ESTHER'S POV
Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Brad. Kung paano nya bigkasin ang bawat salita, alam kong may mali, pero alam ko din na hindi siya nag sisinungaling nang sabihin nya na hindi nya alam kung bakit ganun ang sinasabi ni Dad. Maybe my father is super strict but he always care. He's always worried. Pero Ang ihabilin ako sa mga taong hindi ko lubusang kilala, I know that there's something wrong.
"Oh, gising ka pa pala, here, I brought you your dinner. How's your day with Brad?"
Sabi ni mommy matapos nitong pumasok sa pinto Ng kwarto ko at ilapag ang pagkaing dala nya sa side table ko.
"Well, I'm fine. Kinda have fun. Mom...."
umupo sya sa tabi ko at hinawi ang mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha.
"Mom...you and Dad? are you okay? is there another big problem that our family is facing right now? No more lies mom, please no more covering up the issue."
"Yes, death threat ulit, but no worries, you know that your father can handle it. Kaya sana, wag matigas ang ulo mo, dahil nag aalala Lang Naman kami sayo. Sana, wag mo nang dagdagan pa Ang dinadala Ng ama mo. Naiintindihan mo ba ako Esther?"
seryosong tanong ni mommy. I know it's different, I Know it's something big kaya ganyan nalang sila mag react.
"I'm sorry Mom. I am really sorry. I promise, hinding hindi na ako magiging sakit ng ulo nyo ni Daddy."
I'm scared and that's the truth. Niyakap niya ako Ng mahigpit na mas nag dulot sa akin ng takot.
"It's okay, and I hope that you will keep that promise. Sa ngayon, kumain ka na muna bago ka tuluyang matulog. I love you. We both love you."
she said then she kissed me in my forehead and leave my room. Sana lang maayos nga ni Daddy ang lahat.
--------------
Kinabukasan
"Señorita, gumising na po kayo. Pinapatawag kayo Ng Daddy nyo. Sumabay daw po kayo sa kanilang mag agahan."
Sabi ni Manang Rose. Isa sa mga katulong namin dito. Dahan-dahan kong ibinukas ang aking mga mata at agad kong nakita ang pag buntong hininga nya. Alam ko naman na kapag hindi ako bumangon ay baka siya naman ang mawalan ng trabaho. Ayaw ko naman na may madadamay na naman sa katigasan ng ulo ko gaya ng nangyari kay Angelica.
"Tell them I'm coming in five minutes. Just gonna brush my teeth and I'm just gonna change. You can go ahead."
nagdadalawang isip itong lumabas Ng kwarto ko. Agad akong tumayo. Aware naman ako na marami na talagang nag tatangka sa buhay ng Daddy ko kahit na ngayon na medyo lumulubog na ang kompanya namin. Wala na ba talagang nagawa ang mga tao kung hindi ang manghila ng ibang tao pababa? Kaya ngayon, Wala akong choice kung hindi ang ang pag bigyan ng daddy ko at ang Brad na yon.
Pagbaba ako ay nagsisimula na silang lahat kumain, no po ako sa tabi ni mommy na katabi si Brad.
"Esther may gusto akong sabihin sayo, sana ay hindi ka magalit at sanay maintindihan mo na kailangan mo magpakasal kay Brad upang maligtas ang kompanya wala tayong choice, kahit ayaw ko man kailangan kong gawin para sa ating lahat, para sa pamilya natin sana maintindihan mo."
malungkot na sabi ni Daddy, kitang kita sa kanyang mga mata na nahihirapan na sya sa kung ano mang nangyayari.
"Okay i'll do it, as long as hindi kami titira sa isang bahay."
Sabi ko at bakas sa mukha nila Ang pagtataka. Hindi ko alam kung ano ba ang nakakapagtaka. Nakakapagtaka na pumayag ako o yung condition na ibinigay ko.
"Sigurado ka ba anak?"
nag aalalang tanong ni Mommy.
"Sigurado po ako. Like I promised last night."
malungkot na sagot ko. Kung alam ko Lang na ganito Ang mangyayari, Sana pala nag boyfriend na ako ng marami noon.
"I'm so thankful anak sa cooperation mo, pero mag tataka ang mga tao, lalo na ang relatives natin kapag nalaman o nakita nila na mag kaiba kayo Ng bahay."
Sabi ni Daddy. Damn. Wala na talaga akong choice.
"Fine. Kung ganoon Lang din, sana pag bigyan nyo ako na mag kaiba ang kwarto namin."
huling hirit ko na talagang ikinapikit ng mga mata ko. Nang pumayag si Daddy ay pag mulat ng mata ko, ang naka ngising aso na si Brad ang tumambad sa akin.
"Happy now?"
tanong ko kay Brad ngunit ngumisi lang Ito.
"Ka ilan ang next sem mo?"
tanong ni Daddy. Oo nga pala, it's already May.
"Next week Dad. Why?"
tanong ko habang isiusubo ang bacon sa aking bibig.
"You're engagement will be announced a week after you go back to school."
halos mailuwa ko ang laman ng bibig ko nang marinig ko kung gaano kabilis Ang lahat.
"We don't have a choice Esther, for sure napapansin mo naman.ang nangyayari sa company?"
"Fine."
Wala naman akong choice, dahil kahit umangal ako, planado na ang lahat.
Nang matapos ang breakfast namin ay agad akong bumalik sa aking kwarto. Ibinabad ko nang kalahating oras ang katawan ko sa tubig. Kailangan kong pakisamahan ang mayabang na lalaking Yun para sa magulang ko. Pag labas ko ng cr ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Brad na naka higa sa Kama ko.
"What the heck are you doing in my room?"
gigil na tanong ko dito. Agad akong kumuha ng damit sa drawer ko at bumalik sa loob Ng cr. Kahit nasa loob na ako ay rinig na rinig ko pa rin ang nakaka iritang tawa nito. Pag labas ko ay ganoon pa rin ang posisyon nito.
"What change your mind? I thought never kang papatol sa akin?"
nang aasar na tanong nito habang tumatayo pa alis sa Kama ko.
"Its none of your business. I'm just gonna marry you in papers. Stop dreaming."
inis na Sabi ko at agad kong tinapik ang kamay na akmang hahawak sa balikat ko.
"You're still my business honey. The papers will be legal."
Sabi nito na mas ikina irita ko. Damn this guy!
"Whatever."
ayaw ko nalang patulan pa Ito dahil mas tatagal lang ang oras kong kasama ito.
"Good. So, I will leave you this contract, read this carefully, then sign it. Give it back tomorrow. "
Sabi nya at kinuha ang folder sa ibabaw Ng bedside table ko na Hindi ko man Lang napansin kanina.
"I'm going marami pa kami Ng gagawin, mag paka bait ka."
Ang yabang!