Chereads / Erudite / Chapter 3 - 3

Chapter 3 - 3

"Ghorl." I glance at Jarel. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. One week na ang lumipas at nandito kami sa may CS Cafe. Ineedit lang namin yung ibang presentations. Wala akong laptop kaya obviously gamit ko na naman ang kay Jarel. Hindi ko kasi afford.

"Ano ba kasing sabi ni kuya JD?" Alex ask still typing on her laptop. Napatingin naman ako kay Jarel, nung thursday pa sila nagkita ni kuya JD, hindi naman namin siya nakamusta kasi naging hectic sched namin, daming pinagawa.

"Accountability nga,eh. Bawal mag share." Tinaasan niya kami ng kilay at nag flip hair pa na ikinatawa naman namin ni Alex.

"Natatakot lang 'yan." Alex whispered. I giggle saka tumango.

"Omsim." Nagkatinginan pa kami saka nagtuloy sa ginagawa.

"Alis na ako, may training pa me." Kinuha na niya ang mga gamit niya.

"Umiiwas." Pang-asar na sabi ko saka kinuha ang librong binabasa. I glance at Jarel na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. He poke his tongue in his cheeks saka ibinaba ang mga gamit sa kaharap na upuan.

"Hindi ko talaga alam kung bakit kayo pinili kong kaibigan." Sabi pa niya saka umupo.

"Same, here."

"Kami rin." Sabay na sabi namin ni Alex. I bit my lip to stifle my laugh. Hindi naman maipinta ang muka niya at nagdukdok na lang nang muka sa lamesa.

"Uwi ba kayo mamaya sa Makati?" I glance on them doing their stuffs.

"Yeah, 'di ako nakauwi last week." Jarel answered boredly.

"Sa apartment me mag stay. Bakit?" Sinave ko lang sa flash drive ko ang ginawa kong research paper saka humarap sa kanila ng tuluyan.

"May trabaho kasi ako mamaya, baka kasi wala kang kasabay." They look at me furiously. Problema nila?

"Traba... what?" Maarteng sabi ni Jarel at tinaasan pa ako ng kilay.

"Hindi ko ba... nasabi sa inyo?" Kinakabahan kong sabi at napakagat sa labi.

"Wala kang sinabi ano,yon?" Malalim ang boses na sabi ni Jarel.

"Feeling betrayed here." Alex added sipping on her coffee.

"Ano..." Bigla naman akong kinabahan at parang ayaw ko na lang magsalita. Biglang umurong tapang ko. Bakit naman hindi ko sinabi?

"What? Dali, may training pa nga ako." Huminga ako ng malalim saka hinarap sila ulit. Masyado lang talaga sigurong hectic last week kaya pati yung pag-apply ko sa trabaho ay hindi ko napaalam sa kanila.

"Nag apply ako, as a crew sa KFC sa malapit, tinawagan ako mamaya na daw ako magumpisa, after class hanggang 10 pm." Mabilis kong sabi at napayuko pa. Nung weekend ay pinapunta ako para sa mga basic infos.

"Bakit ka na naman magtatrabaho, aber?" Tumango naman si Alex bilang pagsang-ayon sa tanong ni Jarel.

"Gipit." They let out a heavy sighs before loosening up. Sinalubong ko naman ang nagtatanong nilang tingin.

"Okay, may trabaho si mama, oo. Si kuya Jydo rin paminsan-minsan nabibigyan ako, pero hindi na sapat. Nahihirapan na akong mag adjust." Ngumuso ako saka niligpit ang mga gamit ko.

"Sabi mo nagtatrabaho si tita, Ikaw na lang naman ang sinusustentuhan! Anong mas valid reason mo?" Ginigisa na ako,eh. Hindi pa ba sapat na nahihirapan na nga akong pagkasyahin yung limang daan sa isang linggo?

"Yung ibibigay ni Mama, itatabi ko na lang pang tuition, next s.y. Tapos 'yung suswelduhin ko gagamitin ko para sa sarili ko. Para rin may maiabot ako kay mama kapag wala na silang budget."

"Dont look at me like that, para naman akong tuta na kinakawawa." Nakakirita kasi, I can see how sorry are them for me, its for my sake naman.

"Anong sched mo?" I sighed before opening my phone, dahil pinicture-an ko lang ang sched na ibinigay sa akin.

"Every Monday, Wednesday at Friday, 4 to 10 p.m. Kapag may need na gawin like group work ganyan, kung talagang need ako, pwede naman daw ako magpaalam para mapayagan. If not edi gora sa shift." Ngumiti ako sa kanila saka uminom ng tubig.

"Tatlong araw lang a week?" Laging may follow up itong mga monggoloid na 'to. Char they're like that co'z they care naman kasi for me.

"Actually five. Kapag Saturdays, it's either half day or whole day, kumporme. On Sundays naman half day lang din, since Sunday nga." Nagkibit balikat ako saka sinuot na ang backpack ko.

"Edi laging sa apartment uwi mo?" I look at Alex. Oo nga 'noh? Wala siyang kasama pauwi.

"Tuwing weekdays, Oo, pero kapag Tuesdays and Thursdays naman sa makati ako uuwi." Ngumiti ako sa kaniya saka binuksan ang pinto at pinauna sila. I think not, well, sometimes, it's always depend on how busy am I. Tsh, too much responsibilities. I hate being an adult.

"Edi ganon na lang din setup ko. Kapag pareho kayong hindi uuwi, edi wala akong kasabay ending sa apartment na lang din ako."

"Ganun na nga, dzai." Humarap si Jarel sa amin dala-dala ang duffle bag niya. Naka t-shirt na siya ng ADU/ Males Falcon team, tapos suot pa rin angitim na slacks pang baba.

"Una na ako, sabay tayo uwi, Leighrene. Bye! Chat ako sa inyo." He waved at us saka nauna nang tumakbo papunta sa kabilang side. 'Yung gym kasi katabi ng Engineering building so sa may likod 'yon.

"Ay weyt, magpiprint pa muna ako, sama ka?" Tumango na lang siya saka sumabay sa akin mag lakad.

"Yuck! Baho mo!" Natawa ako nang biglang itulak ni Alex si Jarel palayo nang mag-akma itong yayakapin siya. Tapos na class namin kaya dumeretso na lang kami dito sa gym, actually, free cut lang, hindi pa uwian, pero pwede na umuwi since last sub naman na iyon.

"Gabriel!" Sabay-sabay naman kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Pino, their team captain gestured Jarel to come over.

"Wait lang. Saglit na lang this." Tumango kami saka siya pinanood na lumapit sa kumpulan nilang players.

"Nagtataka ako, kung bakit ang puti ng lalaking iyan." Nilingon ko si Alex nang walang makuhang sagot. Nangunot ang noo ko nang makitang para siyang naistatwa.

"Anong nang-" I didn't finish my sentence when she ran outside the gym. "Luh? Susundan ko ba o susundan ko?" Patayo na ako nang makitang papasok na ulit siya.

"Fita ni maria?" Anong problema nito? I look at her burger. I pursed my lips to stifle my laugh. Akala ko buntis siya,eh.

"Isa kang slapsoil. Bakit mo kinain 'yung akin?!" I chuckles saka binigay ang burger na kinakain ko. Tatlong kagat pa lang naman nababawas ko kaya okay lang 'yon. Kinuha ko naman ang kinakain niya.

"Hindi ka pa naman namamaga, okay lang yan." I chuckle saka nag peace sign. Inantay lang namin matapos maligo si Jarel saka kami umuwi. Sila lang pala.

"Dito na me. Byiee." I waved on them bago maglakad sa opposite way.

"Newbie!" Napalingon ako sa babaeng nakadungaw sa pinto at may malapad na ngiti sa labi. I look around to see kung sino ang tinatawag niya, I point my self when I saw no one but only me was inside the locker room.

"Yeah!" Lumapit siya saka umupo sa may bench. Kasing height ko lang siya at may white skin, also having black shoulder-length hair. She looks like a model, ewan ko. Bagay siya sa ganon! How can be a beautiful woman like her works here? As a crew. Sana all.

"Gessie pala,hehe." Naglahad siya nang kamay kaya nakipag kamay na lang din ako dahil ayaw ko naman maging snob, hindi naman ako ganon.

Makapal talaga muka ko, kaya nga nagtaka ako na nag stay na lang ako sa small circle na meron ako ngayon, samantalang nung highschool kung kani-kanino ako sumasama kasi lahat naman sila friend ko, kung sino humatak sakin ganon, pero syempre kasama ko parati si Alex.

"Uhm, Jheawreighn. Reyn na lang, para basic." I smiled on her saka sinuot ang apron pati ang hairnet saka sinara ang locker. Nakapag palit na ako kanina ng polo tsaka slacks na uniform ng kfc.

"Nux, may experience ka na ba sa ganito?" I glance on her na sinasabayan akong maglakad. Hindi ko sure kung now na ba ako maguumpisa, baka ako lang muna ang mag ayos ng orders sa counter or, taga linis ng tables, maybe janitress ganyan. I don't know. Bahala na.

"Dati, nagtrabaho na rin ako sa 7/11, cashier." Ngumiti ulit ako saka sumunod lang sa kaniya.

"Oh? Edi alam mo na gamitin 'to?" Tinignan ko ang monitor na nasa counter. Aware ba siya na magka-iba ang ginagamit sa convenient stores at fast food chains?

"Uhm, magkaiba kapag sa restau, fastfood chains, sa convenient stores and cashiers sa markets." Bahagya pa akong ngumiti sa kaniya saka tumabi sa gilid nang may dumaan na lalaking crew din.

"Ay, Oo nga naman. Sorry, maypagka-tanga ako,eh. Actually madalas." Bahagya pa siyang tumawa kaya napangiti lang ako. Ako araw-araw,eh.

She instructs on how to use the monitor and what should I do if some of the technical errors occurs, kung panong mapapadala yung orders sa may kitchen monitors nang hindi nagagambala ang ibang list.

Pinasama naman niya ako sa isang lalaking crew para raw mapakita kung pano maglinis ng tables. Fast learner naman ako kaya nakuha ko agad 'yung mga tinuro niya.

"Wala pa naman masyadong costumers, pero ikaw na ang tumao rito. Kapag may nangyari wag ka mag Panic. You got this." She winked on me na nakapagpagaan ng kaloob-looban ko.

Pinagbasa-basa na ako ng menu bago ako pinapasok, lunes na ulit ngayon at nung miyerkules pa ako nag-apply kaya may time pa. Buti nga hindi ko nahalo sa kinakabisado ko rin sa isang subject eh.

Mamaya masabi ko 1 pc chicken with spaghetti 125, imbis na 'yung dapat na sasabihin. Naku po, kwatro grade ko no'n.

"Good afternoon Maam may I take your order,po?" Ngumiti ako sa isang college student din from near campus, kasama niya ang kaibigan niya pang isa. May tinawag pa muna sila sa isang table bago makapag order.

"Shared meals na lang po, tapos..."

"What shared meals po, Maam? Yung bucket po or yung good for two?" Dai naman, apat ang meron sa shared meals, naglolokohan tayo rito.

Hindi naman manghuhula ang crew sa counter, kapag mali yung nabigay sa costumers sila pa galit nilinaw naman.

"Ay, sorry, yah 'yung 6 pcs, bucket meal." She smiled at me saka ko jinotdown ang sinabi niya. "Then pa add na rin po ng two rice, and two drinks, same size na lang din po sa rest." Gusto kong ngumiwi pero ngisi na lang ang binigay ko. Need natin maging humble. Pagod din sila, lutang din siya kaya ikaw ang umintindi putre ka.

"Linawin ko lang po, Your order is 6 pcs, bucket meal, regular sizes yung drinks po 'noh?" She nod. "Ano pong drinks naten?" Kalmahan naman kasi. She answered now opening her wallet.

"Side dish po? Sweet corn or mashed potatoes?" Bigay ko na lang kaya pareho? Char edi nawalan agad ako ng trabaho.

Inulit ko ulit ang order nila, saka tinotal ang receipt. "Total of 607, Maam." She handed 1k kaya sana all ulet. Isang daan nga wala ako! Tsh.

"I recieved one thousand. One, two, three, fifty, ninety, three, pesos, po. Heres the receipt. Wait na lang po here sa left side. Thank you."

"Okay ka pa?" Napatingin ako kay Gessie na kumukuha ng ice. Tumango ako.

"Kailangan kayanin." I smirk before drinking on my water. She tapped my shoulders. Eight pa lang, labasan and break time pa lang ng mga office and hospitals workers sa gilid-gilid diyan. Kaya madadagdagan na naman mamaya yung costumers.

Akala ko kapag nasa counter ka, mabilis lang 'yung oras, yawa lang, feeling ko isang buong araw na akong nakuha ng orders ng tao.

"Good evening, Sir may I take your or..." Napatigil ako dahil sa nakita ko. Si Aize. Hindi ko kasi siya napansin kasi may inaayos ako sa monitor. "--der. May I take your order?" Umiling ako para mahimasmasan.

"Yeah, isang ikaw, full bucket sana." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakikipagbiruan,sis mars.

"Sir, if you won't take an order, please lang lumayas ka na, mahaba pa 'yung pila." Ngumiti ako sa kaniya na ngayon ay natatawa.

"Hmg. Pikon. Pasalamat ka..." He murmur something na hindi ko na marinig dahil ang ingay sa paligid.

"Ano lang isang B3, And, uhmm... did you eat already?" Ako talaga napipika sa lalaking ito, ha. Wala akong oras makipagbiruan ngayon naku talaga. Ano namang pake niya sa buhay ko?!

"It's not part of your order to know if I already eaten, Sir." Ngumiti na lang ulit ako dahil nababaliw ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Tatanong lang,eh. Buti nga inalala." He muffled but I still heard it. Kapal. Nagpaalala ba ako?

"Anyways, one B3, nestea regular."

"Dine in or take out?" Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya na may malawak na ngiti.

"Uhmm. Take you out." Punyawang buhay. Kung ganito ba naman customer ko araw-araw, wag na mabuhay! Piste!

I gave him a glare making him chuckled, Muka bang natutuwa ako sa kaniya? Ako napapagod na kakangiti ha! May lilipad talagang yelo ngayong gabi! Punyawa.

"Charot, Ikaw naman. Ano, Dine-in,hehe." Kinuha ko ang bayad niya saka binigay ang receipt at sukli niya.

"Thank you, Sir, please step aside." Bahagya na lang ulit akong ngumiti kahit isang tawa na lang niya ay mababato ko siya ng piso.

I was following him by sight papunta sa table, dala-dala ang pagkain niya. I clear my throat at agad na napaiwas ng tingin when our eyes met from distance. I glance at him now doing something on her phone, at bahagya pang tumatawa.

Hope lahat, masaya.

"Uwi ka na!" Napatigil ako sa pagpupunas ng counter at agad na napalingon kay Gessie na may malawak na ngiti sa akin ngayon.

"Hindi pa tapos, shift ko." I smiled a little getting confused. Manager ba namin siya? Hindi ko alam, bakit naman kasi pinapauwi na ako?

"You did great, today. Okay na 'yon." She winked on me at nag thumbs up pa. "Kami na bahala sa iba." Hinawakan niya ang balikat ko at tinulak ako papuntang locker room.

I look at my watch brows furrowed, nine passed pa lang, napaka-aga naman para sa first day? Nagpakit na lang ako ng personal clothes ko saka kinuha ang ibang gamit.

"Ingats! Aral well. Bawal bumagsak." Natatawang sabi pa ni Clark, crew din dito siya rin yung nagturo sakin kanina ng ibang pwedeng sub work ko. I lightly nod before leaving. I didn't know kung ako ang pinaka bata sa kanila or may mga ka-same age, lang din ako.

Si Clark at Gessie pa lang kasi ang kilala ko sa ngayon. Hindi pa nga full name.

Im about to cross the streen when I noticed a guy inside the restau, crushed flat on his arm above his reviewers, may hawak pa siyang highlighter. Pumasok ulit ako dahil baka masarhan siya rito, kahit naman napakakulit nitong lalaking 'to, may puso pa rin ako.

"Anong trip nito at dito napiling tumambay at matulog?" I poke him pero hindi siya gumalaw. Nakasinghot ata 'to ng chemical ng highlighter!

Kinuha ko sa kamay niya ang highlighter at sinara iyon. Tahimik pa akong napatawa habang pinagmamasdan siya. Makapal ang kilay pero trimmed, makapal rin ang pilik mata pero hindi gaanong kahaba. Matangos ang ilong niya at may manipis at mapulang labi.

"Hoi! Yelo." Kinalabit ko ulit siya and this time he get back to his sense. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya saka ako tinignan nang may malamlam na mga mata.

"Ay, tapos na shift mo?" What? Did he wait me? For what?

"Obviously?!" I sarcastically said. I rolled my eyes bago mauna nang umalis habang siya ay nililigpit pa ng gamit niya.

"Weyt lang naman, Ma'am, Excited you umuwi?" I groaned saka gumilid nang sabayan niya akong maglakad.

"Oo, busy ako, maraming assignments." Seryosong sabi ko saka tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko. I brushed it using my hand para naman kahit papano maging maayos.

"Sa Agoncillo ka uuwi?" Tanong pa niya habang tinatanggal ang suot niyang I.D.

"Oo." I stopped nang mag go signal na sa mga vehicles. Sumandal ako sa poste ro'n at pumikit. Nakakapagod pala, kahit gano'n lang ang ginagawa mo. Lalo na kapag rush, tapos nagkamali ka pa. Awit sa costumers, na galit.

"Eherm, poste rin ako. Pwede sakin." Pagpaparinig pa ni Aize at bahagya pang hinahampas ang dibdib niya.

"Wala ka bang balak umuwi?" Umayos ako nang pagkakasandal at humarap sa kaniya. His brows arch at hinimas pa ang baba niya saka tumingala na parang nag-iisip pa nang isasagot.

"Hmmm... Pag nahatid na kita." He smiled at me na siyang ikinangiwi ko.

"I don't need you-" My eyes widen when he grabbed my arm pulling me closer to him! Muntik pa akong mauntog sa dibdib niya!

"Hindi pala ha?" Nakangisi niyang sabi habang may tinitignan sa likuran ko. I push his chest at agad na tumalikod at inayos ang sarili ko. Tinignan ko naman ang kaninang tinitignan niya.

Tatawid na nga lang mamatay pa.

Nag-umpisa na ulit akong maglakad at makasunod lang siya sa may likudan ko. Malapit na ako sa partment pero nakasunod pa rin si Aize sa akin. I sighed before facing him na humihikab pa.

"Malapit na ako, pwede ka na umuwi." Ngumiti ako sa kaniya saka tumalikod at naglakad na ulit. Napabuntong hininga ako at napapikit pa nang maramdaman pa rin ang yabag niya.

"Kaya ko na sarili ko. Malapit na ako,oh?" I pointed at my back, nang walang exact location. Tumaas lang ang kilay niya saka ngumisi.

"Hatid na kita, para sure na safe ka." He rose his brows saka nginuso ang daan.

"Hindi na nga sabi." I aggravatedly said. I stepped back when he steps times closer to me. Napalunok ako nang malaki saka hinawakan ang front pocket ng bag ko dahil nauubusan na ako ng hininga, sa sobrang lapit niya.

"GYAAAHH!" Napahawak agad ako sa braso niya dahil muntik na akong matuba sa katangahan ko! Kasalanan din niya! If he didn't lean forward hindi ako mapapaatras!

"See?" A goofy smirked plastered on his lips. He met my gazed then tightened more his grip on my waist.

Ang gwapo naman niya?! Kahit halata ang puyat sa itsura niya ay ang gwapo pa rin niya! Why is that?! Ha! The world really is unfair! Tsh.

His eyes they... They fooling me!

Agad akong umayos ng tayo saka inayos ang sarili at umiwas ng tingin. Tumalikod na lang ako saka naglakad na lang papuntang apartment!

Hindi ba pwedeng mawala yung kalampahan ko?! Kahit kapag kasama ko lang siya?! Grrr!

"I promised this will be the last time my path will cross his." I whispered convincing my stupid self of me! Hay, buhay.

I bit my lip to calm my self nang makapunta na kami sa gate. I look up on him when I heard his giggles. He were looking at the houses habang naka labi pa na parang nakita niya na ang buong flat, sa ganong pagtingin lang.

"Pasok ka na." Ngumit siya sa akin saka inimwestra ang gate. Kinuha ko naman sa bag ko ang susi at binuksan na iyon.

"Good night! See you, when I see you." Kumindat pa siya sa akin at sumaludo. I licked my lip at naghanap nabg mapagbabalingan. Tumango na lang ako saka pumasok na.

"Uhm... Thank you, Goodnight. Ingat." Mabilis kong sabi saka sinara agad ang gate. Pinigilan kong mapangiti at dali-dali nang umakyat sa bahay.

"Emerged!" Huminga muna ako bago ako tuluyang pumasok. I saw Alex watching on telly, Habang kumakain pa. Binaba ko muna ang bag ko sa sofa saka pumunta sa bintana at sinilip si Aize na kakaalis lang.

"Aga mo,ah? Akala ko 10? Alas dies-singko pa lang,ah?" Curious na tanong ni Alex. I shrugged before glancing on her, brows furrowed.

"Pinauwi na ako,eh. Edi umuwi na nga ako." Napangisi naman ako saka humarap sa kaniya- "Mahabagin!" Napabilis ang paghinga ko dahil sa gulat sa kaniya na nagyon ay nakapamaywang na sa harapan ko.

"Sino ba sinisilip mo?" Nagtaas pa siya nang kilay at umambang sisilip sa bintana. I held her shoulders saka tinulak palayo sa bintana.

"Wala ano, wala lang." Tinaasan niya lang ako ng kilay at bumalik na lang ulit sa panonood. Pumunta naman akong kusina para uminom ng tubig, bago dumiretso sa kwarto at naligo saglit.

"Ay, netflix and chill ang ganap natin?" Tumabi ako kay alex sa sahig, naglatag kasi siya ng kutson kaya rito siya nakasalampak.

Hindi talaga ako busy sinabi ko lang 'yon kasi... bakit nga ba? Kasi trip ko lang? Char, self time naman. This is my only way to unwind from this shitty world.

Niyakap ko ang isang unan at nakinood kay Alex ng... hindi ko alam kung anong series ito sa netflix. Im about to sleep nang nay matandaan.

Hindi ko pa rin alam full name niya. Same on him. Stage one na ba 'to? Should I let this process continue?

Itutuloy~