"Natagpuan sa gitna ng ilog ang hinihinalang chopper na sinasakyan ng panganay na anak ni Senator Takayashi. Pasado alas-onse ng tanghali ng mapansin daw ng mga tao dito sa Bambang, Pasig ang bumubulusok na chopper na kalaunan ay bumagsak sa ilog. Tatlong sakay ng chopper, patay! At hinihilang kasama dito ang anak ni Senator Takayashi. Nag-uulat Karen Damulag" Napailing nalang ako sa balitang narinig. Wala na talaga makakapigil kapag Si Noah Thaddeus ang nainlove. Handang gawin ang lahat masunod lang ang nais. Pero kilala ko si Dad, hindi yun basta maniniwala. Mag-iimbestiga pa yun hanggang sa malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Buti nalang at nasulosyunan na namin yun ni Kuya. Ang poproblemahin ko nalang ay kung paano ko mahahanap si Lucy. Tatlong buwan nalang ay magaganap na ang Engagedment party namin ng mukhang hipon na Escobar na yun. I'm running out of time. I need to find Lucy right away!
Yesterday I started looking for information about Lucy dahil kung aasa ako sa mga private investigator ay baka ma-sayang lang ang oras dahil lagi nalang silang palpak. Inaamin ko na maski ako ay medyo nahihirapan sa paghahanap kay Lucy. Pangalan at apelyido niya lang ang hawak ko. Wala na akong iba pang pinanghahawakan maliban sa impormasyon na yun. Minsan gusto ko nang sumuko at minsan ayoko naring umasa na makikita ko pa siya. But every time I remember how she made me happy when I was 8 years old. Bigla akong nabubuhayan ng pag-asa. Sa tuwing naiisip ko ang halos apat na buwan na kayakap at kasama ko siya? Nararamdaman ko na parang kahapon lang nangyari yun at parang hindi ako labing limang taong naghihintay sa pagbalik niya. I love her so much kahit na masyado pa akong paslit nung makilala ko siya. Kung hindi dahil sa kanya baka buong buhay ko hindi ko man lang naranasan na maging masaya.
"Shit!" Napahawak ako sa ulunan ko. Marami akong nakikitang match at hindi ko alam kung sino sa kanila ang Lucy Diaz ko. I tried my best to find her pero hanggang ngayon ay wala parin ako nalalaman maski isa tungkol sa kanya. Ni hindi ko man lang alam kung ayos lang ba siya o kaya kung inuuhog parin ba siya. I do not know what to do! Kung paano ko siya mahahanap o kung mahahanap ko pa ba siya. But I will not give up. if I need to search the whole Philippines or the whole world I will do it.
*****
LUNA LOUISE POV
"Hoy bakla! Umagang umaga mukhang pang-biyernes santo yang mukha mo. Anyare na naman ba?" Lalo akong napasimangot sa tanong ng kaibigan kong bakla. Eh kasi naman eh! Yung nag-iisang alaala ko sa Loves ko bigla nalang nawala. Naiwala ko yung ninakaw kong brief ni Nolan bago ako umalis sa mansyon ng mga Takayashi. Nakakainis.
"Yung brief ko, Jefra! Nawawala!" Bigla ako napaatungal ng iyak. Binatukan naman ako nang kaibigan ko.
"Yung spongebob na maliit na brief na laging hawak mo? Jusko, day! Ang luwag na ng garter nun kakaamoy at kaka-stretch mo. Hindi ka na nagsawang langya ka" Lalo akong napaatungal ng iyak. Namimiss ko na ang amoy ng brief na yun. Ni hindi ko man lang yun nilabhan ng ilang taon para maramdaman ko parin ang presensya at amoy ng Nolan ko. Mababaliw ako kapag hindi ko yun nahanap.
Kung bakit kasi nakalimutan ko kung saan ko naipatong ang brief na yun. Ang alam ko lang ay huli ko yung nahawakan nung nag-mall kami ni Jefra kasama ni Kuya. Kung bakit naman kasi nitong mga nakaraang araw ay napaka makakalimutin ko na. Siguro dahil yun sa nagtatrabaho ako ngayon sa kompanya ng mga Takayashi bilang sekretarya ni Mam Noriessa Takayashi, ang mama ng Nolan loves ko!
Pero ayos lang, minsan naman ay nakakapasok ako sa mansyon ng Takayashi sa tuwing hindi nakakapunta sa kompanya si Mam Noriessa. Mangungupit nalang ako ng brief ni Nolan dun hihi. Hindi naman siguro ako mahuhuli kasi mag-iingat naman ako.
"Ba't ganyan ang ngiti mo, Luna? Ngiting may masamang balak! Hula ko may madilim ka na namang naiisip. Harot!" Napatawa nalang ako kahit na kinutusan ako ng baklang ulikba na katabi ko.
"Mag-mop ka na nga lang, jefra. Mamaya dumating na naman yung mukhang hipon na escobar na yun! Baka mapagalitan ka na naman at madamay pa ak---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Samantha Escobar habang nakatingin sakin. Siguro narinig niya ang sinabi ko. Pero totoo naman talaga na mukha siyang hipon.
"What did you just say?" Tumabingi ang ngiti ko at nag-peace sign sa kanya.
"Wala Mam! Ansabi ko po dito sa kaibigan ko na lampasuhin ang mukha mo---este ayusin ang paglalampaso ng sahig para kapag dumaan ang isang sexy at napakagandang dilag na katulad mo, makintab ang sahig" Masiglang sabi ko. Pero mukhang hindi siya naniwala sa palusot ko. Siguro alam niya din sa sarili na katawan lang ang maganda sa kanya pero hindi ang mukha. Poor Escobar.
"I heard everything you said! Sabi mo hipon na escobar!Do you want to be fired because inuuna mo ang pakikipagchikahan sa...dyan sa negrang baklang yan!" Humarap pa si Escobar kay jefra na ngayon ay matalim ang titig sa kanya. I can already smell World War 3! Oh no!
"Anong sabi mong bruhilda ka? Nananahimik na ang balat ko dito tapos idadamay mong langya ka?!" Padabog na binitiwan ni Jefra ang mop kaya tumama yun sa noo ni Escobar.
"Ouch!" Sinapo ni Escobar ang noo niya. Akmang susugod na siya kay jefra ng bigla nalang sumulpot ang Nolan Loves ko mula sa elevator.
"Don't waste your time on those employees, samantha" Para namang naging maamong hipon ang Escobar na yun. Ikinawit pa nito ang braso niya sa braso ng Loves ko! Aba, kinekerendeng niya ang Nolan ko. Ang sarap tapyasin ng makapal niya nguso. Errrr!
""You're Luna, right? My mama was looking for you earlier. Unahin mo ang trabaho. Hindi ka namin pinapasuweldo para makipagkuwentuhan" Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at lumakad paalis habang hinahabol siya ni Escobar. Naiinis naman ako nagpupuyos sa sahig. Nilimot ko pa ang mop at inihampas ko yun kay Jefra sa sobrang inis.
"Kasalanan mo 'to, jefra eh!" Naiiyak sa sabi ko.
"Langya ka! Ako pa ang sinisi mo"
******
15 years ago...
(Nung mga bata palang si Luna at Nolan)
LUNA POV
"Hoy bata! Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa batang gwapo na may maraming pera sa wallet. Sabi niya ibibili niya daw ako ng maraming toys kaya sumama ako. Matagal ko na kasi talagang gustong bumili ng Barbie kaso wala kaming pera. Nanlilimos lang kami ni Kuya simula ng tumakas kami sa bahay ampunan. Ayaw kasi ni Kuya na maghiwalay kami. May nagbabalak na kasing umampon sa kanya kaya nang malaman niya yun ay tumakas kami sa bahay ampunan. Ayaw niya daw na maiwan ako kasi ako nalang daw ang mayron siya. Mahal na mahal niya talaga ako!
Atsaka hindi naman talaga kay Kuya ang truck na nilalaro nung batang lalaki. Sinabi ko lang na kay kuya yun kasi nakita ko na nakatingin si Kuya sa mga batang may laruan. Kaya nga ako sumama sa batang lalaking 'to dahil balak ko rin idamay si Kuya ng mga truck at cars!
"Lucy, simula ngayon Loves na ang itatawag mo sa akin" agad kumunot ang noo ko sa sinabi ni batang lalaki. Dati kasi narinig ko ang 'Loves' na yun sa mga mag-asawa na bumibisita sa Bahay Ampunan.
"Loves ang pangalan mo?" nakakunot noong tanong ko. Tumawa lang siya at pinisil niya ang pisngi ko.
"Nolan Loves. Yun ang itatawag mo sakin, okay?" Tumango agad ako. Baka kasi hindi ako bilhan ng laruan kapag hindi ko sinunod ang gusto niya.
"Nolan Loves, ibili mo ng twack ang kuya ko hah?" Malambing na sabi ko. Tumango naman siya pagkatapos ay sumakay na kami sa magandang sasakyan na bigla nalang tumigil sa tapat namin.
---------
Vote and comment.
pakitama narin ng grammar ko sa comment box:))