Chereads / Erudite / Chapter 5 - 5

Chapter 5 - 5

"Wala akong alam diyan!" Agad na depensa ko nang sabay nila akong sinamaan ng tingin! The fork?!

"Manliligaw?" Seryosong tugon ni Jarel. Oh my gosh, ako ang kinakabahan kay Aize. The last time I had suitor hindi natuloy, natakot ata kay Jarel. I don't like him either so okay lang sakin.

Ay teka nga! Hindi ko naman talaga manliligaw itong Azidillo na 'to! Bigla lang sumulpot sa buhay ko! Ngayon ginugulo na ako! Arghhhhh!!!

"Joke lang, charot-charot only." Nag peace sign si Aize sa magkabilang kamay niya habang natatawa pa. Muling bumaling sa kaniya yung dalawa kong monggoloid na friends.

"Ako hindi nakikipagbiruan." Nag-amba ng batok si Jarel but end up waiting for a shake hand. Gosh. Napatingin ako kay Alex na may nakakalokong ngisi, na tinatago niya sa pagkagat sa turon. Napailing na lang ako at napasapo sa noo.

Napaka!

"Gabriel. Ikinatutuwa kong makilala ang isang gwapong nilalang na katulad mo." Tumawa lang si Aize at nakipagkamay. Hinatak ko na si Jarel dahil baka ito pa ang patulan. Mabubugbog berna ko siya!

Not because I like this guy, but, Baka ito pang si Aize ang madagdag sa jojowain list niya! May ganon naman talaga siya ever since high school, may mga isa o dalawang babae lang ang nand'on the rest ay puro na lalaki.

"Selos ka agad? Napaghahalataan." Mapang-asar pang sabi sakin ni Jarel. Inirapan ko siya saka umiling.

"Nilalayo lang kita sa panganib." I sweetly smile on him pero tinalikuran lang ako ng bastos! Yawa. Natatawa siyang nagbaling sa akin saka kinuha ang phone niyang nag-ring sa may duffel niya. He excuses his self saka lumayo sa amin. As in, nasa kabilang dulo siya nang benchers,eh.

"Oh? Galing mo,ah." Napabaling ulit ako kay Aize na ngayon ay kausap na si Alex. Napanguso na lang ako at lumapit sa kanila.

"Maliit na bagay." Napaawang ang labi ko saka tumingin kay Leighrene. Napaka yabang! "Charot. Thanks." She chuckles a bit saka tinuloy ang ginagawa. Bagong building na naman 'yung ginagawa niya, hindi ba sumasakit braso niya?

"Balak mong kumpletuhin lahat ng alphabets?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya saka umayos ng upo.

"Sana, goal ko by this year natapos ko na hanggang Z." Ngumisi pa siya saka uminom ng tubig. Bored akong sumandal sa sandalan habang nag-iintay kay Jarel. Boyfriend niya ata ang kausap niya kaya ang tagal.

"May company ka nang papasukan?" Sabay kaming napabaling kay Aize. Nangunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya. "I mean may goal company ka na bang papasukan?"

"Hindi ba dapat,school?" Takang tanong ni Alex. Tumango naman ako bilang pag-sangayon. Bakas sa muka ni Aize ang pagkalito saka tinignan ang uniform na suot ni Alex.

"Educ ka rin?"

"Uhmm, duh? We had the same uniforms." Maarteng sagot naman ng kaibigan ko. Akala mo naman talaga. Naa-adopt niya sa Ateneans ex's niya. 

"Pero drafting ginagawa mo? So gusto mo talaga mag archi? Engineer?" Napalobo ko ang pisnge ko dahil masyadong maselan para kay Alex. Tinitigan ko si Aize  hanggang sa mapabaling siya sa akin. I shook my head saying not to continue the topic.

"That's out of your business." Seryosong sabi niya saka pinatay ang tab at nilagay sa bag niya. Sinamaan ko ng tingin si Aize, napakamot lang siya sa ulo niya saka nakangusong umupo sa likod.

"Tara na?" Jarel asked out. Inayos ko ang gamit ko saka tumayo na. "So? Body guard ka na namin ngayon?" Napalingon ako sa kausap ni Jarel. Aize helding the paper bags look at me, na parang sakin niya mahahanap 'yung isasagot niya.

Harsh ni Jarel.

"Aray ha?!" Natatawang sabi niya habang hawak ang tagiliran niyang kinurot ko. I glare on Jarel now chuckling. "Joke tara nagagalit na si babe." Umakbay pa siya sakin kaya sinapak ko na sa dibdib niya. Kairita kasi!

"Edi wag. Parang dati lang..." Sabay silang natawa ni Alex kaya mas lalong sumama muka ko. Hindi nakakatuwa joke nila. Sana masarap lagi breakfst nuila 'no? "Ako na sa isa." Jarel insists na siya na magbubuhat nung isang bag kaya binigay na lang ni Aize sa kaniya.

Nauna na sila kaya nakasunod lang kami ni Aize. Ang tahimik tuloy! Inasar kasi,eh. Feeling ko rin na guilty siya sa tanong niya kay Alex kanina.

Aguy.

"Uuwi na kayo niyan?" I nod. In-open ko ang phone ko at ang ear buds case para magpatug-tog na lang sana. Pero wag na lang pala, baka mas lalong ma-awkward-an si Aize.

"Bat mo tinatago?" I look up on him saka nagtaas ng kilay. Bakit naman hindi? "Sakin 'yung isa." Kinuha niya ulit yung ear buds saka nilagay sa tenga niya. Wala naman na akong choice kaya nag play na lang ako nang music.

"Ano pala 'yung sinasabi ni Gabriel kanina?" Napatingin ako sa kaniya nang punong pagtataka, alin ba ro'n? "Yung 'parang dati lang' achuchu?" Hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri.

"Wala naman." Ngumiti ako sa kaniya kaya tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa ulit.

"Uy?" I look up on him na ngayon ay may malawak nang ngiti. Bakit ba ang pala ngiti niya?! Nakakainis. Nagmumuka siyang masyadong mabait.

"Favorite band mo?" I lightly smile before nodding.

"Hindi naman sa favorite, I just like their songs." Nagkibit balikat ako saka huminto sa paglalakad dahil huminto rin sila Jarel. Tumawid kami papunta ro'n sa sakayan.

"Ikaw?" I asked glancing on him. Tumaas ang dalawang kilay niya saka ngumiti ulit.

"Kahit ano lang. Pero I like OPM more than OAM." Tumango ako saka sumunod pasakay sa Jeep. Mas maganda pa rin naman OPM's basta may sense 'yung lyrics. Ngayon kasi some of the underrated singers were using the music for dragging down or harrassing someone. Tsh, their shadows...

"Hoi! 'di tayo kasya." Tatlo lang ang kasya dahil anong oras na kaya punuan na talaga. Napatingin ako kay Aize na nasa likuran ko.

"Okay lang, sabit ako." Ngumiti pa siya sa akin. Dito kami umupo sa bukana dahil dito yung may space. Kinakabahan ako dahil parang hindi siya sanay sa sabit.

"Sure ka? Baka mapalitan mo pasyente niyo?" He chuckles saka sumabit na. He leaned forward para macoveran ang katawan niya kahit papano.

"Kaya 'to." Kumindat pa siya sa akin,kaya inirapan ko. Kinuha ko na lang sa kaniya yung dala-dala niya dahil baka mahulog pa siya.

"Bayad niyo?" I asked Jarel and Alex, talking on something. 'Di na talaga ako belong sa kanila. Feeling ko rin may galit sila sa'kin. Hindi na ako sinasabihan ng updates nila sa buhay. Lagi na lang may tinatago. hmp.

"Wait lang." Nag-abot siya nang twenty kaya napataas ang kilay ko. Napatingin siya sa akin ng may kunot na noo at nagtaas pa ng kilay, nagtatanong kung bakit.

"So sainyo lang 'to?" He glance on Alex,before nodding. "Wag kayo kakain mamaya."Padarag kong sabi at sinamaan sila ng tingin. Kukuha na dapat ako ng bayad ko para sa akin, Nang biglang mag-abot si Aize ng fifty.

"Apat ho, 'yan. Istudyante." Tinignan ko siya saka napakamot sa sentindo ko. Sa kaniya ko na lang inabot 'yung bayad namin pero umiling lang siya.

"Okay lang, sagot ko na." Ngumiti pa siya sakin saka tinanggap ang sukli niya na inabot nung babae. Bakit naman siya pa magbabayad,eh sabit na nga lang siya?!

"Ay wao, Ang sarap maging friend nito, nanlilibre." Pang-asar pang sabi ni Jarel saka naglahad ng kamay niya  sa akin.

"Ano?" Giit ko saka nagpunas ng pawis sa noo. Ano bat napaka-init ngayon! Ang hapdi sa muka!

"Nanlibre." He pointed Aize na ngayon ay nakangiti lang. "May binigay ako sayo na hindi pinangbayad, kasi nang libre." Asar kong binigay ang bente niya saka sumandal sa gilid ng jeep. Napakadamot. Ako na nga namili ng pagkain,eh.

May bumaba naman na kaya naka-upo na si Aize sa tabi ko. Inaantok na ako, ang layo pa namin. Bakit kasi sumama pa kami, jindi naman kami naghahanap ng gwapo... Nagulat ako nang biglang hawakan ni Aize ang braso ko.

"May skin Asthma ka?" Gulat na tanong niya, pati ako ay nagulat saka tinignan ang braso ko na inexamine niya. Namumula nga 'yon at may mga kaunting pantal.

Hinawakan niya ang muka ko saka tinrace ang kilay ko. "Aray, ang hapdi. Anong." Tinulak ko agad ang kamay niya dahil ang sakit nga! Ano bang nilagay niya?!

"Anong kinain mo?" Nangunot ang noo ko saka napatingin sa itaas. Ano bang kinain ko? May kinain ba ako? Sa pagkakaalam ko wala.

"Wala pa, 'yung huli kong kinain yung chicken alaking na nabili ko sa ST canteen. Bakit?" Tumango naman siya saka may kinuha sa bag niya. Pinanood ko lang siyang basaan nang kaunti ang towel niya saka may kinuha pang kung ano ulit sa bag niya.

"Baka mahapdian ka, saglit lang." Kinuha niya ang braso ko saka pinunas doon ang towel niyang basa-

"Walanghiya ka." Inis kong sabi pero natawa lang siya, Nahampas ko pa palayo ang kamay niya. Bilisan ba naman ang pagpupunas!? Mahapdi talaga, punyawa.

"Hindi ko pwedeng lagyan ng Elica ointment, baka hindi pwede sayo." Ngumiti siya saka binuksan ang petroleum jelly na vaseline pa. Para saan ba kasi?

"Baka naman pinage-experimentuhan mo lang ako,ha?" Seryosong sabi ko. Baka kasi may project lang sila ako pa ginamit niya! Sumesegway lang ata siya, eh!

He gently rub my arm, kinakalat yung petroleum. Umiling siya habang natatawa pa.

"So 'di mo nga alam na may skin asthma ka?" Tumingin ako sa kaniya saka umiling. Ngayon lang naman lumitaw 'yan. Ngayon ko lang napansin. Dati naman wala akong ganito, minsan na akong naging athlete, bilad sa araw kaya, sure ako na ngayon lang 'to.

Inihipan pa niya yung braso ko saka kinuha yung kanan. Ganon din ang ginawa niya kaya pinanood ko lang siya. Para siyang doktor ko na may crush sakin. Charot.

I glare at Jarel nang impit silang kiligin at talagang nag 'ayiee' pa. Parang mga sira. "May love life na siya, emerged." Napangiwi ako at parang natataeng ewan na dahil sa itsura ko. Kung katabi ko lang sila, kanina ko pa sila natulak palabas ng jeep! Tsk!

Hindi pa nga kami close! Hes not expecting me to like him back right? Being closed in me like this is freaking enough.

"Yan, okay na." Ngumiti siya sakin saka binalik ang petroleum sa bag niya. Naglabas na rin siya nang payong para sa hindi ko alam.

Ang lagkit nang braso ko, gusto ko rin kamutin pero pinigilan ko sarili ko kasi baka mas lalong ma-irritate.

"May jowa na si Eya, si Eya may jowa." Binatukan ko si Jarel na ngayon ay tumatawa na. They're like kids hopping habang kumakanta pa! Pasalamat sila diyan, mahal ko sila!

"Lumapit ka nga." Bahagyang akong napamaang nang hawakan ni Aize ang balikat ko para palapitin ako sa kaniya. "Lalala lalo 'yan, sige ka." Panakot niya pa. I mock him saka dumikit na nga lang sa kaniya. I can smell his manly scents dahil nga ang lapit ko sa kaniya masyado. Nailang tuloy ako, dahil feeling ko ang baho ko. 

Magpapaalam na sana si Aize sa amin nang buksan ulit ni Jarel ang gate nang mas malaki. Napamaang ako nang hawakan ni Jarel si Aize sa braso.

"Pasok ka, dali tara, okay lang 'yan, malinis sa bahay si Eya, kaya tumatanggap ng bisita." Legit na akong napanganga nang hatakin na nila si Aize. Bastusan? Sa pagkakaalam ko ako 'yung kaibigan nila, ah?! Nabago agad?!

Gusto ko sana silang pigilan pa dahil baka maraming pang gagawin si Aize, or baka may mga babasahin pa siya. Bukod do'n ayaw ko rin na nandito siya kasi hindi naman kami friends. Pero wala naman akong nagawa, baka pagtulungan nila ako, kawawa naman ako. Mukang gusto rin naman ni Aize, Hayy.

Sumunod ako sa kanila paakyat at nakita ko na silang naka-upo sa may sala. Para siyang nalagay bigla sa hot-seat. Nagbihis muna ako saka dumiretso sa kusina para magluto na.

"Eyaaaaaaaa!!!" Napasinghal ako at bahagyang napalingon sa kanila.

"Ano?!"

"Siya naman pala 'yon. Yung sa UN. Kaya hindi pinabayaran." Nang-aasar na sabi ni Jarel. Narinig ko pa ang tawa nila ni Alex. Alin ba ro'n?

"Ano ngang sabi, Lex? Bakit hindi siningil sa kape?" Narinig ko pa ang tawa nilang dalawa saka sinagot ni Alex na nakapag patigil sa akin sa paghihiwa ng sibuyas.

"Gwapo naman." Bumulwak ang tawa nila. Nakita ko naman na napangisi rin si Aize. Napalunok ako saka humarap sa gawi nila.

"Wala akong sinabing gano'n,ha! Fake news ni'yo!" Bawi ko saka tinuloy na lang ulit ang pagluluto. Pinapahiya ata ako ng mga ito,eh!

Natapos na akong magluto pero hindi pa rin sila tapos mag-usap. Kung ano man 'yung pinag-uusapan nila ay wala akong ideya. Kinuha ko ang phone ko dahil baka mabago ang sched ko sa pasok, dahil nagpaalam na ako kay Gessie na mid-terms na namin.

Napakumot ang noo ko nang makitang ang daming nagchachat sa akin. "Anong meron?" Nanlaki ang mata ko nang makita ang chat ng blockmate ko.

Pia: boyfriend mo na pala si doc Azidillo,hindi mo sinabi.

Napanganga ako at chineck pa ang iba. Puro naman about kay Aize! Bakit naman nagkaroon ako bigla ng boyfriend?! Nakita ba nila kami?! Bakit naman lahat sila?! Huh?

"JAREEEEELLL!" Napalabas ako ng kwarto nang makita ang post ni Jarel! Picture namin iyon ni Aize kanina sa jeep habang iniihipan niya 'yung braso ko!

May caption pa talagang 'Congrats! Sa wakas may boyfie na you' Napaka epal! Kaya pala ang daming nagchat sakin! Nagkaroon agad ako ng boyfriend nang hindi ko nalalaman!

"Wala akong alam diyan! Si Alex 'yon." Napatigil sa pagtawa si Alex nang mabanggit siya. Namaywang ako sa kanila at iniintay na may magsalita.

"Bakit ako naman! Nandamay ka pa sa kalokohan mo!" Pareho na silang lumayo sa akin. Nag-amba akong ibabato sa kanila ang phone ko pero di ko tinuloy dahil wala akong pamalit. Grrr. Kinis!

"Ang tagal Jarel!" Inis na sabi ko pa. Doon lang niya kinuha ang phone niya at natatawnag tinanggal ang post. "Buhay! Kain na!" I glance at Aize na tumatawa sa nasaksihan niya.

After eating nagpaalam naman na si Aize dahil may mga babasahin pa raw siya. Hinatid ko siya sa gate saka pinanood siyang makalayo. Papasok na sana ako nang tawagin niya ako ulit.

"Reply ka na, ha?" Napataas ang gilid ng upper lip ko at tumango na lang. Hindi ko naman magagawa dahil busy ako. Basta busy ako sa maraming bagay.

Pag-akyat ko naman ay sabay-sabay na kaming nag review sa may sala para sa mid-terms exam sa Thursday.

Si Jarel ang pinagtatanungan namin ng mga parts na hindi namin magets, dahil siya ang ahead sa amin. Pinaliwanag naman niya sa amin iyon, may binigay pa siya sa amin na book na may mga notes and highlights na. Kaya taas ng kompyansa kong makakapasa ako.

"Awit! Ano!" Paiyak na ako nang makita ko ang grade ko the nextweek. "Bakit ako may kwatro." Bumagsak ang balikat ko saka umupo sa bench sa gitna nila Alex at Jarel.

"Saang sub?" Ngumuso ako saka pinakita sa kanila. Minor sub pa nga. Minor subject na ang daming pinapagawa na nagpi-feeling major ako bumagsak. Hindi naman bagsak dahil kwatro pero pasang awang grade.

"Chemistry, HA HA HA." Napanguso pa ako lalo nang tawanan lang ako ni Jarel. Paiyak na ako dahil, nagta-trabaho ako para makapag-aral tapos may bagsak lang.

"Taas pa naman ng kumpyansa kong walang kwatro. Tapos. Awit." Niyakap naman nila akong dalawa at sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Okay lang 'yan may next sem pa. Actually last sem. Tsaka malay mo typo lang, mababago pa 'yan next distribution. " Alex chuckles kaya lalo akong napanguso. Parang sinampal ako ng katotohanan na bobo talaga ako sa science. Tapos dati balak ko pa mag doctor. Buti na lang talaga hindi ko tinuloy.

"Ano 'yon?" Sabay silang napatingin sa akin. Kinusot ko ang ilong ko dahil nangangati. "May-" napabahing na ako kaya kumalas sila sa pagkakayakap sa akin. "Nakakapag- trigger- ng- allergy ko-" putol-putol kong sabi dahil hindi ko mapigilang mapabahing.

"Huh? Wala namang bulaklak dito." Takang tanong ni Alex at nilibot pa ang tingin sa paligid.

"Wag mo kusutin, ayts!" Hinawakan ni Jarel ang kamay ko para di ko makusot ang ilong ko dahil baka magdugo. "Uhm, palayo nung bulaklak, paki bilisan." Napabahing pa ulit ako bago dahan-dahang limingon sa likuran para malaman kung sinong kausap ni Jarel.

"Ugh, sorry 'di ko alam." Napabahing pa ulit ako bago malaman kung sino ba 'yon. Nilagay naman ni Aize yung hawak niyang tulips sa pangatlong bench. Uminom ako ng tubig kaya nasamid lang ako, dahil sa pagkakabahing.

"May pagka eng-eng ka talaga, eh." Asar ni Jarel habang hinihimas ang likod ko. I inhale a large amount of air para mapakalma ang system ko. Pinunasan ko rin ang damit kong medyo nabasa.

"Allergic ka sa flowers?" Tumingin ako kay Aize na nakaupo na sa harap namin, sa may mono block.

"Sa may mga pollens lang." Si Jarel na ang sumagot para sa akin. Nangunot ang noo ni Aize saka napatingin sa bulaklak na dala niya na nasa kabilang panig ng bleachers.

"Tulips 'yung dala ko?" Napaawang ang labi ko sa tinanong niya. Alex chuckles about what she heard habang nagta-type sa phone niya.

"Seryoso ka? May pollen 'yan, try mo buklatin." Sarkastikong sabi ni Jarel. Napakamot naman sa ulo niya si Aize saka sinandal ang baba sa sandalan ng upuan.

"Para saan ba kasi 'yon?" Tanong ko saka siya diretsong tinignan sa mata.

"Para sayo?" Natigilan ako at napaiwas ng tingin. Bahagya pa akong tinulak ng dalawa sa gilid ko. Mas kinilig pa sila! Wala namang ipekto sakin pero nahiya lang ako!

"Bakit mo naman ako bibigyan ng bulaklak?"

"Wala lang? Gift? Kasi nakalagpas ka sa mid-terms niyo?" Simula nung huling punta niya sa bahay ay sa chat ko na lang siya nakausap. Ngayon na lang ulit kami nagkita, wala pang pasabi.

"Kami rin naman nakalagpas sa 9th term, pero hindi kami binigyan ng bulaklak." Pagpaparinig pa ni Jarel at inayos ang gamit niya sa bag.

"When kaya? Lord it's me again." Bahagya akong natawa saka sila seryosong tinignan. Parang mga walang Boyfriend? 

"Alam mo? May training ako, may laro ako next monday. Tapos si Alex, may pupuntahan." Nangunot ang noo kong pinanood si Jarel na hatakin si Alex.

"Huh? Bakit?" Inosenteng tanong ni Alex. Halata namang pakana 'to lahat ni Jarel!

"Diba may pupuntahan ka? 'Yung atenean guy mo?" Lalong napakunot ang noo ni Alex. Pinapanood ko lang silang mag-away para lang umalis na at iwan kami ni Aize.

"Wala naman- Ahh, oo nga." Kinuha nila ang gamit saka sabay pang humalik sa magkabilang pisnge ko. Tatayo na rin sana ako para sumama sa kanila pero pinigilan ako ni Jarel.

"Dito ka lang, samahan mo si Aize." Napaawang ang labi ko dahil kumpirmado. Nagpaawa pa ako sa kaniya pero nilamutak niya lang ang muka ko. Napanguso ako saka bigong umupo ulit.

"Bye, friend!" Tinapik pa niya ang balikat ni Aize na nakapagpataka sa akin. Wow, sila friends na kami hindi pa. Ayos.

Tinignan ko ang oras pero napaka aga pa para umuwi. Tumingin ako kay Aize na naka titig sa akin habang nakasandal ang pisnge sa likod ng kamay niya.

"Nakaka conscious, 'yang tingin mo." I licked my lip before looking away. Narinig ko pa ang tawa niya bago tumayo at itabi 'yung mono block.

Napaangat ang tingin ko nang maglahad siya sa akin ng kamay. Nagtaas ako ng kilay nagtatanong kung bakit.

"Alis tayo." Ngumiti pa siya sa akin saka tinignan ang kamay niya. Tumayo ako mag-isa ko dahil may agility to stand naman ako. I heard his chuckles habang sinusuot ko ang bag ko.

"Saan naman tayo pupunta?" I glance at him brows furrowed before stepping aside, dahil baka ma-issue na naman ako! Lalo na may kumakalat na balita na boyfriend ko raw ang kasama ko! Ayyyyy!! Gems, wrong move ata itong ginawa ko,ah?

"Ui! Reyn!" Napatigil ako at napapikit ng mariin. Hindi pa nga nakakalayo ito na, agad?

"Ui, Xiam!" Alanganin akong ngumiti sa blockmate ko, napatingin siya sa kasama ko at lalong lumawak ang ngiti. Nang-aasar! Isa rin kasi siya sa nagchat sa akin! Kainis kasi si Jarel!

"Hindi kami. Fake news lang si Jarel." Wala pa siyang sinasabi auy tumanggi na ako. Tumango lang siya saka nagtanong na nung pakay niya. Binigay ko naman ang notebook ko sa isang subject dahil, absent siya kanina. 

"Siguraduhin mong buhay tong makakabalik sa akin." Pananakot ko pa pero tumawa lang siya at kinawayan na ako.

"Enjoy, date!" I groaned at dumistanya na talaga kay Aize. Naglakad na ulit ako habang nakayuko pa.

"Saan ba tayo? Para alam ko kung saang gate tayo lalabas."

"Alam ko rito." Tipid niyang sagot. "Lumapit ka nga, mabubunggo ka pa,eh." Napahinga ako ng malalim nang ilagay niya ang braso niya sa balikat ko at sinabay ako sa paglalakad niya. Lumayo ulit ako ng kaunti dahil dumidikit na ang braso ko sa katawan niya.

Napatigil ako nang mapansin kung saan kami papunta. "Bakit naman tayo sasakay ng LRT?" Kunot noong tanong ko sa kaniya at gumilid dahil nandito kami nakatigil sa may hagdan.

"Punta tayong Makati." Ngumiti pa siya saka ginilid ng bahagya ang ulo.

"Ano namang gagawin natin do'n? Hibang ka ba?" Akala ko naman kasi ay kakain kami o ano! Tapos sa makati ako dadalin?! Trip pa talagang mag LRT! Napaka kupal!

"Basta, arat na kasi." Pagpupumilit pa niya, nagsimula na siyang umakyat pero bumalik din nang mapansing hindi ako nakasunod. I cross my arms over my chest saka seryoso siyang tinignan. Ayoko nga kasi,eh! Napaka-layo! tapos siksikan pa!

Hinatak niya ako sa braso pero hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko. Napahinga siya ng malalim saka ngumuso at parang tutang nagmamakaawang tumingin sa akin.

"Ano ba 'yan, sige na nga, pag nakaakyat tayo, saka ko sasabihin." I poke my cheeks inside. sobrang haba ng pasensyang meron ako pero mukang nasisimot sa lalaking ito. Hinatak niya ako ulit kaya nagpahatak na ako.

He was helding my fist the whole time dahil daw baka tumakas ako, edi wow. Takasan ko talaga siya diyan,eh!

"Sabihin mo na!" Pilit ko ulit nang makapasok na kami. Ngumiti siya sa akin ng malawak saka hinawakan ako sa balikat. Napatingala ako sa kaniya dahil mas matangkad nga kasi siya sa akin.

"Gusto ka raw makilala ni Mama."

Itutuloy~