Chapter 3 - Chapter 3

Maaga akong gumising para magluto ng almusal. Nagluto ako ng bacon, itlog at sinangag. Tulog pa din si naman si Edge. Wala pang makulit.

Matapos kong maghain. Biglang bumaba na ang mag ama.

"Daddy kiss mo naman si Mommy. Goodmorning kiss daddy."- utal na tugon ni Edge.

"Wait baby. ( ikiniss ako ng dampi sa labi tinakpan ang mata ni Edge at  sabay sabing). Opps may bata. Mamaya na lang gabi off ko bukas e. " - Jerome

"Ang naughty mo talaga Cerecedo."- Tisha

" Cerecedo ka na din naman. " - Jerome

"Ayaw mo nga? Pinilit pa kita. " - Tisha

"Noon yun. Pero ngayon gustong gusto ko na. Mrs Cerecedo maniwala ka. It's my order. " Jerome

"Ayayayy Captain (sumaludo pa ako) ". Tisha

"I love you. Tara kain na tayo. " Jerome

"I love you too. Ang tamis naman ng Honey ko". Tisha

"Nilalanggam ka na ba? Look Edge kinikilig ang mommy mo. " -Jerome

Kumain na kami. Nagsimula na din si Jerome maghanda para sa pagpasok sa trabaho.

Tanghali ang scheduled flight niya bilang Piloto. Pinaghanda ko siya ng pagkain para baunin niya pagpasok ss trabaho. Pagkatapos nun ay pinaliguan ko na si Edge.

Pasado ala dyes ng umalis sa bahay si Jerome. Humalik pa ito sa pisngi ko bilang paalam. Tinanong pa niya ng pasalubong si Edge at humiling ito ng bagong set ng mga laruang eroplano.

Napatawag naman si George sa cellphone ko.

" Hello Kahon. Kumusta na?

" Ok lang naman. Napatawag ka ata? Namiss mo ako ah."

"Ay ay. Mukang masaya ata ang kaibigan ko. Nadiligan ka siguro kagabi ni Captain Jerome no. "

"Gaga naririnig ka ng bata. Oo baks happy ako ngayon hindi dahil sa nadiligan ako kagabi kundi dahil pinaparamdam na ni Jerome sa akin ngayon kung gaano niya ako kamahal. "

"Lalim non Kahon. Napatawag ako kase uuwi na ako next month sa Pinas. Kasama ko ang boyfriend kong hapon. "

"Talaga baks! Si Tanakashi ba yan baks kasama mo. "

"Yes bitch . Sige na back to work na ako sis. Byiee. "

"Bye"

(End call)

-

Nakaraan

Nasa club kami ngayon kasama ko si Georgie at Nicole. Maingay at mausok ang buong paligid. Actually hindi naman sila dapat pupunta ngayon. Pinilit ko lang sila dahil nandito sila Jerome kasama nito ang mga kababata ni Jay maliban kay Lean. Sila Christian Jino Salazar at Dylan Martinez. Kapwa gwapo ang mga ito. Pero si Jerome ang aking apple of the eye.

Nasa harap sila ng stool ng bartender na kasalukuyang naghahalo at nagtitimpla ng wine.

Nagrequest ng VIP Table ang tatlo.Nagrequest din kamj for VIP Table na malapit sa kanila.  Sinundan naming tatlo ang tatlo ring magkakaibigan.

Nakinig kami sa pinag uusapan ng mga lalaki sa di kalayuan.

"Bro where Klyde? Bakit di na naman sumama ang isang yun? " - Jino

"Di ko niyaya. Ayaw ko makita ang pagmumuka ng isang mang aagaw."- Jerome

"What's the matter bro? Kay Lean na naman ba to? Ang corny niyo kasing dalawa. Isang babae lang pinag aagawan niyo."- Dylan

"Ang gagong yun di na ako tinuturing kapatid dahil pareho ang gusto naming babae. Kesyo daw kalaban niya ako at karibal. Alam niyo ang sabi niya sa akin. Lalabanan niya daw ako ng patas. Siraulo talaga. " - Jerome

"Bakit ba kase di magparaya ang isa sa inyo." Jino

"Gago ka ba Jino (mukang nakakarami na ng inom si Jerome.). Ang dali mo lang sabihin yan. Wala ka sa sitwasyon. Bata pa lang tayo mahal ko na si Lean. Umeksena lang siya. Isa pa ako ang unang nakilala at naging kaibigan ni Lean. " - Jerome

"Eh diba patay na patay sayo bro si Madrid? Kung ano ano pa nga binibigay sayo noon diba? Maganda, sexy, hot at mayaman pa. Total package na si Madrid. Bagay pa kayo." - Humahalakhak na tugon ni Dylan.

"Isa pa yung hayop na babaeng yun. Mutual na ang feelings namin ni Lean. Ang bwisit na yun kung ano ano inireregalo at pinadala. Nabasa pa ni Lean yung sulat niya. Damm shet talagang buhay to. Tuloy sabi sakin ni Lean deserve ka niya. Gago ba siya. Si Lean ang mahal ko. Tarantada siyang babae siya. " - Jerome

"Calm bro. Maaayos niyo din yan. Tsaka bro walang ibang makakapag ayos niyan kundi kayo ni Klyde at Lean. Ayusin niyo yan mga bro sa lalong madaling panahon. Apektado kami dito. " Jino

"Mukang tipsy na kami bro. Uwi na tayo. Bukas na lang natin isipin at problemahin yang mga lovelife niyo"- Dylan

"Mauna na kayo. Uubusin ko lang to saglit. "- Jerome

Iyak naman ako ng iyak sa di kalayuan habang pinaparinggan ang mga sinasabi niya. Halos murahin at hamakin niya ang pagkatao ko. Tinatanong ko sa sarili ko. Nakadiri ba ako. Madumi ba ako. Umorder ako ng apat na bote ng vodka.  Nilaklak ko ito. Inaawat pa nga ako ni George at Nicole. Pero wala akong pakealam kahit lasing na lasing na ako. Gusto ko lang mailabas at makalimutan pansamantala ang sakit na dulot ng mga sinabi niya. Kasalan na bang magmahal ang isang bitch? Sobra ko bang sama para maging ganito sa akin si Jerome.

"Baks! Tama na uwi na tayo. Walang magandang naiidulot ang alak. Hindi ka kakaawaan ni Jerome sa ganyang lagay mo. Lalo ka lang niya lalayuan. "- George

"Ang sakit!! Di ako papayag! Akin ka Jerome. Mapapasaakin ka rin Cerecedo! Tandaan mo yan. Pag nangyari yun. Sisiguraduhin kong mahal mo na ako!!!!! "- Tisha

"Tahan na baks. Kakayanin mo yan. Isa kang Madrid. Matitibay sa lahat ng bagay ang kagaya mong Madrid." - Nicole

Nawala na sa paningin ko si Jerome. Umalis na siguro. Kung gaano ako nasasaktan ngayon. Ganun ako lalo kadeterminadong makuha siya.