Chapter 2 - Chapter 1

15 years ago..

"Hoy bata! Sa kuya ko ang twack na yan!"  While I was busy playing with the toy I found ay may batang babaeng maliit na uhugin ang bigla nalang nanigaw sakin. I just rolled my eyes at pinadulas ko ang maliit na truck sa isang slides dito sa luma at pipitsuging playground.

"Sabi na ngang sa kuya ko ang twack na yan ih!" Bigla niyang hinablot ang laruan sakin pero hindi ako nagpapigil. Hawak niya ang ulo ng truck habang hawak ko naman ang likod nito. She stared sharply at me. She is cute pero labas ang kulay green niyang uhog. Hindi ako palangiti na bata pero bigla akong napatawa dahil lang sa bulol at uhuging bata. Her slightly narrowed eyes widened and her red cheeks were a bit muddy. Kahit madungis ito dahil ata sa paglalaro ay mapapansin mo agad ang mestisang kulay ng balat nito.

"Mukha kwang mayaman pero nang-aagaw ka ng may twack ng may twack!" Naiinis na sabi niya sakin habang inaagaw niya sa akin ang truck ng kuya niya. Ako naman ay abala ako sa pagtitig sa mukha niya. Hindi ko alam pero ngayon lang ako humanga ng ganito sa isang babae. Kahit nga mukha ni Mama hindi papasa sa standards ko. My mom always has make-up on her face.

Naglayas nga pala ako sa Casa-Takahashi because of boredom. Walang ibang pinagawa sa akin ang Papa ko kundi ang ipa-aral sa akin ang pagpapatakbo kuno ng illegal niyang Negosyo. Samantalang si Kuya Noah naman ang magpapatakbo ng pinaka-malupit na Gang dito sa Asya. Ni minsan hindi ko hiniling na sumunod sa yapak ng Ama ko. I want to be a doctor pero alam ko na gusto parin ng pamilya ko ang masusunod.

"Little witch"  Pang-aasar ko pa sa batang babae na sa tingin ko ay nasa lima hanggang anim na taong gulang lamang

"Pa-ingles ingles ka pa diyan. Mukha kang buang! Uyuy!" Napakunot naman ang noo ko at napatawa.

"Buang?" Medyo slang na tanong ko.

"You is baliw!" Napatawa ako lalo sa sinabi nito.

"You're crazy haha." Sabi ko sa kanya na ikinasimangot nito. She's so cute talaga. Kapag nakauwi na ako sa mansiyon I will tell to my dad that I will buy this little girl.

"What is your name, little witch?" I asked.

"Lucy! Ako si Lucy!" Masiglang sigaw pa nito. Hindi ko binitawan ang truck pero may dinukot ako sa bulsa ng aking maong pants. Wallet yun ng driver namin, labing limang libo ang laman nito. Well, kinupit ko lang yun kay Mang Albert pero babayaran ko naman din siya.

"Wow andami mong pera, bata! Pwede penge?" Nakalahad pa ang kamay na sabi nito. Binitiwan na nito ang truck at para maamong tupa habang nanlalaki ang mata. I laughed and squeezed her cheek. Hanggang dibdib ko lang siya kaya nag-squat ako para magpantay ang mukha namin.

I want her to be my girlfriend. 8 years old na ako sa tingin ko ay pwede na akong magkaron ng girlfriend. I guess I like Lucy even though I just met her. Dadalhin ko agad siya sa bahay namin at ipapakilala ko siya kay Mama. I'm sure she'll be happy because she wants to have a daughter.

"I will buy you toys if you come with me" Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Nang makita kong tutulo na ang sipon niya ay agad ko siya pinasinga gamit ang damit ko. Medyo napangiwi pa ako ng marinig ko ang lagutok ng sipon niya.

"Speak you tagalog!" Utos pa nito sakin. Napakamot naman ako ng ulo.

"bibilhan kita ng maraming laruan at kahit anong gusto mo, kung sasama ka sakin" Agad siyang nagtatalon at pumalakpak habang tumatawa. Her laughter was the best I had ever heard. I really like her. Siya lang ay may lakas ng loob na sigaw sigawan ako. Lahat kasi ng bata, takot sakin. Maybe because they knew that my father was a demon. Not a literal demon but a cruel and evil man.

"Yes! Sasama ako. Magpapaalam lang ako kay kuya" Bago siya makatalikod ay agad kong napigilan ang braso niya.

"Huwag ka nang magpaalam. Babalik naman agad tayo" Tumango siya at nakangiti niya ikinawit ang braso niya sa braso ko habang nag-iintay kami ng masasakyan.

*****

Present time...

"What? Gusto mo ng umalis sa Gang?" Iritableng tanong ko kay Kuya Noah na ngayon ay nasa harapan ko. Balak na kasi niyang kumalas sa Takayashi Cartel Gang na pinamumunuan niya. And I know what the reason is. Because he fell in love. Pero alam ko na hindi madaling kumalas sa Gang na yun lalo na't bantay sarado siya ni Dad. Maaaring bago pa siya makaalis sa Gang ay malamig na bangkay nalang siya.

"Help me, please? I promise I will help you too when you are in need." Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko alam kung anong tulong ba ang maiibigay ko sa kanya. Masyadong komplikado ang mga mangyayari kapag binitawan niya ang Gang. Kahit isa siya sa heir ng Takayashi ay masusunod parin ang batas ng Takayashi. Anyone planning to escape the Gang will be killed. Kadugo man o hindi. Takayashi man o hindi.

"But how? It is not good to disobey Dad" Binigyan niya ako ng nakakakilabot na ngisi. At nabasa ko na agad kung ano ang mga binabalak niya. Napatango nalang ako. Wala na akong magagawa kasi hindi ko kayang tiisin ang kapatid ko. Bukod kay Lucy ay isa siya sa mga tao na mahalaga sa akin.

"Salamat kapatid! Maaasahan talaga kita" Tinapik niya ang balikat ko.

"Have fun with your girlfriend"

"Magiging girlfriend palang" Bago siya  lumabas sa opisina ko ay humalakhak pa siya. Nasisiraan na talaga siya ng ulo. Susuwayin niya si dad para lang sa isang babae. Napailing nalang ako at tinuon ko ang atensyon sa mga listahan ng drug dealers na kasamahan ni Dad sa pagpapatakbo ng Pinaka-malaking Drug sindicate sa buong mundo.

Kapag katapos ng kasal namin ni Samantha Escobar sa isang taon, sigurado ako na papalit ako sa puwesto ni Dad. Hindi ko alam kung anong magagawa ko para mapigilan 'yon. Lalo na ang kasal namin ng mukhang hipon na escobar na yun. She is not the woman I want to marry because I am disgusted with her face. She's so ugly! I want my Lucy!

*What if we rewrite the stars?

Say you were made to be mine

Nothing could keep us apart

You'd be the one I was meant to find

It's up to you, and it's up to me

No one can say what we get to be

So why don't----*

Kinuha ko agad ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa nang bigla nalang itong tumunog.I think this is my private investigator, the person I paid to find my Lucy. Kaagad ko itong sinagot.

"Hello sir?" Bungad agad nito sakin. Napatikhim lang ako "Sa tingin ko taga-quezon po ang babaeng hinahanap niyo. May nahanap po akong kapangalan at ka-apelyido niya dito sa Munisipyo ng Quezon. Base po dito sa Limang birthcertificate na nagtugma. Lucia Marie Diaz, Lucille Jaime Diaz, Lucie Diaz, Maria Lucy Diaz at Maricar Lucina Diaz. Lahat po sila ay nasa edad na bente uno tapos po----" Agad kong nasapo ang noo ko. Walang kuwenta ang lahat ng update niya sa akin. Sa halos trentang private investigator na binayaran ko ay ni isa sa kanila ay wala man lang matinong nailapag na impormasyon tungkol kay Lucy. 

"Stop! Sisante ka na!"

"Ano po? Wag naman sir! Ginagawa ko naman ng ayos ang trabaho ko. Talaga pong mahirap lang talagang hanapin ang pinapahanap niyo. Pangalan at apelyido lang po ang binibigay niyo sakin. Kulang po ang lahat ng----" pinutol ko agad ang tawag. Napabuntong hininga ako at wala sa sariling umupo sa swivel chair. The lord knows how much I miss Lucy. I miss her smile. I miss comforting her every time she cries. I want to hug her again.

Sinilip ko ang picture na nakasipit sa wallet ko. And I smiled when I saw her sweet smile, at dun sa medyo kupas na litrato ko nalang nakikita ang ngiti niyang yun. Oh god! I miss her so much. Maybe many years have passed but my love for her has never faded.

*******

Pagpasensyahan niyo na ang grammar ko. Hindi talaga ako magaling sa english, haha! Paki-tama nalang po sa comment box ang mali kong grammar. Salamat ho! This is my first ever story haha. Trese anyos ako ng sinimulan ko ito. Hindi ko alam kung kelan ko matatapos haha!