Chapter 4 - Chapter 3

NOLAN POV

As I was walking in the parking area of ​​the company ay bigla ako natalisod dahil sa isang bagay na aking naapakan. Nakasabit ito ngayon sa dulo ng sapatos ko. Napakunot ang noo ko at nilimot ito. And I was surprised by what I found. Isa itong brief! Hindi lang basta brief dahil ito ang paborito kong brief nung bata ako. Para makasigurado ako na akin yun ay sinilip ko ang garter ng brief kung saan may pirma ko. And I felt hope that I would find my Lucy right away nang makita ko na may pirma nga ito sa gilid ng garter. Alam ko na si Lucy ang nangupit ng brief kong ito dahil simula ng mawala siya sa Casa-Takayashi ay bigla nalang din naglaho ang paborito kong brief.

Pero paano siya napapunta dito sa kompanya? Napadaan lang ba siya o dito talaga siya nagtatrabaho? The Takayashi Company was created to cover up the real business of the takayashi. Ang mga cocaines, party drugs at marami pang klase ng droga ang pinapalaganap ng buong Takayashi Clan sa buong mundo. Ngayon ay hindi pa ako gumagawa ng hakbang laban sa Ama ko pero hindi ko kukunsintihin ang mga masasamang ginagawa niya. All his life he had done nothing but drown himself in doing bad things. Balang araw ay akong mismong anak niya ang magsusuplong sa kanya para pagbayaran niya lahat ng nalabag niyang batas. Sa ngayon ay uunahin ko munang hanapin ang Lucy ko.

"What is that, babe?" Napairap ako nang bigla nalang ulit sumulpot sa likuran ko si Samantha Escobar. Naabutan ko siya kanina na nakikipag-away sa dalawang magkaibigang empleyado.

"None of your business" Ibinulsa ko ang spongebob kong brief. Akmang lalakad na ako paalis ng isinukbit na naman niya ang braso niya sa braso ko. I get really annoyed when she is around. She is very clingy!

"I am your Fianće! I have the right to know everything about you" She is my Fianće but I have no intention of marrying her. I have no one else to marry but my Lucy! Ang mga Escobar ang kanang kamay naming mga Takayashi. Escobars are the second highest when it comes to operating illegal drugs. At yun ang dahilan kung bakit gusto akong ipakasal ni dad kay Samantha.

"I'm just your fianće,okay? Hindi pa kita asawa" Inalis ko ang braso niya sa braso ko and then I opened the door of my Bugatti car. Nilingon ko muna siya"Take care, Escobar" pumasok na ako sa kotse at pinaharurot 'yon paalis. I had to go to a secret place where the various members of the Takayashi Gang were hiding. Sa ngayon ay sa akin muna inassign ni Dad ang pagpapatakbo ng Gang habang inaasikaso niya ang tungkol kay Kuya Noah.

Takayashi Gang Hide-out

Pumasok ako sa isang maliit at masikip na eskinita. Pansamantala ko munang iniwan ang kotse ko sa gilid ng kalsada. At Habang palapit ako ng palapit sa hide-out ay unti unti kong naririnig ang putok ng mga baril. I just shook my head. Siguradong may pinapahirapan na naman sila. We do not hurt and kill innocent people. The people we only hurt and kill are criminals. Binabayaran kami ng mayayaman na tao para mabigyan ng hustisya ang mga taong umapi sa pamilya o mahalagang tao para sa kanila.

Pagkapasok ko sa hide-out ay bumungad agad sa akin ang nasa limang-daang tao. May boxing ring sa gitna ng sobrang lawak na warehouse ng Takayashi Gang. Sa loob ng boxing ring ay may apat na nagpapatayan habang may hawak na kani-kanilang patalim. Sumisigaw at nagpupustahan ang mga tao na nakapaligid dito. I just ignored them. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa mahanap ko ang taong sinadya ko dito. Lumapit ako sa kanya.

"Boss Nolan ikaw pala yan!" He said. His name is Dashiel Montello but he is known here in the Takayashi Gang as Spencer. Hawak hawak ni Spencer ang ulo ng lalaking nakaupo sa Electric Chair. May pinapahirapan na naman siya.

"I need to talk to you" Diretsong saad ko. Napakamot agad ito ng ulo.

"Wait lang boss. Ililigpit ko muna 'to" Binatukan niya pa ang lalaking nakaupo sa electric chair. Nang makita ko ang mukha ng duguang lalaki ay puno ito ng pasa, sugat at may paso pa ito sa mukha. "Nang-rape daw ang kulungkoy na---" Hindi pa natatapos ni Spencer ang sasabihin ng kinuha ko ang baril na hawak niya at ipinutok yun sa ulo ng lalaki.

"Kailangan kitang kausapin. Ngayon na!" Makapangyarihang sabi ko.

"Bakit pinatay niyo agad? May death wish pang sinasabi sa akin ang rapist na'to" Binatukan niya ulit ang lalaking wala ng buhay.

"Iniiwasan mo ba ako, Spencer?" Tanong ko sa kanya. I feel like he is avoiding me. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang wala sa sarili kapag napapadpad ako dito sa hideout. Hindi ko alam kung bakit.

"Sabi ni Boss Noah. Hinahanap mo raw si Lucy Diaz? Yung batang kinidnap mo noon" Napakunot ang noo ko nang buksan niya ang usapin na yun. It was as if he was hiding something from me that I needed to know. Of all the members of the Takayashi Gang, Spencer is the one I trust the most but he seems to be hiding something from me. May kutob ako na tungkol ito kay Lucy.

"May nalalaman ka ba tungkol kay Lucy?" I asked him without hesitation. Tinitigan ko siya sa mata pero wala akong mabasang reaksyon mula dito.

"Wala boss! Naitanong ko lang kasi nabanggit sa akin ni boss Noah." In an instant Spencer's serious face disappeared. Bigla nalang itong napalitan ng malokong mukha. Napailing nalang ako.

"Kamusta nga pala ang kapatid ko?" Naitanong ko nalang. I knew Spencer was hiding something from me, at malalaman ko rin yun.

"Ligtas naman siya. Kasama niya ngayon yung girlpren niya sa Japan" I just nodded.

LUNA LOUISE POV

Malapit nang mag-uwian pero hanggang ngayon ay hindi ko na ulit nakita ang Nolan Loves ko! Simula ng mangyari yung away namin ni Escobar sa elevator ay hindi ko na ulit siya nakita. Nung huli ko siya nakita ay nung hinahabol siya ni Escobar. Ayaw kong magselos pero hindi ko maiwasan. Balita ko kasi kay Mam Noriessa Takayashi ay fianće na daw ni Nolan yung mukhang hipon na Escobar na yun. Hindi naman sa bitter ako pero hindi sila bagay. Masyadong gwapo ang Loves ko para asawahin lang ng babaeng mukhang hipon.

Pero wala na akong magagawa. Siguro hindi talaga kami itinadhana para sa isa't isa. Ang swerte lang ni Escobar dahil may Nolan siya kahit na mukha naman siyang hipon.

"When we grow up I will marry you. I promise" Natuktukan ko ang sarili ko nang magflashback sa akin ang pangakong sinabi noon sa akin ni Nolan. Lumipas na ang labing limang taon pero hanggang ngayon binabalikan ko parin ang nakaraan namin na mukhang kinalimutan na niya. Bakit kasi hanggang ngayon ngayon ay umaasa parin ako na baka tuparin ni Nolan lahat ng pangako niya? Kahit naman mukhang hipon ang Escobar na yun ay di hamak na mas malaki ang hinaharap nun kesa sa akin. Walang wala ako kay Samantha pagdating sa karangyaan ng buhay.

"Andrama na naman ng mukha mo" Pang-aasar sa akin ni Jefra. Napabuntong hininga nalang ako at napahalumbaba sa mesa.