"Sabay ba kayo? Sa makati ako uuwi." I look up at alex and jarel doing something on their laptops.
"Dito muna ako tutulog." Jarel said saka nagbaling sa akin habang umiinom ng tubig. Pare-pareho kasi kaming taga makati. Ilang baranggay lang yung layo ganon.
"Ako? Wait lang, save ko lang 'to." Alex said now cleaning her things. Inaantok na ako. Akala ko makakatulog ako kanina but the guy I bump onto keep flashing on my mind. He's a cursed. Gosh.
"Nakakabad trip ka-group ko, sabi ko kaninang tanghali na sila magsend ng research tapos ngayon-ngayon lang nagsend, pasalamat sila grade ko rin nakasalalay du'n." I chuckled on Alex clinging on my arm.
Hindi pa naman ngayon yung pasahan pero gusto lang niya na ngayon na niya mapasa para raw hindi siya nagka-cram. Ako naman, kabaligtaran. Ayoko rin agad ginagawa yung mga gawain. Two days before due date ako nagawa para sakto sa pasahan. Nakakatamad lang. Saka in that way ako napepressure talagang gumawa.
Pumara kami nang jeep saka sumakay. Buti nga nakasakay kami agad, laging punuan dito, minsan kapag naka pants kami sumasabit pa. Tsh. Si Jarel kase, kunsintidor. Maiwan daw ang hindi sumama sa pagsabit, ayon, pagkauwi namin para kaming lantang gulay ni Alex. Nakakapanghina naman kasi, ang layo kaya!
First come first serve kasi ang ganap ngayon dito. Kapag naunang makaupo iyung mga lalaki kahit pa babae ang nakasabit, wala nang pakielaman. Kailangan marunong kang maging sardinas para makasakay ka. Hindi naman basehan ang kasarian sa lahat ng bagay.
Dati naglalakad lang ako papuntang sakayan sa may taft. kasi ayaw ko makipag-unahan, kaso ang layo, nakakatamad. Pagod na ako galing school tapos lalakad pa ako ng malayo, baka magkasakit ako, kaya matalinuhang teknik na lang.
"Bayad mo nga." Inabot ko sa kaniya ang bente pesos. Discounted kami kasi 'student'. I wonder why they made that policy. Nakakaawa naman yung mga drivers. Pero okay lang din tipid naman kami.
"Sayo lang 'to?" Nakanguso pa niyang tanong. Tumango ako ng sunod-sunod. At dahil makapal din ang balat niya hindi niya tatanggapin na sa akin lang 'yung bayad.
"Bayad po! Dalawa." Napalaayo ko pa ang ulo ko ng bahagya dahil sa sigaw ni Alex. Yanig buong jeep,eh. Saya-saya niya. Sumandal ako sa bintana saka pumikit.
"Luh?" Tumingin ako sa kaniya. She scratched her head saka inabot ulit ang bayad. "Bayad nga ho! Dalawa, istudyante." I bit my lip ng wala pa ring nag-abot ng bayad.
"Bayad nga HO! Sabi, dalawa, istudyante nga, ho!" Amp. She groaned nang wala pa ring nag abot. My lips parted saka bahagyang natawa ng ibigay niya ang gamit niya sa akin saka tumayo para i-abot yung bayad.
"Salamat, Ho! Naapreciate ko po ang inyong tulong. Saya-saya,eh." She rolled her eyes on the passengers sitting beside us, na wala namang mga pake at bumalik sa pagkakatulog. "Badtrip,amp."
"Pagod din naman daw kasi sila." She scoffed like I said something ridiculous.
"Oo,teh. Pati ako pagod din, pati boses ko napagod din. Parang i-aabot lang ka'dadamot. Wag kasi sila uupo sa right side kung ayaw nila mag-abot." I chuckles saka Umiling-iling. I leaned my head on her shoulder saka pumikit.
"Reyn." Narinig kong pagtawag sa'kin ni Alex. "Bhie,hoi." Napahinga ako ng malalim saka dumilat. Inihilamos ko ang kamay ko sa aking muka, saka kinusot ang mata. "Malapit na." Inaantok akong nagbaling sa kaniya saka uminom sa tubig ko.
Alas syete na, Taft pa lang kami. Linta. Wala bang shortcut dito? Lagi ang traffic sa dinadaanan,eh! Nakatulog na ako't lahat hindi pa pala kami nakakalipat ng jeep. Grrr.
Pwede naman kami mag tren pero, mas siksikan don. Tapos kung 'di papalarin naka tayo lang. Delikado kapag kaming dalawa lang ni Alex tapos siksikan, kaya jeep kami lagi, pero minsan kapag kasama namin si Jarel nage-LRT kami.
Pagsakay namin ng jeep, saglit na lang yung naging byahe dahil anong oras na nga. Sa may Quirino lang talaga yung traffic,eh. Ka-stress. Dati kasi may mga bus do'n, ngayon wala na. Bulok. Pinagbawal.
"Byiee." I kissed her cheeks saka bumaba. Mas mauuna ako since sa may Poblacion pa siya tapos ako, dito lang sa tejeros baba ko. Short cut-short cut na lang ganern. Ayoko kasi ro'n bumaba sa kabila kahit mas malapit du'n, dami kasing snatcher.
One time tinutukan ako ng balisong, parang tanga, wala rin naman akong pera, edi ending wala siyang nakuha sakin. Tanga kasi. Ako pa ginawang biktima. Tapos nung nakitang wala akong pera kundi singkwenta siya pa galit. Attitude. Buti yung cellphone ko no'n nakalagay sa may bewang ko, hihi.
Nagmano ako sa mga kamag-anak namin na nakatambay dito sa labas. Bandang dulo pa 'yung bahay namin kaya madadaanan ko talaga 'yung sa kanila. "Kawaan ka." Tumango ako saka ngumiti kay Lola, asawa ng kapatid ni Lolo ko.
Napabuntong hininga ako nang nasa may gate pa lang ako ay rinig ko na ang pag-aaway nila papa at mama sa itaas. Sa taas 'yung parte sa amin sa baba naman ay tito ko ang umookupa. Pumasok na ako at dumaan muna kila tito.
"Ui! Reyn, ano? Pagod?" Tanong sakin ni tito. Tumango na lang ako saka humalik sa pisngi niya, pumunta naman ako sa pinsan kong si Lliam na nag-aaral magsulat ng pangalan niya.
"Hi, ate!" He kissed me on my cheeks saka nagpatuloy sa ginagawa niya. I ruffled his hair a bit saka nagpaalam na aakyat na ako. Nasa hagdan pa lang ay parang nagsisisi na akong dito ako umuwi.
Madalas kasi sa condo ako nila kuya Jydo umuuwi, sa may Malate banda, kaso nahihiya ako kay ate Cian, asawa ni kuya, kaya hindi rin ako palagai ro'n, kapag hindi lang umuuwi si ate Cian kasi may pasok, gano'n.
"Hindi ka na nag-sawa! Umaga, tanghali, gabi! Punyetang Alak! Buti pa alak naiintindi mo! Gastusin dito sa bahay wala kang maibigay!" I pursed my lips then leaned my head on the door, still helding the doorknob.
Ang gandang bungad.
I stay in that position for almost five minutes, inintay ko muna na kumalma ang sagutan nila mama sa loob dahil nakakapagod lang lalo. Matapos marinig yung pagaaway nila parang nag-alangan na akong humingi pa ng pera pang baon. May tatlong daan pa naman ako, I'll save it na lang.
"Dito na ako." Patay malisya kong sabi saka binitbit ang sapatos at nilagay 'yon sa lagayan. Bahagya akong tumango kay papa na nanonood ng TV. Halatang lasing. Pumunta naman ako ng kusina para tignan si Mama.
"Uy! Nak! Kakarating mo lang?" Bahagya akong ngumiti sa kaniya, saka humalik sa pisngi niya. "Teka, kumain ka na ba?" Dapat ay tatango na ako pero sayang naman 'yung niluto ni mama, hindi ko matitikman, tsaka para may kasabay na rin siya.
"Hindi pa po." Kaunti lang naman ang kinain ko kanina sa apartment kaya... kaya ko pang kumain, since ang tagal din ng byahe. She prepares the utensils and foods. Saglit pa kaming nagdasal saka nag-umpisang kumain. Ako na lang din ang nag presinta na maghugas para naman may dulot ako kahit papa'no.
"Nak, walang internet hindi ako nakabayad, may gagawin ka bang project o research?" Kakatapos ko lang maligo at nagpapatuyo na lang nang buhok. Tumingin ako sa kaniya, I bit my cheeks inside saka umiling.
"Okay lang po, ano... tapos ko na kanina sa apartment." She nod then leave my room. Ang totoo ay meron pa akong gagawin na research. Pero 'di bale na, hindi pa naman pasahan, maaga na lang ako pupunta sa apartment para magawa ko na rin kahit papa'no.
Dahil nga tapos ko naman na mabasa ang ilang mga topics sa mga subject ko kanina ay wala na akong masyadong gagawin, nalabahan ko na rin 'yung maduming uniforms kong dala, kaya makakatulog na ako.
I was scrolling on my phone nang makita ang post ng boyfriend ni Jarel. Napangisi ako nang kakapost lang no'n. Kaya pala hindi umuwi, pinapunta ang boylet. I read the comments at natawa ako kasi first time nga nila magpost ng about sa relationship nila.
Last post before break up. Natawa ako sa naisip at napailing na lang. Joke lang.
They were hugging each other habang naka cling ang isang braso ni Jarel sa leeg nito. Naka sando lang na black yung boyfriend ni Jarel na taga Ateneo, kaya kitang kita ang musculine body nito. Lakas makasungkit. Jarel naman was wearing a black hoodie, 'yung suot niya kanina bago kami umalis. Natawa naman ako nang mabasa ang caption.
Alam ko na nagkakagulo na sa comment section kaya pinindot ko agad iyon. Hindi ko pa nakikita ay natatawa na ako.
Leighrene Alexandria
"Wow lodicakes, nahiya yung communication natin. Gabundok 'yung layo natin sa isat-isa,eh."
Natatawa ako na hindi maintindihan dahil feeling betrayed ang peg namin ni Leighrene. Napahagalpak na ako sa tawa ng makita ang mga comments ng mga churchmates namin.
Jheawreighn Dyaz
"Omy! Happy wedding! Grabe hindi kami ininvite! Enjoy honeymoon!!"
Hindi ko mapigilan mapangiti nang makitang nag sad react doon si Jarel, at naghaha naman si Alex at 'yung boyfriend ni Jarel. I chuckles nang makita na nag comment din si Jarel.
Gabriel Covell
"Alam niyo? Napaka ano niyong kaibigan. Gisado ako."
I immediately call on our group chat. Nang makaramdam na sinesermonan na si Jarel ng handler niya.
"Baby." Asar ko saka nagpigil ng tawa. Baby kasi ang nasa caption nung post, tapos heart. HAHA!
"Ako rin, pa baby!" Asar naman ni Alex, at sabay na kaming natawa. Jarel groaned at narinig pa namin ang pagsara ng pinto, siguro ay pumasok siya sa kwarto.
"Napagalitan ako ni kuya JD." I bit my lip para hindi bumulwak ang tawa ko, I heard Alex's giggles pa. Baka ma-offend ang bespren naming baliko 'pag tumawa kami agad.
"Sabi?" Hindi naman sa pinagbawalan na magmahal ng kauri mo, We are christians, well kaming tatlo, we still support LGBTQ+ but the solemn book wont.
"Accountability. Thursday. Uwian mo. I'll wait you at intramuros." Sabay kaming natawa ni Alex bago sumeryoso.
"Kabahan ka na." Asar ko pa, ramdam ko naman ang pagkalugmok ni Jarel. Maraming pwedeng kalabasan, it's either paghiwalayin sila or supportahan sila, but of course the higher possibility outcome is the latter.
"Kami na bahala sa kape at tinapay, pero para mas maganda lugaw at lomi na lang." I chuckles because of what's Alex said, provoking Jarel.
"Hindi mo pa nga pinapakilala samin, nauna pa sa epbidatkom." Sabi ko pa. Napalunok ako ng ngumiti lang si Jarel sa cam, nag open kasi siya.
"Oo nga, I second emotion. Taray, kaya hindi kami magka-boyfie kayo-kayo na lang din ang nagjo-jowaan." Napatawa naman ng bahagya si Jarel.
"Ewan ko sa inyo, siya. Bukas na paliwanag. Goodnight!! Labyu." Yun lang at nag end na siya ng call.
"Dapat na ba natin siyang basbasan?" Pilyang sabi ni Alex na kumakain na naman.
"Actually I don't know. Antayin na lang natin balita 'pag nagkausap sila ni kuya JD." She hummed saka sabay kaming napabuntong hininga. Dumapa naman ako sa kama at tinanggal ang unan.
"Ilang months na nga ulet sila?" Napaisip naman ako dahil sa tanong niya. I calculated kung ilang months na ba sila nung guy. I gasp nang magpatanto na ang tagal na pala nila.
"2 years and 2 months. Shems, mukang mahirap kalaban ng baby boy natin, ah." Napahinga ako ng malalim, ako ang natatakot sa kakalabasan nito, why naman kasi rumupok sa papable ang lalaking 'yon?
After our chit-chats natulog na ako, at siya naman ay magaayos lang daw ng notes. Notes ko nga pang basura, hindi ko na naayos, lalo na kapag nagmamadali yung prof/s, kadalasan kasi excited sila, charot. Most of the time ay naghahabol kami.
I woke up earlier than usual, kagaya ng pinlano ko. Alas tres pa lang ay gumising na ako, dahil maaga naman ako nakatulog kagabi. Buti na lang may heater yung shower hehe. I wore first my casual attire at binaon na lang yung uniforms ko. Du'n ko na lang pa plantsahin.
I leave a note on the TV na lang, para di ko na gisingin si mama. Baka kasi magtaka siya sobrang aga ko umalis. Sinabi ko na lang na may naiwan akong libro sa condo ni kuya at dadaanan ko. Alas-kuwatro na nang umalis ako ng bahay.
"Bayad po." Inabot ko ang bayad ko saka sumandal at pumikit. Inaantok pa ako, ang lamig pa ngayon. Buti na lang may nakita ako agad na jeep.
"Miss paabot." Napamulat ako saka inabot ang bayad nu'ng lalaki. Bumalik ako sa pagkakapikit at sinubukang matulog.
I was stunned when I felt someone's head, leaning on my shoulder. Gulat akong napatingin sa lalaking katabi ko. He's wearing a white polo underneath his black longs leave, he's also wearing a black pants partnered with his black sneakers.
It's him!
'Yung nakabangga sakin kaya natapon yung kape ko na hindi ko nasulit! Yawain! Tinignan ko ulit yung lalaki saka napatingin sa paligid. Agad naman akong napayuko nang mapansin ang Ale sa bukana na nakatingin sa amin.
Shems, should I wake up na ba si kuya, or hayaan ko na lang kasi muka talaga siyang puyat? Amporky. Lord give sign.
Halos tumilapon naman ako nang biglang pumreno si manong, dahil naabutan ng red light. Lord, next time sa safe na paraan naman po, hehe. Tumilapon po kaluluwa ko, eh, hehe.
I glance at the guy beside me. Napahilamos siya sa muka niya then fixed his hair. Agad naman akong nagtulog-tulugan nang maramdaman na titignan niya ako. I still can felt his stare kaya medyo gumalaw ako.
Agad akong napamulat nang bigla na namang pumreno si manong driver ng mala- omay ghawd! My eyes widen when I felt someone's lips on my cheeks!
"Shshshshh‐ Sorry! Ano, miss." Napalunok ako ng malaki saka napaayos ng upo at gano'n din siya. "Kuya! Kalmahan naman natin! Gusto pa namin mabuhay." Bakas sa boses niya ang kaba saka nahihiyang lumingon sa akin.
"Pasensya na iho." Sagot pa nung manong. I cover my face using my hair, para hindi niya makita ang pagka pula ng pisngi ko, dahil ramdam na ramdam ko na nangangamatis na ako! Jusmeyo mahabagin.
Lord, Im asking for sign kung gigisingin ko ba si kuya beside me or not. Bakit sign po ng pagkakaro'n ko ng boyfie ang binigay niyo? Wala pa ho sa plano ko. Huhunez.
"Charot lang, Lord. I believe in coincidences." I muffled saka nag-angat ng tingin. I glance at the guy beside me na nababalisa na. Nahiya rin ata sa nangyari. Shemay.
"Uhm, ugh..." Napalunok ulit ako saka palihim na ginala ang tingin sa mga pasahero. Muka namang hindi nila napansin dahil mga nakapikit na ulit sila. Para naman akong nabunutan ng tinik dahil ro'n. Keheye nemen, enebe keshe nengyeyere.
"Hindi ko sinasadya, sorry talaga, Miss." I look at him breathlessly. I purse my lips before nodding.
"Okay lang, hindi mo kasalanan." Mahinang sabi ko saka dumistansya ng k'onti. Dapat humble tayo, para dagdag points sa langit. Choz. Half meant.
"Para... para po, kuya!" Napahinga ako ng malalim saka inayos ang gamit ko at bumaba na ng jeep. Naramdaman ko rin na may bumaba pero hindi ko na lang pinansin. Naglakad pa ako papuntang seven ELEVEn dahil d'un 'yung sakayan nang jeep.
I can actually ride train at LRT pero, ayoko lang. Wala lang feel ko mag jeep, eh. Mas mura tapos mas malapit. Kailangan natin magtipid kapatid. Naubos ni shopee ilibin-ilibin ang aking allowance. Yataps ako kay mama pag nalaman niya. But I need those stuffs naman na binili ko kaya, feeling ko, feeling ko lang di ko sure, na hindi naman magagalit si mama.
Pumila na ako saka kinuha ang phone ko. I texted kuya Jydo, na sabihin na lang kay mama na dumaan nga ako du'n. Baka kasi tumawag mamaya si mama sa kaniya at tanungin ako. Ayaw ko lang na bumigat ang loob ni mama kasi nagsinungaling ako. Ang mahal kasi ng load tapos sasaglit lang naman magagamit. Sayang lang pera.
"Po?" Pagsagot ko sa tawag. I didn't expect na gising na si kuya at this hour. Quarter five pa lang, siguro nagising siya dahil kay Jieren. Pamangkin ko, na 2 years-old.
["Ano't hindi ka na lang nagsabi kay mama?"] Halata sa boses niya na antok pa siya pero nakuha nang sermonan ako.
"Eh, kasi, may research nga ako na gagawin, eh, na hold daw 'yung net kaya walang internet. Ayaw ko naman na gumastos pa si mama. Bago ako pumasok kagabi sa bahay nag-aaway sila ni papa,eh. Wala na raw pang gastos, hindi na ako nagsabi." Paliwanag ko pa saka yumuko, sa paanan ko.
["Huh? Hindi na naman ba naswelduhan si papa?"] Napabuntong hininga ako saka nag-angat ng tingin.
"Di ko sure. Alak na naman siguro. Pag-uwi ko lasing,eh." I purse my lips saka tumingala. Naiiyak ako, naawa ako sa sarili ko. Wala man lang akong maitulong kay mama kahit papano. Hanggang ngayon sa kaniya pa rin ako nanghihingi nang baon.
["Siya-siya. Subukan kong maghanap nang raket. Magtatanong ako kila paulo."] I nod as if he can see it. Kaibigan 'yun ni kuya, mga nagtatrabaho na ngayon.
"Sige na kuya, thank you." I ended the call nang marinig ko ang iyak ni Jieren.
Hindi na nakapag tapos ng college si kuya. Kung hindi lang siya nakabuntis edi sana may Engineer na kami. Sira kasi, ayon, edi teen parent siya. Tsh. Si ate Cian naman yung nanay ni Jieren ang nagpatuloy sa pag-aaral ng nursing. Kaya si kuya ang naiiwan magbantay sa bata. Minsan kapag may raket si kuya tapos sakto naman na wala akong pasok, ako na lang ang nagbabantay sa pamangkin ko para hindi na ipaalaga kay mama.
Hindi rin kasal si kuya Jydo pati si ate Cian, dahil hindi pa kaya ng savings. Nagbabalik loob pa si ate Cia sa pamilya niya kaya hindi pa gaano nakakaipon. Madiskarte naman si kuya kaya kahit papano may naiiambag kahit pangbayad lang nila ng kuryente at tubig. Minsan siya rin nagbibigay ng allowance sa akin.
"Okay ka lang?" Napatingin ako sa katabi ko. 'Yung nakahalik sakin. Weyt sinusundan ba niya ako? Ay shunga, nakita ko nga siya sa UN. Ave kaya malamang du'n din punta niya.
"Hm." I smiled at him saka umurong dahil may uupo. Teka nga? Hindi ba siya nalelate? I mean, alam ko kapag interns hindi umuuwi,ah? You know? 36- 38 hours yung duty nila. At kahapon lang naka duty siya. So panong nakauwi siya? Teka nga? Why do I care naman about sa sched niya? Eh?
"Aize Khyro, pala name ko, hehe." I look at him without any idea kung bakit siya nagpapakilala.
"I didn't ask naman." I whispered. Napatingin ulit ako sa kaniya nang magsalita siya.
"Awts. Sorry, fc ko naman pala." Napaiwas ako ng tingin saka mas lalong sumiksik sa gilid. Shems. Malakas ko bang nasabi? Hindi tuloy ako mapakali!!! Mamaya sabihan niya ako ng maldita!
"Sorry ulit about kanina. Si kuya kasi,eh." I glance at him. Nakakarupok yung ngiti niya kaya naghanap ako agad ng pwedeng balingan.
"Okay lang, ano... Basta okay lang." Napayuko ako saka inayos ang salamin ko sa mata nang marinig ang tawa niya. Trip niya ako? Pag siya pinagtripan ko? Char, bad 'yon.
"Taga ermita ka lang banda?" Napatango ako saka tumingin sa kaniya. I supposedly reading devo, right now but hindi ko naman magagawa kasi kinakausap niya ako, mamaya na lang siguro.
"Yeah." Nakita kong lumawak ang ngiti niya kaya napataas ang kilay ko.
"Same, pero Rumualdez ako, ikaw sa'n ka banda?" Im not sure, pero ang alam ko hindi na sakop ng ermita yung rumualdez pero sige kunwari na lang hindi ko alam, magkadikit lang naman.
Mukang hindi niya ata natandaan na ako 'yung naka bungguan niya kahapon. Hectic lang siguro kaya nawala sa isip niya.
"Agoncillo." Ngumiti ako saka tumingin sa kaniya.
"Seryoso?" Muka ba akong nangcha-charot? Ts.
"Oo, astig 'noh? Magakalapit lang tayo." Ngumisi ako sa kaniya na natatawa na ngayon. Destiny ata tawag dito. Charot. Bawal humarot, I can't handle one responsibility na nga tapos papasok pa ako sa relationship. Ekis.
Ang a head ko naman 'di pa nga kami friends.
"Yeah, sorry din pala sa kape mo kahapon, emergency, eh." Natatawa niyang sabi saka pinasadahan ang buhok niya.
So, hindi naman pala niya nakalimutan. Wait. Nakilala niya ako agad? Ni hindi nga niya ako tinignan man lang!
"I noticed your, hair and eye glases." Ngumiti siya saka nagtaas ng kilay. Ayown, may visual memory naman pala. Sana all.
"Pano ka pala napunta sa UN. Ave?" I asked because of curiosity.
"PLM ako nag-aaral. Med-school." Nangunot ang noo ko saka tinandaan kung ano ang logo na nakalagay sa uniform niya. PLM nga. Wew. Tama nga ang naisip ko.
"Balak ko rin lumipat sa UP next year. Konting ipon pa, hehe." Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Same pala kami ng situation. Gipits tayo kapatids. Pero alam ko kumikita na siya, while me, still umaasa.
Sumideline kaya ako? Kahit skeletal lang?
"Ayaw mo sa ateneo? ASMPH? May program din na binibigay sila, ah?" Im not sure about Ateneo's program pero sure ako na may double course program sila na ino-offer. Sa pagkakalam ko BS management iyon tsaka BS bio.
"Mas maganda pa rin sa UP, tsaka ayaw ko rin sa ateneo, spokening dollars ang mga peeps du'n nose bleed ako." I chuckles, magaling naman siya sa english Im sure. Dahil isa 'yon sa mga ima-master nila.
"UP studs naman, mawalan lang ng yaya hindi na makakahinga." Buwelta ko pa saka bahagyang tumawa. 'Di ako basher pero, pawang katotohanan lang.
"Yeah right? Tawang-tawa nga ako nung first year ko do'n, may kaklase ako sa isang sub na halos magbreak down nung malaman na hindi makakarating yaya niya." Sabay kaming natawa saka umiling.
"Wait? So galing ka nang UP? Nyare? Sayang 'yung program bakit ka lumipat?" Discount rin kasi 'yon!
"Hindi kinaya miscellaneous fee. GG." Napangiti na lang ako sa kaniya ng bahagya. He's so light. I mean, dinadaan niya sa tawa. Feeling ko ay 3rd year pa lang niya sa med-school kaya medyo halata sa kaniya 'yung puyat.
Marami pa kaming napag-usapan. He even asked my social media accounts pero hindi ko binigay. Same as him. Dahil ayaw ko naman daw ipaalam 'yung akin, gagaya na lang din daw siya.
"Luh? Dapat du'n ka na lang bumaba sa kabilang street para mas malapit lalakaran mo." Sabi ko sa kaniya nang makababa na ng jeep. Anong trip niya? Susundan niya ako? Baka mabugbog siya ni Jarel. Aba-aba kahit bekibels ang Jarel, masakit manapak iyon.
"Hehe, uuwi muna ako, tsaka para masamahan na kita. Maglalakad ka lang ba o trike?" Hindi ko alam ha? Pero ang gaan talaga ng loob ko sa kaniya. Hindi naman ako introvert but I'm not that friendly din, may trust issues ako, kaya nagtataka ako kung bakit kinakausap ko ito ng 'di padarag.
"Trike na lang ako." Ngumiti siya saka tumango. Nagumpisa akong maglakad papuntang sakayan ng tricycle sa kanto. Sumakay naman siya sa likod ni kuyang driver. Sinabi ko lang ang street tapos lalakarin ko na lang 'yun papunta sa apartment.
Hindi na ako magpapababa sa mismong apartment dahil malalaman ni Aize 'yung bahay ko tsaka one way din naman doon. Baka sunduin niya lang din ako bigla. Mahirap 'yon.
Assuming ko naman. Pero based on my calculation the probability that he'll do that is 53%, kaya para safe.
"Magkano po?" Tanong ko kay kuya driver saka binuksan ang bulsa ng bag ko sa likod kung saan nakalagay ang pera ko.
"Ako na. Ingats!" Napaawang ang labi ko saka tumingin kay Aize na nasa loob na ng tric, lumipat.
"Huh? Critical!" Paglaban ko pa dahil nakakahiya naman kung siya lang ang magbabayad ng buo. Hindi naman ako ganun kakapal kahit pabor sa akin 'yon, dahil makakatipid ako.
"Okay nga lang, sige na. Ingat ka." He smiled at me saka umayos ng upo. "Tara na manong." Magiliw na sabi pa niya saka binuksan na ni manong ang makina.
"Hala! Pero! Hindi naman pwede-" I didn't finish my sentence nang kumaway na siya
"Bawi ako next time, para sa kape mo!" Habol pa niya at nag-umpisa nang umandar 'yung tricycle. Napatingin na lang ako at inayos ang buhok ko.
"Dapat ba akong matuwa kasi nakatipid ako o dapat akong maguilty kasi mahal ang bayad sa trike?" Napatingala ako saka huminga ng malalim. No choice naman na ako dahil nakaalis na yung tricycle kaya umuwi na lang ako.
Umakyat na 'ko, dahil sa taas na floor 'yung amin. Akala ko dito natulog 'yung boyfriend ni Jarel na si John ata? Nickname lang ata iyon, basta yon. Mukang nasabihan na si baby Jarel, kaya hindi rito natulog ang boylet niya.
Sumilip pa ako sa kwarto niya. Mamaya nilalagnat na naman, eh. Athlete yan, pero sakitin. Tsh. Last time hindi ako mapakali kasi sobrang taas ng lagnat. Hmp. Binaba ko muna ang bag ko sa kabilang kwarto bago nag-ayos ng gamit niya sa kwarto niya.
"Neat pala ha?" Nakangising bulong ko. Lagi kasi kaming nagtatalo kung sino ang pinaka malinis sa aming tatlo. Obviously hindi ako dahil kapag wala ako sa mood napaka kalat ng kwarto ko, kaya sila lang ang laging nagtatalo ni Alex. Eh, ngayon, pati sa sahig may mga crampled papers. Hindi ko na lang ginalaw ang mga libro niya sa table dahil, kahit mukang magulo iyon, nakaayos iyon para sa kaniya. Mas madali niyang nahahanap.
Pabagsak akong humiga sa kama at umidlip muna. Nahihilo ako sa 'di malamang dahilan. Umiikot mundo ko... sa kaniya. Syempre charot lang, dati lang ako marupok, hindi na ngayon. Guarded na si heart.
"Bawi ako next time, para sa kape mo." Napadilat ako saka napaisip.
"Shems, may next time pa ulit?"
Itutuloy~