Konting Kaalaman:A drug cartel is a type of organized crime. One big difference is that the drug Columbia cartels focused on just one product whereas the Mafia run several rackets including the protection racket, prostitution, gambling, drugs (alcohol), union corruption, construction, waste management
NOLAN POV
I am here in the Takayashi Cartel Gang Hide-out. Kasama ko si Spencer at ang ibang miyembro ng Gang habang pinupunusan namin ng basahan ang mga bagong armas tulad ng armalite, revolvers, sniper, pistols at iba't iba parang uri ng baril na galing pa sa States at North Korea. The takayashi Gang has a gang fight with the Black Pentagon Gang. The Black Pentagon is our biggest competitor when it comes to Gangfight. Hindi isang Cartel Gang ang Black Pentagon, hindi sila katulad ng Gang namin na suma-sideline sa pagpapakalat ng mga iba't ibang klase ng droga. Isa lang itong simpleng Gang pero magaling sila pagdating sa pakikipaglaban. At tulad namin ay binabayaran rin sila para pumatay ng Kriminal. They are also as powerful as our Gang.
Nakalapag sa mahabang mesa ang mga iba't ibang uri ng baril habang nakapalibot dito ang nasa limampung miyembro ng Gang na lalaban sa Black Pentagon.
"Huy Pistol, mamaya muna hithitin yang marijuana mo. Kaya ka laging wala sa sarili sa tuwing may laban" Sabi ng isang miyembro ng Gang kay Pistol. Ace Anderson is known here in the Gang as Pistol. He is good when it comes to different types of guns. Nung una ko siya nakita ay wala akong makitang kahit anong kahinaan sa kanya pero simula ng malaman ko na may anak siya ay unti unti kong nakita ang mga bagay na nagpapahina sa kanya.
"Pabayaan mo na si Pistol. Problemado yan dahil bumalik na ang ina nang anak niya" Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Pistol. Ang lakas ng loob ng mga lalaking ito na pagchismisan si Pistol ng harap-harapan. Napailing nalang ako.
Our Gangfight against the Black Pentagon will be held later. I know that out of the fifty members who will fight in the Pentagon, ay may ilang uuwing wala nang buhay. Kailangang may mamatay para masagip ang pride ng Gang namin. Life is really unfair. Mamamatay ang mga mahihina at matitira ang mga malalakas. Kapag hindi ka agad nakagawa ng paraan para mabuhay ay mamatay ka.
Kakampi mo ang buong Gang sa kahit anong problema pero kalakip ng respeto ng buong samahan ay kailangan mong isangla ang buhay mo kapag dumating ang ganitong klase ng Gangfight.
"Boss, sigurado ka ba na sasama ka?" Spencer asked me. Matagal ng may galit sa akin ang Leader ng Black Pentagon. I don't know why he was so mad at me. Ni hindi ko nga siya kilala at ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Whenever our paths crossed, he always wore a black mask. Sa tuwing nakakagitgitan ko para bang gusto niya akong patayin.
"Kailangan kong sumama" Tanging nasabi ko nalang. The leader of the Black Pentagon is known as X. Gusto kong malaman kung bakit galit siya sa akin. Alam ko na kaya niya binabangga ang Takayashi Cartel Gang ay dahil sa akin. Recently they kidnapped two members of my Gang, They returned them with six fingers cut off and with a large 'X' mark on the back. Hindi man aminin ng mga kasamahan ko sa Gang ay alam ko na nakakaramdam sila ng takot sa black pentagon. Ilang araw na akong pansamantalang namamahala sa Takayashi Cartel Gang at napapansin ko na lalo kaming kinakalaban ng mga miyembro ni X. Araw araw ay may natatanggap kaming death threats.
"Boss, sisibat na ako, hah? Pasensya na kung hindi ko kayo masasamahan sa pag-resbak" Tumango lang ako sa sinabi ni Spencer. Dali dali naman ito tumakbo paalis. Napailing si Pistol, na para bang may hinalang nakumpirma.
"Maghanda na kayo" Makapangyarihang sabi ko. Unti unti silang pumili ng armas na nakalapag sa lamesa. Nakasabit naman sa balikat ko ang paborito kong armalite. Nang makarinig kami ng putukan ay kaagad kaming nagsipulasan. Sumusugod na ang miyembro ng mga Black Pentagon sa hide-out namin. The war has begun!
Nang lumiko ko sa isang kanto ay may sumalubong agad sa akin na bala, buti nalang at naiwasan ko ito agad. At Pinaulanan ko agad ng bala ang lalaking nagtakang bumaril sa akin. Nang mapansin ko na may susugod sa akin mula sa likod ay agad ko itong hinarap at pinaikot ang katawan niya sa ere hanggang sa lumagapak ito sa sahig. Nang may susugod naman sa gilid ay agad ko itong binaril, tumama ito sa kanyang noo. Paglingon ko sa ibang direksyon ay nakita ko si Pistol na walang awang paulit ulit na sinasaksak ang wala ng buhay na lalaki. Kapag talaga nakakatikim siya ng Marijuana ay brutal siya kung pumatay. Napailing nalang ako at nilampasan ko siya.
Ilang beses akong lumiko sa bawat kanto ng warehouse. Bawat lalaki na nakasuot ng itim na damit na may tatak na ekis ay binabaril ko.
"Yung bunsong anak ni Ibarra!" I heard a pentagon member shout as he pointed his index finger at me. Nilingon naman ako ng mga kasamahan niya. Nagtago agad ako sa isang pader ng bigla nalang nila akong paputukan gamit ang Beretta 21A Bobcat na pistols. Medyo sumilip ako mula sa pagkakatago ko sa pader at ginantihan sila ng putok. Nasa limang tao sila at naitumba ko na ang dalawa nilang kasamahan.
"Hayup talaga kayong mga takayashi! Walo ata ang buhay niyo" rinig kong sabi ng lalaki na may pangong ilong. Agad kong nilawit ang isa kong kamay at binaril siya, tumama ito sa bandang dibdib niya na dahilan ng pagtumba niya. Pinaulanan ulit ako ng bala ng natitirang tatlong lalaki. Naubos ang bala nila na hindi nila ako natatamaan. Lumabas ako mula sa pagkakatago ko sa pader at tinutukan sila ng hawak kong armalite.
"Panalo ka lang dahil may baril ka. Bakit hindi ka lumaban ng patas?" Maangas na sabi ng isang lalaki na naka-suot ng puting sombrero. Pabalya ko namang binagsak ang armalite at sinenyasan siyang lumapit. Kaagad naman itong sumugod pero bago pa dumapo ang kamao niya sa mukha ko ay agad ko itong sinalag. Pinaikot ko braso niya at pabalya ko siyang binagsak sa sahig. Tumayo ulit siya at akmang sisipain ako nang masalag ko ulit ito. Pinaikot ko siya gamit ang paa niya at itinalsik siya sa pader. Unang tumama ulo at leeg niya sa pader dahilan para mangisay siya at malagutan ng hininga. Nilingon ko ang dalawang lalaki na natira, sinenyasan ko sila sumugod pero imbis na sugurin nila ako ay nagtatakbo sila paalis. Napailing ako at yumuko ako para limutin ang armalite na binagsak ko. Pagkatingala ko ay may baril ng nakatutok sa ulo ko. Hawak ito ng lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara. Si X.
"Kamusta ka Nolan Thelonious Takayashi?" Nakakakilabot na sabi niya. May gamit siyang voice changer kaya hindi ko makilala ang boses niya. Pero alam ko na kilala ko siya, alam ko na isa siya sa mga tao na nakapaligid sa akin. Pero ang tanong? Sino sa mga pinagkakatiwalaan ko si X? Hindi kaya siya si Spencer? Pero malabong si Spencer siya dahil walang sapat na koneksyon si spencer para makapagtaguyod ng ganito kalaking Gang.
"Bakit parang natulala ka ata? Nagulat ka ba?" Sakrastikong tanong niya habang tumatawa. Napailing ako at nang makahanap ako ng tiyempo ay sinipa ko ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang baril na hawak niya.
"Wala ka paring kupas, Nolan. Mabilis parin ang---" Hindi niya tinapos ang sinasabi niya, nagulat nalang ako nang bigwasan niya ako sa mukha gamit ng kamao niya. Akala ko kasi dadaldal pa siya kaya hindi ko naihanda ang sarili ko "Wala paring kupas ang pagiging uto-uto mo" Akmang hahagalpak siya ng tawa ng gumanti ako nang suntok at sumapol yun sa panga niya. Itinutok ko ang armalite sa ulo niya.
"Papatayin mo ba ako gaya ng ginawa ng pamilya mo sa mga inosenteng tao?" Maamong tanong niya pero tunog nang-aasar. At mukhang alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit niya ako kinakalaban. Galit siya sa pamilya Takayashi at ngayon ay mukhang ako ang una niyang gustong pabagsakin.
Maya maya ay sinipa niya ang kamay ko dahilan para bumagsak ang armalite mula sa pagkakahawak ko. Sinenyasan niya ako kaya sinugod ko siya. Mabilis niyang naiilagan ang kamao at mga sipa ko. I will not deny the fact that he is good at fighting. Mabilis siyang kumilos kaya naiilagan niya ang bawat pagtira na ginagawa ko.
"Yan lang ba ang kaya mo?" He teased. Ngayon ay gumanti siya at winasiwas niya ang kamao niya papunta sa iba't ibang parte ng katawan ko. Kahit nakakailag ako sa bawat pagkumpas ng kamao niya ay hindi ko maiikaila na nahihirapan akong ilagan ang bawat pag-atake niya. Masyado siyang mabilis at malakas! Nang maka-tiyempo ko ay pinakawalan ko kamao ko at tumama yun sa gilid ng mata niya. Medyo napaatras siya pero kalaunan ay nakaganti siya ng suntok at tumama naman yun sa nguso ko dahilan para muntik na akong ma-out of balance.
"Wala na bang mas ilalakas yang suntok mo?" Maangas na sabi ko na nagpakuyom ng kamao niya. And I know that there will be a long battle between X and me.
To be continued....