A RING WITHOUT VOWS Cerecedo Series 1

🇵🇭bankira_94
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 35.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"Hon di ka ata nagmamadali ngayon. Di  ba maaga ang flight mo? Tanong ko."

"Yung flight ko ngayon mamaya pang 4 oclock. So hon? Pwede pa tayo magbonding ngayong umaga. Para makabawi na din ako sa inyo ni Edge Sagot naman niya."

"Pagluluto na lang kita ng mga paborito mong putahe. Para naman di na rin hassle kung lalabas pa tayo. Imbitahin mo na rin yung tatlo. Matagal na din di nakakapunta yun dito. Pakli ko. "

"Abala lang sa bonding natin yung mga yun Tisha. This is for the three of us. Para makabawe ako sa asawa at baby ko pagtanggi niya."

"Ano ka ba Jerome Klint? Ayos lang yun. Tagal ko na din kayo hindi nakikitang magkakasama. Ipagpalagay mo itong family bonding nating lahat. Sagot ko."

Hinalikan niya ako sa noo na ikinapula ko. At tumango siya , kinuha niya ang cellphone at akmang tatawagan si Jay.

~

"Hoy kayong dalawa putres na yan tanghali na mga tulog pa kayo. Sigaw ni Jay sa harap ng kwarto nila Aaron at Jhonley.  "

Kaya nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nagmamadali niya itong sinagot nang makitang kuya niya ang tumatawag.

"Hello kuya "napalakas ang sigaw niya" . Rinig na rinig sa kabilang linya. "

"Hello Jay Klyde. Bakit mo ako sinisigawan? Iritadong sagot ni Jerome. "

Ito kasing dalawa to tanghali na tulog pa. Pagdadahilan ni Jay.

"Hay nako Jay. Buti nakakatiis sayo si Lean. Hanggang ngayon pinagpapapansin mo pa din yung dalawang kuyokoy na yan.  Sabi ni Jerome sa kabilang linya. "

"Kuya, Jin hindi Lean. Ok ok? Bakit ka nga pala napatawag?"

"Pareho lang yun Leanjin ang totoong pangalan nun. Ikaw lang tong Jin ng Jin. Btw. Iimbitahan ko kayo dito sa house namin. For family bonding. Magluluto kasi si Tisha. Ano g ba? "

"Palabas naman si Jhonley sa kwarto kakagising lang". Ang bunsong Cerecedo.

"Sige kuya. Namiss mo ata kami? After 1 hour nandyan na kami. Magtutuos lang kami ng dalawang to.

Sige kuya bye "

"Isama mo din si Lean. Ok bye. See you later."

"Ok kuya. Bye ~"

~

Habang pinagmamasdan ko si Jerome naaalala ko yung mga panahon na ayaw na ayaw niya pa sa tulad ko. Halos ipagtulakan niya ako at isisi ang lahat sa akin. Kesyo ninakawan ko daw siya ng kabataan. Di ba pwedeng nagmahal lang ako. Natatawa na lang ako ngayon kung aalalahanin ko ang mga bagay na yun.

-

Nakaraan

Naglalakad ako sa hallway ng University na pinapasukan ko. Ang lawak talaga ng Hill University. Isa ako sa  3rd year Accountancy Student dito. Di naman ako matalino pero di din naman ako bumabagsak sa mga subjects ko. Papunta ako sa Dean's office para itanong kung pwede ako magpalipat ng schedule para sa subject kong Law. Magkatabi lang ang Dean's office ng Accountancy at Tourism students. Nakita ko si Jerome. Papasok din siya sa opisina ng college nila. Matagal na akong may pagtangi sa lalaking ito. Pero hanggang ngayon ay parang hangin lang ako sa kanya. Wala naman problema sa akin. Maganda ako at mayaman ang pamilya namin. Kaso lang ay isa akong party girl. Kumbaga mahilig ako sa gimik at sosyalan. Baka ayun ang kinaaayawan niya sakin. Ah hindi ? O baka isa yun. Balita ko din kase may gusto na siyang iba. Si Lean isang 2nd year Fine Arts student. Childhood sweetheart nga daw ang mga ito. Dahil mutual ang feelings nila. Kaso mukang fight of the century ito dahil gusto din si Lean ng kapatid nitong si Jay Klyde. Kaya nga parang di magkakilala ang magkapatid na yun kahit magkasalubong dito sa University. Lagi kong tinitingnan mula sa malayo si Jerome. Paulit ulit kong sinasabi na kung di siya kayang daanin sa santong dasalan ay dadaanin ko siya sa santong paspasan. Tatlong taon ko na ding palihim na minamahal si Jerome. Paano ba naman di ka magkakagusto sa isang Jerome Klint Cerecedo? Gwapo ito maamo ang mga mukha parang anghel, mabait na anak at kapatid at matalino. Si Jerome ay isang Tourism Student at running magna cumlaude. Kahit sino ay magkakagusto sa kanya. Mayaman na at karespeto respeto pa.

~

Bumalik ako sa wisyo ng yakapin ako ng asawa kong si Jerome mula sa aking likuran. Nagluluto ako ngayon para sa aming gagawing family bonding. Naisipan na din niyang magleave sa trabaho ngayong araw. Nakipagpalitan na lamang ito ng araw sa isa nitong kasamang Piloto mabuti ay pumayag ito.  Dahil natuwa rin siyang pupunta ang tatlo niyang kapatid na sila Jay Klyde , Aaron Monrow at Jhonley Kennel. Natutuwa talaga akong tawagin sa kumpletong pangalan ang mga Cerecedo Boys. Ang gaganda din kase ng mga pangalan nila. Panganay ang asawa kong si Jerome Klint, pangalawa si Jay Klyde sumunod si Aaron Monrow at bunso sa mga Cerecedo si Jhonley Kennel.

Bumulong siya sa tainga ko mula sa likuran.

"Hon, tatawag daw si Mama at Papa sa atin mamaya pag nandito na ang tatlong kulokoy. Bulong niya sa akin. "

"Sige hon. Super miss na miss ko na din si Mama at Papa. "

"Sobrang tagal na nila Mama at Papa sa New Zealand mula bata pa ako doon na nakabase sila dahil sa business namin don nakakatampo din minsan sila. Minsan naaawa ako don sa tatlo kong kapatid dahil naglakihan na lang kami, natuto sa buhay ng wala lagi sa tabi namin sila Mama at Papa. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mukha. "

"Ginagawa lang din naman ng mga Mama at Papa yun para sa inyong apat. Alam mo naman na mahal na mahal kayo non. " Pagtatama ko

"Oo naman alam ko naman yun. Buti na nga lang ay lumaking maaayos ang tatlong yun kahit kakaayos lang namin ng relasyon ni Jay alam ko naman na nasaktan lang siya non. Masayang wika ni Jerome".

"Mukhang maluluto na ang kare-kare na niluluto ko. Nasaan na ba daw ang tatlong yun?" Usisa ko

"Parating na siguro yung mga yun."

Biglang may bumusina sa tapat ng pent house namin. Mukang nandyan na nga ang Cerecedo Boys.

"Mukang nandyan na sila hon." Tugon ko.

Pinuntahan naman ni Jerome sa labas upang usisain kung tama nga ang hinala ko. Sumunod naman ako sa kanya.

"Here we are bro, ang tatlo mong gwapong kapatid anas ni Jay".

"Kumusta kayo Kuya Jerome at Ate Tisha? wika ni Aaron".

"Ok naman kami Aaron pati na rin si Edge pagsagot ko."

"Pasok na ako kuya ah. Mukang mabango yung nakahanda sa loob ah. Excited na tugon ni Jhonley".

Tumawa kaming lahat at pumasok na sa loob dahil tumatawag na din si Edge mula sa pintuan.

- bankira