Chereads / Where did my groom go? / Chapter 16 - Chapter 16: On Field

Chapter 16 - Chapter 16: On Field

It was a very nice morning. After ng encounter namin noong isang araw at hindi na ako ginulo pa nitong muli. Maaga akong nagising kaya naman nagawa ko pang mag jogging. Papasok na ako sa aking gate nang biglang mag ring ang cellphone ko.

"Good morning. Hey Esther, it's good that you are already awake. Gusto ko lang humingi ng favor sayo."

it was Mr. Asuncion.

"Good morning sir. How can I help you?"

I ask, agad akong pumasok sa loob ng bahay dahil sobra na talaga akong nakakaramdam ng uhaw. Dumeretso ako sa kitchen at kumuha ng isang basing tubig.

"Pwede bang samahan mo si Sir Brandon sa field?"

nag aalangan na tugon nito. Dinig ko pa ang pag buntong hininga nito.

"Akala ko po ba kayo na ang bahalang sumama sa kanya?"

reklamo ko. He must be higher than me pero para ko nang tatay itong si Mr. Asuncion.

"I'm sorry hija, something came up. Si Misis kasi ay manganganak na. "

pagpapaliwanag nito. Oh thats the cause of his heavy breathing.

"Deborah can accompany him. She's on field today. Marami po Kasi akong ipafile ngayon Sir."

I said. Matapos uminom ay umakyat na ako sa kwarto at inihanda na ang susuotin ko.

"Okay. I'll try to ask her. Pero mag standby ka ha."

he said and he end the call. Agad akong naligo at nag ayos.

------------------

Nasa kalagitnaan ako nang aking pag checheck ng mga report nang biglang nag ring na naman ang cellphone ko. It's Deborah.

"O? Busy ako. Pwede bang mamaya ka na tumawag?"

iyan Ang ibinungad ko sa kanya. I'm actually super busy.

"Harsh. Hoy babae! pumunta ka dito sa field! Nag wawala ang ex mo at bakit daw ganito yung mga files. Wala din si Manong Jose para i-orient sya sa farm kaya lalong nairita."

sigaw nito sa akin.

"Anong silbi mo dyan?"

inis na sagot ko at itinigil ko na ang aking pag susulat.

"Duh. Hindi ko pwedeng iwan ang team ko. Nag didisinfect kami ngayon. "

she said. I guess she's telling me the truth. The noises proves it.

"Alright. Pero anong oras na. it's already three pm. Babyahe pa ko ng isang oras? Sabihin mo bukas nalang."

sabi ko.

"Wow...boss ka sis?? Seriously, pinasasabi nyang mag stay daw dito ng buong week. Ang dami nya kasing changes na gustong gawin."

Sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

"What?! Damn him! Sya na yata ang pinaka maligalig na naging CEO Ng kompanyang ito!"

reklamo ko. Tumayo na ako at iniligpit na ang gamit ko.

"Pumunta ka nalang please! Kung ikaw willing kang mawalan ng trabaho, pwes ako hindi. Wag nyo kong idamay. May binubuhay ako!"

pag dadrama nito. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pumayag.

------

Medyo dumidilim na ang paligid nang dumating ako sa Farm, agad akong nag bayad sa taxi driver at ibinaba naman nito ang mga gamit ko. May limang mini cottage dito kaya naman, Kung ang mga higher ups namin ay gustong mag bakasyon o mag over time dito ay pwedeng pwede naman.

"Magandang hapon po Mang Jessie. Nakita nyo ba si Brad? I-I mean si Sir Brad? Saang cottage nyo sya dinala?"

tanong ko sa guard ng farm.

"Magandang hapon din po Ma'am, sa Main house po sya mag iistay ma'am, Yun po kasi ang bilin ni Sir Asuncion."

sagot nito habang binubuhat ang mga gamit ko.

"Ah okay. Nandoon ba siya ngayon?"

tanong ko habang papunta kami sa cottage 5. Ito ang pinakang malayo sa main house.

"On field pa po Ma'am, napaka sipag nga po. Mag hapon po syang nag aral mag disinfect at gumawa ng organic fertilizer. Nasa lab. po sya ngayon."

he said at tinulungan nya akong ipasok Ang mga gamit ko sa cottage.

"Ganun ba. Maraming salamat. Makikisabi naman na naka rating na ako. I-page mo nalang para hindi ka na po mapagod paglalakad."

"Okay po Ma'am. Salamat po."

he said and wave me a good bye. Agad kong pinalitan ang rubber shoes ko ng boots. Mahirap na, baka bigla akong pahirapan ng taong yun.

Nag mamadali akong lumabas ng cottage at agad na dumeretso sa kanan. Natigilan ako nang maisip ko na sa sobrang lawak ng lugar na ito, Maraming pwedeng idisinfect. Kaya naman agad kong tinawagan si Deborah.

"Deb, nasaan Kayo ngayon? kasama mo ba ang magaling na lalaking iyon?"

inis na sambit ko. Agad naman itong tumawa.

"Nandito ako ngayon sa Processing Unit. Bilisan mo at ng maka uwi na ako. Napaka dami nyang ipinapagawang assignment sa akin."

reklamo nya. Hindi na ako sumagot pa at pinatay ko nalang Ang cellphone ko. Damn. Ang layo noon dito. Agad akong pumunta sa kwadra ng mga kabayo. Kinuha ko ang kabayong madalas kong ginagamit at nilagyan ito ng saddle. Mabilis Kong pinatakbo ang mga kabayo. Ang makita ang biglang pag punta ko dito ay dahilan Ng pag kagulat ng mga trabahador. They didn't expect me here. Agad akong bumaba sa kabayo ko nang makarating ako.

"Good afternoon Ma'am! sapalagay ko ay pinatawag kayo nang bago nating Boss! For sure magugustuhan nyo sya Ma'am! super bait!"

napa ngiwi nalang ako sa sinabi ni Oscar. Isa sa mga tauhan. Sya? Mabait? Damn! I was fooled be Deborah again! that girl!

"Oh, you are really here? I didn't know na talaga seseryosohin ni Deborah ang hamon ko sa kanya. Never thought you finally learned to care for someone. Congratulations!"

Sabi ng lalaking bagong dating sa likod ko. Halatang halata naman na si Oscar ay naiilang sa sitwasyon kaya naman dahan-dahan na itong lumayo sa amin.

"Ang hilig mo talaga sa pustahan ano? Kung ganun, aalis na lang ako. Mabuti na lamang at na laman ko agad. Mag sama kayo ni Deborah!"

inis na usal ko at agad akong sumakay sa kabayo.

"Who told you that you can go now? nandito ka nalang din Naman, tumulong ka na."

he said but I didn't mind him. I started hitting my horse.

"Gawin mong mag Isa mo! mag sama Kayo!"

inis na sambit ko at tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon at bumalik sa cottage ko. Nang matanaw ko ang guard na tumulong sa akin kanina ay agad ko itong inutusan na ilabas ang mga gamit ko at itawag ako ng taxi. Nang magawa nya ang mga utos ko ay umalis agad ako sa farm.

Sabihin nyo nang OA. Pero ang ayaw ko sa lahat ay sinungaling, manloloko at mahilig sa pustahan. Habang pabalik na ako sa bahay ko ay nag ring ang cellphone ko at nag flash ang phone number ni Deborah. Hindi ko ito sinagot dahil isa siya sa mga sinungaling at ginawa pa nila akong dalawang katuwaan. Who would like that?