Chereads / Where did my groom go? / Chapter 7 - Chapter 7: What will be left behind.

Chapter 7 - Chapter 7: What will be left behind.

Nang maka kuha kami ni Brad Ng pagkain ay napag desisyonan namin na sa gazebo sa garden kami kumain. Tanaw namin sa mga glass windows ang mga taong nag sasaya sa loob.

"Eat first. Mamaya ka na tumulala diyan. Sobrang nakaka gutom na."

saway nya sa akin nang makita niya akong naka titig sa mga tao sa loob.

"Ang saya nila ano? It's good that they're enjoying it. So pwedeng tumakas sa nakaka suffocate na Lugar na yun."

Sabi ko bago ako nag simulang mabilis na sumubo.

"Enjoying? You're not sure about that. Most of them came here not to celebrate with us but to target new investor for their companies. When the time comes that it's already your turn to handle your company, remember this, Don't trust easily or as much as possible, don't trust anyone. Dahil kapag pera na ang pinag usapan, nawawala Ang moral ng karamihan ng mga tao."

he said while pointing different man inside the mansion. Well, that's true, when it comes to business they will do everything.

"Actually, it's your father who taught me lots of things. Nakakapag taka nga na pinagkatiwalaan nya kami. Sya ang pinakang matinik when it comes to business. Nagkataon lang talaga na nag sabay-sabay Ang mga problema, dahilan kung bakit tayo nasa posisyon na Ito, well, I am not actually against it. I found you interesting."

"Well, kasasabi mo lang na don't trust anyone so I can't really rely on what you've said to work this marriage."

sagot ko na nag pipigil Ng ngiti at kilig. Sumubo nalang ulit ako para matakpan ang ngiting tumatakas mula sa mga labi ko.

"Nice try there, but this is not about business you know, maybe sometimes you have to make exemptions, just be wise on situations. "

he said then smirk. Right now, I'm feeling really different, like there's a butterfly in my stomach. Sino ba naman Ang Hindi kikiligin at mata touch? First of all, Ang gwapo nya as in. Secondly, napaka yaman nya. Thirdly, Mayabang at hambog man ito ay mabait naman talaga ito.

What will be left behind my past is the wild and care free Esther, when the wedding day comes, I have to be change, I need to be a good wife para Hindi mapahiya si Daddy.

Naputol Ang pag uusap namin Ng tawagin na kami ni mom. Uuwi na daw Ang Ilan sa mga bisita kaya Hindi na namin agad namalayan na lumipas na ang Gabi.

----------

Lumipas Ang mga araw na ako ang halos laman Ng balita sa school at sa social media. I can't believe nang malaman nila Kung Sino si Brad ay agad nilang iniresearch ito. Maging ako ay hindi ko alam na sobrang sikat pala talaga nito kahit sa Manila. Kilala Ito bilang youngest Agripreneur. Youngest Company CEO and guess what? He is also a band vocalist. Marami ang naiinggit at nag sasabing swerte daw ako. Hindi nila alam Ang pressure na nararamdaman ko.

"Seriously? I can't believe it! ikakasal ka na?"

and the biggest news is, Hindi naman pala talaga na tanggal sa trabaho si Angelica at ang nanay nya. Inilipat lang sila sa kabilang plantation para daw hindi madamay si Angelica sa pagiging suwail ko Sabi ni Daddy. At ngayon ay dahil sabado Naman, pinayagan sya ni Daddy na dalawin ako, dahil tutal naman daw ay aalis na Rin ako dito sa mansion.

"Yup. Hindi ba Kayo inimbitahan ni Daddy nung engagement ko? I don't know where to find you kaya Hindi Kita mapadalhan Ng invitation."

Sabi ko at inilapag ang niluto kong spaghetti.

"Pinadalhan, kaso may sakit si nanay kaya hindi talaga ako naka punta. kaya Naman nag request ako sa daddy mo na payagan na akong pumunta dito. "

paliwanag nya at kusa nang sumandok.

"Napaka swerte mo Alam mo ba Yun? anyways, kailan ba ang punta nya dito? gusto ko syang makita ng personal."

"I don't know, bigla nalang syang nasulpot, never syang nag Sabi sa akin na darating sya. "

Sabi ko at naupo ako sa tabi nya. Nandito kami ngayon sa Sala at manonood kami ng mga Korean drama na paborito namin. Wala kaming ginawa Kung Hindi Ang mag kwentuhan kahit na bukas ang tv. Gabi na nang mag desisyon itong umuwi na dahil wala daw kasama ang kanyang nanay. Sabay kaming lumabas ng pinto at inihatid ko sya sa gate. Sasakay na sana sya sa Isa sa mga kotse namin dahil ipapahatid ko sya ng may tumigil na isang pamilyar na kotse sa harap namin.

"Good evening Love. I can't call your phone."

agad na Sabi ni Brad matapos nitong makababa sa sasakyan. Agad itong lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa noo na ikinagulat ko. Maya-maya ay napa baling Ito kay Angelica.

"Who's she?"

"Hi! I'm Angelica, you can call me Angela. I'm her special friend."

Sabi ni Angelica at agad na kinuha ang kamay ni Brad para makipag kamay na halatang ikinairita ni Brad. Maging ako ay nagulat sa aksyon nito.

"Angelica. I think you should go now. Baka nag hihintay na si nanay."

Sabi ko at itinulak na sya papasok sa sasakyan at agad na sinenyasan Ang driver na umalis agad. I don't know why pero Hindi maganda Ang pakiramdam ko.

"I don't like her. Ayaw ko na syang makita pa dito."

nagulat ako sa sagot ni Brad at agad itong nag lakad papasok sa mansion, Hindi man Lang ako hinintay. Tsk.

"But why? she's my only friend."

reklamo ko kahit na kahit ako ay na weweirdan na sa nangyayari.

"I don't like her. I don't like the way she touch me. If she really is your friend, she will not act like that specially in front of you."

he said and I don't know how to react. Baka Naman nami-misinterpret lang namin? walang salitang lumabas sa bibig ko hanggang sa makarating na kami sa kusina.

"Is there something wrong here?"

tanong ni Daddy. Agad Naman nag mano si Brad na syang ikinangiti ng puso ko.

"It's not a big deal actually."

sagot ni Brad. My dad pointed him the chair beside them. Agad naman nag hain Ang mga katulong kasama si mom.

"Our papers are settled, we only need to sign it. Well, you can check it with your lawyers first."

"We will read it, no need of lawyer. I trust you."

my dad said and we start our dinner. Pinag usapan na din namin ang pag hahanda namin para sa kasal. I don't know Kung kakasya pa Ang lahat sa schedule ko. I have lots of school projects and requirements plus I have wedding preparations.

Halos alas onse na nang umalis si Brad sa bahay. Sanay na itong mag pabalik-balik at at home na at home na talaga Ito. Before I could even fall asleep, I still receive a message from him. Saying that he's home and he will see me tomorrow para.tulungan ako sa ilang wedding preparations.

Hindi man Ito Yung pinangarap Kong kasal, at least I will be marrying a wonderful man. Someone who I can lean and rely on.