"Good morning Ma'am, akala ko po ay hindi kayo papasok ngayong araw?"
tanong sa akin ng gwardya. Nag tatrabaho ako bilang isang manager ng isa sa production team ng isa sa pinakang malaking mango plantation. Yes, nag stay ako inline sa company namin dati. Matapos mawala ni Daddy at Mommy dahil sa isang car accident daw which is hindi ko pinaniniwalaan dahil sa dami ng death threats naming nakuha matapos hindi matuloy ang kasal.
"Naku Manong Edgar! Bakit ba parang inaabangan mo ang pag absent ko?"
Sabi ko at sandaling tumigil sa tapat nito upang makipag kwentuhan saglit. Ang dami ng nag bago sa akin simula ng mawala ang lahat sa amin. Natuto akong pahalagahan ang mga tao sa paligid ko.
"Naku Ma'am, Hindi naman po sa ganun, nitong mga nakaraang araw po kasi sunod-sunod na ang pagod nyo."
Sabi ni Manong Edgar ng may pag aalala. Agad ko naman itong tinapik sa balikat.
"Maraming salamat sa pag aalala manong Edgar. No choice po. Lalo na ngayon na may bago na tayong CEO, Binigyan po kasi kami ng notice na in three months ay kailangan na po nating maayos ang lahat dahil bibisitahin daw po tayo ng CEO, maging ang mga records and profiles natin ay ichecheck nila. Masyadong maiksi ang tatlong buwan."
Sabi ko dito at tango naman ito ng tango.
"Hayaan nyo Ma'am, kapag may kaya akong itulong sa ibang team, Lalo na sa harvest team ay tutulong ako."
Sabi nito. Tumango nalang ako dahil Alam ko naman na kahit tumanggi ako ay hindi ko naman mapipigilan ang pag tulong nito.
Nag paalam na ako dito at pumunta sa changing room. I change my outfit from coat to farming jacket, from high heels to boots, pag labas ko ng changing room ay naka salubong ko si Deborah.
"Late ka na naman as usual, not because kaibigan kita ay hindi kita irereport?"
pang aasar ko dito at agad namang nanlaki ang mga mata nito.
"Grabe ka naman Thee."
Sabi nito at agad pumasok sa nilabasan ko. nag ayos muna ako ng pants habang naririnig ko itong nag dadadaldal.
"Anyways, bilisan mo dyan. Marami tayong gagawin ngayong araw. Pasalamat ka at TL ka. Kung hindi inreport na kita."
Sabi ko at narinig ko ang pag buntong hininga nito saka tumawa.
"Di na nga po mauulit madam! Alam ko naman na kailangan mo ako sa team mo! hahah. Oo nga pala, what's your plan?"
Sabi nito at lumabas na.
"Plan about what?"
Sabi ko habang sabay kaming nag lalakad papasok sa office ko upang kunin Ang record book.
"Duh!! Celine's wedding next week!"
she screamed. Nakakapag sisi na sa dami ng TL ay sya pa ang pinili ko para sumama sa team ko. Ang ingay! Buti nalamang at on field kami.
"I am not planning to attend. Ipapadala ko nalang sayo ang regalo ko."
I said and she scream again because of frustration.
"Are you even human?! Thee! Bridesmaid ka! mahiya ka nga!"
reklamo nito, Hindi ko maiwasan na mahiya dahil sa babaeng to. Naka tingin na sa Amin ang ibang crew dahil sa pag tili nya.
"Could you shut up?? oo na. Saan ba ang venue?"
inis na tanong ko.
"My gosh! Hindi mo man lang tiningnan ang invitation? Sa Lucban ata, somewhere in Quezon Province."
dahil sa sinabi nya ay halos hindi ko na maihakbang pa ang aking mga paa. It's been three years, pero ang sakit pa din. Hindi pa ako handa.
"If you're changing your mind right now I'm telling you, si Celine ang mapapahiya."
she said. agad Naman akong nakonsensya, I've been there. Wala akong choice Kung Hindi ang mag plano.
Kinahapunan ay maaga kaming nag out ni Deborah para daw mag shopping ng isusuot namin sa kasal ni Celine, she even booked us in one of the good resorts there. Hindi pa nga kami nakakapag file Ng leave.
"Are you scared na baka kilala ka pa ng mga taga roon?"
tanong ni Deborah Ng mapansin nya ang pananahimik ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Kinda. I'm scrared to see someone."
I admitted. Si Deborah lang ang may alam ng nakaraan ko. Hindi ko ito sinabi sa iba pa naming kaibigan.
"Malawak naman Ang bayang yun,baka naman hindi natin sya makita doon. Isa pa, bakit ba ikaw Ang natatakot? Hindi ba dapat siya ang matakot sa iyo at mahiya?"
Sabi nya at tiningnan ako ng may pag ka dismaya.
"I know. Well, bahala na."
I said. Sabay kaming tumayo ng makatapos kaming kumain.