15 years ago...
(Nung bata pa si Nolan at Luna)
"Anong ginagawa natin dito sa palasyo? Kala ko ba bibili mo ako ng toys?" Lucy asked me. Nasa harapan kasi kami ngayon ng Casa-takayashi. Kahit mataas ang gate ay tanaw na tanaw ang Mansyon namin mula sa loob. Our Mansion is big so I feel more alone. Malaki nga ang bahay pero pakiramdam ko naman wala akong kasamang pamilya. Our mansion cannot be called home dahil wala akong maramdaman pagmamahal galing sa magulang ko.
"There are many toys inside that house. So ano? Tara na" I took her hand habang ang isang kamay ko naman ay isinayad ko sa fingerprint scanner. Tanging mga fingerprint lang ng mga Takayashi ang makakapagbukas sa higanteng gate.
"Wow magic! Bumubukas ang gate kahit walang tao na nagbubukas" Manghang-mangha na sabi niya habang nakatingin sa gate na unti-unting bumubukas.
"There is nothing more amazing than you, Lucy" Wala sa sariling sabi ko habang pinagmamasdan ko ang nakangiti niyang mukha. Alam ko na ang bata ko pa para mangidnap ng kapwa ko bata. Pero dahil lumaki ako kasama ng mga kriminal na tao ay wag na kayong masyadong magtaka. I knew I was selfish in what I did. Hindi ko man lang inisip na may kapatid at magulang siya na maghahanap at mag-aalala sa kanya. Pero masama ba na isipin ko ang bagay na magpapasaya sa akin?
"Wow may palasyo pala dito sa pilipinas! Pwede bang tumira kami ni kuya dyan forever?!" I nodded and smiled at her. Nagtatalon siya sa tuwa pagkatapos ay hinila niya ako papasok at papuntang mansyon. Maski ako ay nahawa sa tawa at hagikhik niya. The sound of his laughter was like music to my ears! I did not know that apart from knives and deadly weapons I would be addicted to someone like her. It was as if from the moment he shouted at me ay nagustuhan ko na agad siya. I know it's weird. Pero parang ganun talaga ang naramdaman ko.
I did not know I would feel this especially since I am the son of a man who does not know how to love. Hindi ko na sa ganitong edad ko ay hahanga ako sa isang babae. Kumalas siya sa kamay ko at nagtatakbo siya papunta sa malaking fountain. Nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang nag-dive dun.
"Lucy! Hindi yan swimming pool!" Naiinis na sabi ko at nilapitan ko siya. Lumalangoy-langoy na siya sa fountain habang bumabagsak sa kanya ang tubig. Napasapo nalang ako sa noo.
"Wow! May falls pala dito!" I could see the amazement in her eyes. Pero parang ako pa ata ang mas na-amaze sa nakikita ko. Her eyes were shining like a star. Nakakamangha!
Pinatayo ko siya at inabot ko ang kamay niya. Kumukurap-kurap pa siya habang nakatingin sa akin. She's really cute. Parang ayoko ng ibalik siya sa mga magulang niya.
"Hindi ito swimming pool. Gusto mo ba dalhin kita sa totoong swimming pool?" Tumango tango siya. Nag-squat ako sa harapan niya at tumalikod. -"Sakay ka sa likod ko" Muntik na akong ma-out of balance ng bigla nalang siyang dumamba sa likod ko. Buti nalang naagapan ko agad para hindi kami tuluyang matumba. Napailing nalang ako. Nagsimula na akong maglakad, kahit medyo may kabigatan siya ay hindi ko nalang iyon ininda.
At Dahil may kalakihan ang Casa-takayashi ay malayo layo pa ng konti ang lalakarin ko para makarating sa swimming pool. Minsan ay may nadadaanan kaming mga guard, at kapag nakikita nila ako ay para silang maamong tupa na bigla nalang magsisipulasan. Minsan kasi kapag bored ako ay sila ang napapagtripan ko. Napailing ulit ako.
Nang makarating kami sa swimming pool ay kaagad na bumaba si Lucy sa likod ko. I almost fell and sank to the floor. Napahawak nalang ako sa batok ko na muntik ng mabali dahil sa pagkakayakap ni Lucy kanina.
Nakita ko na nakatitig lang si Lucy sa pool at nakasimangot.
"Anlalim naman ih! Paano ako makakalangoy?" Reklamo pa niya. Lumingon lingon ako sa paligid hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Ang malaking salbabida ni Kuya Noah. Kuya does not want anyone else to use the things he owns at ngayon lang ako susuway sa kagustuhan niya.
"Tuturuan kitang lumangoy. Halika na"
*******
Present time...
LUNA POV
"Hoy tumawag kanina sa akin si Mama Reny! Bakit hindi niyo daw siya tinatawagan ng kuya mo" Bungad agad sa akin Jefra na kalalabas lang sa kwarto niya. May panis na laway pa siya sa mukha at may muta pa siya sa mata. Napailing nalang ako at sinimsim ang binanaw kong kape.
"Maghilamos ka muna bago mo ako sermunan" Walang ganang sabi ko.
Pagkatapos kong umalis noon sa Casa-takayashi ay dinala ako ng Papa ni Nolan kay Mama Reny. Tinuring niya kami ni Kuya at Jefra na parang tunay na anak.
Nung unang beses kaming dumating ni kuya sa bahay ni Mama Reny ay nandun na si Jefra. Maputi pa ito dati at lalaking lalaki pa kung pumorma. Kung hindi ko lang gusto si Noah ay sigurado akong magka-crush ako kay jefra noon. Ang makisig na pangalang Jerome ay naging Jefra nung mag highschool kami. At ang maputi niyang balat ay naging maitim dahil naadik siya sa pagligo sa dagat.
"Oh ayan nakapaghilamos na ako! So bakit nga hindi niyo daw tinatawagan si mama?" Nakatira kami ngayon sa isang mumurahin at masikip na apartment. Sa sobrang liit ng apartment na tinitirhan namin ay magkadikit lang ang kitchen, dining room at living room. Sanay na kami sa hirap ng buhay. Ginapang namin ang isa't isa para makapag-aral. Sa ngayon ay nagja-janitor si Jefra sa Takayashi Company para may pambayad siya sa tuition niya . Samantalang pansamantala muna akong tumigil sa pag-aaral para maging sekretarya ni Mam Noriessa Takayashi.
"Tatawagan ko nalang siya mamaya. Medyo naging busy ako kaya hindi ko siya nakakamusta dun sa Batangas" Sabi ko nalang. Tumango naman si Jefra at umupo siya sa tabi ko. May sinisimsim rin siya na kape na mukhang kababanaw lang niya.
"Yung kuya mo? Ilang araw ko na yung hindi nakikita ah." Simula ng mag-mall kami nung isang araw ay hindi ko narin nakita pa si Kuya. Ni hindi man lang niya ako tinatawagan pero kahapon ay nagpadala siya sa akin ng pera na ibinayad ko naman sa renta dito sa bahay at sa iba pa naming bayarin. Hanggang ngayon ay wala akong kaalam alam kung anong trabaho ang pinasok ni Kuya. Pero dahil sa may tiwala ako sa kanya na hindi siya gagawa ng masama ay pinapabayaan ko nalang siya.
Sa nakalipas na apat na taon ay sanay na kami ni Jefra sa bigla nalang hindi pagpaparamdam ni Kuya at sa bigla bigla nalang nitong pagsulpot.
"Pagsabihan mo yang kuya mo. Lagi nalang siyang wala!" Tumango nalang ako at sumimsim ulit ng kape. Sa tingin ko ay kailangan ko na nga siyang pagsabihan. Masyado na kaming nag-aalala ni Jefra sa kanya. Ni hindi namin alam kung saan siya tumutulog kapag ilang gabi siyang hindi umuuwi dito sa apartment.