Chereads / Death's Shadow (TAGLISH) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14: A Little Closer

"Ugh.. I really hate portals."

Reklamo ni Miko habang tinatahak na namin ang daan pabalik sa bahay. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga nagkalat na tindahan dito.

"Bukas kaya si Yumi?" Tanong ni Miko kay Kei. "Pwede pumunta?"

Napalingon agad ako kay Miko dahil nagpaalam siya. Mariin akong tumingin kay Kei, hinihintay ang sagot niya kung papayag ba siya.

Napansin ata ni Kei ang tingin ko, ginamit ko ang mata ko para makipag-usap na pumayag siya pero nang maalala ko ang nangyari kanina, bigla akong napaiwas ng tingin at biglang nakaramdam ng init. Hatinggabi pero ang init naman.

Hindi nagsalita si Kei kaya nagpatuloy kami sa paglalakad nang huminto kami sa isang bakery. Agad kong naamoy mula sa labas ang bagong lutong tinapay kaya nakaramdam ako ng gutom.

"Tara, Thalia! Ito ang pinakapamasarap na bakery sa balat ng lupa!" Hinatak ako sa loob ni Miko.

"Welcome to Luminous Bakery!" Bati sa'min pagkapasok.

"Yumi!" Masayang bati ni Miko at kumaway sa babaeng nasa counter. Napansin 'yon ng babae at kumaway din pabalik kahit may lumapit sa kaniyang customer.

Lumapit kami sa counter ni Miko.

"May date?" Natatawang biro ng babae. Agad umiling si Miko at may tinuro sa labas gamit ang bibig, tinignan 'yon ni Yumi at tumango-tango. "Usual order ba?"

"Yup." Masayang sagot ni Miko.

Kumuha siya ng pera at nagbayad kay Yumi. Do'n ko naaalalang wala pala akong dala kahit anong halaga ng pera.

May iniabot na tatlong paperbag si Yumi at binigay 'yon kay Miko. Binigay naman sa'kin ni Miko ang isa, bagay na ipinagtaka ko.

"Salamat." Pagpapasalamat ko kahit alanganin akong tinaggap 'yon.

"Tikman mo, libre ko sa'yo yan. Mahilig si Kei sa cupcake na 'yan, pati na si Aqua." Chinenck ni Miko ang laman ng dalawang paperbag. Nagpaalam na siya kay Yumi at gano'n din sa'kin, medyo nahihiya pa ako nung magpaalam ako sa kaniya.

"Buti nalang anjan si Yumi! May pasobrang isa!" Kumuha ng cupcake si Miko at kumain.

Pagkalabas namin, naabutan namin si Kei sa harap ng flower shop at pinagmamasdan ang mga bulaklak na nando'n.

"Thalia, pakibigay nalang nga 'to kay Kei. Tinatawag ako ng kalikasan." Nagulat ako ng ilagay ni Miko sa kamay ko 'yung isang paperbag at nagmamadaling tumakbo, kumakain pa rin ng cupcake niya.

Bakit ako pa ang magbibigay?

Sinulyapan ko si Kei na nakatayo pa rin do'n ay nakatitig sa bulaklak na ang kulay dilaw. It was bright and cheery. The brilliant yellow petals reminded me of the sun.

I approched Kei, handing him the paperbag. Tinignan niya muna 'yon bago kinuha.

"What's this?" I asked, pointing at the yellow flower that caught my attention.

"That's a sunflower." He answered.

Sunflower. Kaya pala. Sun.

Napatingin ako sa ibang bulaklak pa na nakalagay bilang display. Unang beses ko lang makakita ng ganitong kagandang mga bulaklak. Gusto ko sana bumili pero wala akong dalang pera.

"Is it beautiful?" Kei questioned.

"It is." I happily said.

A smile crept on my face when I stared at the sunflower. It was vibrant, ang ganda nito.

"Do you want one?"

Bigla akong napatigil sa pagtitig sa sunflower at napalingon agad kay Kei. Umiling naman ako bilang pagsagot.

"My mother used to love sunflowers." He smiled. My heart instantly pounded when he smiled. It was just a smile. What is happening to me? "She said that it reminds her of the sun, that it will always rise and to remind her the beginning of a new day to step forward."

Natulala ako habang nagsasalita siya. My heart started to beat faster when I noticed the warmth in his eyes. I averted my gaze, hoping that it would calm my heart.

Why am I feeling this? It wasn't just because of his smile, but the warmth I'd seen in his eyes was a different kind of warmth. It was full of love and affection. Ever since he came back, it felt like he changed. What happened?

"Try our new shooting game and win a stuff toy!" Nagulat ako nang may nagsalita at binigyan ako ng flyer.

Tinignan ko 'yon at sinasabing may shooting game silang inaalok.

"Do you want to explore the city?" Tanong ni Kei nang mabasa ang flyer na hawak ko.

Tumalon sa tuwa ang puso ko pero hindi 'yon pinahalata.

"Hindi na..." Kunwaring tanggi ko.

Pilitin mo ako. Baka marami pa siyang gagawin at hindi kasama 'to sa schedule niya.

"Okay." Kaswal na sabi niya.

Napa-awang naman ang bibig ko. Mabilis ko siya pinigilan nang tumalikod na siya para umalis. "Syempre gusto."

Dumako ang mata niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Agad ko namang inalis 'yon.

He lightly chuckled, "Let's go."

My heart jumped out of glee and a wide smile formed in my lips.

Nagsimula kaming maglakad at ako naman ay humihinto-hinto para tignan ang mga stall na may minsan tindang mga alahas. Nadaanan namin 'yung shooting game na nakalagay sa flyer. Ang daming tao do'n.

Lumapit si Kei at naglabas ng pera, "For two."

Nanlaki ang mata ko pero hindi naman nag-react si Kei. May nilagay na dalawang laruang baril sa harap namin. May mga malapit na target at meron ding malayo.

Itinutok ko ang baril sa mga target at sinubukang paputukin 'yon pero nagtaka ako nang walang lumalabas na kahit ano do'n.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Kei, "Ikasa mo kada tira." Kinuha niya ang baril mula sa kamay ko at hinatak ang itaas na bahagi nito, nang itinutok niya 'yon sa isang, lumabas na ang isang maliit na bola at napatumba ang target.

Namangha ako dahil malayo 'yon. Ikinasa niya ulit ang baril at binigay sa'kin, "Try it."

Sa sinabi niyang 'yon, itinutok ko ang baril sa isang target. 'Yung malapit lang. Nang natantya ko na ang layo nito, pinaputok ko na ito pero hindi tumama. Napanganga nalang ako dahil hindi ako makapaniwala.

Tumama 'yon! Kitang-kita kong dumaplis sa gilid ng target pero 'di yon nahulog!

Hindi ako sanay gumamit ng baril. Ginaya ko nalang ang ginawa ni Kei at muling tumutok sa target. Ngayon naman, 'yung mas malapit pa.

I fired the gun. I jumped when I hit the target. Ilang beses ko pa 'yon ginawa at mas lalong natuwa dahil napapatumba ko 'yung malalapit na target. Pinanood lang ako ni Kei at tinignan ko siya, "Hindi ka maglalaro?"

"Ikaw muna." Sabi niya.

Ikinasa ko na ang baril at tumutok pero wala nang lumalabas na bala. Ikinasa ko ulit 'yon pero wala na talaga.

"Ubos na." Komento ni Kei sa tabi ko.

"Ikaw naman." Masayang wika ko. Gusto kong makita kung paano ang gagawin niya.

Kung titignan ko lang 'yung mga naglalaro, parang ang dali-dali pero kapag actual na ay mahirap! Akala ko nga magagawa kong magpatumba kahit isang malayong target.

Kei aimed at the farthest target. My eyes encircled when he pulled the trigger and the target disappeared.

"Show-off." I jokingly said.

Hindi niya ako sinagot pero ngumiti siya tapos sunod-sunod niyang ipinatumba ang pinakamalalayomg target. Maski ang nagbabantay sa loob ay nakabuka ang bibig dahil sa pagkamangha.

Sa'n kaya siya natuto humawak ng baril? Hindi pa masyadong malawak ang mga gumagamit ng tunay na baril pero nakakita na ako no'n. Nasubukan ko na ring sumangga ng bala nito at mabilis 'yon nalusaw dahil sa element ko.

Dumami ang taong nanonood kay Kei. Lahat kami ay namangha sa kaniya. Maski ako, hindi ko itatanggi ang sayang nararamdaman ko kada may mapapatumba siyang target.

"Anong premyo ang gusto niyo?" Tanong kay Kei nang matandang lalaki.

Humarap sa'kin si Kei, "Ikaw?"

Napakurap ako sa sinabi niya.

"Ikaw. Anong gusto mo?" Pag-uulit niya ng tanong ko.

Tumingin naman ako sa mga premyong nakahilera. Napatingin ako sa keychain na premyo ko at 'di naiwasang ikumpara 'yon sa mga premyong pwedeng kunin ni Kei.

"Eto nalang!" Kinuha ko 'yung pagkain na sama-sama sa isang paperbag. Wala akong dalang pera at wala akong pambili ng pagkain!

Inasikaso ako nung matandang lalaki at binigay ang pinili ko. Nagpasalamat kami ni Kei bago kami umalis.

Napunta naman kami sa isang dart at balloon naman ang papaputukin do'n. Mabilis kong hinatak si Kei do'n.

"Kapag nanalo ako, bibigyan mo ako ng premyo." Paghahamon ko. Confusion crossed his face. "Pera lang kaya 'di mo kailangan maging problemado!" Dagdag ko pa.

Eto na ang oras para makabili ako ng mga pagkaing kanina ko pa nakikita. Wala pa akong kain 'no! Ayoko pang kainin ang cupcake na bigay ni Miko.

"Pero... libre mo muna ako dito." Mahinang sambit ko.

Bigla siyang tumawa. "What are you thinking?" Iling-iling sambit niya at naglapag ng pera sa harap. Binigyan kami ng sampong dart.

Madali lang 'to. Ipwinesto ko ang sarili ko at isa-isa 'yong binato. Lahat 'yon ay tumama kaya bigla akong napatalon at humawak sa braso ni Kei, inalog-alog ko pa siya. "Nanalo ako! Nanalo ako!"

"I haven't tried it yet."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Nagsimula na rin siyang magbato ng darts at mas lalo akong napasimangot dahil lahat 'yon ay tumatama hanggang sa natapos niya ring natamaan niya lahat.

Agad akong tumalikod at iniwan siya. Narinig ko siyang tumawa at hinabol ako. May nilagay siya sa kamay ko, pera 'yon.

"That's your prize." Nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya. Kahit hindi ko siya natalo, atleast tie kami kaya hindi 'yon masama sa loob ko. Malugod ko 'yong tatanggapin!

"Thank you!" I said.

Finally! I can pay for the foods I want!

Huling punta ko naman na siguro rito kaya dapat sulitin ko na 'di ba?

Paniguradong hindi na ako makakabalik dito.

"How about me? Don't I get a prize?" He asked. Lumingon ako sa tindahang pinaggalingan namin kanina nang maalalang may mga premyo do'n kapag nanalo kami.

Bumalik ako sa pinagmulan naming tindahan at mukhang hinihintay ako nung babaeng nagbabantay do'n. Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko kaya pinili ko 'yung maliit na teddy bear, magkasalubong ang kilay at nakanguso. Galit pero cute.

Nagpasalamat ako at binalikan si Kei. Iniabot ko sa kaniya ang teddy bear na puti. "Eto! Premyo nating dalawa 'yan pero okay na ako sa bigay mo."

He stared at it. I even moved my hand for him to take it, until, he finally accepted it. "What do you want to name it, then?"

"Kei the second!" I laughed. Kinuha ko ang kamay niyang hawak ang teddy bear at nilapit 'yon sa mukha niya. "See. You both look grumpy."

"I'll name it Lia." He said, inilayo niya 'yon sa mukha niya at pinagmasdan.

"Bakit 'yon?"

Bakit kaya Lia? Dahil ba tatlong letters lang din tulad ng pangalan niya?

"Someone who was also grumpy during our first meeting." He flashed a smile.

I see... sino kaya 'yon?

Hinatak ko siya bigla sa isang food stand. Mais 'yon na nilalagyan ng cheese at ang bango ng amoy.

"Eto ang premyo ko sa'yo." Galak kong sabi.

Kinuha ko ang perang binigay ni Kei at bumili ako ng dalawa. Hindi ba galing din sa kaniya 'yon dahil pera niya 'yon? Hayaan ko na, ako naman ang bumili.

Pagkatapos bumili, nagsimula kaming maglakad. Napuntahan namin ang kalagitnaan ng bayan kung saan may fountain sa gitna.

May mga taong nagpipicture do'n. Kaya lang, napansin kong laging pares. Babae at lalaki.

"Bakit parang lalaki at babae lang ang nagpapakuha ng litrato?" Sumubo ako ng mais na binili namin, nakalagay ito sa plastic cup.

Kei shrugged. Kumuha siya rin siya ng mais at kinain 'yon. Natawa ako dahil mukha siyang bata kasi ang liit nung libreng kutsara para makakain ng mais.

"Kayong dalawa!" Tawag sa'min ng matandang lalaking kumukuha ng litrato. "Gusto niyo rin ba magpakuha?" Nakangiting alok nito.

"Tara." Aya ko Kei. Hinatak ko siya palapit do'n sa may fountain.

"Sigurado ka?"

"Hindi naman na ako makakabalik dito..." Mahinang sabi ko sa kaniya.

Hinintay kami ng matandang lumaki para umayos ng pwesto. Magkatabi kami ni Kei at hindi siya nakatingin do'n sa hawak ng matanda. Itinago ko ang mga hawak ko sa likuran ko at humanda para ngumiti. Unang beses kong magpapakuha ng litrato dahil hindi naman uso ang ganito sa Tenebrae. Ang uso do'n ay pagpipinta.

Biglang lumikha ng tunog ang hawak ng matandang lalaki at nagbigay ng nakakasilaw na ilaw. Muntik pa akong mapapikit. Lumapit siya sa'min at binigay ang litrato. Nagbigay din siya ng isa kay Kei.

Nag-abot si Kei ng pera at nginitian ito ng matanda. Kailangan palang bayaran 'yon? Akala ko libre lang 'yon.

Lumapit sa'kin ang matandang lalaki at nagbigay ng susi. Maliit lang 'yon. Nagtataka akong tumingin dito. Para saan 'to?

"Sabay niyong itapon 'yan, iha." Paliwanag nito. Tumingin ako sa fountain kung 'yun ba ang tinutukoy niyang tapunan namin. Tumango naman ang matandang lalaki.

May hawak din si Kei pero 'di ko makita 'yon dahil nakatago sa kamao niya. Ipinakita ko sa kaniya ang susi, "Tatapon natin 'to?"

Tumango si Kei. Nagbilang ako pero mas nauna akong magitsa ng susi do'n sa fountain. Nahuli si Kei dahil mukhang napilitan lang siya.

"Sana ay mas maging matatag pa ang pagmamahalan niyong dalawa." Wika ng matandang lalaki sa'min matapos namin ibato ang susi at naglakad na palayo para kuhanan pa ng litrato ang iba.

Ano raw?

I looked at Kei, confused. He was averting his gaze and his ears were completely red. Bigla na rin siyang naglakad palayo kaya sumunod ako.

"Thank you for showing me Light City." I said.

Tumango lang siya. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa daang nilalakaran namin.

Bigla akong napangiti habang naglalakad kasama siya. Komportable ako sa kaniya kahit alam niya kung ano ang katauhan ko. I feel a little closer to him. Kaonti lang, sapat para hindi na mangamba kung papatayin niya ako.

We walked silently. However, we already reached the end of the road. May iilang kahoy na naghaharang para hindi mahulog dahil paangat ang lupa na'to. Kumbaga, maliit na bundok at sa baba ay mataas na bangin.

May upuan do'n kaya naupo ako. Gano'n din si Kei. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"I had fun." Biglang sabi niya.

"Ako din." Wika ko.

Maya-maya pa, biglang umilaw ang kalangitan at nagpakita do'n ang iba't-ibang kulay. Ano ang tawag sa gano'n?! Ang ganda.

"Walang ganyan sa Tenebrae." Saad ko. Napatikom naman ako ng bibig. Nakalimutan kong baka may makarinig sa'min.

Pinagmasdan ko lang kung pa'no nagkalat ang matitingkad na kulay sa kalangitan kahit may nakakabinging tunog kada magpapakita 'yon.

"Wala ring ganyan dito sa Lumiere." Rinig kong sabi ni Kei.

Tumingin ako sa kaniya at nahuling nakatingin siya sa'kin.

The colors from the sky reflected in his eyes. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa.

Napalunok ako habang nakikipagtitigan sa kaniya hanggang sa ako na ang unang umiwas ng tingin. I stood up but ended sitting again because my legs were weak. Nawalan 'yon ng lakas. Why am I starting to feel like this?

Natatakot ako sa kung ano pa ang pwede kong maramdaman sa susunod. Hindi ko 'to ginugusto. Hindi 'to kasama sa plano ko. Mapapahamak ako... si Kei... kapag nagpatuloy 'to.

Noong una okay naman, ah. Hindi ko gusto ang ugali niya nung una.

Bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya sa'kin?

Natapos na ang nakakabinging tunog na nanggaling sa kalangitan at nagdilim na ulit ang paligid.

"Tara na." Naramdaman kong tumayo si Kei at naglakad.

Pinauna ko siya at pinagmasdan ang likod niya. I glanced back at the sky that was once filled with mesmerizing colors.

Lumiere is such a beautiful kingdom. How I wish that the people from Tenebrae could see how lively and bright Lumiere is. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang maging magkalaban ang dalawang kaharian.

And that thought just made me remember why I shouldn't feel this things...

Light and Dark cannot share together.