"Eya." Napahinga ako ng malalim saka dumapa sa higaan. "Alas-siete na." Tumingin ako sa kaniya na nag bubutones na nang polo niya.
"Ano't ang aga pa lalayas ka na?" Sinamaan ko siya nang tingin pero binalewala lang ako ng loka.
"Magmi-meet kami." Ngumiti pa siya sa akin ng tipid. Bumangon ako saka niligpit na 'yung pinaghigaan. Hindi na kasi ako nakalipat kagabi, kaya rito na labg kami natulog sa sala, para raw may kasama ako.
"Kumain ka na ba?" Kunot noo niya akong binalingan habang naglalagay nang mga gamit niya sa bag niya.
"Mag mi-meet nga kami, syempre magbe-breakfast na rin, duhh." Napangisi ako at nagtaas ng kilay sa kaniya.
"Edi wow." Asar ko saka pinasok sa kwarto 'yung mga unan. Pabagsak akong humiga sa kama dahil nakakatamad kumilos. Inaantok pa ako.
"Alis na ako!" Rinig ko pang paalam ni Alex, sunod ang pagbukas at sara nang pintuan.
"Wala bang butiki rito? Bakit ba ang linis ng kisame?" Napabuntong hininga ako at iling saka tumayo na lang dahil baka makatulog ako.
"Laham na laham ako,eh." Napangisi ako saka kumuha na nang plato. Magluluto pa sana ako,eh, may nakita na akong pagkain. I chatted Alex to thanks her for the food she prepared.
From: Simp
"May bayad 'yan."
I chuckles saka nag-umpisa nang kumain. Naligo na rin ako pagkatapos. Maghanap na rin kaya ako nang aura? Napag-iiwanan ako nung dalawa,eh.
Napatigil ako nang may mapansin na lalaki na nakasandal sa may gate. Napatagilid ang ulo ko nang hindi maisip kung sino 'yon. Baka sa baba.
Tinanggal ko sa pagkakacharge ang phone ko saka muna nagcheck nang mga gamit para safe.
Napatingin ako sa phone ko nang umilaw iyon. Nilock ko muna 'yung pinto bago nagtatakang binuksan ang notification.
'Aize Azidillo poke you.'
"Problema nito? Ayaw ko nga i-accept, eh. Mapilit ka sis?" Pinatay ko na lang ang selpon ko saka bumaba na.
"Babe, sorry na." Nangunot ang noo ko at napatigil dito sa may bandang taas na part ng hagdan, nang may marinig na nag-uusap sa flat ng stairway.
"Ayoko, bahala ka diyan! Buti pa si Raven, binigyan mo ng baon mo, akala ko ako ang girlfriend mo?!" Napamaang ako saka sinilip kung sino ba ang nag-aaway dahil boses talaga ng mga bata ang naririnig ko.
Napalobo ko ang pisnge ko para mapigilan ang pagtawa, dahil kung hindi ako nagkakamali grade five lang ang mga batang nasa harapan ko.
My brows raised nang tumingin sa akin 'yung batang babae. I chuckles saka bumaba na lang. Napailing pa ako saka sinulyapan pa ulit sila.
"Buti pa elementary may ka- clicked, when naman kaya?" I chuckles saka binuksan ang gate.
"Now na, let's click." Napaangat agad ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa harapan ko. Bakit nandito 'to?
"Asa." Bawi ko saka inirapan siya.
"Luh? Attitude, ka girl?" Bahagya pa siyang tumawa saka gumilid. Inambahan ko siya nang sapak kaya nag peace sign agad siya at pinalobo pa ang pisngi.
"Whatever, bakit ka ba narito?" Nag-umpisa na akong maglakad at sinabayan naman na niya ako. Nagbukas pa siya nang payong kahit wala namang init. High talaga 'to,eh. Duda ako.
"Wala naman, nag breakfast ka na?" I look at my watch before glancing on him.
"Well..." I gestured my watch on him, tumawa lang siya saka tumango. "Why, di ka pa kumakain?" Tinaasan ko siya nang kilay saka tinitigan.
He pouted saka tumango. "Akala ko kasi 'di ka pa kumakain,eh. Sabay na sana tayo." Bahagya siyang ngumiti sakin saka nag puppy eyes.
"So? Kasalan ko na 'yon ngayon?" Walang bakas na kahit anong emosyong sabi ko. Huminto siya kaya napahinto rin ako at humarap sa kaniya.
"Hindi, ha! Wala akong sinasabi. Sine-share ko lang na 'di pa ako kumakain, pero siguro sa cafe na lang sa hospital." Tinaasan ko siya nang kilay saka tumango. Palihim akong ngumisi saka wala sa sarili siyang hinila sa may tapsilogan.
"Libre mo?" I asked at nagtaas-baba nang kilay sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka inimuwestra ang papasok sa karinderya.
"No problem, kaya 'to nang wallet ko." Tumawa siya saka pumunta na roon sa may counter para umorder. Kumain na ako pero nagugutom ulit ako, kaya ayos na rin.
"Concerned ka na sakin?" Napataas ang tingin ko sa kaniya. Umiling ako habang ngumunguya pa nang pagkain.
"Mama mo concerned." Ngumisi ako saka tinuloy ang pagkain.
"Syempre mahal ako ni mama, concern talaga sakin 'yun." Lumawak pa ang ngisi ko at tinago iyon sa paginom ng tubig.
"May nagmamahal pala sayo, 'noh. Ang galing." I chuckles saka inintay na lang siyang matapos kumain. Dal-dal kasi, feeling ko nga kanina iiyakan pa muna niya yung pagkain, antagal ba naman nakipagtitigan.
"Marami, pati sa near future. Nararamdaman ko." Bahagya akong tumawa saka nilagay ang braso sa lamesa.
"Really?"
"Oo, kasama ka na." Nawala ang ngisi ko sa labi at matagal na napatitig sa kaniya. What? Kasama... ako? Sabi ko na nga ba,eh. Duda talaga ako sa lalaking 'to,eh.
"Nag-aaral ka nang med tapos nag-aadik ka? Wow, elibs na ako." I put my hands up saka umiling-iling sa kaniya.
"Guess what drug I take in." Proud pa nga ang loko. Basbasan ko siya diyan nang tumino siya,eh!!!
"Pano kung ayaw ko?" Balik ko sa kaniya. "Pero sige ano?" Tumawa pa siya saglit saka lumunok.
"Ikaw." Napaawang ang labi ko at muling napatitig sa kaniya. Is he playing with me? Kasi ako hindi mababato ko sa kaniya itong kutsara!
"Kung ako sayo? Itigil mo na kakahit-hit nang highlighter." Nakangiwi kong sabi.
"Matino naman ako,ah? Good boy nga ako,eh." Sumama ang muka ko saka inamba na sa kaniya ang bote nang ketchup. Dapat talaga hindi na ako sumama rito sa lalaking 'to,eh. Grrr.
Hindi ko naman alam kung bakit ko ba siya hinatak rito papasok sa tapsilogan. It's just that, my reflex made me do it. And, I hate it.
"Ganyan mo ako kamahal at kaya mo kong saktan?" Napakamot ako sa kilay ko saka tumayo na. "Willing akong masaktan basta ikaw!"
"GYAAHHH! Shut up, God! Cringe!" Tinulak ko ang muka niyang naka dungaw sa gilid ko. Parang tanga, amputa. Ay joke sorry, sumalangit nawa.
"Cringe pa nga." Bulong pa niya saka ulit binuksan 'yung payong. "Arat na, late ka na ata." Sumunod lang ako sa kaniya.
"Byieee, walang kiss?" Inambahan ko siya nang kotong kaya lumayo naman agad siya habang natatawa pa. "Choz. Sige na byers." Sumaludo pa siya saka kumaway.
"Ingat." I smiled on him lightly at tumalikod na agad.
Dito ako sa may gate 1 dumaan sa likod, dahil dito 'yung malapit na gate sa amin. Muntik pa akong mapatalon nang magring ang phone ko.
"Sa'n ka?" Tumaas ang kilay ko dahil sa boses niya. May galit,eh. May nakakagalit ba? Inaano ko naman siya? Tss.
"Falcon walk way, bakit?" Pumasok muna ako sa isang shop para bumili nang construction paper and bond papers para mamaya sa activity daw. Saang subject ko ba 'to gagamitin? Basta may activity okay na yan.
"Geh, I'm here at the bridge, hintayin kita here." Bahagya pa akong natawa dahil sa kaartehan niya.
"Ma immune ka riyan." I chuckles nang natawa rin siya. Bakit ba nakakatawa tawa niya? Parang ewan.
"Immune na sis, third year na ako, oh?" Sabay kaming natawa sa sinabi niya saka ko binayaran ang binili ko. Nag add na rin pala ako nang ballpen dahil hindi binalik sakin nang blockmate ko 'yung pilot pen ko. Ang kapal diba?
"I'll hang, up dito lang ako." Tinago ko ang phone ko saka naglakad na papasok. Bahagya pa ulit akong natawa nang makitang kumakain pa siya ro'n nang fries.
"Sanay na nga." Hinatak ko siya agad dahil, hindi ko pa rin kinakaya yung amoy nung ilog kanal kahit dalawang taon na ako rito. Karugtong ata 'to nang ilog pasig,eh. Nyeta. Hindi naman gano'n kabaho pero hindi talaga kaya nang baga ko.
May pangalan ang estero na 'to pero nakalimutan ko. Basta nasa teritoryo siya ng campus kay Falcon canal ang ipinangalan ni Jarel. Galing diba?
Ahead samin nang one year si Jarel, sa pagkakaalam ko same year levels dapat kami pero bigla na lang siyang naging ahead samin. Ewan ko kung pa'nong nangyari 'yon.
"Ay, asan ang Leighrene?" Tanong niya nang mapansing wala akong kasama. I shrugged saka sumabay sa lakad niya. I mean siya pala yung sumasabay sa lakad ko dahil ang haba nang legs niya.
"Well, may meet daw sila nung Law stud na Atenean." Ngumisi lang siya saka bahagya pang umiling. Dumiretso na ako sa room at ganoon din siya. He even asked if hihintayin ba namin siya kasi mag si-sit in daw siya sa swimming club. Kaya ayun na nga ang ganap namin.
Nag jeep kami papuntang YMCA dahil wala naman kaming gym pool, at doon talaga sila nagte-training. Umupo lang kami ni Alex sa bleachers, medyo malayo sa pool, dahil baka mabasa kami. Wala naman kaming gagawin ngayon dahil mabait ang proctors namin. Review lang ganon, dahil malapit na rin mag mid-term exams.
"Nagtataka talaga ako kung bakit ang puti ni Jarel." I glance at Alex, doing some drafts on her tablet.
"Permanent na 'yan, sila nga lang ni Jam yung maputi sa kanilang apat,eh." Natawa ako sa sinabi niya. Totoo 'yon, dahil siya at ang kapatid niya lang na babae ang maputi sa kanilang magkakapatid. Both of them were athletes din. Ang unfair, diba?
"Bopokols! Maling layer! Yawa, patapos na,eh." I look at Alex, getting frustrated. Tinawanan ko lang siya saka sinilip ang ginagawa.
"Oh? San mo natutunan to?" Namamangha kong kinuha 'yung tablet niya para tignan ang sketch niyang 'D' building.
"Youtube?" Lumawak ang ngiti ko saka maingat iyong binalik sa kaniya dahil baka masulatan ko. How can she learn drafting in youtube? I mean. Wow. I can't even draw a damn cat! Binabakat ko pa iyon! Ts.
"Ayaw mo ba lumipat?" Tumingin lang siya sa akin saglit saka kinamot ang kilay gamit ang S-pen.
"After, 5 years of working I think. Di ko alam, basta kapag naka-ipon na." Ngumiti siya sa akin saka tinuloy ang ginagawa.
I took a boomerang vid of Jarel, doing a butterfly style, then posted it on my story, with a Caption 'GAME IS COMING' nag scroll-scroll na lang muna ako sa Facebook when my notification pop up.
'Aize Azidillo tag you in a post.'
"What a jejemon?!" Napalakas ata ang sabi ko dahil napatingin din si Jarel sa side namin. Tinigil naman ni Alex ang ginagawa niya saka sumilip sa phone ko.
"When the f did he took this? Hindi ko manlang nalaman! Gr." Inis kong tinignan ang photo na tinag sakin ni Aize.
It was me, enjoying my food. May jejemon pang caption na 'LoDi aCcEpT MhO nA aKhO.' The flip?
"Luh? Di mo kinain niluto ko?" Napatigil ako saglit dahil halatang nagseselos siya. Amporkchop.
"Huh? Inubos ko 'yon,ha!" Umiling siya sa akin, hindi naniniwala.
"Wala-wala pinagpalit mo na ako." I playfully tug her hair saka siya inirapan.
"So sino yang kasabay mo kanina mag breakfast?" Sumama ang muka ko dahil halatang nangaasar siya.
"Friend? I think?" Kinakabahan kong sabi dahil alam kong alam na alam ni Alex na hindi na normal sakin na mag consider nang kaibigan basta-basta.
"Friend?" Bakas pa sa boses niya ang kasarkastikshan. Dahan-dahan akong tumango habang nagta type nang comment.
'No. Delete this.' Kinabahan ako kasi ang dami nang nagko-comments na kilala niya. Even some of my mutuals! Dahil nga naka tag ako! Damn.
Puro lang naman 'Yieee, master pumoporma na.' 'Whoa, may time pa humarot kahit nasa med school na, hope langis.' 'Pa mine ako, Lodikeyks.'
Umirap ako sa kawalan saka inintay ang reply ni Aize. Hampas ko siya sa pader para maging crash ice siya,eh!
"Ayoko maniwala. Kumain na sa bahay, kumain pa sa tapsilogan. Sus." I glare at Alex. Tumawa lang siya nang bahagya saka tinuloy yung ginagawa.
"Pano mo nalaman na sa tapsilogan 'to?" Siya naman ang tinanong ko, bahagya pa siyang napatigil saka umubo-ubo pa.
"Gusto mo snacks? Bibili lang ako, weyt." Akma na siyang tatayo pero hinatak ko ulit siya paupo.
"Ito naman, Oo na. Madalas kami diyan." Suminghal pa siya saka ngumuso. "Happy?" Pinaningkitan ko siya nang tingin saka tumango. I look back on my screen phone nang mag vibrate iyon.
'No, rin. Accept muna bago delete.' Reply niya at may goofy emojie pa! Napahinga ako nang malalim bago pinindot ang profile niya, to accept his request. Tss.
'Now, delete this.' Reply ko ulit sa comment niya. Wala pang ten seconds ay nabura naman na niya agad 'yon dahil nag crash na bigla yung page. Buti naman.
My messenger pop-up at lumabas ang profile niya. Kaya ayaw kong i-accept, eh! Alam ko agad na magiging ganito.
Aize: Ako rin athletic, ayaw mo sakin?
Nangunot ang noo ko saka binuksan iyon. Nagreply pala siya sa story post ko. Athletes is not in my type! Duh?!
Wreighn: No one ask, and yeah, I don't like you.
Wala pang minuto ay nakapag reply na naman agad siya. Halatang nakatambay sa convo namin! Tsss.
Aize: tagos sa puso 'yung sakit, lods.
I sigh saka nag like zone na lang. Akala ko ay titigilan na niya ako pero nag like rin siya! Parang timang!
Aize: We have in common naman pala.
Nangunot ang noo ko saka 'yon inulit basahin. Ano naman?! Nag backread ako kung may nasabi ba akong about sakin pero obviously wala!
Wreighn: ????
Aize: Like mo ko.
Aize: Like kita.
Aize: Why not tayo na lang dalawa?
Aize: Since we like each other naman pala.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! "Buhay!" I groaned saka nag angry react sa sinabi niya.
Wreighn: In your dreams!
'Yun lang ang nareply ko saka siya binlock! Nakakaines! Ang annoying niya 'noh?! Gusto ko siyang sapakin! "Argh!" Bakit ba ang kulit-kulit niya?! Ha?!
"Ginagawa mo?" Alex said confusedly. Tumingin lang ako sa kaniya saka tumayo at lumabas nang gym dala ang wallet. Nagpaalam ako na bibili lang muna nang... kahit ano!
Kakain na lang ako! Lintek na lalaking 'yon. Nagsisipa ako nang mga bato na nakakalat sa daan iniisip na si Aize ang sinisipa ko! Hmp.
"Ouch!" Napatigil ako at nag panicked nang may masipa akong kung sinong lalaki!
"Sabi na nga ba mahal na mahal mo ko kaya mo 'ko sinasaktan nang ganito." Sinubukan ko siyang sapakin pero nakalayo agad siya kaya dumaplis lang. Maarte niya iyong hinawakan habang natatawa pa. Sana pala mas nilakasan ko ang sipa sa huli!
"Napaka kapal nang balat mo." Inirapan ko siya saka nagtuloy na sa paglalakad. Katabi lang ng YMCA yung SM kaya sa hyper market na lang ako bibili. Im about to get a basket nang mag vibrate ang phone ko.
'Aize Azidillo tag you in a post.' Nanlaki ang mata ko at luminga-linga sa likod para hanapin si Aize. Nang hindi makita ay binuksan ko ang post niya only to see again a stollen pic of mine! Habang naglalakad papasok dito sa hypermarket!
'uNbL0cK mU Aq, pLeAsE?' GYAH! May mapapatay talaga ako promise. Pag talaga hindi ko napigilan sarili ko, legit magiging crash Aize siya! Gusto niya atang palitan mga pasyente nila sa Ospital!
No choice naman ako kaya inunblock ko na lang siya para tigilan na ako at tanggalin na ang post niya. He started to chat and flood my notification by his messages pero 'di ko na lang pinansin.
Nag grocery na ako nang diretso para sa uulamin namin mamaya at sa susunod pang mga araw. Charot. Wala pala akong pera kaya hanggang bukas lang na stock. Kukuha na sana ako chitchirya sa stalls nang mapatigil dahil narinig ko ang motification sound ng FB ko. Shutax.
In-on ko kasi ang sound para malaman ko kung saan may notifs, since iniba-iba ko ng sounds bawat apps. Lalo na sa sa mga social media apps.
'Aize Azidillo tag you in a post.' Picture ko ulit yon habang kausap si kuya na nag-aassist sa may meat station. Side profile ko naman ngayon ang kita. Napabuntong hininga ako saka binasa ang caption.
'C4nT r3pLy? k4yA nAm4n, 3h? dI mO n4 aQ lOv3?' I look around to find him, at nando'n ko siya nakita sa may kabilang dulo nang stall, nakasandal siya ro'n patagilid at nakanguso pa sakin.
What a jejemon stalker is he?!
Gusto ko siyang batuhin nang bote ng stick-o rito, pero ayaw ko naman masayang 'yung pagkain kaya chinat ko na lang.
Wreighn: Can you please stop?
Kita ko rito mula sa malayo 'yung ngisi at pag-iling niya. I inhaled a larged amount of air to calm my self. Kinuha ko na ang mga dapat kong kunin at nagbayad na sa counter. Im about to get the paper bags pero may kumuha na agad no'n.
"Ano bang problema mo?" Asar na tanong ko na talaga sa kaniya, saka tinulak palabas. Kukunin ko pa sana yung paper bags sa kaniya pero nilayo niya agad. Bumuntong hininga na lang ako at sumunod sa kaniya. Bahala siya diyan. Choice niya naman.
"Alam mo kung ano problema ko?" Sinamaan ko siya nang tingin. Tumawa pa siya saglit saka nagtaas baba nang kilay. "Sabihin mo, ano." Alam ko na ang sasagutin niya kaya ako na alng sumagot.
"Anonsyo." Lumabas kami ng mall at nakasunod pa rin siya. Teka nga pano ba siya napunta rito?!
"Sinusundan mo ba ako?" Hinarap ko siya kaya napatigil kami rito sa gitna nang sidewalk napaawang ang labi niya saka unayos ng tayo. Mas matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako sa kaniya.
That's when I notice na naka white fitted polo shirt lang siya kaya halata ang pagka masculine nang katawan niya and black shorts making him look more taller, with his usual black sneakers. Nakasabit ang eye glasses niya sa three open buttons niya, revealing his chest lightly.
"Oo. Susundan talaga kita, dala ko grocery mo,eh. Pero gandang idea no'n, 'no? Sige pag tumalikod ka sasakay na ako nang jeep dala to." Tinaas pa niya ang dalawang paper bags saka ngumiti. Napakawalanghiya talaga nito kausap,eh.
"Wag ka sanang masagasaan." Tinawanan lang niya ako saka minuwestra ang daan kaya naglakad na lang ulit ako. Para akong may body guard na nakasunod sakin. Pero mas bagay kung pet. Panget na pet.
"Akin na." Hinawakan ko ang paper bags pero nilayo niya lang iyon nang bahagya. "Yung totoo? Ano ba talagang problema mo? Gusto mo bang iparehab na lang kita?" Naiinis na ako talaga! Matutulak ko siya sa gitnaa ng kalsada! Swear!
"Ikaw." Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinagot niya. "Ikaw na lang kasi kulang sa buhay ko." Kumindat pa siya saka mas lalong lumawak ang ngiti. Kunot noong tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Pinaglalaruan mo ba ako?" He dramatically held his chest saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Gano'n ba kasama ang tingin mo sa gwapong ako? Shems, ang... I cannot." Humawak pa siya sa noo niya kaya hinampas ko na. Napakaarte!
"Akin na nga 'yan, umuwi ka na." Pinilit kong agawin yung pinamili ko pero mas hinigpitan niya lang.
"Hatid na kita." Tipid siyang ngumit at umiling naman ako. Maissue mga kaibigan ko, hindi pwede.
"Okay na ako, papasok na lang naman ako diyan,oh?!" I grab his arm para hindi na niya malayo ang groceries. Napatigil lang ako nang maramdaman ang titig niya. Aba! As if natatakot ako?!
"Ano ba kasi, huh?! Can you please stop?! I hate it when someone's following me around! Bakit ba?! May kailangan ka ba sakin?! A-" Napatigil ako sa susunod na sasabihin nang lumapit siya sa akin. Matama kong sinalubong ang mata niya at siniguro kong makikita niya ang galit ko roon.
"I like jokes but I like H U MOR." Napaiwas ako nang tingin at bahagyang naguluhan. I like, what? The fork. Naiilang akong nag angat nang tingin s akaniya at kinagat ang labi. Tinalikuran ko siya dahil para akong namumulang ewan dahil sa init.
"So, would you let me walk you inside?" Pagpilit pa rin niya kaya napailing akong unayos nang tayo. Ano bang 'tong pinasok ko?
"Just keep distance." Sinamaan ko ulit siya nang tingin ng biglang magliwanag ang muka niya pati ngiti ay mas lalong lumawak. Pumasok na ako sa gymnasium saka umikot papunta ro'n sa pool area.
"Tagal. Tapos na sila ngayon-" She didn't finish her sentence when she glance at Aize, sitting at the back.
"Uhm, hi?" Ngumiti si Aize kay Alex. Napabuntong hininga ako saka umupo sa tabi ni Alex.
"Kaya pala ang tagal, ang galing." Sarkastikang sabi niya saka pinahawak sakin ang tab niya. Kapal. "Yari ka kay Jarel." Bulong pa niya saka umiling.
"Hi, Leighrene, you can call me Leigh or reen or liyer." Ngumiti pa siya nang malawak kay Aize saka naglahad nang kamay.
"Uhm, Aize-" Aize didn't finish his phrase nang sumulpot bigla si Jarel, wearing his addidas shirt and a brown shorts. Naka slip in sandals na lang siya ngayon. Basa pa ang buhok niya kaya bagsak na bagsak lalo. He was holding his duffel bag saka umupo sa harapan namin.
Napahawak na ako sa noo ko nang mawala ang ngiti niya. Probably noticing Aize. Grr.
"Ay? May pet ka?" He said in deep voice. Akal mo naman talaga! Naramdaman ko ang titig niya s aakin kaya nag-angat ako nang tingin.
"No. Uhmm." Alanganin akong ngumiti sa kaniya, dahil alam kong masinsinang pag-uusap ang gagawin namin nito. Wala namang kami! No romantic relationship between us.
Hindi pa nga kami FRIENDS man lang! Well, sa Facebook were mutual but, duh?!
"Ano ganap mo rito pare?" Maangas na tanong niya kay Aize. Bumaling sakin saglit si Aize saka tumayo at ngumiti. Bumaba siya sa steps sa line namin saka nagpakilala nang maayos kila Alex.
Bakit ba siya nagpapakilala?! Para ko siyang nililegal sa mga magulang ko! Yak!
"Aize Khyro, Azidillo. Med-stud." Naglahad pa siya nang kamay kay Jarel na lumingon sa akin. Kinakabahan ako.
Bakit ba ako kinakabahan?! Oh my gosh!
"Ngayon?" Napadukdok ako sa tuhod ko dahil napaka attitude nitong baklang 'to. He can talk to my 'Friend' in normal tone?! Para niyang ginigilitan sa leeg si Aize,eh! Isang maling kilos patay agad!
"I can't breath, watapak?" Agad kong hinalungkat ang bag ko para mahanap yung inhaler. Kinabahan pa ako dahil wala sa front pocket, pero nakita ko naman sa pocket sa loob.
"Ano..." Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakasagot. "Pet?" Natatawa niyang sabi at hinihimas pa ang batok. Si Alex naman ay naka upo lang habang kumakain pa nang turon na binili ko!
"Barilin kaya kita?" I glare at Jarel. Wala namang ginagawang masama,eh! Teka nga?! Bakit ko ba pinagtatanggol?! Buti nga 'yan para tigilan na ako! Hmp.
"Joke." Ngumiti siya kay Aize na ngayon ay nakaawang na ang labi at 'di makapaniwalang tumingin kay Jarel, dahil bahagyang lumambot nag boses nito.
"So anong namamagitan sa inyo ni Eya?" Jarel pointed me using his thumb at tinaasan ng kilay si Aize. Waiting fo its answer.
"Manliligaw niya ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, at napahawak pa ako sa ulo!
Am I look like a joke to him?! Really?!!!!
Itutuloy~