Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka tinanggal ang hawak niya sa balikat ko!! Im about to run pero hinila niya ulit ang braso ko!
Bakit ako ipapakilala!? What the fork and spoon?! Hindi pa nga kami friends sabi! Wala pang namamagitan samin!
"Joke lang, joke lang." Natatawang sabi niya saka mas hinatak pa ako papalapit dahil naglabasan na 'yung mga tao sa tren.
"Alam mo ikaw? Hindi ka na lang mag-aral, puro ka kalokohan." Inirapan ko siya saka tinalikuran. Nakakabadtrip kasi! Pag ako kinapos ng hininga dahil sa kaniya?! Patay talaga siya! Okay lang sana kung mag-aambag sa gagastusin pag namatay ako, eh hindi naman!
"Kakain lang,tayo." Nginitian niya ako saka pinindot ang pisngi ko. I gave him a glare pero lalo niya lang tinuloy!
"Ano baaaa!?" Tinawanan lang ako ng loko kaya nauna na akong sumakay sa tren. Kung saan man kami pupunta, bahala na! Siguraduhin niya lang na buhay akong makakauwi, naku talaga!
"Galit ka na niyan?" Inirapan ko siya saka kumapit dahil umandar na. "Hui." He was bitting his lip to stifle his laugh, balibag ko kaya siya? Now na?
Umusog ako papalapit sa kaniya nang may tumabing lalaki sa akin. Tinatamaan nung kamay niya yung likod ng hita ko,eh! Kaya ayaw ko rito sa LRT! Punye-
Napalingon si Aize sa akin dahil nasisiksik ko na siya. Nagtataka kung bakit. I bit my lip saka umiling sa kaniya. Saying na wala lang.
Nasiksik na ako ng todo kay Aize dahil, kada layo ko ay lumalapit naman yung lalaki. Naka skirt lang ako kaya damang-dama ko yung kamay niyang hinahawakan ang binti ko!
"Excuse." Aize held my shoulders saka pumwesto sa likuran ko. "Gago ka ba!?" I held his arm dahil gumagawa pa siya ng eksena! Halos lahat ng pasahero ay nakatingin na sa kanila.
"Ako? Wala naman akong ginagawa?" Sagot nung lalaki. I saw him spanning snide remarks at bumaling pa talaga sakin bago tinignan si Aize! Gosh, the racism! Sino bang lider n'on, babasbasan ko!
"Talaga? Ang natatandaan ko kasi hinihipuan mo 'yung girlfriend ko." Napatitig ako sa kaniya hindi dahil hinawakan niya yung lalaki sa kwelyo kundi dahil sa sinabi niya.
Girlfriend. Wala ako sa tamang lugar ngumiti pero napangisi ako. Ay! Erase-erase, hindi ako ngumisi. Hindi ako natuwa! Girlfriend niya? Ako? Huh! Asa!
Hinatak niya yung lalaki palabas ng tren after arriving sa next station. Sinurrender namin siya sa security guards. Sakto naman na meron din mga Pulis sa station kaya nahuli 'yung lalaki.
Hindi ito yung inaasahan ko pero mas okay na 'to dahil baka ulitin niya pa sa ibang mga babae. Harrassment kaya 'yon! Pinaglaban pa niya na maalog daw sa tren kaya nahahawakan yung binti ko, tanga ba siya? I can still felt his hands on my tights! Gosh. Dapat bang isama 'to sa core memories? Yak, charot.
Sinama tuloy muna kami sa police station para sa statement. Pero saglit lang naman, akala ko may hearing pang magaganap,eh.
"Napalayo tuloy tayo." Ngumuso si Aize na nasa tabi ko. "Badtrip, amp." Naglalakad na kami pabalik dahil daw lumampas nga kasi kami, nasa bandang dulo pa yung police station tapos bukana lang daw 'yung pupuntahan.
"Sure ka bang okay ka lang?" I glance on him saka tumango. "Ayaw ko maniwala, isa kang dakilang scam,eh." I chuckles saka tumango ulit.
"Okay lang ako, promise. Mamatay man 'yung mga ipis." Natawa pa siya saka hinatak ang bag ko. Napaka bully nito! Pumasok kami sa isang kainan, korean restau ata 'to pero okay na rin. Uupo na sana siya sa bukana pero siya naman ang hinatak ko sa bag papunta sa dulo.
"Maiinit dito,eh. Pwede naman do'n." Turo pa niya sa dapat na uupuan niya. Ngumiti ako saka umiling. Malate lang ito,eh, tapos malapit lang sa condo nila kuya. Delikado. Sabi kasi sa Makati tapos napunta kami rito sa Malate!
"Baka mapunta si kuya rito. Yataps ako." Natatawa kong sabi saka tumango sa kaniya para umorder na. Napakamot siya sa ulo niya saka tumayo at pumunta sa counter para umorder.
"Wow, doc, malaki ba sweldo natin? Bakit ang dami nito?" Dalawa lang naman kami pero apat na bowl ng bibimbap ang nandito sa lamesa, tapos may ramen pa. May inaantay ba kami?
"Hindi pa nga ako nagtatrabaho,eh." Natawa siya saka nagsalin ng tubig sa baso. "Pero soon. Pag napasa ko yung PRC exam." Nagkibit balikat pa siya bago magsimulang kumain.
PRC? Liscensure exam? Hindi pa ba siya nakakapag take non? Diba dapat meron na kasi intern na siya? O baka naman fake news ako?
"Akala ko intern ka na?" Naibaba niya ang kutsarang hawak niya at maarteng humawak sa dibdib niya. Parang may sinabi akong hindi kaaya-aya, huh?! Lumingon pa siya sa paligid kung may nakarinig.
"Ten years gap ba sayo ang ganitong kagwapong face?" Hinawakan niya ang muka niya at nag puppy eyes pa. Sumubo ako ng pagkain saka umiling.
"Hindi, akala ko intern ka na,eh. Hindi ba?" Napatakip pa siya sa bibig niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Med-stud pa lang ako, grabe ka. Hindi ako pedophile." I chuckles at tumango.
"Magkaiba pala yung med-school tsaka internship." Tumango-tango ako saka nagtuloy ng pagkain. Binuksan niya ang softdrinks saka nilagay sa gilid ko.
"Magkakaiba nga. Sa college kukuha ka ng pre-med, kunwari nursing ganon. Tapos apat na taon yon, pag napasa mo 'yung NMAT makakapag move on ka sa med-school. 2 years lecturing tapos 2 years clinical. After no'n, clerkship kung anong kukunin mong profession ganern,total of 5 years, kung mapapasa 'yung PRC, kung hindi edi additional year." Paliwanag niya habang hinahalo ang ramen.
Kaya siguro marami siyang time. Baka nasa surgical dep siya naka base ngayon. Six hours lang kasi 'yon. Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi siya nag-aaral? 'Yung iba kasi puyatan sa pagbabasa ng med books tapos siya paggala-gala lang sa Manila. Napailing na lang ako at kumain. Trip naman niya 'yan eh.
Ang takaw niya. Kakaubos lang ng isa, ramen naman ang kinakain. Pero okay lang cute naman. Ay ano, ako! Ako 'yung cute.
"Anong balak mong kunin sa clerkship mo?" Tanong ko bago uminom ng tubig.
"Balak ko mag Gen Surg, eh. Kung papalarin." He chuckles. I was stunned ng punasan niya ang bibig ko gamit ng tissue. "Matagal pa naman, dami pang readings bago makapag clerk." Nagkibit balikat siya saka humigop ng sabaw.
Ang corny ng galawan niya.
"Ikaw ba?" Napataas ang kilay ko sa kaniya. Sakto nga lang na apat na bibimbap ang binili niya dahil, gutom kami pareho. Ang layo ba naman ng nilakad namin.
"Educ? Secondary kukunin ko, para medyo ka vibe ko na." Natawa ako sa panget ng dahilan ko. Wala naman talaga akong dahilan kung bakit secondary ang pinili ko, dahil bukod sa masaya kasama ang mga highschool students ay mas magulo pa sila kesa sa elementaries.
"Anong major sub na kukunin mo?" Napatingin ako sa kaniya bago ulit sumubo. Lumunok ako saka sumagot.
"Filipino? I guess." Napaangat ang tingin niya sakin. Kaya nangunot ang noo ko. Parang may sinabi akong kakaiba na nakapagpamangha sa kaniya.
"Makata, sana lahat. Bagsak kong subject lagi 'yan noong high school ako,eh." I chuckles.
"Same." Walang kwentang sagot ko at inubos ang nasa bowl ko. Naramdaman ko ang tiig niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakakunot noo niya at bahagya pang tinagilid ang ulo.
"Bakit?" Umiling siya saka ngumiti. Sabi na nga ba,eh. Tama talaga hinala ko rito. Nakasinghot nga ng highlighter 'to. Lakas amats,eh.
"First choice mo talaga Educ?" Umiling ako habang natatawa pa.
"Wala akong balak magturo dahil hindi naman ako ganon katalino. Dami ko rin bagsak nung secondary ako. Tapos yung kukunin ko pang major pinaka weakness ko. Pero siyempre. Magbabago pa naman 'yun pagdating sa college."
"So ano pala dapat kukunin mo kung hindi ka nag educ?" Is he want to know my background or what? Alam ko na kung saan to papunta,eh. Pero okay lang. Friends na kami. Ngayon lang. Nilibre na niya ako,eh. HA HA!
"Med sana. Kung napasa ko 'yung NCAE nung highschool." Natawa ako dahil wala nga akong napasa sa NCAE na naganap nung highschool ako. Ang goal ko ay mapasa ang math,science at english pero ni isa sa mga 'yon ay 'di manlang umabot ng 35 ang score.
"Third year 'yun,ah?" Tumango ako sa kaniya habang ngumunguya. "Bakit 'di mo tinry? Malay mo mapasa mo sa college. Di naman need na matalino sa Med. Perseverance lang." Ngumiti siya saka nagkibit balikat.
"Well. Yeah, but I love what I'm doing now, though. As long as masaya ako, okay na 'yon." Ngumiti ako sa kaniya saka kinuha ang phone ko. Baka may tumatawag sa akin hindi ko na namamalayan.
"Good to know." Nagtaas ako sa kaniya ng kilay. Natatanong kung bakit. "Na masaya ka sa ginagawa mo." Ngumiti ako saka tumango. I suddenly appreciated him. Wala naman siyang ginagawa pero parang nagkaro'n siya ng spot sa akin. I don't know, maybe it's just for the short time.
"Tara na?" After minutes na magpahinga ay nagyaya na siya. "Saan ka uuwi?" Napalobo ko ang pisngi ko dahil hindi ko pa napagplanuhan kung saan ako uuwi. Pero may pasok pala ako bukas sa KFC kaya sa Ermita na lang ulit ako.
"Pabalik." Tumango siya saka pumara ng jeep. Nag jeep na kami dahil kakakain lang baka magka ulcer daw kami. Pagbaba namin ay nag tren naman ulit kami. Pumwesto na siya sa likod ko para raw hindi na ulit ako mabastos.
Inaantok na ako pero malayo pa yung iikutan nung tren. Ano ba 'to toad trip? Ang layo kasi kung iikot pa kami kaya sabi niya sakay na raw kami. Eh napunta na ata kami sa Gil Puyat! Hindi ko rin alam.
"Antok ka na?" Lumingon ako sa kaniya saka tumango. Umatras siya ng kaunti saka ako hinatak paharap sa kaniya. He tapped his chest na lalong nakapagpakunot ng noo ko.
"Tulog ka na." Parang hindi na ako inantok! Sinandal niya ako sa kaniya,eh! "Hey relax. Wala akong gagawin sayo." Natawa pa siya saka umayos. I loosen my self saka prenteng sumandal na lang sa kaniya. Feeling ko ay kakapit sa akin 'yung pabango niya dahil amoy na amoy.
He caressed my hair kaya hindi ko na napigilan ang antok ko. He was hugging me using his left arm to support me. Naalimpungatan ako nang maramdaan ang paghinto ng tren. I look up at Aize na ngayon ay nakapikit na rin.
His features was perfect! Ngayon ko lang napansin. Bakit naman ang kinis ng muka niya? Tapos ako? Ito naglalabasan ang mga pamangkin kong tigyawat at ayaw na akong lubayan. Actually wala na nga masyado ngayon dahil nag i-skin therapy na ako. Kunsintidor si Jarel.
"Don't stare at me. Feeling ko ang pangit ko." Napayuko tuloy ako at ayos ng tayo. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka nagpunas ng muka. Next station na 'yung baba namin.
Muntik na akong masubsob ng biglang prumeno 'yung tren! Buti na lang nasalo ako ni Aize. "Wag kang tatawa sasapakin kita." Banta ko sa kaniya. Kinagat niya ang labi niya para mapigilan ang tawa niya pero hindi nakaligtas ang nakakalokong niyang ngisi.
"Ts." Tumatawa siyang sumunod palabas. Mauuna na sana ako sa kaniya kaso natandaan ko nasa kaniya 'yung card kaya 'di ako makakalabas. Amporky.
"Boom, kahit anong pang-iiwan ang gawin mo, sakin pa rin ang balik mo." Nag pogi sign pa siya habang tumatawa. Parang timang! Hinampas ko siya saka tinulak na para maglakad. Daming alam,eh!
"Byieeee! See you when I see you! Hectic na sched ko, pero syempre BDO ako." Kumindat pa siya saka pinushback ang buhok niya na hanggang kilay na 'yung haba.
"As if you can find way? Mag review ka, puro ka layas!" Panenermon ko pa. I playfully tug his hair kaya natawa siya.
"Yes, Ma'am! Uwi na ako Maam! Maaga pa ako bukas." Tumango ako saka siya tinaboy. I waved before closing the gate pagka-akyat ko ay sumalubobg sa akin ang ngisi nung dalawa na nakatayo sa may bintana. Sinabi ko lang kung saan kami pumunta at pumasok na sa kwarto bago maligo.
It was really a hectic weeks, yeah weeks, nung friday ay wala naman kaming pasok, pinagpahinga kami kaya nung sumunod na week ay halos hindi na ulit kami makauwi sa makati. I often held my phone dahil wala na akong time para mag phone pa.
I was expecting Aize to trumult my weeks pero hindi naman siya nagchat or pumunta sa apartment. Hindi ko rin siya natyempuhan sa may KFC kaya mukang hectic nga talaga siya. Tatlong linggo na pero wala pa rin. Akala ko ghinost na ako,eh. Papa-murderer ko na sana. Charot.
Aize: May nakakalimutan ka ata.
My brows furrowed nang mabasa ang chat niya one day. I was here at the court. Inaantay ko matapos si Jarel sa training niya. Si Alex ay hindi ko alam kung nasaan, pero malamang kasama no'n ang boyfriend niya.
Wreighn: wala naman?
Inisip ko kung may nakakaligtaan ba ako ngayong araw dahil wala talaga akong matandaan. Wait, kanino ba ako may nakalimutan? Birthday ba niya?
"Gabriel! Ano ba 'yan?!" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang sigaw ng coach nila. I look at Jarel not minding his surroundings. Uminom lang siya sa sports bottle niya at nagpunas ng pawis bago pumasok ulit sa court. What happened ba?
Aize: Tanungin mo muna.
Isa pa 'to. Pwede naman na sabihin na lang niya, ang dami pang alam! Wait, is it his birthday or what? Wala naman siyang nabanggit. Bukod sa pangalan niya at ang inaaral niya lang ngayon ang alam ko sa kaniya. The rest wala na.
Wreighn: Birthday mo ba? Kung ganon happy birthday pala.
Aize: Luh? Napaka, hindi kasi!
I chuckles dahil narinig ko pa ang boses niya. Tinanong ko na kung bakit. Inaasahan kong sagot niya ay pwet mo may rocket pero good thing hindi naman.
Aize: nasa akin pa pala 'yung left ear bud mo HA HA HA!
Napatingin ako sa baba sa left ko at nag-isip kung bakit hindi ko napansin. Hindi ko na nga alam kung nasaan ko nalagay 'yung ear buds ko! Ay ayun nasa drawer pala sa study table.
Wreighn: May balak ka pa bang ibalik?
I sarcastically typed that but I'm not sure kung ganon nga niya iyon babasahin. Hindi ko alam kung kelan ako may time kaya baka papuntahin ko na lang siya sa trabaho bukas para mabigay. Bukas ako sure,eh.
"Okay ka lang Gab?!" Napaangat ulit ang tingin ko sa volleyball players. I look at Jarel, wiping his cheek. Natamaan siguro ng bola. "Sorry!" Sigaw nung teammate niya bago bumalik sa kabilang part court.
Pinanood ko ang bawat kilos ni Jarel. May mali,eh. Even his recieves. "Put- ARAY!" Napatayo na ako at napalapit ng bahagya sa kanila nang biglang may ininda siya.
He was helding his right arm na pinang spike niya sa bola. Napabaling siya sa akin na may malamlam na mga mata. I sighed saka lumapit na sa kaniya.
"Pumunta ka munang clinic, Gabl." Tumango lang siya saka kinuha ang duffel niya. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating sa clinic.
"Gel cooler nga po, Nurse. Thank you." May kinuha naman 'yung nurse tsaka binigay kay Jarel yung gel pack. Umupo siya sa kama saka nilagay sa kamay niya yung gel cooler. Still avoiding my sight. I was standing infront of him pero parang hindi niya ako nakikita. I was waiting for him to look at me pero hindi niya ginawa.
"Anong nangyari?" Nakita ko ang paglunok niya at saglit pa akong tinignan bago nag-iwas agad. Napansin kong namumula na rin ang tenga at ilong niya. Hindi 'to normal,eh.
"Wala, okay lang." Humawak ako sa balikat niya saka pinilit siyang paharapin sa akin. Hindi ako naniniwala. Hindi naman siya ganito. Hindi ako sanay na tahimik siya. Mas okay pang inaasar niya ako kesa 'yung ganito.
"Hindi ka ganon pumalo. May galit,eh. Anong nangyari?" I asked again. He met my eyes saka yumuko. I saw how his jaw moved aggressively kaya niyakap ko na.
"Nangbabae ang punyeta." Ako naman ang napalunok dahil sa nalaman. "Wala sa balak kong hiwalayan,eh. Suporta na nga,oh." Naramdaman ko ang luha niya sa braso ko. "Kung kelan naman my parents and my handler were counting on our relationship tsaka niya ako ginago." Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya nang humikbi na siya.
Sinayang 'yung two years for a girl? I mean you can see in their eyes that they really like each other! Tapos nambabae lang? Bakit ang saklap? I mean this things were not the thing I expected him to say but I support him on who and what he want, and he is. His cries drvastating me, gusto ko na rin tuloy umiyak.
"Hey, it's fine. Lalaki lang yan." I chuckles, mahina pa niyang hinampas ang likod ko kung nasaan ang kamay niya. I wiped his eyes at inayos pa ng bahagya ang buhok niya. I smile on him at tumango.
"Hindi ko lang inexpect, eh." Kinuha ko ang jug niya saka binigay sa kaniya.
"Resbakan ba namin you want? Antayin namin sa gate nila?" Umiling siya at bahagyang tumawa, okay na ba siya? I mean, atleast hes smiling na, diba? Hindi ko alam. Dito na lang siguro muna ako sa tabi niya para atleast aware siya na he's not alone.
"Malapit na UAAP, wala pa rin kayong laro?" He shook his head kaya tumango ako. Ang weird naman. Napatigil siya nang may mapansin sa likod kaya napalingon ako sa tinitignan niya.
I was stunned for a moment nang lumabas si Aize galing sa office ng nurse sa loob. He just glance at me at lumabas na. Nilagpasan ako! Wala manlang 'Hi' or di kaya ngiti manlang?! Edi wow, matapos ko siyang i-consider as friend bigla akong ini-snob?
"May away kayo?" Gulat akong lumingon kay Jarel na ngayon ay may nang-aasar nang ngiti. Akala mo hindi umiyak kanina?! Bipolar ata itong kaibigan ko,eh.
"Ewan ko sa kaniya." Umupo ako sa tabi niya ay maglaro na lang sa phone habang hinihintay siya matapos. Two weeks na lang UAAP na,eh. I asked Jarel na kuhaan kami ng tickets para hindi na kami bumili, at para malapit lang sa court.
Hindi naman ganoon karami ang tao ngayon dahil hindi naman masyadong sikat ang men's volleyball, kapag final 4 du'n lang dumadami ang nanonood at legit na napupuno 'tong arena.
"Touch ball, 'yon,ah! Niluluto tayo ng referee rito. Walang kwenta." Natawa ako sa sinabi ni Alex. Some of students rin from ADU are here to support the team. Napalingon ako sa babaeng naka suot ng green pero nandito sa part namin.
"May traydor sa DLSU." I chuckles saka tinuro ang babae sa unahan. She was talking to a guy wearing white shirt. Nakumpirma kong taga DLSU siya nang makita ang ID.
"Damn, may crush 'yan sa players, nakikichant sa atin,eh!" Hinampas ko ng lobo si Alex sa ulo. Di natin sure. Baka nga.
"A-D-A-M-SON! ADAMSOOON! ADAMSOOON!" Pag cheer namin habang winewave pa ang mga placards na may Soaring Falcon.
"Go Jarel!" Sabay namin sigaw ni Alex nang si Jarel ang magseserve. Nag finger heart pa siya sa amin at bahagyang natawa before serving the ball for the other team.
"Whoa? Kelan pa niya namaster yung float serve?!" Nagkatinginan pa kami bago ginawa ang handshake namin. We made a fist before saying YES, at sumabay sa chant ng crowd.
"Ara ara!!!" Excited kaming bumaba nang manalo ang ADU. Nakipag kamay pa muna sila Jarel sa kabilang team, malawak ang ngiti niyang pumunta sa gawi namin.
"Grabe kinabahan ako,ro'n. Sobrang dikit!" Tinignan ko ulit yung score board. We won at the set 4. Sobrang dikit nga dahil 32-33 ang score. 2 sets ang napanalo ng kabilang team kaya around set 3 lang uminit 'yung laban.
"Shuta! Inaasahan kong champion na dapat tayo ngayon season!" I cling on his neck at mahigpit siyang niyakap. "Yak baho!" Agad akong kumalas dahil damang-dama ko ang pawis niya. Natawa siya bago pumunta sa team niya kaya naghintay na lang kami sa labas.
"Sorry natagalan! Sa'n niyo gusto kumain?" Nagning-ning naman ang mga mata namin ni Alex. Nag devil smirk pa kami dahil nasa MOA nga kami. "Ay joke wag na pala, half-half tayo." Sumama ang muka namin at tinalikuran siya.
"Uwi na lang pala kami." Kunwari'y nagtatampo pang sabi ko at nag-umpisa nang maglakad. Umakbay siya mula sa likuran namin saka kami hintak papunta sa opposite way.
"Birthday nino?" Mahina kong tanong dahil may cake rito na maliit na nay nakasulat na happy birthday sa may plato.
"Shhh, baka may makarinig. Okay na yan para may libreng cake." Sabay kaming natawa ni Alex dahil sa sinabi ni Jarel. Kaya hindi na kami nagulat nang biglang may mga crew na nag-umpisang kumanta at sumayaw sa amin.
"Happy birthday baby boy!" Malokong sabay ko sa crew para realistic nga. Minus points sa langit. Satanas is waving!
"Nasa buffet na nga't lahat! Buset na 'to." Tinawanan lang niya ako at inubos ang kinakain niya. I took a vid of him from the back while he's picking a food at may hawak na plato sa magkabilang kamay, saka ko pinost sa story ko. With a caption 'Laban para sa game 2!'
"Gg, ayaw ako pasamahin sa laban sa Swimming." Bungad ni Jarel pagka-uwi niya one day galing training, nakasuot pa siya ng mucle pads niyang black at jersey niya na shirt. Bigo siyang umupo sa sofa sa tabi ko at tumingala.
"Awts, next year?" Ginulo niya ang buhok niya at nagkibit balikat. Last years na niya, tapos next year umpisa na ng training niya sa school, baka mas lalong hindi na siya makapaglaro.
"Sana, kahit sa swimming comp. na lang. Okay na ako sa volleyball." He gave me a sad smile saka pumikit. I'm not convinced on that. Gusto niyang pareho malaro 'yon, pero mas gusto rin naman niya syempre 'yung training. Sana lang hindi magkasabay para kahit papano...
"Sheez!" Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ng kalabog sa kusina. Nagkatinginan muna kami ni Jarel bago tumakbo papunta sa kusina.
We saw Alex laying down on the floor. Sinubukan kong gisingin siya but she's unconscious. Nataranta na ako nang makakita ng dugo galing sa ulo niya!
"Oh my God!"
Itutuloy~