O-oopo Ate. Sige po alis na po kami ni Edge."-Aaron
Mabilis niyang tinago ang biniling libro sa kayang bag na parang natatarantang nahihiya pa ito ng mapuna ko ang libro. Napailing na lang ako ng tumalikod na ito. Kasama si Edge.
Agad agad akong pumara ng taxi para makapunta na kila Mama at Papa. Malapit lang naman ito. Around Santa Rosa Laguna. Well taga Calamba lang naman ang mga Cerecedo's. Sumakay agad ako at sinabi ang address ng village namin.
Pagkatapat na pagkatapat sa Mansion namin. Bumaba agad ako. Di ko na nga kinuha ang sukli sa inabot kong 500 pesos. Dahil sa nagmamadali at kinakabahan na ako.
"Keep the change Manong."- Tisha
"Nako! Salamat Maam."- Driver
Pumasok na ako ng Mansion. Here I am. Sinalubong agad ako ni Nannie Nita. She was my yaya since I was a kid. Siya ang dumadamay sa akin sa lahat ng bagay. Since lagi namang wala ang parents ko, dahil busy sa mga businesses namin.
"Long time no see Hija. Ang tagal mong di bumisita dito. Bigla ka atang naparito?" - Nannie Nita
" I miss you Nanay Nita. Pinapatawag ako ni Dad. I don't know why. Medyo kinakabahan nga ako e. "- Tisha
" H'wag kang mag-alala Hija. Kaya mo yan. Baka kakausapin ka lang naman about business matter. "-Nannie Nita
" Hoping Nanay Lita. Kaja! Kaya ko to.
(inhale and exhale). "- Tisha
Nakita ko agad si Mama pagpasok ko sa entrada ng mansion namin. Sinalubong ako nito at hinalikan sa pisngi.
"I miss you so much My Unica Hija. Buti naman nakarating ka ng maayos. Umupo ka muna at ipapahanda kita sa maid ng meryenda. Maya maya lang ay bababa na rin ang Daddy mo. May kaskype lang siyang business partner sa office niya sa 2nd floor."- Mommy Tessa
"Sige ma. Salamat. "- Tisha
Maya maya ay dumating na ang maid dala dala ang carbonara, bacon sandwich at juice.
"Senyorita ito na po ang meryenda."- Maid
"Thank you"- Tisha
Sinimulan ko na itong lantakan. Iinumin ko na sana ang juice ng biglang tinawag ako ni Daddy na bumababa sa hagdan.
"Long time no see Hija. Napakatagal kong inantay ang sandaling ito. Kelangan mo na itong malaman anak sa lalong madaling panahon."-Daddy
"A-aa-ano pong ibig sabihin niyo Dad na kailangan ko nang malaman sa lalong madaling panahon."- Tisha
Umupo ito ng prente sa sofa kaharap ng sa akin. Seryoso ang mukha nito. Nakahalukipkip ang mga bisig.
"Anak, si Edge! Oo ang batang iyon."-Daddy
"Ano pong problema sa Anak ko? (Kinakabahan at gulat na tanong ko) "- Tisha
"Hindi mo anak ang batang iyon. Patay na ang anak na dinadala mo. Wala kang malay ng mga panahong iyon. Ang batang dinadala mo ay may butas ang puso kaya hindi na ito nakatagal. Kahit ilagay pa ito sa incubator. Agad din itong binawian ng buhay. " Daddy
"Hindi totoo yan. Anak ko si Edge. Anak ko siya. Anak namin siya ni Jerome. "-Tisha
"Pinapalitan ko ang batang iyon. Binili ko ang anak ng isang pasyente don na nais ipaampon ang kanyang anak dahil bunga lang ito ng masalimuot na gahasa. Dahil mahal na mahal kita anak. Ginawa ko iyon para panagutan ka ni Jerome at hindi ka niya iwan. Dahil alam kong mahal mo siya simula pa dati. Alam kong kahit anong mangyari. Ayaw man niya o gusto ka niya papanagutan ka niya dahil kung hindi ay magiging kahihiyan yun sa kanilang pamilya. Kaya nagawa kong ipagpalit ang anak mo sa ibang bata at iyon si Edge. " Daddy
Iyak ako ng iyak. Nanginginig na din ang buo kong katawan. Di matanggap ng sistema ko ang mga sinasabi ni Daddy. Di ako naniniwala sa kanya. Anak ko si Edge. Dugo't laman ko siya.
Nagtatakbo akong lumabas ng Mansion. Nabibingi ako sa mga salita paulit ulit nagpeplay sa utak ko.
Di ko rin alam kung paano ako nakasakay sa taxi pauwi ng bahay namin.
Naabutan kong naglalaro ang mag-ama ng puzzles. Bago ako magpakita ay pinunasan ko ang aking mukha. Pilit din akong ngumiti.
"Hon I'm home. "-Tisha
Agad tumakbo si Edge papunta sa akin. Yumakap pa ito. Tuluyan na akong napaluha.
"Mommy why are you crying?"-Edge
"Honey what happen? Bakit ka umiiyak? "- Jerome