Chereads / When Two Broken Hearts Collide [Filipino] (EDITING) / Chapter 5 - CHAPTER 4: "Shattered" [EDITED]

Chapter 5 - CHAPTER 4: "Shattered" [EDITED]

   Lhaiel's POV

    Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Hannah. Napabuntong hininga ako. Kanina habang nag iisip ako kung itutuloy ko ba ito,buo na ang loob ko pero ngayon, parang pinanghihinaan na ako ng loob.

  I shake my head, taking out all of the negativity inside of my mind. This is now or never. Gusto ko lang malaman kung bakit.

  Pero deep inside, isinisigaw ng puso ko na hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako nandirito. Gusto kong bawiin kung ano ang akin at si Hannah yon. I thought about it a hundred times. I want her just for me. There's no turning back now.

  Bumaba ako ng kotse ko at huminga muna ng malalim bago pindutin ang doorbell. Nakailang doorbell ako bago may magbukas ng gate na isa sa mga kasambahay nila.

  "Sir Lhaiel?," halatang nagulat si Manang Rosie pagkakita sakin. Hindi niya tyak inaasahan ang walang pasabing pagdalaw ko.

  "A-anong ginagawa nyo dito?,"

  "Manang Rosie nandiyan ba si Hannah?," tanong din ang isinagot ko sa kanya.

  "A-ah, eh.. Kuwan ho kasi, uh. Ano ho..," sambit nya na hindi malaman kung ano ang sasabihin habang napapakamot sa ulo.

  "Manang, I need to talk to her, so please tell me if she was inside," paki-usap ko sa kanya.

  "Sir, a-ano ho kasi, wala sya sa loob," sagot ni manang.

  "Asan siya Manang?," tanong ko at kitang kita sa mata ko ang pagmamakaawa. Lahat gagawin ko maibalik ko lang siya sakin.

  "Nasa simbahan siya,ikakasal na siya ngayon," noong marinig ko yung sinabi ni Manang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

  Sumisikip ang dibdib ko. Hindi, hindi yon totoo. Nagbibiro lang si Manang. Ayaw lang niyang sabihin kung nasaan talaga si Hannah.

  "Manang naman, wag nga kayong magbiro ng ganyan," I said laughing nervously and silently praying that it was some kind of joke.

  "Nagsasabi ako ng totoo, at kung gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon, sasabihin ko kung saang simbahan," sabi ni Manang na halatang naaawa sa akin. Bigla akong nagkaroon ng pag asa kaya hinawakan ko siya sa balikat at nagmakaawang sabihin kung saan. Agad din naman nyang sinabi, nagpasalamat ako at agad-agad din akong sumakay ng kotse.

  Ilang minuto lang narating ko na ang simbahan na sinabi ni Manang. Sa labas palang ng simbahan ay halatang may idinaraos na kasal sa loob dahil sa mga nakaparadang mga sasakyan at mga bulaklak na nakapalamuti sa harapan nito.

  Biglang sumikip ang dibdib ko at naramdaman ko na naman ang sakit but this time, mas masakit dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang makita na wala na talaga na baka huli na ako. Pero nilakasan ko ang loob ko at bumaba sa kotse para pumasok sa loob ng simbahan.

  "You may now kiss the bride," naulinigan kong sambit ng pari nang nasa tapat na ako ng pinto at agad akong napako sa kinatatayuan ko dahil mula dito tanaw ko sya.

  She was standing there looking as beautiful as ever in her white dress. But what caught my attention the most was the guy beside her. That's supposed to be my place, not his.

  I felt like I was losing myself when I saw him kissing her. I feel the urge to yell and run towards them to stop him from kissing her. But I can't, it feels as if I'm frozen there. Pain and hurt was eating me piece by piece.

  Hindi ko alam kung anong iisipin. Ito na ba talaga yung katapusan ng lahat?  Ito na ba yung katapusan ng kwento naming dalawa.

  Iniwan niya ako ng walang dahilan para magpakasal sa hambog na anak ng isang congressman na yan. Hindi ko maintindihan kung bakit.

  Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko. This time, kahit may makakita pa sa akin na umiiyak, wala na akong pakialam.

 

  Enough is enough. Ayoko nang saktan ang sarili ko. Pinunasan ko ang luha ko at handa ng tumalikod nang makita ko siyang humarap sa mismong kinatatayuan ko.

  Hindi ko mabasa kung ano ang emosyong nasa mga mata nya. Kung awa iyon, hindi ko matatanggap. I don't need her pity. If this is the end of the game, then so be it. I need to accept everything and I need to wake up from this nightmare.

   With just one last look, I turned around and walked away. Nang makasakay ako ay agad kong pinaharurot ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Bahala na. Nagdrive lang ako ng nagdrive not knowing where to go.

  Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa tabing ilog. This is where I first saw her 5 years ago. I was only 20 years old at that time and she was 18.Tandang tanda ko pa noong unang beses na nakausap ko sya.

  She was saying something but I couldn't make out the words because I was so captivated by her beauty. Even though she was frowning, she was still very pretty.

  And from that day, I promise myself that I will find her. At hindi ako binigo ng tadhana dahil the day after, nagpunta ulit ako sa ilog only to find her there again. That was the beginning of our story.

  But I know, it will end now. And not like any other fairytale having a happy ending. Our story ends in a very painful way and more likely tragically.

  I lost her. It feels like I lost the other part of me. It feels like I'm half of a whole. It hurts a lot. I can't bear the pain. I'm hurting until I'm too numb to feel the pain anymore. I love her, I do. She was the only girl I treasured so much, and I still don't know the reason why.

  Do I need to know? Hindi ko alam kung dapat ko pa bang alamin ang dahilan. Wala na din namang saysay kahit malaman ko pa dahil hawak na siya ng iba at alam kong kahit anong gawin ko hindi ko na siya mababawi.

  I stayed there until it was dark. I cried while remembering all our sweet memories together. All the problems we've faced together. All those happy moments we shared. All my dreams with her. Lahat ng 'yon, wala na.

  Nagpasya akong magpunta sa resto para mag inom. I want to drown myself with alcohol. Only alcohol can ease the pain. It hurts so much.

  I always thought about the song 25 Minutes, whenever I heard that song I felt so sad. I thought it was a very painful moment for all the people who lost someone and when they already cleared up their minds it was too late. It's too painful just to think about it happening to me.

  At hindi ako makapaniwala na nangyari nga sakin yung ganoong senaryo. I-imagine nyo nalang na makita ninyo yung taong mahal nyong nakatayo sa altar, pero hindi kayo ang katabi. Just the mere thought about it was enough to break me into pieces, pano pa kaya kung mangyari pa. It was really painful, the kind of pain I can't decipher.

  While I was driving, the scene I saw earlier kept replaying inside of my head. It was as if my mind wanted me to suffer.

  Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at halos mamuti na yung kamao ko. Hindi ko na kaya. The pain I'm feeling now was tearing me into shreds. Para akong mababaliw sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

  Agad kong inapakan ang preno at mabuti nalang wala akong kasunod dahil kung meron, malamang bumangga na sakin yon.

  Sumigaw ako. Gusto kong ilabas lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag sigaw. Gusto kong magwala. Hindi kona alam kung ilang minuto akong nagsisisigaw, halos mamaos na ko.

  Nang maramdaman kong medyo okay na, pinaandar ko ulit ang kotse ng walang tiyak na patutunguhan.

 

   ~~~~~

    Alleya's POV

   Sa ilang araw na hindi ko pag labas ng kwarto at pananatili lang sa bahay, nabuo ang isang plano sa utak ko.

  Kailangan kong kausapin si Alex at kung kinakailangang magmakaawa ako sa kanya upang bumalik siya sakin gagawin ko. Call me a desperate bitch or whatever you want I don't give a damn. Hindi ako makakapayag na ganito kami. Kaya tumayo na ako sa pagkakahiga at nagmamadaling gumayak.

  Pagkabihis ko ay agad kong hinanap ang susi ng kotse ko at nang makita ko ay halos liparin ko na yung hagdan pababa.

  "Buti naman naisipan mo ding lumabas sa lungga mo," sambit ni Tita na nasa salas pala.

  "Uhm, Tita, may pupuntahan lang ako ha, I'll be back in a couple of hours," paalam ko sa kanya sabay halik sa pisngi.

  "Okay, just be careful," pag-papaalala niya bago ako tuluyang umalis.

  Pupuntahan ko si Alex sa condo nya. Kahit ano man ang mangyari, gagawin ko ang lahat maibalik kolang ang dating kami.

  Habang daan ay isa lang ang tumatakbo sa utak ko. Kung kinakailangang agawin ko din siya sa bisugo na yon gagawin ko.

  Nang nakaparada na ako sa parking lot ng condo ni Alex ay agad akong bumaba ng kotse.

  Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw parin ang kagustuhan kong makausap siya.

   Sa 3rd floor ang condo ni Alex kaya ubligado akong mag take ng elevator. Habang nasa elevator ako ay hindi ko maiwasang kabahan ng sobra. Halos nararamdaman ko na parang gusto nang lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko.

  I feel so anxious, I don't know what's waiting for me when I get there. Magiging maayos kaya? Magiging okay lang kaya?  Paano kung maging mas masakit?  Paano kung ayaw na niya talaga?

   I shake my head. This is not the right time for all the negativity. Pero inihanda ko na din ang sarili ko sa mga maaaring mangyari. Kung sakaling huli na at wala na talaga. Ako na mismo ang lalayo at tatanggapin ko ang lahat kahit masakit.

  Nang nasa harap na ako ng pinto ay napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga ng malalim. Think positive! Magiging okay din ang lahat!

  'Kaya mo yan Alleya!'

   Paulit-ulit kong binabanggit sa utak ko bago ako marahang kumatok.

Ilang sandali ang lumipas pero wala paring nagbubukas ng pinto kaya kumatok ulit ako, this time mas malakas.

  Nakarinig ako ng ingay sa loob ng condo. Nabuhayan ako ng loob and at the same time, nilukob din ako ng matinding kaba.

  Pagbukas ng pinto ay agad tumambad sakin si Alex na parang kagigising lang dahil sa magulo ang buhok nya. Nagulat sya pagkakita sakin.

  "Alleya? What are you doing here?," takang tanong niya pero hindi ko sya sinagot.

  Bigla ko syang niyakap ng sobrang higpit. I missed him.

  I voice out my thoughts.

  "I missed you, Alex," I said while hugging him even tighter scared that someone might take him away from me.

  "Ano ba, bitawan mo nga ako," he said as if I had some kind of illness. Pilit nyang tinanggal ang mga kamay kong nakayakap sa kanya na madali lang niyang nagawa.

  "Ano bang ginagawa mo dito?," tanong niya na lumalayo sa akin na parang nandidiri.

  "Nandito ako para makipagbalikan sayo.. I love you, Alex, please, don't push me away," pagmamakaawa ko sa kanya..

   "Naririnig mo ba yang sarili mo? Wala na tayo kaya pwede ba umalis kana," patuloy na pagtataboy niya sakin.

  Lumapit parin ako sa kanya at pilit siyang niyayakap pero maagap niya akong iniiwasan.

  "Ano bang nagawa kong mali? Pwede ko namang baguhin lahat, sabihin mo lang, gagawin ko lahat, please Alex," halos lumuhod na ako sa harap niya. Kinalimutan ang dignidag at pride ko para lang sa kanya.

  "Honey, what taking you so long?," maya maya'y lumabas si Tina at agad na yumakap kay Alex wearing only her underwear. Pero napatigil siya ng makita ako.

  "Anong ginagawa ng babaeng yan dito,"

   Nang makita ko si Tina wearing only her undies, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko na hindi ko mawari kung ano.

  "What?," tanong ko.

  "Nagulat ka ba? Ngayon, siguro naman alam mo nang wala ka nang pag asa,kaya kung ako sayo aalis na ako" pagmamayabang nya at halos ipagdikitan na niya ang katawan niya kay Alex.

  Ilang sandali akong natahimik at hindi makaimik pero ng makabawi ako ay nagsalita ako.

  "So talagang pinili mo siya," tanong ko at kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay baka pinalakpakan ko na ang sarili ko dahil napigilan ko ang mga luha ko na gustong gusto nang tumulo.

  "Ano pa ba sa palagay mo?," si Tina ang sumagot kaya yung kaninang sakit na naramdaman ko ay napalitan ng inis at galit.

  "I'm not talking to you bitch," sambit ko habang nakatingin sa kanya ng masama.

  "How desperate, pumunta ka dito para magmakaawa,grabe," she said while laughing and giving me a disgusted look.

  "Binabawi ko lang kung ano ang sa akin na kinuha ng malanding katulad mo, pero never mind, now I realize that I don't deserve someone like him, mas bagay kayo, a trash, and another trash, bagay, you two look garbage together," sabi ko at hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakita ko kung paanong napatiim bagang si Alex at ang pagnganga naman ni Tina.

  "How dare you!," sigaw ni Tina na akmang susugurin sana ako pero pinigilan siya ni Alex.

  "Wag mo nang pag aksayahan ng panahon yan," sabi niya pero ngumiti parin ako. I will not let them see how affected I am. Pero deep inside, I'm falling apart.

  "Ganyan nga, dapat tinuturuan mo ng tamang asal yang pet mo," sabi ko bago tumalikod pero napaharap ulit ako dahil may nakalimutan pa ako. Hindi ako aalis ng talunan sa paningin nila.

  Humakbang ako palapit kay Alex at hinimas ko ang kanyang mukha in a very seductive way. Akma akong sasampalin ni Tina pero mas mabilis ako sa kanya kaya agad kong nahuli ang kamay nya. Tinignan ko sya at nginitian bago ko inilapit ang mukha ko sa tenga ni Alex only to say these words.

  "This is for leaving me," bulong ko sabay sipa sa perlas ng silangan dahilan para mapahiga sya sa sakit at magsisigaw. I smile, feeling so satisfied.

  I turned around ready to walk away when someone grabbed my hair.

  "How could you! Akala mo ba hahayaan nalang kitang makaalis ng ganun-ganun lang?!!," sambit ni Tina habang nakasabunot sakin.Lalong kumulo ang dugo ko at siniko ko sya. Nabitawan nya ang buhok ko at napasandal sa dingding malapit sa pinto.

  Tinanaw ko si Alex na nakahiga parin sa sahig habang hawak ang kanyang, alam nyo na.

  "I hate it when somebody touches my hair without my permission," mahinang sambit ko sabay lapit kay Tina at sabunot din sa kanya.

  Kinalmot nya ako at napuruhan ako sa kaliwa kong pisngi malapit sa tenga pero hindi ko parin sya binitawan.

  "This is for taking away what belongs to me," I said through gritted teeth before I slapped her not once nor twice. At noong binitawan ko sya ay napaupo siya sa tabi ni Alex.

  "Magsama kayong dalawa,tutal pareho naman kayong basura," sabi ko sabay talikod at lakad palayo.

  Habang nasa loob ng elevator ay kuyom kuyom ko ang aking kamao. Kahit hindi ko tignan ay alam kong namumuti na ito dahil sa sobrang diin ng pagkakakuyom ko.

  Nang makababa ako at makarating sa parking lot ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan. As if on cue, my tears make its way down to my face. Kumawala na ang sama ng loob at sakit na kanina ko pa kinikimkim.

  Gusto kong magwala pero hindi ko alam kung paano. Kahit nasaktan ko silang dalawa kulang padin yun. Hindi parin yon maiikumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

  Hindi ko alintana ang dugo na umagos mula sa sugat kong nakuha kanina sa kalmot ni Tina dahil mas nag-s-stand out parin yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

  I calm myself. Hindi siya ang taong dapat iyakan. He doesn't deserve my tears. But then, kahit anong pigil ang gawin ko, parang may sariling pag iisip ang luha ko at ayaw tumigil.

  *******