Lhaiel's POV
Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa ng tinutuluyan kong hotel room habang nag s-scroll sa facebook account ko nang makakita ako ng isang post na nakapagpatigil ng mundo ko.
Ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa buo kong mukha habang nanlalaki ang matang nakatitig sa post ng nanay ko.
The post contained our family picture and my solo picture. But the most disturbing was the picture of a coffin and flowers with my mirror-length picture on the right side. I read the caption and it says: 'Rest in peace my dearest son Lhaiel San Diego'.
"What the hell?," wala sa sariling sambit ko habang binabasa ang mga comment sa post ni Mommy.
Paanong? Ako?? Patay na???
Inilapag ko sa table ang cellphone ko at kunot noong napatitig sa kisame.
I will gonna find out who's responsible for this mess!!
Kuyom ang dalawang kamaong kinuha ko ang susi at jacket sabay labas ng kwarto at nagmamadaling tinungo ang parking lot.
Habang nasa daan ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Alam ko kasing may kinalaman tiyak si Mommy sa pangyayaring iyon.
"Fuck!!," inis na sambit ko habang ilang beses na pinapalo ang busina ng kotse ko.
Kung kailan naman kasi nagmamadali ako ay ngayon pa naipit sa traffic.
Halos manhid na ang dalawa kong kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela dahil sa inis.
Nang sa wakas ay lumuwag din ang kalsada ay agad kong pinaharurot ang sinasakyan kong kotse. Hindi ko alintana ang ibang mga motorista na nagmumura dahil sa matulin kong pagmamaneho.
Ilang sandali lang ay nasa harap na ako ng bahay namin. Ni hindi kona nga naiparada ng maayos ang kotse ko dahil sa pagmamadaling bumaba.
Nang makapasok ako ay agad bumungad sa akin ang maraming tao at agad napadako ang mata ko sa kabaong na nasa gitna ng sala ng bahay namin.
Just the mere thought of myself lying on that thing sends chills down my spine.
Lahat ay abala sa kanya-kanya nilang buhay at halos walang nakakita sa akin hanggang sa makalapit ako mismo sa harap ng kabaong. Kuyom ang mga kamao na luminga ako at hinanap si Mommy sa nagkalat na mga tao sa sala namin.
Nang makita ko siya ay abala siya sa pag-pupunas ng mga luha na alam kong sapilitan niyang pinakawalan.
"What.Is.The.Meaning.Of.This?," tiim bagang na tanong ko na agad nakapukaw sa atensyon ng marami.
"L-Lhaiel? You're here already?," gulat na tanong nya.
"I mean,Lhaiel,anak,buhay ka!!," bawi niya sabay yakap sa akin.
"Itigil niyo na yang kadramahan na yan, hindi nakakatawa," sambit ko sabay talikod at lakad pabalik sa kotse ko.
Hindi ko ugaling talikuran nalang basta si Mommy pero ngayon, hindi ko naiwasan. Sino ba naman kasing tao ang gagawa ng pekeng burol just for fun??
Nang makasakay ako sa kotse ko ay agad ko iyong pinaharurot. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagdadrive bago ako huminto sa isang parke na maraming naglalarong bata.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga bata na nakakapagpakalma sa akin. Gustong-gusto ko silang pinapanuod habang masaya silang nagtatakbuhan at naghahabulan.
Nang matiyak kong nakalock na ang kotse ko ay lumapit ako sa isang bench at umupo.
I heave a sigh while watching many children happily playing some games.
They look so happy. It's always amazed me how they manage to laugh and smile like that. Like they have everything they could wish for.
Kahit konting bagay lang ay kontento at masaya na sila. How I wish na maranasan ko ulit ang ganoong kasiyahan. Nahiling ko tuloy na sana ay na-enjoy ko ang childhood ko back then.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatunganga sa mga batang naglalaro nang biglang may tumabing sa paningin ko at nang tignan kong maigi ay isang lata ng beer pala.
"What the fuck??," kunot noong tanong ko at handa ko na sanang sabihin na hindi ako nanlilimos ng beer nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Rev??,"
"Kamusta?," nakangiting bati niya na sinagot ko naman ng isang sapak.
"Ow!!! Aw!! Aray, put*!!," tutop ang ilong na sambit niya habang kunot noong nakatingin sa akin.
Inundayan ko ulit siya ng suntok na tumama naman sa ibabang bahagi ng labi niya.
"What a nice and warm welcoming," sarkastikong sambit niya habang pinupunasan ang dugo sa ilong at labi.
"Fuck you!!," lintanya ko sabay unday ulit sa kanya ng kamao na agad naman niyang naiwasan pero agad ko ding sinundan ng sipa at tinamaan siya sa tagiliran.
"Dude? What the hell??," takang tanong niya habang tinitiyak na iwasan lahat ng ibinibigay kong suntok at sipa.
Masaya akong makita siya ulit pero naiinis at nagagalit ako dahil ang tagal niyang nawala tapos ngayon bigla nalang siyang magpapakita na akala mo walang nangyari?
Ron Ethan Valdes or simply Rev was our childhood friend. Nakilala namin siya noong elementary kami. Bagong lipat lang sya sa area namin at agad namin siyang nakapalagayan ng loob.
Ako,si Rain, Roby, Yan, Ajay at si Rev ay matalik na magkakaibigan. Hanggang maghigh school kami ay kaming anim na ang magkakasama, sa gulo man o ligaya.
Pero noong nagcollege kami ay bigla nalang siyang nawala ng walang pasabe. Simula noon ay nawalan na kami ng balita sa kanya. Ni hindi namin siya macontact, hindi din namin alam kung saan siya nagpunta. Parang isang bula na bigla nalang naglaho. Naisip nga namin na baka patay na siya o ano.
"Lhaiel?? Nakadrugs kaba?," sigaw niya sa pagitan ng pag-ilag sa mga suntok ko kaya lang ako napabalik sa kasalukuyan.
"Bakit parang gusto mo na akong patayin?,"
"You've been gone for almost five years! Without any reason or any single word!," sigaw ko na tumigil na sa pagsuntok sa kanya at hinawakan siya sa kuhelyo.
"How could you approach me as if nothing ever happened?,"
"I'm sorry okay??," sambit niya habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kuhelyo nya.
"I have my reason for doing that awful thing,"
Marahas ko siyang binitawan at tinitigan ng masama bago humalukipkip.
"Whatever your reasons are, you don't have the right to leave just like that!," lintanya ko.
"Bumalik ako para buuin kung ano man ang nasira ko and I am hoping that it's not too late," sambit niya at makikita ang lungkot sa kanyang mga mata.
"I'm still hoping too," mahinang sambit ko at alam kong narinig niya.
"Do you still remember the time when we broke into someone's apartment just for the stupid dare?," tanong niya maya-maya na sinagot kolang ng tango. How could I forget that. Iyon yung isa sa mga pinaka nakakatakot na pangyayari sa buhay naming magkakaibigan.
It was a December night. Last year namin sa high school. That stupid Ajay made a dare matapos naming matalo sa basketball. Ang dare ay papasok kami sa isang apartment at kukuhanan ng video para ibidensya na ginawa nga namin ang dare.
Sila Ajay, Rain and Roby ay naiwan sa labas at nagsilbing look out at kami naman nila Rev at Yan ang pumasok sa loob dahil kaming tatlo ang magka-team sa basketball.
Nang makapasok kami ay ini-on ko ang camera dahil ako ang nasa unahan. Hindi namin alam na ang napasok naming apartment ay crime scene pala ng isang murder.
Pagdating namin sa kusina ay nakita namin ang bangkay ng isang babae na naliligo sa sarili nyang dugo. Tumawag kami ng pulis at obviously kami ang unang suspect dahil nga pumasok kami doon.
"Galit na galit si Mommy sa atin noon," sambit niya sabay upo sa bench na inuupuan ko kanina.
"You knew the fact that my mom hates you right?,"
"Tss!," ismid ko bago tuluyan ding umupo sa tabi nya.
"Not just hate, she despised my whole existence,"
Napatawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko kaya napangiti ako ng konti. The atmosphere around us soften up a bit.
"Hindi mo na ba ako bubugbugin without reason?," tanong niya na medyo umatras ng kaunti palayo sa akin.
"Shut up, you knew very well the reason why I beat you," sagot ko.
"You're still the Lhaiel I know," sambit nyang nakangiti.
"Confusing me with your witty words,"
Ilang saglit pa akong naghintay bago siya magsalita uli.
"Well, noong nalaman niya na tayo ang suspect sa murder na naganap sa apartment na iyon, muntik niya na din akong mapatay," sabi niya na sa malayo nakatingin.
"She said, aayusin niya ang gulo natin, but in one condition, I have to stay away from you guys,"
Napatingin ako sa kanya bigla. Hindi makapaniwala na gagawin ng Mommy niya iyon. Okay, given na basagulero kami that time. Well, what can you expect from a 15-year-old bunch of morons?
"You knew na kaya din naman naming ayusin iyong gulo na 'yon," mariin na sambit ko.
"I know, at sinabi ko din kay Mommy pero gusto niya talaga akong mapalayo sa inyo kasi iniisip niya na mapaparewara ang buhay ko kapag sa inyo ako sumama," malungkot na pahayag nya.
"Pero ayoko, sinabi ko sa kanya na kahit anong mangyari ay hindi ako lalayo sa inyo because you guys are my friends,"
"But you still did, you left us," tiim bagang na sambit ko bago napabuntong hininga.Hindi ko akalain na ganoon pala kami kinamumuhian ng Mommy nya.
"I have no choice! Kung hindi ko gagawin ang sinasabi nya, lalo lang lala ang lahat," malungkot na pahayag nya.
Napailing ako. Sinusubukan kong paniwalaan lahat ng sinasabi nya but it doesn't feel right.
"So you chose to leave without a word? Ganun ba??," tanong ko.
"I did, to protect you," mahinang sambit nya but I manage to hear.
"Protect from what?," I laugh humorlessly.
"Kay Mommy," seryosong sagot nya.
"What?," takang tanong ko.
"Sabi niya ididiin niya kayo sa napasukan nating gulo. Knowing my mom,marami siyang connection so pumayag ako sa gusto nya. Lumayo ako at iniwan kayo ng walang paalam," paliwanag niya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa mga nalaman ko ngayon. Nilingon ko siya at kita ang kalungkutan sa mukha niya.
Napailing nalang ako bago iaabot sa kanya ang lata ng beer na ibinigay niya kanina.
"You should be thankful," sambit ko kaya nilingon niya akong nagtataka.
"You had an awesome mom,"
"I don't think so," sagot niya bago kuhanin ang beer na inaabot ko.
"Well, at least you're a mom doesn't fake your funeral," sabi ko bago ituon sa mga batang naglalaro ang paningin.
Narinig ko siyang napaubo at nasamid kaya nilingon ko siya bigla. At pagharap ko ay nakita ko ang gulat na gulat nyang mukha.
"Tita Gerzelle did that?," manghang tanong niya na sinagot ko lang ng tango.
"Wow, you had a weird mom,"
"Yeah," sagot kong natatawa.
At doon na nagsimula ang paghupa ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nag-usap at nagkwentuhan habang pinanunuod ang mga batang walang sawang nagtatawanan at naghahabulan. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti dahil naalala ko noong mga bata pa kami.
"I'm sorry for beating you up," sabi ko ng tahimik na kami at pinanunuod nalang ang mga batang naglalaro sa di kalayuan.
"I just----,"
"You don't need to apologize, you just did it because you're Lhaiel," sambit niyang nakangiti.
"Besides, I deserve it,"
"Yeah, you deserve it," I said as I lightly punched him on his shoulder.
"Wait?? Diba si Hannah 'yon?," sambit niya sabay turo sa malayo.
Napadiretso ako sa pagkakaupo at tumingin sa itinuturo nya.
At mula sa malayo ay nakita ko sya. Ang taong akala ko ay nakalimutan ko na. But my heart still beats the same way as it beats before every time I see her.
"Sinong lalaki yung nakaakbay sa kanya?," takang tanong niya habang napatiim bagang naman ako.
"Lhaiel, kung gusto mo uupakan ko na 'yong lalaki na yon,"
Nang akma siyang tatayo ay pinigilan ko siya. Tinignan ko ulit si Hannah. She's smiling while playing with her nephew. Beside her was her happy husband.
Hindi ko maiwaglit ang kaisipan na sana ay ako ang nasa tabi nya. Habang tinitignan ko sila na masayang magkasama ay nadudurog ulit yung puso ko.
"Let's go," sabi ko bago tumingin sa kanya sa huling pagkakataon saka lumakad patungo sa kotse ko.
"Aalis ka lang ng ganon ganon?, Halika ka na sapakin na natin yon," sambit ni Rev habang nakasunod sa akin.
"No need Rev," maikling sagot ko. Ayoko pa sanang buksan ang topic na iyon since it's very sensitive for me but seems like fate doesn't like me.
"Sino ba kasi 'yon?," tanong nya.
"Her husband," maikling sagot ko na ikinatahimik naman nya.
Habang daan ay tahimik lang kami ni Rev. Paminsan minsan ay nagkukwentuhan pero parehas naming iniiwasang banggitin ang nangyari kanina.
Nagpapasalamat ako at naunawaan niya na ayaw ko pang magsalita tungkol sa bagay na iyon.
Napagkasunduan namin na sa condo niya kami tutuloy since ayokong makipaglamay sa sarili kong burol. I'm still furious about that. Kapag naalala ko iyon hindi ko mapigilang magalit.
Dumaan kami sa isang store at bumili ng maiinom at makakain since tamad kaming magluto but the truth is, none of us knew how to. So cup noodles will do.
Kalahating oras na byahe lang mula sa tinutuluyan kong hotel yung condo niya kaya past 7 pm nasa condo na niya kami.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala niya at hinihintay iyong binayaran niya just to boil some water para sa aming cup noodles habang naglalaro ng poker.
"Are you sure you're mother did her very best just to make you a better person?," maya maya ay tanong ko. Agad naman siyang napalingon sa akin.
"What do you mean?," takang tanong niya.
"You're paying someone just to boil some water when it's not a hard thing to do," sambit ko habang sa baraha nakatingin. Why it is hard to play this fucking tong-its??
"Bakit, ikaw ba kaya mong magluto ng tubig?," offended na tanong nya.
"No," sagot ko bago itaob lahat ng cards at tumingin sa kanya ng diretso.
"Kung sa amin ka sumama, matututo kang maging independent,"
"And how is that?," tanong nya.
"Simply because we had a water dispenser," maikling sagot ko.
Sinusubukan kong pigilan ang pagtawa dahil mukhang na-offend sya talaga base sa itsura nya.
"See, nakadipende ka din sa water dispenser," nakasimangot na lintanya nya.
"And I don't like water dispenser because it was just a waste of money,"
"So yung pag-babayad mo ng tao para ipagpakulo ka ng tubig, hindi waste of money?," natatawang tanong ko.
"Kung hindi ka lumayo sa amin, baka pati vacuum meron ka ngayon at hindi ka nagsasayang ng pera para magbayad sa paglilinis dito sa condo mo,"
"You know I doubted Tita Gerzelle if she raised you very well," nakahalukipkip na lintanya nya.
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ng malakas dahil sa itsura nya. Hindi na siya nagbago. Pikon parin siya hanggang ngayon. Natapos ang gabi sa asaran naming dalawa habang umiinom ng beer. Pansamantala ko na namang nakalimutan ang mga problema ko.
"You know, we should do this more often, with the rest of the gang," sabi niya bago tuluyang makatulog sa sofa. Nangingiti ako habang pinagmamasdan siyang nakahiga at nakalawit ang ulo.
Nalasing ang loko.
Kahit medyo hilo din ay pinilit ko siyang mailipat sa sarili niyang kwarto. Nang nailapag ko siya ay kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng picture habang tulog na tulog at nakanganga.
Remembrance.
I'm glad you're back.
Pagkatapos ko siyang kuhanan ng picture ay agad nadin akong nagtungo sa isang kwarto na katabi lang ng kwarto niya.
And after a couple of minutes, I fell asleep.
****