Lhaiel's POV
Ilang minuto, na akong nakaparada sa harap ng isang bar ngunit nanatili lang akong nakaupo sa loob ng kotse ko.
Hindi ako sa Blood Brothers nagpunta dahil ayoko munang makihalubilo sa grupo. Gusto ko munang mapag isa. Tyak kasi na kapag nakita nila akong ganito ang itsura, hindi sila titigil sa katatanong. Ayoko pa munang magkwento sa kahit na kanino. I just want to feel this pain alone because I know no one can understand how I feel.
Ang hirap iwaglit sa isipan yung mga tagpo sa simbahan at lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napatingin ako sa orasan ko. Alas syete na din ng gabi kaya halos puno na ang parking lot ng bar.
Nang makababa ako ng sasakyan ay agad akong nagtungo sa stool at umupo duon.
Nang makita ako ng bartender ay agad nya akong tinanong kung anong gusto kong inumin.
Pagkasagot ko ay agad niya akong binigyan ng isang baso na nasundan pa ng marami hanggang sa naramdaman kong kinakain na ng alak ang sistema ko.
Pero tuloy lang ako sa pag inom. Hindi ko na alintana kung paano ako uuwi mamaya. Wala na akong pakialam sa kahit na sino.
Ilang beses kong narinig na tumutunog ang cellphone ko dahil may tumatawag ngunit hindi na ako nag abala pang tignan kung sino.
"Sir, lasing na po yata kayo," the bartender said to me politely.
"Hindi pa, give me one more round," sabi ko habang nakadukdok sa counter.
"Sir, lasing na po kasi----," I cut him off by grabbing him by his collar.
"I said, give me one more round!," inis na sabi ko bago siya bitawan ng padabog dahilan para bumalandra siya sa halera ng mga bote ng alak..
Hindi ko binigyang pansin ang pagkabasag ng mga alak sa likuran niya. All I want is alcohol. To drown myself by its mighty bitter taste.
The commotion I was making caught the attention of some people near me.
And after a couple of minutes, I felt two strong hands grab me by my shoulder.
"Sir, lasing na po kayo, gumagawa na po kayo ng gulo," sabi ng bouncer sakin habang inaalalayan akong tumayo ng maayos.
I couldn't focus on his face because of the dizziness, and without thinking, I peeled his hands away from me and gave him one swift blow my, hand connected to his chin, and the force sent him backward. He stumbled upon some chairs and tables.
Ikiniling ko sa kaliwa ang ulo ko at ngumisi ng nakakaloko.
"I don't like it when someone touches me without my permission," I said smugly.
Dahan dahan syang umayos ng pagkakatayo at tumitig sakin ng masama. May kinuha siya sa gilid nya which I assumed was a gun so I straightened up and tensed a little.
Kung suntukan lang ang laban sigurado akong makakalaban ako ng patas kahit na medyo nahihilo dahil sa dami ng nainom ko pero kung may gamit siyang armas, I'm most likely digging my own grave right now.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong radio lang ang inilabas niya at may kinausap siyang tao sa kabilang linya at pagkatapos niyang makipag usap ay walang ano-anong umalis sa kinatatayuan niya para pumunta sa kung saan.
Umupo ulit ako na parang walang nangyari and asking again for another glass of beer which the bartender refused furiously.
I glared at him and ready to punch him just like what I did to the bouncer a while ago but I felt someone grab me by my shirt and yanked me away from the stool.
This caught me off guard. Hindi ako nakapalag ng marahas akong hilahin ng isang lalaking alam kong mas malaki ang pangangatawan kaysa sakin palabas ng bar.
I think the great amount of alcohol I just drunk kicked in because I couldn't think properly and I felt the whole world was spinning around me.
The guy most likely threw me outside the bar and I landed face-first but I managed to glare at him before the door slammed close.
~~~~~~
Alleya's POV
Iniisang lagok ko lang ang hawak kong basong may laman na alak habang pinanunuod ang mga taong nagsasayaw sa gitna,sinasabayan ang malakas na tugtog.
It is funny how I ended up like this. Drinking here alone because of pain. I don't think I would be this ridiculous. Napapanuod ko lang ito sa mga drama sa tv. Hindi ko inaasahang nangyayari pala sa totoong buhay at sa akin pa mismo.
Kahit halos ayaw ng tanggapin ng sikmura ko ang alak ay pilit ko paring iniinom. I just want to drown myself in alcohol as much as I drown in my tears and emotions.
Everything inside my head was our memories. With just one blink, everything's turned upside down. Everything went wrong.
In my very existence, two men whom I love the most left me behind with so much ache and dull pain. Leaving me as if I don't exist at all. Leaving me without hesitations and enough reasons.
First my father then Alex. They're just like each other. They both left me for some other girl.
Kahit ilang taon na ang nakalipas, yung sakit na iniwan sakin ni Daddy ay damang dama ko parin at nadagdagan pa ng sakit na pinararamdam sakin ni Alex ngayon.
I was just 13 when Mommy found out about Daddy having an affair.
I couldn't clearly understand what was going on because I was too young back then but I could clearly see the pain and the hurt of being betrayed in my mom's eyes and it was also hurting me when she was giving me that same dark and cold stare she was giving towards my father's betrayal.
Pero ang mas masakit sa lahat ay iyong iniwan ako ng dalawang taong nangakong mag-aalaga at magmamahal sakin.
When my Daddy left us, my mom changed and left me when she found another man too. Kahit sa murang edad ay pinilit kong intindihin ang lahat. Pinilit kong maging matatag kahit alam kong unti unti na akong nasisira.
Lumaki akong walang magulang na nakatugaygay at nakakakita ng mga achievements ko sa school at sa buhay. But still, I'm happy and convinced to be contented because, despite their absence in my life, they're still giving me financial support. Kahit na hindi na sila nagpakita sakin hanggang sa lumaki ako.
I search through the internet about their whereabouts and all. I hope I didn't.
Because they have their own family now. Living their life happily and leaving me for good.
Lahat ng nalaman ko ay nag iwan ng malaking sugat sa puso ko pero thankful ako dahil meron akong aunty na nagmamahal sakin at nagapalaki sakin ng maayos. At least I can consider myself lucky in some ways and some reasons.
Halos hindi na ako makakita sa sobrang dami nang luhang tumutulo mula sa mata ko. Halo halo ang nararamdaman ko.
Galit, pait, poot at sakit sa lahat ng nangyari sa buhay ko.
Bakit sakin? Bakit ako??
Ininom ko ang natitirang laman ng basong hawak ko. I wipe away my tears and stand slowly with my wobbly legs due to the alcohol I drank and walk towards the dance floor.
I'm not fond of dancing but I want to dance. I want to shake away how I felt so I start to sway my hips from left to right. It was an awkward movement but still, I was dancing.
Unti-unti ay nakasabay na din ako sa beat ng music. Sa sandaling pagkakataon, nakalimutan ko ang lahat at ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay magsaya.
Tumatalon, sumisigaw at sumasabay sa mga taong nagsasayaw.
This is so much fun!!
I can feel my heartbeat and I feel like all my veins are active. I want these feelings to last forever. I want to be this free. Hindi ko palalagpasin ang ganitong pagkakataon dahil alam kong pagkatapos nito ay mapait na realidad na ang sasalubong sakin.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nagsasayaw. Nararamdaman ko na ang pagrereklamo ng mga binti ko pero ayoko pang tumigil. Ayokong mawala yung ganitong pakiramdam.
Ilang sandali pa ay kusa nang sumuko ang mga binti ko kaya itsnapilitan muna akong umupo pero pag upo ko ay nakaramdam ako ng matinding hilo.
I look at my wristwatch, it's already 2:33 am. Shoot!! Yari kay Tita malamang nag-aalala na iyon ng sobra.
Sa isiping ito ay agad akong tumayo kahit medyo nahihilo pa dahil sa pagkakaalog ng buong kaluluwa ko kanina sa dance floor.
Pasuray suray akong lumakad palabas at patungo sa parking lot.
Mabuti nalang at medyo malapit ang napagparadahan ko dahil kung hindi, baka nakahalik na ako sa lupa ngayon dahil sa hilo.
Ilang minuto pa bago ako makasakay dahil hindi ko mabuksan buksan yung pinto ng kotse ko dahil umiikot na ang paningin ko.
Nang makasakay ako ay hindi ko napigilang mapadukdok sa manibela.
Ngayon ako nagsisisi kung bakit ako uminom, hindi ko na alam kung paano ako uuwi.
Bahala na! God! Kayo na bahala sakin.
Pinaandar ko ang kotse ko ng dahan dahan, tinitignan ko kung kaya kong magmaneho.
Nang maramdaman kong medyo nawala na ang pagkahilo ko ay binilisan ko na.
Ilang minuto na akong nagmamaneho ng bigla akong tawagin ng kalikasan. Kahit ayokong huminto ay napilitan ako dahil sasabog na talaga ang pantog ko.
Nagmamadali akong bumaba at nagpalingalinga sa paligid para tignan kung may tao at nang matiyak kong wala ay agad kong ibinaba ang undies ko at dahil naka dress ako ay madali kong nagawa.
Nang matapos ako ay agad agad akong tumayo at inayos ang suot ko.
Iniikot kong muli ang paningin ko sa paligid at ngayon kolang napansin na nasa tulay pala ako.
Sumakay ulit ako sa kotse at pinaandar ulit ito ngunit hindi pa man ako nakalalagpas sa tulay ay bigla namang bumaliktad ang sikmura ko kaya huminto ulit ako, mabuti nalang at walang nagdadaan at wala akong kasunuran dahil kung meron kanina pa ako nabangga dahil sa kahihinto ko.
Dali-dali ulit akong bumaba at inilabas lahat ng kinain ko mula umaga hanggang kanina.
Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong maputla na ako.
Kung alam ko lang talaga na ganito kahirap uminom ng sobra!
Napasandal ako sa hood ng kotse ko dahil sa panlalambot. Pakiramdam ko, pati bituka ko ay naisuka ko na.
Kung wala lang akong ispirito ng alak sa katawan ay malamang kumaripas na ako ng takbo pauwi dahil bukod sa madilim at tanging liwanag lang ng buwan at headlight lang ng kotse ko ang nagsisilbing source of light ay walang ding dumadaan.
Nagtatakang iniikot ko ang paningin sa paligid. Nang mapadako sa gilid ng tulay ang mata ko ay may nahagip akong imahe sa di kalayuan.
Pinipilit kong aninagin kung ano yun dahil baka nag ha-hallucinate lang ako dahil sa kalasingan. Humakbang ako ng konti para makitang mabuti.
My God! Minumulto ata ako??
Sa isiping iyon ay kinilabutan ako pero ayaw tumigil ng paa ko at patuloy parin sa paghakbang.
Pinipigilan kong matakot at isiping pinaglalaruan lang ako ng utak ko pero habang palapit ako ay lumilinaw ang imahe.
Ilang dipa nalang ang layo ko at kitang-kita ko na ng malinaw ang inakala kong multo.
Lalaki. Nakaitim ng damit at pantalon. Base sa itsura nya, balak yata nyang tumalon kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya.
Masama ang binabalak niya. Kahit ganitong maroon din akong pinagdaraanang hindi maganda ay never kong naisip na kitilin ang sarili kong buhay.
Kasi, I always believed in the saying that after the rain there comes the rainbow. Kaya kahit anong sakit ang pinagdaraanan ko iniisip ko nalang na matatapos din to at may mangyayari ding maganda.
Iiyak lang ako at maglalasing pero hindi ako magpapakamatay.
"Hey mister!," tawag ko pero hindi nya ako pinansin. Nakayuko lang sya sa gilid at hindi gumagalaw.
Nag-doubt tuloy ako kung tao ba talaga to o ano kaya napa-atras ako ng konti. Pero maya-maya ay lumingon siya sa gawi ko and for the split second I saw his eyes.
Hindi ko alam pero there was something in his eyes that made me wanna cry. There's so much sadness. So without hesitation, I walk towards him.
I can feel the sadness in him. Maybe because it was the same as what I felt.
Nang nasa mismong tapat na nya ako ay dahan dahan akong umakyat sa kinalalagyan nya. Kahit medyo nahihilo ay nagawa ko paring tumayo ng diretso at naibalanse ko parin ang katawan ko.
Nang matingin ako sa ibaba ay nahigit ko ang aking paghinga dahil alam kong konting maling hakbang lang ay malalim at mabatong ilog ang kahuhulugan ko.
I shivered at the thought.
Pumikit ako saka dahan dahang humarap sa lalaking nasa tabi ko. Which is the wrong move. The last thing I knew, I was pulled by the gravity towards my last destination. I saw the terror in his eyes and it surely mirrored mine.
Sinubukan niya akong habulin ngunit pati siya ay nahulog din kasama ko.
Napapikit ako at sumigaw, kasi alam kong yun nalang ang kaya kong gawin habang nararamdaman ko ang aking pagkahulog.
Naramdamn kong may dalawang bisig na yumakap sakin ng mahigpit. I open my eyes and I stare directly into two brown orbs. It reads many emotions I couldn't decipher.
'God, if I'm going to die right now, please take good care with my aunt. Marami pa po sana akong gustong marating at gawin pero kung talagang dito na magtatapos ang lahat, tatanggapin ko po, sana lang wag nyong pabayaan ang mga mahal ko sa buhay, and thank you because at least, I'm not going to die alone,'
Dasal ko habang hinihintay ang malagim kong katapusan. Then something hit me.
'One question nalang po, do I have to die a virgin?'
My whole body throbs when we collide with the water full force and I feel the air leave my lung. The last thing I remember was the feeling of sinking deeper before it all went black.
~~
Lhaiel's POV
Napapikit ako habang nilalanghap ang hangin. I opened my arms wide as if letting the cold air embrace me.
Alam kong konting pagkakamali ko lang ay mahuhulog ako pero hindi ko iyon alintana.
Sanay ako sa ganitong sitwasyon dahil madalas akong mag cliff diving.
Dumilat ako at tumingin sa ibaba. I can only see darkness and dullness beneath me.
But it seems like it's persuading me to jump in its depth.
I take a deep breath. The air was cold and relaxing but it never eased the pain. Pain that is always inside me and always will be.
If you're thinking I'm going to end my life, you're wrong.
I just want the feeling of being on the edge of something high. I feel like I'm fearless and free.
Kahit nangangawit dahil sa matagal na pagkakatayo ay nanatili parin ako sa aking kinalalagyan.
"Hey mister!," I heard a female voice but I didn't respond nor glance where the voice is coming from. Because I thought it was just my imagination.
But I saw something through my peripheral vision so I turned my head sideward.
I saw a girl, in a white dress. Siya ba yung sinasabi ng iba na legendary ghost na nagpapakita dito sa tulay?
Iwinaksi ko ang ganong kaisipan at pinanuod ang babae habang lumalakad papalapit sakin.
She was too pretty to be a ghost.
Nang malapit na siya ay itinuon ko ulit ang tingin sa ibaba. Nakikita ko siya mula sa gilid ng aking mata na umaakyat din at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Haharap sana siya sa akin ngunit nagkamali siya ng galaw at hindi sinasadyang nahulog siya.
I was so shocked. I could see the fear in her eyes when I tried to save her but she was already falling and my little move sent me falling after her.
She screams. An ear-piercing scream and instead of joining her, I just grab her and hold her tight.
She opened her eyes and looked into mine. I can see the terror in her teary eyes. If it's the end, then I'm glad because it's not that bad at all so I close my eyes and let the gravity take us to our grave.
Nang maramdaman ko ang impact ng pagbasak namin sa malamig na tubig ay hindi sinasadyang nabitawan ko ang babaeng hindi ko naman kilala pero kasama kong mamamatay.
Nakita ko siyang lumulubog pailalim kaya kahit kinakapos nadin ako ng hininga ay pinilit ko siyang abutin at hilahin paitaas.
My lungs were aching so badly for air and when I finally resurfaced I swam and swam with the girl on my left hand until I saw a land even though I felt like I couldn't do it anymore.
After a couple of minutes nasa pampang na kami. Hinila ko sya paahon at nahiga sa tabi nya dahil sa pagod.
I don't know what happened next because darkness slowly consuming me and the only thing on my mind was this girl is crazy.
Sinong matinong babae ang mangangahas na tumapak sa ganoong kadelikadong lugar just to save someone she thought committing suicide.
*****