Chapter 12: Going to Light City
"I need to go back."
I heard Kei give a frustrated sigh before looking at me, "I've warned you. Don't go back to me almost dying."
Napatahimik naman ako. Wala na akong masabi. He was right though. I need to stay away from the King.
"Does he regularly visit the academy?" I asked out of curiousity.
"His visit was sudden. He's too busy to do regular visits and check the academt from time to time." He lowered his head, staring on the ground like he was thinking of something.
I inhaled a huge amount of air before letting out a small sigh. Pa'no kung wala si Kei do'n kanina?
"Thank you." I said.
Umangat ang tingin niya sa'kin at binigyan lang ako ng maliit na ngiti.
My heart jumped with glee.
Hinawakan ko ang kwintas ko at pinaglaruan 'yon para maiwasan ang nararamdaman ko ngayon.
"Actually, if you win the duel and become a part of Bloodunit, you'll have access to everything. I'm not always with you." Sumandal siya sa may lamesa at ang isang paa ay naka-krus sa isa. Ang kamay niya ay nasa bulsa niya. "I can even give you a heads-up about Scarlette's swordsmanship."
"Maduga ka," ngumiti ako.
"And I'm not always here to save your life."
"I know..." I murmured.
Maliit lang ulit na ngiti ang binigay niya sa'kin. Ilang minuto akong naghintay kasama siya bago ako tumayo at nagdesisyon na umalis na ng HQ nila. May binabasa siya sa hologram kaya hindi naman ako na-akwardan sa katahimikan namin.
"The King left." The hologram in front of him disappeared as he speak. "And..." he paused. Tila ba may sasabihin pa siya sa'kin pero iniwas niya nalang ang mata niya. "Nevermind. Don't cause trouble."
I stood up when I already felt fine. I smiled at him, "I won't. Thank you."
Hindi na kailangan mag-scan ng fingerprint kapag lalabas kaya kusang bumukas ang pintuan nang papalabas ako. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Cale.
"Nandito ka lang pala." Nakangiti niyang sabi.
Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto sa likod ko at lumabas si Kei, kasunod ko. Lumapat ang tingin niya kay Cale. Umayos naman ng tayo si Cale at ngumiti, bahagya pang yumuko kay Kei.
"Tara na, hinahanap ka ng instructor. Hindi ka raw nagpaalam," ani Cale nang inangat ang ulo niya.
"She's excused." Malamig na banggit ni Kei kaya napatingin sa kaniya si Cale.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam na parang may kuryenteng dumadaloy sa pagtititigan nila at gustong magpatayan.
Pinilit nalang ni Cale ang ngumiti, "Pero mukhang tapos naman na ho, hindi ba?" Tumingin sa'kin si Cale, umaasa sa isasagot ko.
"Oo tapos na. Tara na." Ako na ang nagsalita.
Hinatak ko si Cale bago pa sila magpatayan sa tingin ni Kei.
"Arrogant jerk who thinks highly of himself," rinig kong bulong ni Cale sa tabi ko. Luminga ako sa likod dahil baka marinig siya ni Kei. Buti nalang wala naman na siya do'n.
Hindi ko maiwasang matawa saglit. So even Cale knows that Kei's attitude sucks. Well, in the first meeting, I guess? Hindi naman na gano'n ang trato niya sa'kin ngayon. He's hard too read and it''s hard to know what's going inside his head.
Bumalik kami sa field at nakitang tinuloy pa rin nila ang training do'n. Napansin kong wala na ang Bloodunit do'n.
Buong araw, hindi umalis si Cale sa tabi ko. Pati sa klase na magkasama kami, sa tabi ko siya umuupo.
The sun had settled down and my body was heavy which was unusual. My body is used to this kind of training but for sone reason, mabigat na naman ito. Katulad nalang nung nagkasugat ako sa leeg.
Maybe the Divine Powers are trying to penetrate my body.
"Nasa'n si Aqua?" Hanap ni Rai at naupo sa tabi ni Blaze. Nilapag niya ang tray ng pagkain at kumain. Kasalukuyan kaming nasa dinner hall kasama si Cale at Blaze.
"Hindi ko alam," matipid na sagot ni Blaze. Nagiging tahimik na nga si Blaze nitong mga nakaraang araw, kapag tatanungin ay do'n lang sasagot.
"Wala na raw si Instructor Alicia ah," pagbubukas ni Rai ng topic.
Naging usapin ang biglang pag-alis ni Alice. May mga estudyanteng naghanap at meron namang walang pakielam.
"Ilang linggo lang nga siya, e," sabi ni Cale.
"Sayang, ganda pa naman no'n. Tipo ko, kaso baka matanda na." Bulong ni Rai sa huling mga salita. Napatigil ako sa pagkain at biglang sumama ang tingin ko sa kaniya kahit hindi niya ako nakikita dahil abala siya sa pagkain.
"Landi mo," tumatawang sabi ni Cale.
"Nagsuntukan daw si Aqua at si Captain sa may hallway!" Rinig kong sabi ng ibang babae. Napalingon ako sa kanila nang hindi oras at 'di naiwasang makinig.
"Oo nga! Galit na galit si Aqua!"
"Nasa'n?!"
"Ano ba 'yan! Mga chismosa talaga kayo! Nasa'n daw sila?"
Biglang tumayo si Blaze sa narinig at iniwan ang pagkain. Tumakbo siya kasabay ang mga taong lumalabas ng hall. Mabilis ring inubos ni Rai ang pagkain niya at sumunod kaya sinundan namin sila ni Cale.
Agad din naming nahanap kung sa'n nangyayari ang gulo. Nakipagsiksikan pa kami sa ibang tao para lang makita sila.
Dumudugo na ang labi ni Kei habang hawak ni Aqua ang kwelyo niya, umiiyak. Galit siya habang lumalabas ang mga luha sa mata niya. Hindi niya na ata alintana ang mga taong nanonood sa kanila dahil kay Kei lang nakatuon ang atensyon niya.
"I told you to stop Mom! This is all your fucking fault." Akmang susuntukin ulit ni Aqua si Kei pero pumigil na si Blaze.
"Aqua..." Nangingiyak na tawag Blaze, hawak ang pulsuhan ni Aqua.
Napahinto si Aqua sa gagawin niya at huminto ang kamao sa ere. Umamo ang mukha niya nang makita si Blaze kaya binitawan niya na rin ang kwelyo ni Kei. Nanatiling nakayuko si Kei kahit tinalikuran na siya ni Aqua na naglakad palayo.
Unti-unting nawala ang mga tao, ang iba ay nagbubulungan pa tungkol sa nangyari.
Hinabol ni Blaze si Aqua.
"Nag-away ulit sila," mahinang wika ni Rai sa may likuran ko. Hindi lang itong ang unang beses na nakita namin silang mag-away.
May parang kung ano pwersa ang nagtulak sa'kin para lapitan ko si Kei. Tinignan lang niya ako nung hatakin ko siya. Dinala ko siya sa headquarters namin at kumuha ng first aid kit na nakatago sa cabinet.
Iniupo ko siya sa may couch. Hindi man kalakihan ang headquarters namin katulad sa kanila, okay naman na siguro siya dito 'di ba? Ang mahalaga maluwag at makakahinga siya. Parang hati kasi ang HQ namin, may bilog na table at upuan sa sa kabilang side tapos may mga couch naman sa pagkapasok, katapat ng couch ang table at malaking screen kung saan lumalabas ang hologram. Kumpara sa HQ nila maliit ang sa'min.
Hindi nagsalita si Kei nang i-abot ko sa kaniya ang bulak na may gamot. Ni hindi niya man lang 'yon tinignan dahil nakatingin siya sa kawalan. Anong balak niya? Ako ang maglalagay no'n?
Kinuha ko ang kamay niya para kunin ang atensyon niya at inilagay sa mga daliri ang bulak para siya ang maglagay sa sarili.
Mukhang nagets din naman niya agad kasi pinahid niya na 'yon sa gilid ng labi niya pero hindi mismo do'n sa sugat niya.
"Hindi mo ba ramdam kung saan masakit at kung saan-saan ang lagay mo? Kulang nalang gawin mong lipstick 'yung betadine." Inis kong sambit sa kaniya. Inagaw ko ang bulak sa kaniya at ako na ang nagpahid no'n.
Nanahimik naman siya at hinayaan ako. Bigla tuloy akong na-guilty sa sinabi ko. Panigurado naman wala sa realidad ang utak niya at lumilipad sa ibang planeta.
"Aray," monotone niyang sabi. Hindi ko tuloy alam kung talagang nasaktan siya kaya mas diniin ko pa ang bulak sa sugat niya.
"Aray kako!" Lumayo siya sa'kin.
"'Di ka naman kasi mukhang nasaktan." Bulong ko.
"E ba't kaya hindi rin kita suntukin?" Nakataas ang kilay niyang sabi, nanghahamon.
Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa reaksyon niya.
"Why am I even here?" Umiiling-uling na sabi niya.
"Practice dahil lagi mo akong makikita." Aniko.
"Funny." He showed a sarcastic smile. Sinarado ko na ulit ang first aid nang matapos.
There was a hint of sadness in his eyes, may lungkot do'n na hindi ko maipaliwanag.
Binalik ko ang kit sa cabinet. 'Di ko naiwasang pagmasdan siya mula sa likuran niya na halatang pagod na pagod.
Nagulat naman ako nang bigla siyang humiga sa couch.
"Bumalik ka na kung saan ka man natutulog!" Agad kong sabi.
"Ayoko," tinakpan niya ang mga mata gamit ang braso.
"Huwag ka dito matulog!" Agad ko siyang hinatak para umalis sa couch pero hindi siya natinag.
Inalis niya ang brasong nagtatakip sa mata niya at nakita ko ang kumikinang niyang mata. Hindi dahil sa liwanag kundi dahil sa namumuong luha. Umiwas siya ng tingin. My lips pursed when I saw tears coming out from his eyes.
"Huwag mo akong daanin sa pag-iyak mo," ginaya ko ang linyang sinabi niya sa akin noon at tinalikuran siya.
I heard him chuckle. I just felt my heart skip a beat. Napatingin ako sa kaniya na pinupunasan ang mga mata tapos tinakpan ulit ng braso niya.
"Just get out. I'll leave by morning." He said.
I just felt I needed to do something, making it hard for me to leave. Naupo nalang ako sa ibang couch, malayo sa kaniya. Nilalamig na ang mga hita ko dahil suot ko pa rin ang uniporme.
Wala na akong narinig saming dalawa hanggang sa ipinikit ko ang mga mata ko. Ayokong mahiga dahil makikita ang hita ko kahit nakasuot naman ako ngcycling.
Bigla ko tuloy naalala ang gabing pumasok si Kei at nakita ang mga under garments ko. Bigla akong namula at napamulat. Pumikit din naman ako dahil nakita kong nasa ganong posisyon pa rin si Kei, nakahiga.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako dahil nagising nalang akong nakahiga na ako sa couch. May coat na nagtatakip sa hita ko para hindi 'yon makita. Bumungad naman sa'kin si Kei na may iniinom na tsaa base sa lalagyan at kulay na nakita ko sa iniinuman niya. Saan niya naman nakuha 'yon? May tsaa ba kami dito?
"Anong oras na?" Tanong ko at napatingin sa hologram clock na nasa pader. Nanlaki ang mata ko nang makitang two na ng madaling araw.
Gano'n katagal akong natulog?!
Paano nalang ako matutulog mamaya?!
Sinuri ko ang sarili ko para masiguradong walang nangyari sa'kin at nagpakawala ng hininga nang masiguradong okay ako.
Kei's eyes were a bit swollen but it wasn't that noticable, maybe when you stare at him for a moment.
"What?" His brows furrowed.
"Okay ka na?" Tanong ko.
"Do I look fine?"
"Edi wag." Inalis ko ang coat sa hita ko at iniabot sa kaniya 'yon. Ibinaba niya ang iniinom niyang tasa sa coffeee table. Binalak ko nang iwan siya do'n pero nakita ko nalang ang sarili kong bumabalik mula sa pagkaka-upo.
Pwede naman akong bumalik sa kwarto ko nang walang problema. Nagawa ko na 'yon... kaya bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko?!
"Scared to go back?" Kei teased.
"As if." Umayos ako ng upo sa harap niya at dumekwatro. Nagulat nalang ako nang bigla niyang ibato sa'kin ang coat niya, naka-iwas ang tingin at namumula ang tenga. Napatingin ako sa hita ko at tinakpan 'yon gamit ang coat ni Kei.
Mas lalong naging akward ang paligid namin. Hindi ko nalang pinansin ng nangyari at hindi namalayang nakatulog lang ulit ako at nagising lang dahil sa ingay.
"Ikaw na gumising Cale."
"Why me?"
"Osige ako na."
Paniguradong ako ang tinutukoy nila. Ang lapit ng boses nila sa'kin, .
"Gising na ako," deretsyo kong sabi at bumangon bago tinignan sila Blaze na nagdedebate kung sino ang gigising sa'kin. Tinignan ko ang upuan kung nasa'n si Kei pero wala na siya do'n. Nakalagay pa rin sa hita ko ang coat niya, nando'n pa ang pin niya.
"Dito ka natulog?" Tanong sa'kin ni Cale. "Bakit?"
Irinolyo ko sa braso ko ang coat ni Kei para hindi na nila makita.
Dumako ang tingin no'n ni Blaze at nagtatakang tumingin sa'kin.
"Pa'no niyo nalamang nandito ako?" Tanong ko.
"Sabi ni Aqua nung nadaanan niya kami," sagot ni Rai.
Tumango-tango nalang ako at nag-aya nang umalis. Sinamahan ako ni Blaze pabalik sa dorm. May kaonting oras pa naman bago ang training kaya nakaligo at bihis muna ako. Kapag kasi tapos na ang training, nagpapalit din kami ng regular uniform.
Dalawang araw nalang at start na rin ng Academy Duel.
"Thalia, sabihin mo nga sa'kin ang totoo," bungad sa'kin ni Blaze pagkalabas ko ng kwarto ko.
Bigla akong kinabahan. Pinaningkitan niya ako ng mata, sinusuri ako.
"May relasyon ba kayo ni Captain?" Biglang sabi niya.
Napabuga ako ng hangin. Akala ko naman kung ano...
Akward akong tumawa, "Pa'no mo naman nasabi 'yon?"
"Tinatawag mo lang siyang Kei, tapos nasa'yo 'yung coat niya! Magkasama ba kayo kagabi?!" Intrigang lumapit sa'kin si Blaze para sundutin ang tagiliran ko. "Akala mo makakatakas ka sa'kin, ha!"
"Hindi sa kaniya 'yon," pagsisinungaling ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata, "Nako, e kanino 'yon? Wala ka namang ibang kilala ata sa Bloodunit kung hindi si Captain!"
"Sa kaniya nga pero wala kaming relasyon." Pag-amin ko rin.
"Sinasabi ko na nga ba!" Pumitik siya sa hangin. "Nakakausap mo ba ang Bloodunit?! Bakit hindi mo ako inaaaya?!" Umaktong nasaktan si Blaze pero tumawa rin naman siya. "Tara na nga! Baka malate pa tayo sa training."
Ako lang ata o napapansin ko kasing mukhang masaya ngayon si Blaze. Mabuti naman at mukhang bumalik na siya sa dati. Iyong palaging nakangiti.
Pumunta na kami ng field at nakita si Cale at Rai na naghihintay. Kinawayan pa ako ni Cale para makita namin sila. Nang dumating na ang Instructor, nagsi-tahimik ang mga tao sa field.
Napa-angat ang tingin ko sa nagdidilim na kalangitan at mukhang uulan pa.
"Line up everyone." Ma-otoridad na sabi ng Instructor. Umayos kami ng pila. Napunta tuloy sa may bandang likod si Cale at naiwan naming nasa harapan. Nagmamadali kasi ang mga estudyante. Noong sinulyapan ko siya ay nagthumbs-up lang siya sa'kin para sabihing ayos lang siya.
Pinagkrus niya ang kamay niya. He cleared his throat, "The Academy Duel will be postponed for two weeks to give time to the grieving family of Venice Synivia, mother of Bloodunit's Captain, Kei Synivia, and S-rank Gladiator Aqua Synivia. The Academy requires your presence at the 28th day of the 2nd month of Autumn. The Academy will give a two-day break to all students, everyone will be excused from any duties and mission. Now, let us all lower our heads and offer silence in honor of Venice's memory. May the Gods guide her soul to peace."
Biglang nanlamig si Blaze sa tabi ko. Naka-awang ang labi at tulala habang nakatingin sa kawalan. Nang mabalik siya sa realidad, napuno ng pag-aalala ang mata niyang dumapo kay Aqua.
"P-patay na si—" hindi natapos ang salita ni Blaze nang ilagay niya ang kamay sa bibig dahil sa tindi ng pagkabigla, hindi siya makapaniwala.
Biglang nagflashback sa'kin ang pag-iyak ni Kei kagabi. 'Yun ba ang dahilan no'n? 'Yun ba ang sinasabi ni Aqua kagabi? 'Yun ba ang dahilan ng pag-aaway nila?
We stood silently. Walang nagbalak magsalita. Napatingin din tuloy ako kay Aqua na nakayuko lang habang kagat ang ibabang labi.
"You may now lift your heads." The instructor said. "Training for today is dismissed. Siguraduhin niyo pa rin na gagalaw kayo sa dorm niyo o dadag-dagan ko ang gagawin niyo, nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo!" Sagot ng iba.
May iilang nagbulungan sa habang isa-isang nawala ang estudyante.
"Pa'no namatay ang Mommy nila?"
"Huwag kang maingay baka marinig ka."
"Kawawa naman si Captain, narinig ko hindi pa naman maganda ang relasyon nila."
"Kung magbubulungan kayo, sana 'yung hindi namin maririnig." Matapang na nilapitan ni Blaze ang dalawang babaeng nagbulungan at mapanghamon ang mga itong tinignan. Agad humingi ng pasensya ang dalawang babae ay nagmamadaling umalis.
Tinignan ko si Aqua na nakatayo lang at nagdadalawang isip kung dapat ko ba siyang lapitan.
"Ako na." Malumanay na sabi ni Blaze. Binigyan niya kami ni Rai ng maliit na ngiti bago nagsimulang maglakad patungo kay Aqua. Pinanood namin sila hanggang sa maya-maya ay nakanguso si Blaze dahil hawak ni Aqua ang magkabilang pinsgi, pisil gamit ang isang kamay. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Aqua kahit kabaliktaran no'n ang sinasabi ng mga mata niya.
"Hayaan na natin sila, mukhang 'di naman tayo kailangan." Birong sabi ni Rai habang tumatawa.
"Bebe time." Pagsakay ko sa biro niya kaya mas lalo siyang natawa.
Napatigil lang sa pagtawa si Rai nang may tumawag sa'kin at sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng boses. "Thalia."
"Cale." Bati ko nang makalapit si Cale sa'min.
Biglang kumunot ang noo niya nang makita ako. "Ayos ka lang?"
"Bakit?" I frowned.
"Wala lang, parang ang putla mo. Kumain ka na ba?" Hinawakan ni Cale ang noo ko. "Wala ka namang lagnat. Baka naman wala kang tulog tapos wala kang kain?"
Hindi naman ako nanlalata o ano. Hindi rin mabigat ang katawan ko at pakiramdam ko ayos lang naman ako. Binalingan ko si Blaze at mukhang napansin niya 'yon dahil binigyan niya ako ng tango. Hindi na kami nagbalak lumapit sa kanila.
"Mauuna na ako sa dorm." Paalam ko sa dalawa.
Tumango si Cale, "Kumain ka tapos magpahinga ka."
"'Yan tulog pa more sa HQ."
Nginitian ko ang biro ni Rai bago sila iniwan.
Nasa kalagitnaan na ako nang hallway nang may humatak sa kamay ko.
"We're going to Light City." He said. Bigla akong napalinga sa paligid para makita kung may may nakakarinig ba sa'min. Mukhang halos lahat ng training ay cancelled kaya walang tao sa hallway at mukhang nasa kaniya-kaniyang dorm para sulitin ang araw.
Nanlaki ang mata ko, "Anong sinasabi mo?!" Bahagyang tumaas ang boses ko at tinakpan niya naman ang bibig ko, magkasalubong pa ang kilay. Inalis ko ang kamay niyang nasa bibig ko. "Teka nga, para saan? Hindi ako pwedeng umalis ng academy."
"You need informations about the Crystal, right?" He asked. I nodded as an answer. "I know someone who can help you."