Ajay's POV
Alas syete na ng gabi pero nandirito parin si Rain sa amin. Wala daw siyang ibang mapuntahan kaya dito tumambay. Parang hindi ko naman alam na naputalan sila ng internet. Pinaputol ng lola niya kasi adik nga sa ml saka sa lahat ng online games kaya dito siya tumatambay kahit na gigil parin siya sa kasambahay namin na humabol sa kanya ng walis. Sa susunod sisingilin ko na siya sa kaka-connect niya dito.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa veranda ng kwarto ko habang siya ay busy-ng busy sa cellphone nya. Tinignan ko din ang cellphone ko to check for any news about Lhaiel. Pero wala padin. Walang reply sa sandamakmak kong text. Pati tawag, hindi niya sinasagot.
"Oy!, Umuwi ka na nga, gusto ko nang matulog eh," pagtataboy ko kay Rain na prenteng-prenteng nakaupo sa tabi ko.
"Mamaya na, 20 minutes nalang," sagot niya na hindi man lang inialis ang mata sa screen ng cellphone niya.
Napabuntong hininga ako. Rain is Rain. Walang makakapag pagawa sa kanya ng bagay na ayaw niyang gawin kaya ang ginawa ko ay isinara ko ang sliding door na nagde-devide sa kwarto ko at sa veranda.
Bahala siyang matulog dyan sa malamig, tutal adik naman siya sa ml.
Nagdiretso ako ng banyo para maglinis at pagkatapos ay nahiga na sa kama ko para matulog. Hinayaan ko na si Rain doon sa labas na hanggang ngayon ay tutok parin sa ml.
Nang makahiga ako ay agad akong nakatulog, nagising lang ako ulit dahil sa pagtunog ng cellphone ko na nakalagay sa table na malapit lang sa kama.
Kahit nakapikit at pinilit kong abutin ang cellphone ko na walang humpay sa katutunog.
Tinignan ko kung anong oras na. My alarm clock reads 2:30 am.
Who the hell in their right mind would call at this hour?
"Hello?," inaantok na tanong ko.
[Hello Ajay? Do you have any news about Lhaiel? Nakamove-on na kaya siya kasi kung hindi, hahanap talaga ko ng mga model na iba-blind date ko sa kanya,] a voice said in a hushed tone. Nakilala ko lang kung sino ang nasa kabilang linya dahil sa arte ng pagsasalita.
Even though I still had my eyes closed, I managed to roll them.
"Tita Gerzelle, kahit anong gawin ninyo hindi yan eepekto. Madidistract lang siya pero hindi siya makakalimot, because only time can cure the pain of yesterday," sabi ko kahit inaantok pa.
[Whatever kiddo, night] mabilis niyang paalam at agad na pinatay ang tawag.
Ilang segundo ko pang tinitigan ang cellphone ko bago ibaba ulit at umayos ng pagkakahiga.
Bukas talaga magpapalit na ako ng sim.
Ilang minuto na akong nakahiga ng makaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan. Padabog akong bumangon at susuray suray na lumakad patungo sa cr. Habang naglalakad ng parang zombie, binibilang ko sa isip ko kung ilang oras nalang akong matutulog. At ayon sa kalkulasyon ko ay konti nalang.
Nang matapat ako sa sliding door na divider ng kwarto ko at nang veranda ay napasigaw ako ng makita ko ang isang mukha na nakapakat sa salamin.
Kung nanunuod kayo ng Larva, yung dalawang uod na kulay dilaw at pula, yung pinaka dulo ng clip nayun ay nakapakat yung dalawang larva sa screen.
Ganun yung itsura ng mukha na nakapakat sa sliding door ko. Sa bawat galaw ko ay sinusundan nya ako ng tanaw.
Naalala ko si Rain na iniwan ko nga pala sa labas kaya agad kong binuksan ang lock at agad na lumabas. Pero hindi parin siya umalis sa pagkakapakat niya sa pinto.
"Aaa...jaaaay," sambit niya sa pangalan ko at muntik pa akong kilabutan kasi parang zombie ang tono nya. Hindi na talaga ako manunuod ng zombie apocalypse movies.
Hinatak ko siya paharap sakin. Pulang pula yung mga mata niya at kahit na singkit ay nanlalaki.
I get the urge to smack him across his face for his stupidity.
"Ano bang nangyari sayo? Nagdodroga ka ba?," mapanghusgang tanong ko sa kanya sabay layo ng kaunti.
"Naihian ko yung paso mo, ihing ihi na kasi ako," mahinang sambit niya.
"What?," takang tanong ko. It took a couple of seconds for me to digest what he had said. Yung awa ko sa kanya kanina napalitan ng inis.
"Lumayas ka na nga Rain at baka hindi kita matantya, dugyot!," bulalas ko na nagpipigil ng galit. Nawala lahat ng antok ko sa katawan nang makita ko ang unti- unting pagkalanta ng mahal kong halaman na alam kong lunod sa ihi ni Rain. Gross!!
"What's dugyot?," maang na tanong niya, tinignan ko sya ng masama saka ginaya ang sinabi niya.
"Salahula ang ibig sabihin non!," halos pasigaw na sagot ko.
"Paanong gagawin ko? Eh sasabog na ang pantog ko," sabi niya habang naghihikab. Napailing ako. Nakakainis siya pero nakakaawa parin. Wala, moron kasi eh.
"Matulog ka na nga," taboy ko sa kanya papasok at tinignan ang paborito kong halaman na ngayon at patay na. Grabe, umiinom yata siya ng pesticides.
"Sa kabilang kwarto ka matulog!," pahabol ko bago nanlulumong sumunod din sa loob at nagdiretso sa cr.
Paglabas ng banyo ay nakita kong sa kama ko nakahiga si Rain. Napailing nalang ako.
Sa halip na mabugbog ko siya ay ako na mismo ang lumipat ng kwarto. Nang makahiga ako ay agad akong nakatulog.
~~
Nagising ako kinaumagahan sa lakas ng bunganga ni Rain. But I tried to sleep again thinking it was just my imagination. Besides, sa kalagayan ni Rain baka nga isang araw pang matulog yun.
"Ajay!!!!!„" napabangon ako sa pagkakahiga ng may sumigaw sa tabi ng tenga ko. Kung gaano kabilis ang pagbangon ko ay ganon din kabilis ang pagsayad ng kamay ko sa mukha ng taong malapit sakin at 'yon at walang iba kundi si Rain.
"Oww!," sambit niya sabay hawak sa pisngi niyang namumula dahil sa bakat ng kamay ko.
"The hell Rain??," tanong ko sabay bangon at tadyak sa kanya kaya naman nahulog siya sa lapag mula sa pagkakadapa niya sa kama.
"Why are you gotta be so rude," reklamo nya habang dahang-dahang tumatayo.
"Napaka mapanakit mo na!,"
Natawa ako sa itsura niya. May bakat ng kamay sa kaliwang pisngi habang nakasimangot.
"Lubayan mo kasi ang mga kapraningan mo," sambit ko bago lumabas ng kwarto at magtungo sa sarili kong kwarto para maligo. Leaving him there sending a dagger towards me.
Nang nasa banyo na ako ay hindi ko maiwasang mapatitig sa salamin. Kapag nakikita ko ang repleksyon ko ay naaalala ko siya kaya nagmadali ako sa pagligo at lumabas na para tignan si Rain kung ano ang pinagkakaabalahan.
I hope he doesn't pee on any flower vase.
Nakita ko siya sa garden, kausap si mommy saka yung kasambahay namin na kaaway nya.
"So Tita, napag-isipan niyo na po ba yung sinabi ko?," seryosong tanong ni Rain kay mommy, habang si Ruby, yung kasambahay namin ay masama ang tingin sa kanya.
"Rain, you never failed to amaze me, but like what I had said, her job was so important to her, especially to her family," sabi ni mommy na naiiling at paminsan minsan ay napapangiti.
Napabuntong hininga nalang ako. Malamang, Rain forcing Mom to fire that woman.Poor her. Siya pa ang napagtripan ni Rain.
"Pero Tita, she hit me with those dirty broom, and she said I was a thief?," nakasimangot na lintanya niya.
"Plus she doesn't even say sorry,"
"Good morning Mom," bati ko ng makalapit sa kanila.
"Ajay, you're here. Why don't you take Rain into the kitchen and make him some breakfast?," sabi ni Mommy sa akin. Easily cutting their conversation off.
"Paalis na din po kami, maybe sa labas nalang kami kakain," nakangiting pahayag ko before I practically drag Rain out of our garden.
~~~
"So, what are we doing in here?," takang tanong ko habang nasa labas kami ng bahay ni Yan at naghihintay na pagbuksan niya kami ng gate. Ilang beses na kaming nagdo-doorbell. Sa resto sana kami pupunta pero sabi niya kila Yan daw kami tumuloy, so eto kami ngayon sa harap ng mansion ng mga Soledo.
"I got a message, we had a mission to discuss," sagot niya habang hinihimas ang buhok nyang oa sa kintab.
So that's the reason why he's wearing that damn black suit and sunglasses.
"Now I know why you're wearing that thing," I voice out my thoughts.
"I look handsome, isn't I?," sabi nyang nagmamayabang.
"No, mukha kang nakawala sa mental," sagot ko.
"Yeah right, Ajay. I can practically see you're drooling over me, seems like you can't resist my charm," sabi nya sabay baba ng sunglasses at kindat sakin.
Napabuntong hininga nalang ako. At maya-maya lang ay bumukas na ang gate at iniluwa si Yan.
"Mabuti naman at naisipan mo na kaming pagbuksan, lumalakas na kasi ang hangin dito,iba na ang ihip,papunta nang bagyo," sabi ko sabay tingin ng masama kay Rain na nagaayos ng non-existing na gulo ng buhok nya.
"Oo nga, baka magulo 'tong poging pogi kong buhok," sabi naman nya bago nagmamadaling pumasok sa loob, shoving me and Yan in the process.
"Moron," bulong ko sabay lakad papasok kasunod si Yan.
"Ano bang meron? May handaan ba?," takang tanong ko.
"Follow me," ang sagot lang niya kaya nagkibit-balikat nalang ako ng lampasan niya ako at dumiretso sa kung saang parte ng bahay nya.
Habang naglalakad ay iniisip ko kung saang parte ng bahay na ito nag-punta si Rain.
"We're here," sabi ni Yan sabay hinto sa tapat ng isang pinto.
"Magbabasa tayo?," tanong ko ng makita kong nasa tapat kami ng library nila.
Sa halip na sumagot ay itinulak niya pabukas ang pinto at pumasok sa loob. Marahan ko itong isinara at kibit balikat na sumunod sa kanya. What is wrong with him??
Agad akong lumapit sa mga bookshelf at tinignan ang mga libro nang bigla nalang bumalandra pabukas ulit ang pinto at iniluwa ang isang babae na kulay auburn ang buhok.
"Bow down to your queen,"
Lahat kami ay nagulat dahil sa nangyari.
Taas ang kilay na pinagmasdan ko siya and I can practically see Rain's jaw dropping into the ground.I don't even know he's here and how the hell he managed to get here. Well, he's Rain.
I look straight into her black round eyes that scrutinize me from my head down to my toes. She had the posture of some Korean actresses. Her kissable lips curled up into a pout. Kahit na nakasimangot ay hindi maikakailang maganda sya. Her eyes look around us one by one.
"Who the hell is this?," taas ang isang kilay na tanong ni Yan.
"I should be the one asking that/ She's an Angel," ako at si Rain.
"Don't refer me as hell," sabi nyang nakataas ang isang kilay na kay Yan nakatingin.
"And my name is Angel,"
"Told you," narinig ko pang sambit ni Rain in daze habang si Yan naman ay nakasimangot.
"Okay, Angel cut the crap will you?,"
Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Sabay-sabay pa kaming napanganga dahil mula sa pinto ay pumasok ang legendary nanay ni Lhaiel. Wearing a purple dress. Napaatras pa ako ng konti ganun din ang dalawa.
Napasimangot si Angel pero tumahimik din naman.
Walang kaimik-imik namin siyang pinagmamasdan habang lumalakad na parang rumarampa papunta sa maliit na stage na ngayon ko lang napansin.
"I call you agents dahil gusto kong hingin ang tulong nyo," seryosong sambit niya habang tinitignan kami isa isa.
Tahimik kaming nakikinig at naghihintay kung ano pa ang sasabihin niya.
"Alam niyo naman na hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi at nagpapakita si Lhaiel sa atin, ni hindi natin alam kung nasaan ba siya,kung kamusta ba siya o kumakain ba siya ng maayos," sabi niya at mula sa kanyang purple bag ay dumukot siya ng purple na tissue at nagpunas ng mata saka suminga. Okay, that's kinda gross.
"We...don't e-even know kung buhay pa ba siya," at bigla nalang syang humagulgol.
Napalingon ako sa tabi ko dahil may narinig akong umismid at nakita ko si Angel na umiikot paitaas ang mata.
"I told her already. He's fine and he's not dead," bulong niya sa sarili. Napailing nalang ako at napalingon kay Tita dahil nagsalita siya ulit.
"So the plan is gagawa tayo ng pekeng burol at tatawagan si Lhaiel para umuwi siya," seryoso na naman ang mukha na pahayag ni Tita.
"What?, No, labas ako dyan," sambit ni Yan at tuloy-tuloy na lumabas ng library. Matagal na siyang wala ay nakatitig parin ako sa pintuan. Hindi parin nagsi-sink in sa utak ko na tinalikuran kami ni Yan.
He's a traitor!!
Hinarap ko si Tita Gerzelle na akala mo isang anghel na nakatingin lang sa amin.
"This might be a bit harsh but Tita? Are you out of your mind?," nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.
"It's harsh,no doubt, but no I'm totally in my right mind," sagot niya na may paninindigan.
"When you became a parent, you will do the same thing,"
I will be a normal parent I guess.
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin kay Rain na nakatitig naman kay Angel.
Eugh! This is crazy!! Kapag nalaman ni Lhaiel na kasama kami sa kalokohan na ito ay tiyak papatayin kami nun.
Yung ilang minutong pakikinig sa plano ni Tita ay parang isang buwang pagkakakulong sa mental hospital dahil hindi ko mapigilang kausapin ko ang aking sarili. I was asking myself whether I would take part of this plan or just run away, move into another country,I don't know, maybe start a new life there.
Hindi ko alam kung anong kinakain ng nanay ni Lhaiel na ito at ganito kung mag isip.
Hinayupak kasing Lhaiel na iyon eh! Ayaw man lang magparamdam o sumagot man lang kahit isang text at tawag namin.
Pagkatapos ng mahabang explanation ni Tita ng kanyang plano ay nagpasya nalang akong umuwi at doon nalang tumambay. Sa resto sana ako dideretso kaya lang tinamad ako kaya sa bahay ako nagdiretso.
I tried to call Lhaiel para sabihin na pinagpaplanuhan na siya ng masama ng nanay niya. Kaya lang naka off yata ang phone niya. After several hours of calling him but to no avail,napagdesisyonan kong matulog nalang at harapin ang mga dagok sa buhay na darating bukas.
I know, I just exaggerating a bit.
~~~