Chereads / Death's Shadow (TAGLISH) / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9: The Prophecy

Nagkagulo ang tao sa loob at napuno ng samu't-saring bulungan ang hall. Halos lahat ng naririnig ko ay hindi makapaniwala sa magiging premyo ng mananalo sa tinatawag nilang Academy Duel.

I saw Blaze's mouth formed into an 'o'. Nakalagay pa ang isang kamay sa noo at ang isa naman ay sa bewang, talagang hindi siya makapaniwala.

"Oh my! Bloodunit? A position in Bloodunit?! Tell me I'm not dreaming!" Ovetacting na sabi niya nilapitan ako sabay yugyog sa'kin.

Bahagya akong natawa, "I think you heard it right."

"And it won't be easy for sure." Rai confirmed.

"What the freak... what is the Headmistress trying to do?" Asked Blaze.

"Silence," seryosong saad ng Headmistress, bagay na nakapagpatahimik sa kaninang maingay na lugar. "In order to earn the prize, the last man standing will duel Scarlette Estovia, the current Vice-captain of Bloodunit."

"Sabi na nga ba hindi madali, e!"

"Impossible."

"I bet no one will win."

"Kaya pala 'yon ang prize, e! Malabo sa katotohanan!"

Napuno na naman ng samu't-saring pagbubulungan ang paligid. Tila naging isang palengke na naman ang hall. Pero ngayon, hindi na dahil sa gulat.

"Sabi na 'di makatotohanan ang prize." Malungkot na wika ni Blaze. "Sasali ka pa ba?" Tanong nito kay Rai.

"Required, e. Makaka-hindi ba ako?" Tumawa si Rai.

"Parang wala namang may kaya no'n. Sila na ata 'yung mga taon kontroladong-kontrolado ang element at paniguradong hindi makakatagal sa arena ang makakalaban ni Scarlette." Sabi ni Blaze.

Hindi na kami nakapagkomento dahil nagsalita si Aqua sa harapan kaya sa kaniya nabaling ang atensyon namin.

"An open position to join the Bloodunit is rare. To be an official member, you must possess the qualities of being one. A duel between Scarlette Estovia and the last man standing will determine if the candidate is suitable for position." Napatingin kami kay Aqua nang magsalita ito sa harap. "And I hope that everyone will do their best."

Aqua took a step forward, flashing a wide smile that didn't reach his eyes. He put down the trophy on top of the table. Ipinatong niya 'yon pero taimtim ang tingin niya rito na para bang ayaw niya itong pakawalan.

Sa sabi ni Aqua, dalawang beses na siyang nanalo sa duel kaya kung mananalo siya, makakasama niya na ang kuya niya. I wonder if he'll also win this year. Will it make him leave his current squad which is us?

I think he fits in Blooudnit though. Their coordination would definitely set high when he joins. Lalo at magkapatid namana sila, I guess Kei's squadmates would also be comfortable. At walang magrereklamo kung siya ang makukuha.

Nagperform pa ang mga tumugtog ng trumpeta bilang pagtatapos sa opening ceremony. Gano'n lamang kabilis ang nangyari pero buti nalang dinismiss nila ng maaga ang mga klase ngayon.

"Congratulations, Aqua!" Agad na bungad ni Rai nang makababa si Aqua mula sa stage.

"For what?" Aqua's brows drew together.

"For winning the competition," Rai joke and encircled his arm on Aqua's shoulder. Mas lalong namuo ang pagkairita sa mukha ni Aqua.

Napansin kami ng Bloodunit dahil nilapitan namin si Aqua at hindi ko naiwasang mapatingin sa gawi nila. Tahimik lang silang naglalakad, animo'y may sariling mundo. Walang lumalapit sa kanila para hindi makaharang sa daan nila.

"Dumbass. The competition isn't starting yet." Aqua removed Rai's arm and walked away.

Nalungkot naman ang mukha ni Rai habang pinapanood umalis si Aqua. "Grabe naman. Halata namang siya ulit mananalo ngayon, e. Pa-humble."

"Kapag sinabing niyang hindi siya mananalo, pa-humble. Kapag sinabing niyang mamanalo siya, sasabihan mong mayabang. Alam mo, Rai? Kumuha ka ng bato tas ipukpok mo sa ulo mo." Magka-krus ang braso na sabi ni Blaze at tumingin kay Rai.

"Ampota." Sambit ni Rai.

"Uy! Si Miss Chocolates!" One member from the Bloodunit pointed me. If my memory serves me correct, he is Miko. The one who grabbed Scarlette's arm.

Did I hear it right? Miss Chocolates? Since when did he start calling me by that nickname?

I was confused but we made an eye contact. Lumapit siya sa'kin kaya mas lalo akong nagulat. I could feel everyone's eyes on us and it's making me uncomfortable. Ayoko ng may nanood sa'kin.

"Let's go, Miko." Kei ordered from the back, his eyes avoiding us.

"Wait lang una na kayo, Captain," angal ni Miko.

Blaze was confused and so as Rai. Hindi naman sila nakapagsalita dahil nakalapit na sa'kin si Miko.

"Buti okay na 'yung sugat mo. Tagal kitang 'di nakita ah," aniya.

Is he really this friendly? I don't know what to say. I guess I'll just go with the flow? I'm not really good with words.

"Yeah, you too." Tipid kong wika.

"Galing kasi kami ng mission, e." He laughed, "Pero galingan mo sa Academy Duel ah. Baka makasali ka sa'min."

"I'm not really good.." pagdadahilan ko.

"Okay lang 'yan. Walang masamang sumubok," ngumiti siya sa'kin.

"I said let's go, Miko. Don't make me repeat what I said thrice." Kei stood firmly as he commanded Miko. Napasimangot si Miko dahil kay Kei.

Miko scratched the back of his head, "Sorry Miss Chocolates. Mainit ang ulo, 'di ka kasi nakita." Tumawa pa siya.

Bigla akong napakunot-noo pero hinatak na ni Kei si Miko. Sumunod ang grupo nila kay Kei pero hindi nakatakas sa mata ko ang titig ni Scarlette na akala mong may ginawa akong masama.

Kaya pala ilang linggo kong hindi nakita si Kei. Sa kabilang banda, wala namang dahilan para magkita kami. Wala namang binibigay na mensahe ang libro. Baka nga gumagana lang 'yon kapag magkasama kami. Absurd, right? I should study about it.

Unti-unti nang naubos ang estudyante sa loob kaya bumalik nalang kami sa headquarters. Pagdating namin do'n, nakaupo si Aqua at nagbabasa, nakadekwatro pa. 

"Ano 'to?" Tanong ni Blaze nang makita ang apat na folder na nakapatong sa coffee table. Nagkibit-balikat si Aqua pagkatapos ay tinuon na ulit ang pansin sa pagbabasa.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Blaze at kinuha ang folder. Naupo rin siya tsaka binasa ang laman no'n.

"Binigay na agad sa'tin kung sino makakalaban natin. Lineup pala sa duel 'to." Ani Blaze, nagbabasa pa rin.

"Talaga?" Kinuha na rin ni Rai ang folder at naupo. Gano'n din ang ginawa ko. Kumuha ako ng isang folder at naupo. Napansin kong naka by letter naman kaya mas napadali akong hanapin ang pangalan ko.

Kalaban ko si Brianna Scotsz. Hindi ko siya kilala pero nakalagay do'n na S-rank din siya. Nakuha ng pansin ko ang pangalan ni Cale na kasunod ng akin. Fredelis pala ang apilido niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niyang sasamahan niya ako sa winter break. Hindi sa umaasa ako, sa totoo lang ayaw ko nga. Makakalimutan naman niya siguro 'yon 'di ba?

"Kalaban ko pala si Juby." Banggit ni Rai at sinara na ang folder. "Madali lang 'yon. Fire lang naman element no'n. Maning-mani." Pinagpag pa ni Rai ang balikat niya, nagyayabang.

"Ikaw, Aqua? Sinong kalaban mo?" Pagtatanong ni Blaze.

Again, Aqua shrugged, not giving any hint of interest. Blaze pursed her lips. "Hanggang kailan mo ako hindi kakausapin?"

Nagkatinginan kami ni Rai. Pareho naming naramdaman ang biglang pagbigat ng hangin. Mukhang galit na rin si Blaze dahil unang beses kong narinig ang pagseseryoso sa boses niya, 'yung tipong alam mong hindi na siya nakikipagbiruan.

"What do you mean?" Aqua closed the book he was reading.

"Nevermind. Just read." Binasa nalang ulit ni Blaze ang folder at hindi na tumingin kay Aqua.

Nakita ko si Rai na dahan-dahang tumayo para pumunta sa pinto at iwanan ako dito. Siguro alam niyang magkakainitan ang dalawa kaya nagdesisyon siyang umalis!

Aqua eyed Blaze with such confusion. I saw his lips parted as if he was going to say something but he immediately closed it again.

"Usap na kayo. You guys need it," binalik ko ang folder sa lamesa at tumayo para lumabas din. Hinayaan ako ni Blaze at gano'n din si Aqua. Hindi naman siguro sila magpapatayan 'no?

Hindi ako hinintay ni Rai dahil paglabas ko, wala siya do'n. Napatingin nalang ako sa kalangitang malapit na magdilim. Dalawang oras pa para lumubog ang araw. Gagala nalang muna ako tutal wala namang gagawin.

"Wah!"

Nagulat ako nang may humawak sa mga balikat ko. Noong lumimgon ako, si Cale lang pala. Tumawa naman siya dahil nakita niya ang reaksyon ko.

"Gulat na gulat ah. May iniisip ka?" He put his hand inside his pockets.

"Wala naman." I smiled a little.

"Simula bukas start na ng daily training."

"Ano meron?" I asked.

"Physical training at physical combat. Talagang pinaghahandaan ang Academy Duel..." he paused. "Malaki kasi ang points na bigay ng Academy Duel. By unit ang pagkuha ng score, kapag 'yung mga kagrupo mo napunta sa mataas na position sa scoreboard, malaki ang points no'n. Kumbaga maghahatakan kayo kasi sa pinagsama-samang points niyo magb-base kung aascend ba kayo ng ranking."

Gano'n pala 'yon. Ang akala ko naman dahil nga individual naman pagdating sa arena, naka-solo lang din ang score namin. Kaya naman pala mukhang maraming may gusto nito, maswerte ka kapag malakas ang nakagrupo mo. Hindi ko naman alam kung anong makukuha kapag mataas ang ranking.

"Bloodunit, huh?" It just came out of my mouth.

"You want to join them?"

I shook my head, "Based from what other says.. it will be impossible."

"Gano'n?" He flashed a carefree smile. "I'll show you otherwise."

Tumaas ang mga balahibo ko nang makita ang ngiti niya pero iba naman ang sinasabi ng mata niya. Parang sinasabi nitong gagawin niya talaga 'yon. It was odd.

"Cale!"

Hindi ako nakapagsalita ng may tumawag kay Cale kaya napilingon kami do'n.

"I'll go ahead, Thalia. See you around!" He waved his hand before running away. Pinuntahan niya 'yung babaeng tumawag sa kaniya. Hindi ko na nagawang magpaalam dahil umalis na agad siya.

Naglakad-lakad nalang ulit ako pero napahinto na naman ako nang may humatak sa'kin. Nakita ko si Alice na hawak ang pulsuhan ko.

"Anong ginagawa mo?" May halong inis na naman ang tono ng boses ko.

Hinayaan ko na nga siya dito pero kapag patuloy niya akong hahatakin at dadalhin sa kung saan maaring may makakita sa'min, sa susunod ituturing ko na talaga siya bilang isang estranghero.

Hindi ko siya mapipilit na bumalik ng Tenebrae dahil alam kong iniiwasan niya rin ako para hindi kami magkita. Halos wala nga akong balita kung ano ang ginagawa niya rito.

Dinala niya ako sa kwartong luma, puro nagtambak na gamit ang loob nito. 'Yung mga sirang silya at lamesa ay nakalagay dito.

"May nalaman ako."

Binitawan niya na ako bago siya pumunta sa bawat sulok ng kwarto. Hindi mapakali ang itsura niya.

"Nangyayari na ang propesiya, ate. Malapit ng maganap ang ikatlong digmaan." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Pero iba na ngayon.."

My brows furrowed. I felt anxiety over my body just by seeing her reaction. I could tell she was not joking from the way her hands trembled with fear.

Luminga-linga na naman siya sa paligid at nanginginig na ang mga labi niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa'kin at hinawakn ko ang mga balikat niya. Parang may humahabol sa kaniya. Iba na ang pakiramdam ko rito. Kailangan ko na siyang ilayo dito.

"Kumalma ka." Tinignan kong maigi ang mga mata niya. Kaonti na lamang ay iiyak na siya dahil sa pagtutubig no'n.

"Nakita ko na babagsak ang Tenebrae. Sila Visca, ang Reyna, ang mga tao natin... lahat sila mamamatay. Nakita ko, ate. Nakita ko kung pa'no ipinakita sa'min ang mga imahe ng mangyayaring propesiya at nakita ko do'n ang katawan nila.."

Nawalan ng lakas ang tuhod niya sa bawat pagbigkas ng mga salita. Buti nalang ay nakahawak ako sa kaniya kaya hindi siya natumba sa sahig.

Neither of us moved a muscle. My heart skipped a beat and suddenly, nervousness crawled over my body system. Hindi ko alam kung bakit bigla akong pinagpawisan kahit hindi naman ako naiinitan kanina.

"Sa'n mo nakita?"

"Nagmeeting kaming mga instructor... kaya nila in-open ang position sa Bloodunit para makapaghanda. Sa susunod, i-aanunsyo na nila 'to sa bayan. Kailangang malaman 'yon ng Reyna... kailangan nilang maghanda."

"Kailangan mo nang bumalik." Seryoso ko siyang tinignan. 'Yon nalang ang paraan para malaman ng Reyna ang propesiya.

O baka naman alam niya na rin?

"Papaano ka?" Nag-aalala niyang tanong.

"Babalik na rin ako... pero kailangan mong mauna. Tutulungan kita."

"Paano kapag naghinala sila sa biglang pagkawala ko? Paano kapag may nangyari sa'yo? Paano kapag may nakaalam na-"

"Alice." Tawag ko dahil nilalamon na siya ng takot.

Mukhang umepekto naman na ang pagtawag ko sa pangalan niya. Yumuko siya habang kagat ang labi.

"Huwag ka nang magsalita. Ang kailangan mo lang gawin ay bumalik na ulit ng Tenebrae at ipaalam 'yon sa Reyna. Pangako, susunod ako." Sinubukan kong pagaanin ang loob niya at tumango naman siya. "Sa sabado, pagsapit ng hatinggabi, magkita tayo rito. Tutulungan kitang lumabas ng akademya."

"Mag-iingat ka dito," pigil-luhang wika niya.

Dalawang araw para malaman ko ang pwedeng ruta na makaalis dito. Madaling pumasok pero mahirap ang umalis lalo't may mga prefect pa na naglilibot kapag gabi.

Pagkatapos namin mag-usap ni Alice, nauna siyang lumabas para hindi kami mahalata. Hindi naman ma-tao dito kaya okay lang.

Bumalik ako sa dorm ko nang hindi makapag-isip ng maayos. Pakiramdam ko tuloy ay mas nagiging mabilis ng oras at unti-unti itong nawawala sa'kin.

Mula sa bookshelf na nasa loob ng kwarto namin ni Blaze. Hinanap ko do'n ang mga librong maaring makakapagturo sa estraktura ng paaralan at ang mga daanan nito.

Wala na akong pakielam kahit nagkalat do'n ang mga libro. Ang kailangan ko lang ay kung paano ko matutulungan si Alice umalis.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil wala man lang kahit isang libro ang makakatulong sa'kin! Ano nga ba ang pinaggagahawa ko rito? Nadidistract na ako dahil sa pesteng pagiging estudyante na 'yan.

Inis akong napatingin sa nagbukas ng pinto at nakita ko do'n si Blaze kaya nagbago ang timpla ng mukha ko. Siguro, may alam si Blaze. Dapat siya ang tanungin ko. Ilang taon na rin naman na ata siyang nag-aaral dito.

"Alam mo ba kung pa'no makakalabas ng Academy?" Mabilis na tanong ko.

Nagtaka siya sa pagmamadali ko pero agad ding nawala 'yon. She looked at me with a teasing smile, "Hoho! Mukhang may nagbabalak dito ah." Ipinatong ni Blaze ang bag niya sa may couch at pumunta sa refrigerator. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom 'yon. "Well, kapag Saturday, pwede naman lumabas basta magpapaalam ka sa office. Naka-record kasi ang bawat paglabas."

Nawalan ako ng pag-asa sa sinabi ni Blaze. Kung gano'n sa estudyante, paniguradong gano'n din sa instructors dahil ang academy lang din naman ang nagbibigay sa kanila ng titirahan.

"Pero syempre may isa pa." She wiggled her eyebrows, "Kung gusto mo naman makulong. Pupunta ka sa likod ng Academy tapos may lake do'n. Maraming palace guards pero matatalon ang bakod do'n kapag umkyat ng puno."

"Ginawa mo na ba 'yon?"

"Oo, muntik na nga akong mahuli kung 'di lang ako tinulungan ni Aq-," huminto siya, "Teka nga. Ba't mo ba tinatanong? Kung gusto mo lumabas pwede ka naman humingi ng permission sa office, sasamahan pa kita! Mahirap mahuli 'no. Been there, done that! Baka sa susunod patayin ka nila kapag nahuli ka."

Umiwas ako ng tingin at nagmamadaling ibinalik ang mga librong nagkalat mula sa kinalalagyan nila kanina.

"Salamat," mabilis kong sabi kay Blaze bago pumasok ng kwarto ko.

Inayos ko ang mga gamit na makakatulong sa pag-alis ni Blaze. Dahil inaasahan ko na ang pangyayaring 'to, nakasama sa gamit ko ang cloak na may hood para matakpan ang mukha ko.

It will be risky. We are surrounded by enemies everywhere and I couldn't assure Alice's safety. I'll try to gain more information if there's more possible way to escape easily. We were in the the Palace Grounds afterall.

Hindi ako mapakali. Ang dami kong iniisip. Babalik na nga ba ako? Oras na nga ba para bumalik ako? Babalik nalang ba akong wala man lang nagagawa?

Naligo muna ako para makapag-isip ng maayos. Kaya ko naman siguro ang mga Palace guards pero paano naman ako sa pagbalik ko rito sa dorm? Naisip ko na iwan bukas ang bintana ko at umakyat sa puno kung saan umaakyat si Kei.

Binilisan ko ang pagligo ko para subukan 'yung pag-akyat na ginawa niya. Nagbihis na ako ng komportableng damit.

"'Di ka aattend ng dinner?" Tanong ni Blaze pagkalabas ko.

Umiling ako at agad na lumabas ng kwarto para pumunta sa likurang bahagi ng dorm kung nasa'n ang puno. Mukhang maswerte na dito pa sa tapat ng binata ko ang tubo ng punong 'to.

Mula rito sa baba, nakita ko ang paglipad ng kurtina mula sa bintanang iniwan kong bukas. Wala pa akong experience sa pag-akyat ng puno pero mukhang madali lang naman 'yon.

Inunat ko muna ang braso ko at inikot ang balikat. Sinimulan ko na ang pag-akyat ng puno. Napaawang ang labi ko dahil akala ko naaakayat ko na pero wala pa ako sa kalahati nito.

Nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko. Kahit ga'no pa kataba ang puno, imposibleng akyatin 'to!

Ipinagpatuloy ko ang pagkapa sa puno kung sa'n pwede akong maka-akyat. Yinakap ko ang puno at ginamit ang dalawang paa para ipitin ito pero dumudulas lang dahil sa tsinelas.

Nagsisimula na akong mainis ulit. Kaonti nalang ay puputulin ko 'to!

"Remove your slippers."

Napatingin ako sa tsinelas ko. Inis ko 'yong hinubad bago ako nagsimulang akyatin muli ang puno. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nararamdaman kong gumagalaw na ako!

Nasa kalahati na ako ng puno nang maalalang may nagsalita kanina. Pagtingin ko sa ibaba, nakita ko si Kei na naka-krus ang kamay at pinapanood ako.

Nasurpresa ko sa kaniya. "Ahhh!" Bigla akong napasigaw dahil nabitawan ko ang pagkakahawak sa puno. My grip loosened and I'm gonna fall!

I saw Kei's eyes encircled. Nakita niya atang mahuhulog ako sa kaniya kaya, napapikit ako dahil akala ko sasaluhin niya ako pero 'yon ang buong akala ko!

Napadilat at napadaing ako sa sakit na naramdaman ng tumbong ko. Nawala si Kei mula sa pwesto niya kanina para hindi ko siya mabagsakan! Ang ending, ang lupa ang sumalo sa'kin!

At talagang wala siyang balak na saluhin ako dahil nagawa niya pang umusog sa kinatatayuan niya.

Hawak siya sa tyan niya at pinagtawanan ako. "Idiot."

My mouth twitched. Can I.. punch him in the face? Right now?!

"What are you even doing? It will take you years to climb it from your posture," he laughed.

Nawala lahat ng iniisip ko at napalitan 'yon ng inis. Nakalimutan ko nga kung bakit nandito ako in the first place dahil gusto kong mawala si Kei sa paningin ko.

"Come on, I'll show you how."

I glared at him. Minamasahe ko pa rin ang tumbong ko, hindi pa rin nawawala do'n ang sakit. "I don't trust you."

"Why?" He bit his lip to prevent himself from laughing.

"Because you're an enemy."

"Hindi ba dapat ako ang hindi magtiwala sa'yo?" Lumuhod siya para mapantayan ang lebel ko. "Trust me this once, then."