Chereads / Death's Shadow (TAGLISH) / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11: Existence

He stared at me menacingly as if he was reading what's on my mind. I avoided his stare.

"What are you even doing here in the Palace? Do you really wanna die? Just tell me." He said.

Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita. Nilapitan niya ako at agad naman akong lumayo. Hirap pa rin akong tignan siya.

Napatigil ako sa pag-atras ng maramdaman ang matigas na bagay sa likod ko, do'n niya kinuha ang chansa para kuhanin ang nasa loob ng bag ko. Hindi ko agad siya napigilan.

"Where did you get this?" He flipped the pages of the book. Sinubukan kong agawin sa kaniya 'yon pero tinaas niya 'yon sa ere. Masyado siyang matangkad kaya hindi ko nagawang maagaw 'yon. Binigyan niya ako ng isang masamang tingin, bagay na nakapagpatigil sa'kin.

"Give me the book." I gritted my teeth.

Nagkasukatan kami ng tingin at walang kahit isa sa'min ang gustong bumigay. The book is important to me!

The air was intense. Pwede na kaming magpatayan sa tinginan.

"Kei?"

Sabay kaming napatingin ni Kei sa bagong dating na babae. Tulad ni Kei, nakasuot rin ito ng damit na katulad kay Kei. Puti at halatang dumihin. May insignia rin na nakalagay sa damit niya at nakatali ang buhok niya.

Mabilis kong itinago ang mukha ko at itinago ang sarili sa likuran ng babae para hindi niya ako makilala.

"Sino 'yan?" Nagdududang tanong ni Scarlette.

"Just someone." Kei said in a cold tone.

"What?" Scarlette seemed confused with Kei's tone.

Mas lalo kong yinuko ang ulo noong naramdaman kong lumapit si Scarlette dahil sa shadow niya.

Bigla namang hinawakan ni Kei ang palapulsuhan ko at hinatak palapit sa kaniya para mas itago. Naamoy ko tuloy ang pabango niya.

"Go, Scarlette. I need to talk to her." Kei said.

"To whom?" Scarlette's eyes darted me. "I won't leave unless you tell me what's going on. Sino siya? You're being suspicious, Kei." Rinig kong sabi niya.

"Don't stick your nose in other's business." Kei removed his grasp from my hand. "Leave. That's an order."

Hindi ko makita ang reaksyon ni Scarlette pero tumahik ang paligid. Maya-maya, nawala na sa paningin ko ang shadow ni Scarlette. Sumilip ako nang bahagya para makunpirma kung wala na siya.

"And now she knows." I mumbled.

"She doesn't."

"And why would I believe you?" I glared at Kei.

"Because I said so."

Hindi niya binitawan ang kamay ko at bigla niya nalang akong hinatak sa kung saan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papunta kami sa direksyon ng palasyo. Sinubukan kong hatakin ang braso ko pero mas hinigpitan niya 'yon.

"Resist and I'll make sure you'll rot in the dungeon." Hindi na ako nakapalag sa lamig ng boses niya.

Yumuko ang mga kawal sa kaniya at siguro'y nagtataka pa kung sino ako. I flinched when I bumped into something hard but not as hard as the wall. It was Kei's back. He stopped walking so I hit his back because I was just letting him drag me freely. To be honest, wala naman akong magagawa kaya hinayaan ko nalang siyang hatakin ako.

His eyes scanned, making sure if they are other people around. The palace was lit and only a few chandeliers were turned on.

"Where are you taking me?" I asked. Nagsimula na ulit siyang maglakad, hawak pa rin ang braso ko.

"Somewhere safer."

Safer...

Tinignan ko lang si Kei mula sa likod niya. Should I really trust him? Sa hindi malamang dahilan, nawala ang pangamba ko ngayong nandito siya.

Nakakatakot. Nakakatakot magtiwala. Alam niya ang pwedeng mangyari sa kaniya pero bakit tinutulungan niya pa rin ako?

Mula sa loob ng palasyo, lumabas din kami sa lugar na puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Binitawan na ako ni Kei.

Gumala ang mata ko sa panibagong lugar na tumambad. Sakop pa rin ba 'to ng palasyo? 

Napangiti ako nang makita ang mga ibang klase ng bulaklak. Hindi ko pa nakikita ang mga ganitong uri ng bulaklak noong nasa Tenebrae ako. Lumapit ako sa asul na bulaklak na kumuha ng atensyon ko, balak ko sana itong hawakan pero pinigilan ako ng isang kamay. 

"Don't." Inilayo ni Kei ang kamay ko. "It's a flower that paralyzes your body once you touch it's pollen. Don't just freely touch anything around here."

Mabilis nilayo ang sarili ko sa bulaklak na 'yon. Nang nakita niyang lumayo na ako, nagtungo siya sa gazebo na nasa gitna ng hardin. Sinundan ko lang siya na naupo at isinandal ang ulo. 

"Ano ba talaga ang kailangan mo?" Matalim niya akong tinignan. Umiwas ako ng tingin at napayuko, hindi alam ang sasabihin.

Huminga ako ng malalim bago siya tinignan. "Tutulungan mo ba ako?"

Tunog hindi makatotohanan ang sinasabi ko 'no? Ako lang ata ang taong humihingi ng tulog sa taong maari akong patayin. Maybe I'm just taking one step to meet death.

"I will hide your identity." Tugon niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Pumayag siya?!

"Nahihibang ka na ba?" Hindi makapaniwalang ganti ko.

"No."

Bigla tuloy akong natigilan sa sinabi niya. Ano naman kaya ang kailangan niya? Ilang segundo akong tumitig sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya 'yon.

"What are your connections in Tenebrae? Did you come from an influential family?" He asked.

"No..." mahinang sagot ko.

"Are you related to the Queen? Maid? Servant? Her right-arm?"

"Sort of." Alinlangang sagot ko. He looked satisfied with my answer.

"Then you will help me stop the war. "

"How?"

"You're going to help me meet the Queen."

Biglang sumeryoso ang mukha ko. Marunong ako tumupad sa usapan... at marunong ako magpa-ikot sa mga taong 'di tumutupad sa usapan.

"Fair enough." I said. I'll use him to find the Crystal and he'll use me.

Kung magkakaroon ako ng access sa mga restricted dahil sa pagkakaroon ng koneksyon kay Kei, mas mapapadali ang paghahanap ko no'n.

"I need access to restricted areas... like the restricted part in the library." Aniko.

Napatingin si Kei sa hawak niyang libro, 'yung librong bigay ni Alice. Iniabot niya sa'kin 'yon.

"Are you searching for the Crystal of Eternity?" Tanong niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pa'no niya nalaman? Was it called Crystal of Eternity? I don't know. I call it the Lost Crystal.

"No..." hindi malamang sasabihin ko. I don't even know what's that crystal is called! "I don't know its name. It has the power that can actually defy Gods."

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Tumango lang siya na para bang tama ang sinabi niya.

"Did you sneak inside the palace?" His brows furrowed.

"No." Tanggi ko.

He nodded again.

"Why are you looking for a crystal that's been hidden for ages?"

He knew... he knew about its existence.

"Hindi mo ba alam na kapag nahanap ang crystal na 'yon matitigil natin ang mangyayaring digmaan? Alam mo ba kung gaano 'yon kakapangyarihan ha? It might change our world." I spoke with hipe.

"Sa'n mo nakuha ang inpormasyon na 'yon?" Taimtim niya akong tinitigan. "It's been hidden for thousand years and no has ever find it. No one dared. Even the Gods... it's that powerful. So how can you be so sure that the Crystal will give you the power you need? That power will consume you."

A thousand years?... then it's literally non-existent when no one has ever find it for how many millenium?

I wanted to find the Crystal because I knew, that once I get ahold of it, it will remove my element. Practically, I will be no longer a Gladiator anymore. No element. No everything. Just a normal human being.

Or I could use it to change this world. It sounds so absurd. Para akong nagpapaka-hero. I've seen enough bloodshed. I just wanted a world where everyone can be free.

Tinignan niya lang ako pero hindi siya nagsalita. We stared at each other again until, finally, he was the one to look away.

Marami pa siyang alam. Ayaw niya lang magsalita. I need to find information.

I want to trust him... pakiramdam ko matutulungan niya na talaga ako, considering his rank in this kingdom. He's basically the second king.

"I will give you access to everything you need. The palace, the restricted area, everything." He said with a serious tone. "But I will be with you in those times. I will watch you." He added.

I bit my lip and closed my eyes for a moment.

"I will trust you." I opened my eyes.

"Aren't you trusting too much?" he chuckled a little. "I can kill instantly."

"If I'm gonna trust you this much... then I'll just trust my whole life to you."

I don't know what came into my mind but... if ever I'm gonna die. It'll be alright to die in his hands.

He whispered something but it was unaudible. "You're really making it hard for me..."

After the long talk, he helped my way out of the palace. He led the way and suddenly, I just found myself at the doorstep of the dormitory although, I took a reroute. Agad din akong tinalikuran ni Kei at naglakad palayo, not sparing me a glance nor a word.

Dumaan ako sa likod na bahagi ng dorm at umakyat sa puno papunta sa bintana ko.

Tahimik akong nakapasok ng kwarto ko at isinantabi ko ang librong binigay sa'kin ni Alice kasama ng librong hiniram ko sa library. Now, I have two books in my hand. Pareho 'yong nakatago sa ilalim na kama. I wish I could find a safer place to hide it.

Napuno ng kung ano-ano ang isip ko nang mahiga ako.

I exhaled a deep sigh. Whenever I feel stressed, my mother always says to take deep breaths, slowly, and so I did.

But it didn't help.

Well, it helped when I was a child though.

Ang ending, hindi ako nakatulog ng maayos. Nakapikit ako pero gising ang diwa ko. Hindi nagtagal ay gumayak nalang ako para sa pang-umagang training ngayong araw.

Kasama ko ngayon si Blaze na may hinihigop na strawberry fruit drink papunta sa field.

"Ano'ng meron? Bakit nagkakagulo sa may field?" Tanong ni Blaze sa tabi ko nang matanaw ang field na puno ng tao, animo'y may artista do'n para pagpiyestahan. Pumunta kami do'n at pahirapan pang nakipagsik-sikan para lang makita ang ganap.

Nagulat ako dahil nandito sila Kei. Napalunok ako nang magtama ang tingin namin.

Dumeretsyo nalang ako kanila Cale na nahagip ng paningin ko. Nagsimula na akong mag-stretching ara gisingin ang katawan kahit naiilang ako dahil ramdam kong may nakatingin sa'kin. Ilang minuto pa bago dumating ang instructor at pumalakpak para makuha ang atensyon namin. Binigyan niya lang ng tingin ang Bloodunit at tumango lang sa kaniya si Kei.

"30 laps naman tayo ngayon. 100 push-ups, 100 squats, 20 minutes plank at iisipan ko pa kung magdadag-dag." Ngiting wika ng instructor, 'yung ngiting nakaka-asar. Halatang nang-aasar siya at gusto kaming pagurin. May sama ba siya ng loob?

Madami agad ang nagreklamo sa narinig. Kesyo 50 lang naman daw kahapon tas ngayon 100 na 'yung pagbibilang. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa dahil sumigaw na ang instructor namin, ayaw daw naming kumilos.

Nagsimula na kaming tumakbo pa-ikot sa field. Apat ang field dito sa academy at kada field ay sakop ng bawat rank kaso kung hindi nagsama ang S-rank at A-rank, baka hindi nagt-training ang mga D-rank sa field ng A-rank. Kahit saan naman ata ay may diskriminasyon kapag mababa ang ranggo o status ng isang tao.

Maya-maya pa, tumunog ang speakers sa bauong akademya. "His Holiness will visit the academy in five minutes. Show courtesy and discipline."

Napatigil kami sa pagtakbo para pakinggan ang anunsyo pero nagalit na naman ang instructor namin. "Bakit kayo tumigil?! Galaw!"

Tumakbo kami ulit pa-ikot ng field. Hindi pa rin umaalis sila Kei mula sa kinatatayuan nila. Bakit naman pupunta dito ang hari? Ito ang unang beses na makikita ko siya.

"Line up!" Sigaw ng instructor namin. Nagtaka naman kami kung bakit pero sinunod pa rin namin.

Habol ang hininga kaming pumorma ng linyang pahiga. Nang maka-ayos na kamo ng linya, sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking papunta sa kinaroroonan namin. May katandaan at mahaba ang puting balbas ng umaabot sa dib-dib niya. May korona itong suot at may kwintas namang abot hanggang sa tyan niya na kumikinang at parang naglalabas ng kung ano mang enerhiya. Hindi maganda ang pakiramdam ko do'n.

"Greetings to His Holiness, may the blessing of the Gods be with you," the instructor kowtowed.

He is the King. He's standing before me.

"Greeting to His Holiness, may the blessing of the Gods be with you," the student body said in unison who also kowtowed. Medyo nahuli pa ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Raise your heads," the King said with a smile.

His eyes scanned the students, but he stopped when we made an eye contact. Ako ang unang umiwas ng tingin.

Nakaramdam ako ng kung anong mabigat sa dib-dib ko. Napahawak ako sa dib-dib ko nang maramdamang nahihirapan ako sa paghinga. Pinilit kong itago 'yon sa likuran ng ilang estudyanteng nasa unahan ko.

Yumuko at ipinikit ko ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili pero walang naitulong 'yon. Mas lalong bumibigat ang kung ano mang nararamdaman ko. Hindi ako makahinga. Parang may nakabara sa dib-dib ko at pinipigilan ako no'n huminga.

"Forgive my rudeness, Your Majesty." Hindi ko na nagawang tignan kung kanino nanggaling ang boses na 'yon.

May mabilis na humablot sa'kin at hinawakan ang balikat ko bilang alalay. Napa-angat ang tingin ko Kei na sa daan nakatingin. Inilayo niya ako sa lugar na 'yon.

We reached their headquarters. He scanned his fingerprint and the door opened. Then, he gently sit me on the couch.

"Your necklace is glowing." He said.

Agad akong napatingin sa leeg ko. Umiilaw nga don ang lilak na kulay. Nilabas ko ang suot kong kwintas.

"It's reacting to the King's Divine Magic. Kung wala ka niyan siguradong patay ka na."

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kaniya.

Ito ang kwintas na parati kong suot para itago ang element ko. Ang totoong element ko. Nililimitahan nito ang element ko at tinatago ang presensya bilang isang Tenebran. Binigay ito sa'kin ng reyna bilang proteksyon.

"Because I could also feel it."

"You can do anything, huh?" I uttered.

"The King will surely lay his eyes on you. Avoid his sight. Don't go near him."

"Pwede mo na akong ipapatay. Hindi mo ako isusumbong?"

His lips formed into a small smile, "Do you want to?"

I shook my head. Syempre nagjojoke lang ako!

"Ayon naman pala, e."

"But you can be killed once they found you're helping me." Rason ko.

"Do you really want me to help you or not?" His forehead wrinkled. "I'm aware of my actions, Thalia. I know the consequences of what I'm doing."

I was stunned to hear him call my name.

"What can I do when you trusted me your life..." He whispered with frustration to himself. Hindi ko siya narinig dahil gulat pa rin ako. "I will not let anyone kill you aside from me."