Chereads / Where did my groom go? / Chapter 9 - Chapter 9: The Pre-Nup

Chapter 9 - Chapter 9: The Pre-Nup

Madalas sa buhay natin, kapag Walang Wala na tayong magawa, kakapit tayo sa mga bagay na ayaw naman talaga nating gawin. Nasasaktan man o napipilitan, yung tipong bawat buntong-hininga natin ay nagpapahiwatig ng lungkot, sakit at pagod. Iyan Ang nararamdaman ko ngayon. Bawat ngiti at yakap na binibigay ko ay tanging 'anong kasalanan ko' ang nasa isip ko.

"Are you okay señorita? Mukhang maputla at matamlay kayo ngayon, pagod na ba kayo? we can continue this tomorrow if you can't do it right now."

Sabi ng photographer na may pag aalala, maging ang make up artist ay napa tingin sa akin. Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti.

"I'm okay, wag kayong mag alala. Ayaw ko ng gawin pa ulit Ito bukas."

makahulugan kong tugon saka ibinaling ko ang mukha ko sa lalaking katabi ko na kanina pa rin walang imik. Kaya Naman nag patuloy kami. Hindi ko alam kung para saan pa ba to eh hindi naman legit ang kasal na to. For publicity? for sure.

"Okay, last shot. Sir, punta ka sa likod ni Senyorita. Yakapin mo sya mula sa likod. Give your best and wonderful smile. Ready, one, two, three."

Sabi ng photographer. Nang maka bilang ito ng tatlo ay laking gulat ko ng bigla akong halikan ni Brad sa pisngi. Kilig na kilig ang mga tao sa paligid. Nandito kami ngayon sa gazebo kaya naman maging ang mga hardinero ay nanonood din sa photoshoot namin. Nag sabi na ng tapos na ang shoot ay hindi pa rin ako maka react dahil sa pagkagulat.

"I'm sorry. I can't help it."

Sabi ni Brad saka ako hinalikan sa noo. Mabilis itong umalis para tulungan sa pag liligpit ang mga crew.

"You love him, don't you?"

nagulat ako ng marinig ko ang boses ni mom sa likuran ko. I didn't notice her dahil sa panonood ko kay Brad.

"Mom!"

saway ko dito ngunit bumungisngis lang Ito at naupo na sa tabi ko.

"Alam mo, ganyan na ganyan din kami Ng Daddy mo dati. We're arranged too. But along the process, we fall in love. Natutukso din ang Daddy mo, pero isang beses lang and I learned to forgive him. My love is greater than his sins and then, there you are. You kolnow sweetie, bagay kayo. If you love him and you think you can give him a chance, then go. Your happiness depends on how you deal in a situation. We're always here for you. "

Sabi ni mama at saka nag simula nang tumayo. Bago ito tuluyang bumalik sa bahay ay niyakap muna ako nito.

"you're strong. We know you can do it."

"Thank you mom."

at niyakap ko syang pabalik.