Chapter 10: Escape
"Use your sword idiot. It would be easier to climb it," humakbang muna siya palayo ng ilang metro bago tumakbo. Summoning his sword, he struck it to the tree. Ginawa niya 'yon para makuha niya ang pwersang kailang upang ilagay ang katawan sa ere at kontrolin 'yon para mapunta sa itaas ng puno. Lumipad siya sa madaling salita. Kahit wala siyang pak-pak.
Kaya pala gano'ng kabilis niya maakyat baba 'yon. Sinisira niya ang puno 'to sa ginagawa niyang pagsaksak. Trees have life. Hindi niya ba alam 'yon? Kawawa naman ang walang labang puno na 'to pero ayos lang 'yan.
Naaawa pa ako pero gagawin ko rin naman... patawarin sana ako ng puno. Ayaw ko naman siyang saktan pero kailangan.
"Use the sword," he pointed his sword using his lips which was out of his character. I was dumbfounded with his actions. Anong nangyari sa kaniya? Obviously, we're making a conversation here... again.
Tulad ng ginawa niya, lumayo ako ng ilang hakbang bago tumakbo at ginamit din ang espada niya. Sa paghawak ko no'n, nakaramdam ako ng kuryente pero buti nalang ay napunta na ako sa itaas ng puno. Ginaya ko lang kung paano siya umakyat.
Napatingin ako sa kamay ko dahil parang nando'n pa rin ang kuryenteng naramdaman ko. Saglit lang 'yon pero ramdam ko ang pwersa.. na para bang kung sa oras na nagtagal ang paghawak ko do'n ay itutulak ako nito palayo.
"Shit." Kei cursed.
Napatingin ako sa biglaan niyang pagmumura. Hawak niya ang kamay at ikinuyom 'yon tas binuksan ulit. Ilang beses niyang ginawa 'yon hanggang sa tinigilan niya na.
He shook his head, "Aren't you forgetting something, idiot? You could've died the moment you touched my sword. The Gods blessed my sword."
Tinalikuran niya ako para mahiga sa sanga.
I gulped. Hindi ko naman alam! Gano'n ba dito sa Lumiere? Binabasbasan ang mga weapon nila? Bakit noong muntikan niya na akong pugutan ng ulo wala naman akong naramdamang gano'n?
"And who's in the right mind to trust an enemy?" Dagdag pa niya.
Inilagay niya ang kamay sa likod ng ulo bilang suporta sa paghiga niya. Wala bang langgam ang puno na 'to? Sana meron at kagatin siya.
Ipinikit niya pa ang mga mata niya at pinagkrus ang mga binti, komportableng-komportable siya sa pagkakahiga niya.
Kung alam niya lang, maari ko siyang patayin ngayon. Gusto ko tuloy subukan kung ga'no kalakas ang pakiramdam niya.
Tahimik kong sinummon ang espada ko at walang ingay na nilapitan siya. Ilalagay ko na 'yon sa may leeg niya pero dumilat siya kaya napahinto ako. He summunod his sword to push mine away.
I made him stood up and almost lose balance. After finding his balance, he unsummoned his sword as if he was not in the mood to fight. Hindi ko pa rin inaalis ang mahigpit na pagkakahawak ko sa espada ko.
"You really like breaking rules, don't you?" he smirked.
He took a step forward, however, I did the opposite. I lifted my sword as a caution for him to not take a step forward anymore.
Palapit lang siya nang palapit habang ako naman ay lumalayo. Bakit nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong wala na pala akong lalakaran sa huling hakbang ko. Nasa kaduluhan na pala ako na sanga.
Mahuhulog na talaga ako! At kapag nahulog ako, siguradong mababali ang buto ko. Masyado nang mataas 'to hindi tulad kanina.
"Stupid," I felt a hand surrounded my waist. Hinatak ako ni Kei palapit sa kaniya para mailayo ako sa dulo ng puno.
Hawak niya ang kamay kong may hawak ng espada para ilayo 'yon sa mukha niya habang ang isa naman ay nakasuporta sa beywang ko.
Our eyes met. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko at umiwas ako ng tingin.
"And I've been breaking rules, too." Kei smirked before letting go of my waist. I unsummoned my sword because of what happened. So his senses are extraordinary... as expected.
He was shaking his head from right to left before going down. Iniwan niya ako sa taas ng puno at naglakad na siya palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin.
Pagkalayo niya, pinagmasdan ko muli ang kamay kong nakaramdam ng kuryente kanina. Kung napatagal ang hawak ko baka hindi na ako humihinga. Magkaiba ang dugo ng Tenebran sa mga taga-Lumiere. Iba magreact ang katawan namin sa mga tulad nila.
Paniguradong doble ang sakit na mararamdaman ko sa oras na malaman nilang galing ako sa Tenebrae. Hindi ako pwedeng madikit sa kahit ano mang uri ng bagay na may basbas ng mga Diyos at Diyosa.
Buti nalang ay binigyan ako ng proteksyon ng Reyna sa pagpunta ko dito.
Noong hinawakan ako ni Kei, wala naman akong naramdamang kuryente.
Habang pinapanood ko ang likod ni Kei, hindi ko maiwasang kausapin ang sarili ko. "Sino ka ba talaga? Bakit hindi mo pa rin ako pinapatay?"
Hindi naman porket mataas ang ranggo niya ay may karapatan siyang hayaang mabuhay ang isang Tenebran. Lumalabag na siya sa batas at paniguradong paparusahan siya ng mga Diyos.
O 'di kaya, gano'n talaga siyang kalakas para hamunin ang mga Diyos.
Iwinaski ko nalang ang mga tanong sa isip ko. Ngayong alam ko na kung paano ako makakaayat dito, sunod kong balak puntahan ang sinabi ni Blaze na may lawa pero hindi pa ako nakakalagpas ng likod ng akademya ay may mga gwardyang nakabantay na roon para sa kaligtasan ng akademya at ng palasyo.
Dalawa lang sila roon pero nakasuot sila ng mga armas na gawa sa metal. Mukhang mabigat ang mga 'yon at mas matibay kumpara sa mga pumuntang kawal noon sa Enchanted City.
Nakita ko nga ang lawa pero sa malayong distansya lang. Sa palagay ko ay kaya namin 'to ni Alice. Papatulugin ko ang mga nagbabantay sa likod na akademya at pupunta sa may lawa. May puno nga roon na pwedeng akyatin para rin makatawid sa bakod.
Bumalik na ulit ako sa dorm nang makunpirma ang lugar.
Kinabukasan, maaga akong gumising para maglibot sa eskwelahan. Parehong side ng eskwelahan ang tinignan ko kung maakayat ba namin ang mga nagtataasang pader pero imposible.
Kahit abala ako sa paghahanap ng ibang paraan para makaalis si Alice dito, hindi naming naiwasang magkita sa corridor dahil class hours na pero umakto kaming normal at parang hindi magkakilala.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Nabalik ako sa realidad ng bigla akong sigawan ng intsructor namin.
Napansin kong lahat sila ay nakaposisyon nang sumuntok at may mga kapares, habang ako, may lalaki sa harap ko na hindi ko naman kilala at nakapormang depensa.
"Kung hindi mo seseryosohin ang training na'to, pwede ka nang umalis," minata ako ng instructor.
"Sorry, Instructor Ramon," yinuko ko pa ang ulo ko bago nanghingi ng paumanhin at umayos na rin para umatake.
Matapos ang physical training namin kanina, sumunod naman ang physical combat na nangyayari ngayon. Hindi naman nanibago ang katawan ko sa dami nang pinagawa nila. Pinagexercise nila kami ng isa't kalahating oras. Ngayon, isa't kalahating oras ulit para naman sa pakikipaglaban ng kapwa estudyante.
Hand-to-hand combat lang daw muna dahil hindi naman daw lahat ng oras ay makakayanan naming magsummon ng sword.
Nagsimulang magbilang ang instructor na sinasabayan namin at kada may magkakamali, uulit kami sa umpisa. Para kaming nagsasayaw, ang pinagkaibahan lang ay nakikipagsuntukan kami at dumedepensa.
"Attention!" Itinaas ng instructor ang kamay niya para makuha ang atensyon namin. Napatigil kami para tignan siya. "Stand at ease."
Lahat kami ay umayos ng tayo at napatingin sa bagong dating.
"Greetings, Headmistress," yumuko ang instructor sa bagong dating na Headmistress at may grupo ng estudyante sa likuran niya. Hindi lang basta grupo dahil parang isang buong klase ang dala niya.
"A joint practice with the A-rank students would be good, right?" The Headmistress plastered an angelic smile.
Odd.
The Headmistress glanced at the man behind him, to be in fact, it was Cale. I noticed the resemblance between the Headmistress and Cale. Are they related?
Pero magka-iba sila ng surname.
"I hope you don't mind," Cale took a step forward. Parang siya ang naging representative nila.
"Pleasure," Aria spoke on behalf of us.
Naghiwa-hiwalay na ang mga A-rank at tahimik lang naman kami hanggang sa magsalita ang instructor namin kung kanino kami mapapartner. Sa madaling salita, S-rank laban sa A-rank.
Nakatayo lang ako sa isang gilid dahil nag-aanounce ang instructor ng partner. Meron siyang listahan do'n na binigay ng Headmistress bago siya umalis.
"Aba, aba. Mukhang matatalo ako," kamot ang ulo na papunta si Cale sa direksyon ko. 'Wag niyo sabihing siya ang makakalaban ko?
Huminto siya sa harap ko bago ako binigyan ng ngiti, "Mercy po ha."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya at umiling. Maya-maya pa, nagsabi na ang instructor nang pagsisimula kaya naghanda na kami.
Dahil depensa si Cale, ako ang unang sumugod sa kaniya pero hinarangan niya lang. Ilang beses akong naghanap ng opening para umatake pero magaling siyang dumepensa.
Aminado naman akong nililimitahan ko ang kakayanan ko pero hanggang sa'n kaya kakayanin ni Cale?
I clenched my fist and tried to attack with great force but he managed to defend it again no matter how hard I try. I smirked. I kicked his ankle which made him almost lose balance, and when I saw him losing his balance, I took it as an opportunity to attack. I took one of his arm, twisting it behind his back and made him kiss the dirty field. Nakaupo pa ako sa kaniya para masiguradong 'di na siya makakatayo. Talagang naupo pa ako sa likuran niya para 'di siya makawala.
"Sabi ko mercy! Teka masakit!" Pinagpapapalo niya ang lupa gamit ang isang kamay at sumisigaw.
Binitawan ko na siya at umalis sa pagkakaupo dahil sa sigaw niya. Naagaw namin ang atensyon ng instructor kaya nilapitan niya kami.
"Points to Erica Thalia," wika nito habang may sinusulat na kung ano sa dala niyang libro.
I offered my hand to help Cale stand up. He accepted it at pinagpag ang dumi na nasa damit niya. Napansin kong may parang maliliit na bato at dumi sa buhok niya kaya nilapitan ko siya para tanggalin 'yon.
Natigilan siya sa ginawa kong paghawak sa buhok niya.
"Sorry, may dumi," rason ko.
Baka ayaw niyang hinahawakan ang buhok niya.
"Hindi, okay lang," he smiled.
Pagkatapos no'n, nagpalit na kami. Ako naman ang depensa at siya naman ang atake. Hindi rin naman kami nagtagal dahil ni-isa sa mga atake niya ay walang tumama.
Hindi sa nagyayabang pero ang hina niya umatake. Pakiramdam ko pinipigilan niya lang ang sarili niya. Dahil ba babae ako?
Pero okay na rin 'yon dahil ayoko na ring mahirapan. Naupo muna kami ni Cale sa lupa habang pinapanood ang iba namin kasama na nakikipaglaban din. Binigyan nila kami ng damit na appropriate para sa training—jogging pants tsaka black shirt na may malaking print ng logo ng school sa harap, gano'n din sa gilid ng jogging pants.
"Gusto mong tubig?" Tanong ni Cale.
"Okay lang," tipid kong sagot.
Tumayo naman siya para pumunta sa kung saan. Pagbalik niya, may dala na siyang dalawang bote ng tubig at inabot sa'kin ang isa. Nakasukbit din ang bag sa balikat nya.
"Hindi ka pa magpapalit? Baka matuyuan ka ng pawis." Uminom siya ng tubig na dala niya.
Binuksan ko rin ang akin at uminom. Parang nawala nang bahagya ang pagod na naramdaman ko nung uminom ako.
Hindi ko naiwasang mapatingin sa sarili ko. Ang dumi na ng damit ko at nanlalagkit na ang balat ko dahil sa pawis.
"Mamaya nalang. Hihintayin ko pa sila Blaze," sabi ko. "Ikaw? Hindi ka ba magpapalit?"
"Dinala ko na rito."
Kinuha niya ang bag niya na nasa balikat at binuksan 'yon. Nilabas niya ang black shirt na katulad ng suot ko pero halatang malinis 'yon. Wala ngang kalukot-lukot.
"Dito ka magbibihis?" 'Di ko naiwasang magtanong.
"Bawal ba?"
"H-hindi naman," aniko at umiwas ng tingin.
Bumalik lang ang tingin ko sa kaniya nang makitang may ibang mga babae ang nakatingin sa lalaking katabi ko. 'Don ko nakita ang hubad niyang katawan! His muscles were defined and my eyes landed on his perfect 6-pack abs. May v-line pa doon sa bandang ibaba. What the hell. For pete's sake.
I avoided my gaze. It felt like a sin to watch him dress.
Halos tumulo na ang laway ng mga babaeng nanood.
"Magpalit ka na kasi. Init na init na 'yung katawan mo, namumula ka na."
Hindi ko alam kung bakit kailangan sabihin ni Cale na namumula ako. Hindi ko siya nagawang tignan at mabilis na tumayo. Ni hindi pa nga ako nakapagpaalam at pumunta sa locker para kunin ang damit ko. Umiinom pa akong tubig habang nasa daan para mabawasan ang sinasabi ni Cale na pamumula ko.
I reached my locker in no time, nilagay ko do'n ang passcode ko para mabuksan at kinuba ang extra shirt na katulad ulit ng suot ko ngayon. Hindi nga masasabing nagpalit kung hindi lang marumi ang gamit ko ngayon.
Dumeretsyo ako ng cr para makapagpalit. Nasa loob ako ng cubicle nang marinig ang pagpasok ng grupo ng kababaihan base sa dami ng naglalakad.
"Narinig ko lang sa may Academic Office pero absent raw ngayon si Instructor Alice. Favorite ko pa naman ang subject na dahil do'n lang may actual na ginagawa."
"Gano'n? Ayoko naman do'n. Kabago-bago ang daming pinapagawa."
"Nagsisigaw sila do'n sa may Academic Office. Wala akong marinig, e."
Napatahimik lang sila nang lumabas ako ng cubicle. Tumingin sila sa'kin sa salamin at gano'n din ang ginawa ko. Parang nagtinginan pa sila dahil narinig ko ang pinaguusapan nila.
Lumabas din ako pagkatapos kong maghugas at napuno ng katanungan ang isip. Nasa'n si Alice?
Nilagay ko sa locker ang marumi kong damit para kuhanin mamayang pagbalik ng dorm at bumalik na ulit sa field.
Karamihan sa kanila ay naka-upo na at mukhang naghihintay nalang sa sasabihin ng instructor.
Lumapit ako kina Blaze at Rai na magkasama, pati si Cale ay kasama nila. Si Aqua ay nasa malayo parte ng field, ibang grupo ang kasama pero wala pa ring bakas ng interes sa mukha niya.
"So kapag ba tumakas ako sagot mo ako?" Rinig kong tanong ni Blaze kay Cale nang makalapit ako.
Natawa naman si Cale, "Hindi pwede."
"Edi lagi kayong puyat?" Si Rai naman ang nagtanong.
"Hindi naman. May shift din naman kami pero nasanay na akong araw-araw para masigurado ko." Sagot ni Cale.
"Kung ako pala 'yon hindi ko matatagalan." Sambit ni Rai.
"Kahit saan naman tulog ka, e." Umirap si Blaze.
Nagdaan ang mga araw na gano'n lang ang ginagawa namin. Sa umaga, pagod agad. Umonti nalang ang klase namin ngayon dahil nakakain ng training. Hindi naman daw required ang training pero sumali na rin ako para maigalaw ko rin ang katawan ko.
Mamayang hatinggabi na ang pag-alis ni Alice. Nakita ko siya kahapon pero parang ang dami niyang iniisip. Hinintay ko lang na matapos ang oras at mas nagtagal kami ngayon sa training. 'Yung mga students naman na may penalty, pinapalo nila ng manipis na kahoy na parang bamboo para daw tumaas ang endurance nila.
'Yon ay kapag tatamad-tamad ka sa training. Masakit pero... malaking tulong nga 'yon sa pakikipaglaban.
Sumapit na ang gabi at nag-ayos na ako ng gamit. Sumabay ako kay Blaze papunta ng dinner hall. Nakita ko naman si Alice na nagbabantay do'n dahil nga instructor siya dito, required silang pumunta sa dinner hall.
Tinanguan ko siya nang magtama ang tingin namin at binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.
Kumain kami ni Blaze pero tahimik lang ako.
When I got back in the dorm, I checked my things twice. Talagang sinakto kong hatinggabi ang oras bago ako lumabas dala ang bag ko. Tahimik at madilim na ang paligid. Halos nangangapa ako sa dilim kung hindi lang nagbibigay ng liwanag ang buwan.
Kahit papaano, nakikita ko naman ang mga silhouette ng lugar kaya alam ko kung paano ko narating ang kwartong pinagdalhan sa'kin noonni Alice.
Tahimik kong binuksan ang pinto. I called my sword and casted a minimal flame that would lit the room.
And there, I saw Alice who was looking down.
"One last hug?" Binuka ni Alice ang mga kamay niya. Ngumiti ako at nilapitan siya para yakapin.
Kumawala rin siya sa'kin at nauna nang lumabas. Sinundan ko siya na para bang siya ang may alam ng daan. Pumunta kami sa likod ng akademya at may mga kawal do'n na nagbabantay.
Tahimik namin silang nilapitan at ipinatumba pero lumikha ng malakas na ingay ang mga armas na dala nila.
"Bilis," sambit ni Alice.
Sinundan ko lang siya hanggang sa marating namin ang lawa. May tulay do'n at tinawid namin hanggang sa may maabutan nga kaming malaking puno na katabi ng bakod ng palasyo. I gulped when I realized we're in the boundaries of the Palace. I didn't ask how did she knew about this since it was also the only way I know.
The moon shone so bright in contrast of the dark sky. The night was silent, no crickets could be heard. I felt nervous. Kada lakad ko ay para akong nasa bingit ng kamatayan.
Nagsimula nang akyatin ni Alice ang puno pero naisip ko na matatagalan siya do'n.
"Use your sword and struck it into the tree then control your body on air to reach the peak." I said in a low voice. I was afraid to be caught. Not for myself, but for Alice.
Ginawa niya ang sinabi ko. Lumikha na ng ingay ang paglalakad niya sa sanga kaya gumalaw ang puno, nahulog pa do'n ang ibang dahon. Tumalon naman siya do'n sa may pader at may kinuhang lubid at tinali 'yon sa patusok na disensyo ng pader.
Bumaba muna siya ulit pagkatapos no'n at may binigay sa'kin na libro.
"Huwag kang magagalit pero nagawa kong pumasok sa palasyo..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "This book will help you. The crystal does exist. Find it."
"May mga nagtatakang pumasok ng palasyo!"
Pareho kaming napalingon ni Alice sa sigaw.
"Bilisan mo na!" Napataas na nang bahagya ang boses ko dahil baka mahuli siya.
Itinago ko sa loob ng bag ko ang binigay niya. Mas dumami na ang presensya ng paparating.
Hinintay kong makatalon si Alice sa kabila bago ko nilingon ang mga kawal na dumating.
"Don't move!" One of them pointed their sword at me. I raised both of my hands and put it on the back of my head, surrendering.
"Luhod!" Utos nito.
Sinilip ko kung ga'no kadami ng pares ng paa ang nasa harapan ko pero hindi ko mabilang sa dami. Ang bilis nilang gumalaw at talagang hindi ako makakakawala dito.
Tumayo ako at sinubukang tumakbo pero pagtalikod ko, isang pamilyar na espada ang tumapat sa leeg ko. Napapikit nalang ako sa kawalan ng pag-asa. Nakita ko ang insignia sa suot niya. A man clad in white like what royalties wear appeared in front of me.
"I'll take charge here."
Why of all times? Why would I always bump to Kei in crucial times? Just why?
"Yes, Captain."
I heard the footsteps slowly disappear, as well as their presence. My heart was pounding so loud, I could hear it. It felt like it was going to burst.
When he looked back again at the guards who were retreating, he unsummoned his sword when he was sure that they were gone.
Tinangay ng hangin ang cloak ko kaya nawala ang pagkakatakip nito sa mukha ko.
I saw a man with silver eyes like the illuminating moon. His dark hair was perfectly swiped across his forehead and his presence screamed danger. Iba ang suot niya ngayon. Ibang-iba kumpara sa itsura niya kapag suot ang uniform namin. Mukha siyang prinsipe kundi lang sa malamig niyang titig.
"I just saved you again, didn't I?"